Close
 


Mahina ang Puso (Heart Failure): Paano Maging Normal Muli. - By Doc Willie Ong
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Mahina ang Puso (Heart Failure): Paano Maging Normal Muli. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) #HeartDisease #HighBloodPressure #Diabetes #Cholesterol #SakitSaPuso Panoorin ang Video: https://youtu.be/ZUt5UTc0uBM
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 17:13
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:01.0
Pag-usapan po natin ang mahina ang puso. Mahina ang puso, lumalaki ang puso.
00:08.6
Medical term dito, congestive heart failure.
00:12.0
So bilang internist at cardiologist, ito po talaga linya ko, ito yung mga inaaral namin.
00:18.2
Mga 1% ng tao pwede magkaroon ng congestive heart failure.
00:22.8
Mahirap sa pasyente, medyo mahirap din gamutin. Maselan siya.
00:28.9
So usually kailangan specialist para maganda timpla ng gamot.
00:35.2
Unang-una kasi, bago humina ang puso, bago siya mawalan ng lakas, usually lumalaki muna.
00:45.3
Katulad nito, enlarged heart lumalaki.
00:48.1
Ba't lumalaki ang puso? Pwede sa high blood, pwede sa congenital heart disease, may butas yung puso.
00:55.4
Pwede yung valvula, may sira.
00:57.9
Aromatic heart disease, o pwedeng may barado lang dito sa artery.
01:02.6
Yan ang very common, coronary artery disease. Sigarilyo, matataba ka ng kain, naka-heart attack, nagbabara ito, kaya humihina ang puso.
01:12.3
Nagiging malamya at medyo lumalaki.
01:16.5
Meron naman, bukod sa malaki yung puso, yung iba naman, kumakapal lang ang puso.
01:22.8
Iba yun. Pag kumakapal lang yung puso, usually high blood lang ito.
01:27.9
Kaya pag makapal ang puso, high blood, malakas pa yung pumping niya, hindi pa siya heart failure.
01:32.9
So ito, lumalaki ang puso, kumakapal ang puso, may gamot tayo dito.
01:37.0
Pero hindi pa siya talaga heart failure, papunta pa lang doon sa heart failure.
01:44.5
So ano itong heart failure? Yung puso ka ng kasipon natin, kailangan niya magbomba ng dugo.
01:50.4
Siya yung taga-pump. So pagbomba niya ng dugo, magbibigyan ng dugo sa buong katuan.
01:55.7
Ang pinaka-explanation ko dito sa puso,
01:57.9
para siyang goma. Para siyang muscle kasi siya, para siyang goma.
02:03.8
Gusto mo yung goma mo maganda, maganit, at hindi malaki.
02:08.5
So pag ginanyan mo yung goma mo, magsasara siya.
02:10.6
So pag bumomba siya, malakas yung daloy ng dugo.
02:14.3
Pag heart failure, ang nangyayari doon sa goma mo, pwedeng lumuwag yung goma.
02:19.1
Diba pag yung goma natin luma na, pwedeng maging manipis.
02:23.4
Manipis yung goma, mahina na yung goma.
02:26.5
Tapos pag binuksan mo yung goma, parang wala nang power.
02:29.7
Diba? Malaki na, ayaw na bumaba.
02:32.2
So pag naging malambot na, lumaki na yung puso, heart failure na yun.
02:36.7
Baga sa goma, ayaw na bumalik sa normal.
02:39.3
Kaya yung puso, imbis na pag pump niya, maraming dugo lalabas.
02:44.2
Pag pump niya, pag ganun-ganun na lang, mahina na yung daloy.
02:48.1
So pag ganun niya, wala nang pressure. Kaya nag-iipon na ang dugo.
02:52.6
So ang nangyayari dyan, mag-iipon na ang dugo.
02:55.2
So.
02:56.5
Pag naumikot sa buong katawan, yung dugo mo, mag-iipon muna sa baga.
03:02.4
Okay? Mapupuno ng tubig yung baga, hirapan huminga.
03:06.7
Tapos mapupuno na yung kanang bahagi ng puso, magagalit na itong mga ugat.
03:12.2
Pag nakahiga, labas itong mga ugat, mga JVP, jugular veins yan.
03:17.1
Tapos lalaki na yung tiyan.
03:18.6
Paano? Hindi na nga niya matulak yung dugo eh.
03:21.7
Mag-iipon na sa tiyan, magmamanas na.
03:24.0
So marami ng sintomas yun.
03:26.5
Yun ang heart failure.
03:29.2
Okay? Kaya yan ang mga sintomas.
03:31.1
Sinasabi ko, pag akyat sa hagdanan, isa-dalawang hagdanan, hingal na.
03:36.6
Diba? May tubig na sa baga, tsaka mahina na yung pumping ng puso.
03:40.6
Magmamanas ang tiyan, magmamanas ang paa.
03:43.5
Pag nagmanas ang paa, usually tatlong possibilities.
03:47.5
Pwedeng heart failure, mahina.
03:50.1
Pwedeng kidney failure, sira ang kidneys, ay umihi, manas din.
03:54.2
Pwedeng liver failure, may konting manas.
03:56.5
Manas din sa paa.
03:58.0
So, heart, liver, or kidney.
04:00.1
Pero pag ganito, sa example natin, heart failure.
04:03.6
Isa pa, pag malaki yung puso, mahina na yung buga,
04:07.3
eh magluloko na rin tibok ng puso.
04:09.0
Siyempre, bibilis.
04:10.7
Bibilis siya, hirap siya eh.
04:12.2
Tapos, mabilis ang tibok, minsan irregular ang tibok.
04:16.0
Pwedeng mag-chest pain.
04:17.7
Kung ang cost ng pagluwag ng puso, paglambot,
04:21.3
ay barado yung mga arteries,
04:24.4
eh, sasakit ang dibdib.
04:26.5
Inuubo, may pulmonary symptoms siya.
04:29.5
Ba't siya may pulmonary symptoms?
04:31.5
Kasi nga nagkatubig yung baga eh.
04:33.5
Pag in-X-ray, kita, tubig ang baga.
04:35.5
Pag pinakinga ng doktor dito, maririnig, may crackles.
04:39.5
Parang crack-crack, naririnig rin ng doktor.
04:41.5
Tubig yun.
04:43.5
Tapos, pag ubon niya, hindi siya plemang bacteria na green.
04:46.5
Ang plema niya parang pinkish na parang may laway na pink.
04:51.5
Yun ang galing sa pulmonary edema.
04:54.5
Tapos, ihi din ang ihi.
04:56.5
So, yan ang symptoms.
04:58.5
Sira puminga, nahihilo.
05:00.5
Isa pa,
05:02.5
pag heart failure, pag nakahiga,
05:05.5
nalulunod sila ang feeling.
05:07.5
Pag hiniga mo sila, sabi nila nalulunod ako, hindi ako makahinga.
05:11.5
Dapat nakaupo sila.
05:13.5
Pag nakaupo, medyo bumababa yung tubig eh.
05:16.5
Kaya lang nag-iipon nga sa paas at yan.
05:18.5
Kasi pag higa, aakyat yung tubig.
05:20.5
So, punong-puno sila ng tubig sa katawan.
05:22.5
Kasi nga yung puso, hindi naman itulak yung...
05:25.5
Itulak yung dugo.
05:27.5
So, baga sa ano, traffic na.
05:29.5
Nag-traffic na.
05:31.5
Pwede pa ba mag-exercise?
05:33.5
Pag may heart failure, talagang acute na heart failure, hirap pa, hindi pa pwede mag-exercise.
05:39.5
Dapat controlled muna yung heart failure.
05:42.5
Parang high blood, kung high blood na sobra taas, hindi pa pwede muna mag-exercise.
05:46.5
Dapat controlled muna blood pressure, controlled muna yung heart failure.
05:51.5
Anong test?
05:53.5
ECG?
05:54.5
Actually, ECG, halos walang ganun tulong sa heart failure.
05:58.5
ECG, kita mo lang kung may bara sa ugat minsan.
06:02.5
Lumalaki ang puso, may clue sa ECG pero hindi siya 100%.
06:07.5
Ang pinakamaganda sa heart failure, 2D echo.
06:10.5
Ultrasound ng puso.
06:13.5
Sa ultrasound ng puso, makikita yung laki ng left ventricle kung lumalaki.
06:19.5
Tsaka, ito sigurado.
06:21.5
Pag sinabihan kayo lumalaki ang puso nyo, ito importante.
06:24.5
Pag sinabihan po kayo na lumalaki puso nyo base lang sa x-ray,
06:30.5
huwag muna matakot.
06:32.5
Maraming nagkakamali sa x-ray na kala malaki, kala hindi.
06:36.5
Dapat 2D echo.
06:38.5
Misan kala sa x-ray malaki kasi x-ray lang yan, shadow lang.
06:42.5
Pero sa 2D echo, malalaman kung malaki o hindi.
06:45.5
Meron sinasabihan malaki ang puso base sa ECG.
06:48.5
Malakas yung tibok, mataas yung sa V5, V6.
06:52.5
Sasabihin nila mataas ang kuryente, baka malaki yung puso.
06:56.5
Pero pag in-echo, normal naman.
06:59.5
Meron naman sinasabihan ng puso sa kapa.
07:01.5
Kapa lang, lakas ng kabog.
07:03.5
Iisipin, malaki na ang puso.
07:05.5
Pero tandaan nyo, sa experience ko, may tao, tulad ko, maliit ang dibdib.
07:11.5
May tao small chested.
07:13.5
So pag maliit ang dibdib mo, payat siya, yung puso, kala mo malakas.
07:20.5
Kala mo lang malakas siya, paano maliit kasi yung dibdib niya.
07:23.5
So para masabi na sigurado, bago kayo matakot, bago kayo matakot na malaki puso ko, delikado na ako.
07:31.5
Papa 2D echo para sigurado na anong sukat ng puso at anong lakas ng pumping.
07:38.5
Anong lakas ng pumping niya kung may heart failure o wala.
07:42.5
Ang chinecheck natin sa 2D echo, ito lang isang number, very important.
07:46.5
Ejection fraction.
07:47.5
Gano'ng kalakas ang bomba nung leg.
07:49.5
Dok Liza, pwede ba makuha yung puso?
07:52.5
Gano'ng kalakas ang bomba ng puso?
07:57.5
Ang normal is mga 55%.
07:59.5
Ibig sabihin, pag contract ng left ventricle, kailangan tumapon yung 55% to 70%.
08:07.5
Ito, puso.
08:09.5
Laki ng puso natin.
08:11.5
Hindi naman ganito ko laki.
08:13.5
Yan, okay.
08:15.5
So kung nag-pump yan, dapat ito, ito yung left ventricle.
08:19.5
Ito normal ito.
08:21.5
So pag pump niya, maganda pagka-pump niya, dapat 55% to 70% lalabas yung dugo.
08:27.5
Pag heart failure, lumalak ito.
08:30.5
At ito, numinipis, tumihina.
08:34.5
Ba tumihina? Pwedeng may heart attack.
08:37.5
Pag heart attack, pag nagbara, tumaugat na ito.
08:40.5
Yung mga red.
08:42.5
Pag nagbara yan, mamamatay yung muscle.
08:45.5
Pag namatay yung muscle, ayaw na magbomba.
08:47.5
Kaya hindi na matapon yung dugo.
08:49.5
Hindi na niya mabigay sa utak, sa katawan.
08:52.5
So pag nagkulang ng oxygen at dugo, mag-iipon yung dugo muna sa lungs.
08:58.5
Tapos mag-iipon sa kanan.
09:00.5
Pag nag-iipon dito, mag-iipon sa leegs at yan sa paa.
09:04.5
So important ito sa puso.
09:06.5
So ejection fraction, napakahalaga.
09:09.5
Lagay ko na lang dito.
09:11.5
So yan, merong pag high blood, lumalaki ang puso.
09:15.5
Pero pag high blood, matagal pa bago mag-heart failure.
09:18.5
Usually hindi naman siya agad mag-heart failure.
09:21.5
Ito yung delikado, yung bara sa ugat.
09:23.5
Pag barado itong mga ugat na ito.
09:26.5
Itong mga coronary arteries.
09:28.5
Dahil sa sigarilyo, lechon, mantika, taba, stress, namamana, pati alak.
09:36.5
So pag nagbara itong mga ugat na ito, may high blood, may diabetes, may cholesterol, hindi ginamot.
09:42.5
Pag nagbara ito,
09:44.5
pwede mamatay yung muscle yung nagsusupply.
09:48.5
Pag ito nagbara, itong muscle affected.
09:50.5
Pag itong bara sa kaliwa dito,
09:52.5
pag sa kanan, ito naman.
09:54.5
Pag malaki ang bara dito sa puno,
09:56.5
yung buong muscle ang namamatay, yung nandelikado.
09:59.5
So pag nasira, lumalaki ang puso, humihina.
10:03.5
Kita sa x-ray.
10:05.5
X-ray kasi konting laki lang, sasabihin malaki na eh.
10:09.5
Pero ito halatang malaki talaga siya.
10:11.5
Anong gamutan?
10:13.5
Usually, cardiologist at specialist nang bibigay.
10:16.5
Medyo maselan kasi siya.
10:18.5
Pero kaya rin naman ang ibang doktor.
10:20.5
Pero medyo maselan siya kasi unang-una,
10:23.5
punong-puno ng tubig yung pasyente,
10:25.5
kasi hirap na nga magpapaihiin mo siya.
10:29.5
Binibigay namin ng pampaihi.
10:31.5
Usually, furosemide.
10:33.5
Tapos ito lang yung isa sa dalawang kondisyon
10:37.5
na pinapabawas namin yung inom ng tubig.
10:40.5
Ninety-nine percent ng tao,
10:42.5
lahat inom maraming tubig.
10:44.5
8 glasses of water, 12 glasses of water.
10:47.5
Malaking tulong sa katawan.
10:49.5
Healthy ka pa, kailangan mo maraming tubig.
10:51.5
Maganda rin yan sa puso.
10:53.5
Pero kung talagang sira na yung puso,
10:55.5
mahina na yung puso, manas na manas na,
10:58.5
ay doon tayo magbabawasan ng tubig.
11:00.5
Mga 3 to 4 glasses lang.
11:02.5
Siguro, isang aros, isang litro lang.
11:05.5
Doon lang ang exception na pwedeng bawasan yung tubig.
11:08.5
Kasi nga, marami na siyang tubig.
11:10.5
Nalulunod na yung baga ng tubig.
11:13.5
Kaya walang choice. Bawas tubig at pampaihi.
11:16.5
Itong dalawang gamot, napakaganda.
11:19.5
Acinibitor at ARBs.
11:21.5
Itong mga Captopril, Enalapril, Perindopril,
11:26.5
at yung mga Losartan, Telmisartan.
11:28.5
Either pwede dito.
11:30.5
Ako kasi mas preferred ko itong mga Pril.
11:32.5
Mas luma, mas maraming pag-aaral.
11:34.5
Okay din naman itong mga Sartan.
11:36.5
Yan ang binibigay sa tamang dosis.
11:39.5
Parang magic eh.
11:41.5
Para lumakas ulit ang puso.
11:44.5
Maganda siya. Para lumakas ulit ang puso.
11:47.5
Yan lang binibigay namin.
11:48.5
Pero merong right timing at right dose.
11:52.5
Ang ginagawa nitong mga Acinibitor, Enalapril, Captopril,
11:56.5
niluluwag niya yung mga arteries natin.
11:59.5
Sa kamay, sa paa, niluluwag.
12:01.5
So, yung pag-pump nito, lumulubag yung artery.
12:06.5
Mas hindi siya pagod.
12:09.5
Mas kahit mahina siya, konting pump lang niya, dadaloy na yung dugo.
12:14.5
Kasi maluwag ang daanan eh.
12:16.5
So, pag maluwag ang daanan, konting tulak lang niya, aabot na.
12:21.5
So, mas lalakas siya. Paano? Less resistance eh.
12:24.5
Yan ang ginagawa ng mga Captopril, Enalapril.
12:27.5
Kahit yung mga Losartan, Telmisartan yung din ginagawa.
12:31.5
So, pero dapat tama yung dose. Medyo high dose kami magbigay.
12:35.5
Medyo mataas yung dose.
12:37.5
Mas mataas yung dose, mas lumuluwag dito.
12:40.5
Kaya itong mahinang puso mo, kahit 30%, 20% yan,
12:45.5
biglang lalakas in a few months.
12:48.5
Pwedeng lumakas. Pwedeng humaba ang buhay.
12:52.5
Minsan nga, yan lang binibigay namin.
12:55.5
Magiging normal na siya eh. Aabot na ng 50%.
12:58.5
Lumalakas. Kaya lang, kahit maging normal yung puso mo,
13:02.5
galing na kasi siya sa mahina eh.
13:05.5
So, pag galing siya sa mahina, okay, normal na siya.
13:07.5
Kaya mo na yung normal na gawain.
13:08.5
Pero, pero pag na-stress ka, nagkasakit ka, nainitan ka, nakipag-away ka,
13:15.5
nagbuhat ka, pwedeng humina ulit.
13:18.5
Pwedeng humina ulit. Kaya minsan yung iba, tuwan-tuwa na,
13:22.5
lakas na ng feeling nila, 2D echo nila, maganda na.
13:25.5
Tapos nagpabaya, nagpainit, nagpagod, nagpuyat.
13:29.5
Humina ulit yung puso. Kasi nga, dati nang may mga bara-bara.
13:35.5
Diba? So, masarap siyang gamutin kasi nga,
13:39.5
parang pag nag-recover, napakaganda.
13:42.5
Kaya lang, pag humina ulit, yun naman ang delikado.
13:45.5
Kaya dapat masunurin ang pasyente.
13:48.5
Masunurin sa dami ng inom ng tubig,
13:51.5
sa pag-inom ng gamot, at pag-monitor ng blood pressure. Okay?
13:56.5
Itong mga gamot na sinabi ko, hindi nyo pwede inumin mag-isa.
13:59.5
Bawal na bawal. Mahirap siya ibigay.
14:03.5
Sample lang.
14:04.5
Itong mga ACE inhibitor.
14:06.5
Pag mababa ang dosis ng mga Captopril, walang efekto.
14:10.5
Hindi lalakas ang puso.
14:12.5
Pag mataas naman ang dosis, pwedeng bumagsak ang blood pressure.
14:16.5
Mag-collapse ang pasyente. Diba?
14:18.5
So, itinataas mo siya hanggang kaya ng blood pressure.
14:22.5
Mahirap yung timplahan nun.
14:24.5
Sa pampaihi din, kulang ang pampaihi binigay mo, useless.
14:28.5
Manas yung katawan.
14:29.5
Malakas ang pampaihi, nasobrahan mo ng pampaihi, matutuyot yung katawan.
14:33.5
Bagsak yung potasyo, magluloko yung puso.
14:37.5
Lagot din yung pasyente.
14:39.5
So, maselan siya.
14:41.5
Maselan. Maraming akong instructions.
14:43.5
Ito gagawin, ito gagawin.
14:45.5
Ito i-check. Ito yung BP i-check. Ito yung timbang i-check.
14:49.5
Pero pag masipag yung pasyente na ayos working with their doctor,
14:53.5
pwedeng maging normal ang feeling at pwedeng humaba talaga ang buhay.
14:58.5
Proven yan. Sobrang daming pag-aaral.
15:00.5
Pag wala pa tayong heart failure,
15:03.5
gusto lang, takot lang tayo sa ganitong sakit,
15:06.5
pwede pa lahat. Exercise.
15:08.5
Inom ng maraming tubig. Healthy ka pa eh. Diba?
15:11.5
O pwede to.
15:13.5
Lose weight. Healthy na pagkain.
15:15.5
Tigil sigarilyo. Sigarilyo talaga taga-bara ng unggat.
15:19.5
Sigarilyo, stress, air pollution, high blood diabetes, ginagamot.
15:24.5
Iwas alak, iwas sigarilyo.
15:27.5
Lose weight. Reduce stress.
15:31.5
Pag-usapan ko lang konti yung athlete's heart.
15:35.5
Merong kondisyon, minsan napapabalita ito.
15:38.5
Yung mga atleta, very healthy, maayos.
15:41.5
Biglang nag-collapse. Biglang namatay.
15:44.5
Nabara yung unggat. Paano nangyari? Yung atlete siya eh.
15:48.5
Minsan kasi yung atlete, sa sobrang exercise nila,
15:52.5
itong puso nila kumakapal masyado.
15:55.5
Kumbaga sa muscle, ang laki ng muscle ng katawan nila.
15:58.5
Pati ito, kaka-exercise nila, kumakapal masyado.
15:59.5
Pati ito, kaka-exercise nila, kumakapal masyado.
16:01.5
So, pag nasobrahan ng kapal,
16:04.5
yung iba, may nangyayari na sobrang kapal yung muscle
16:09.5
na iipit yung artery.
16:12.5
Kaya pag sumakit ang dibdib ng atlete,
16:15.5
pacheck rin natin sa doktor.
16:17.5
So, baka lang may ganung chance na sumobra kapal,
16:21.5
maipit, magbara.
16:23.5
So, yung athlete's heart, mga atlete, kailangan din binabantayan.
16:27.5
Sana po nakatulong itong video natin
16:29.5
tungkol sa malaki ang puso at mahina ang puso.
16:33.5
Pwede itong maggamot.
16:34.5
Punta kayo sa internist, cardiologist nyo.
16:37.5
At least, alam nyo na naman yung mga gagawin.
16:39.5
Iiwasan.
16:40.5
Tapos, syempre, pag mahina ang puso,
16:42.5
wala mo ng sobrang biyahe, sobrang pagod,
16:47.5
long airplane ride,
16:50.5
yung mga sobrang pagod, sobrang akyat, sobrang init,
16:54.5
sobrang buhat.
16:55.5
Easy-easy lang kasi nga yung puso mo ang lakas.
16:58.5
Ang lakas, parang 50% lang o 40% lang.
17:01.5
So, dapat yung ginagawa mo,
17:04.5
hanggang doon lang muna.
17:06.5
Hanggang unti-unti siyang lumalakas.
17:08.5
Kasi mas mahina na nga po siya.
17:10.5
Salamat po. Ingat po palagi.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.