Close
 


#83 - Mga Walang Bahay sa Pilipinas / Homelessness in the Philippines?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Gaano kadami ang walang bahay sa Pilipinas? Bakit madaming street children sa mga kalsada? [FREE] Ito ang libreng transcript para sa'yo:⁠⁠ ⁠https://drive.google.com/drive/folders/1GTztDjkli1_P4hAGgOVRfF9Rl6dJbVt1?usp=sharing⁠⁠⁠ May comment ka? O gusto mo sumuporta sa proyekto na 'to? Gusto mo sumali sa Telegram Immersion Group? Patreon: ⁠⁠⁠https://www.patreon.com/ComprehensibleTagalogPodcast⁠⁠⁠ Gusto mo magbook ng lesson? Email me: ⁠⁠⁠learnrealtagalog@gmail.com⁠⁠⁠ Music used: (⁠⁠⁠⁠⁠⁠⁠⁠⁠link⁠⁠⁠⁠⁠⁠⁠⁠⁠) Improvisation 1 by ⁠⁠⁠⁠⁠⁠⁠⁠Electric Kulintang⁠⁠⁠⁠⁠⁠⁠⁠ licensed under a Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 International License⁠. Maraming salamat! About this project: I created Comprehensible Tagalog Podcast to create interestin
Comprehensible Tagalog Podcast
  Mute  
Run time: 08:39
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast.
00:12.1
Ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga walang bahay sa Pilipinas.
00:18.9
At yung bilang ng mga walang bahay sa Pilipinas ay nasa isa sa pinakamataas sa buong mundo.
00:32.5
So, malaking problema yung pagka o hindi pagkakaroon ng bahay sa buong mundo.
00:41.2
Kasi madaming tao sa mundo yung walang bahay.
00:47.1
May datos noong 2018.
00:48.9
2021, sabi isang daan at limampung milyon, milyong tao ang walang bahay.
00:58.8
150 milyon tao ang walang bahay sa buong mundo.
01:05.4
At mayroong datos na nagsasabi na yung pinakauna sa listahan,
01:13.6
yung Nigeria at yung susunod.
01:18.9
Ang Pakistan, tapos yung Egypt, at ang iba pang mga bansa tulad ng Syria,
01:27.7
ng Bangladesh, Afghanistan, at iba pa.
01:33.0
At ang Pilipinas ay nasa ikasyam.
01:39.1
So, nasa ninth place ang Pilipinas.
01:41.9
May estimated na apat.
01:48.9
Tapong milyon o halos limang milyon ang mga taong walang bahay sa Pilipinas ayon sa United Nations.
02:02.5
At mga two-thirds ng mga walang bahay ay nakatira sa Metro Manila.
02:12.7
So, madami.
02:16.0
Malaking porsyento ng mga walang bahay.
02:18.9
Sa Pilipinas ay nasa Maynila, nasa Metro Manila.
02:25.7
Mga tatlong milyon.
02:27.5
Tatlong milyon.
02:28.9
At ito ang pinakamataas na numero kumpara sa buong mundo sa isang urban area.
02:38.1
Ibig sabihin, kumpara sa lahat ng urban area sa mundo,
02:44.5
nasa Metro Manila yung pinakamadaming walang bahay.
02:48.9
Pinakamadaming homeless ng mga tao.
02:53.3
At syempre nakakalungkot kung nakapunta na kayo sa Pilipinas,
02:59.7
lalo na sa Maynila.
03:02.2
Nakikita nyo na maraming walang bahay.
03:06.6
Maraming natutulog sa kalye.
03:10.7
Natutulog sa ilalim ng mga tulay.
03:15.9
At yun.
03:17.5
At yung iba naman, mayroong bahay pero hindi maganda ang kondisyon ng bahay.
03:25.4
So, talagang sobrang makeshift na bahay lang.
03:29.6
Na walang bubong o gawa sa kahoy na hindi matibay.
03:39.5
O mga walang pintuan, walang bintana.
03:43.6
Ibig sabihin, hindi maganda.
03:47.5
Ibig sabihin, hindi maganda ang kondisyon yung bahay na yun.
03:50.8
Pero hindi ko sigurado kung kasama yun sa bilang ng United Nations o hindi.
03:57.2
Pero yun, sa Maynila, tatlong milyong tao ang walang bahay.
04:06.1
At syempre, sa ibang bansa din, parehong sitwasyon.
04:13.6
Kahit sa Europa, mayroong mga walang bahay.
04:17.5
Kung pupunta ka sa mga estasyon ng tren,
04:22.8
makikita mo na mayroong mga taong natutulog sa sleeping bag o mayroong mga tent sa Estados Unidos.
04:31.7
Pero yung nakakagulat sa Pilipinas ay madaming bata ang walang bahay.
04:39.2
Maraming bata ang natutulog sa kasada.
04:43.4
At mayroong datos na nagsasabi na
04:47.5
nasa 250,000
04:51.6
ang mga bata na natutulog sa kalsada
04:58.5
o sa mga pampublikong espasyo
05:02.6
o sa mga slums.
05:06.2
Sabi ng United Nations na
05:10.3
pwedeng underestimated pa yung 250,000
05:15.3
na numero.
05:17.5
Pwedeng hanggang isang milyon
05:19.7
ang mga bata na walang bahay sa Pilipinas.
05:26.7
At mapapansin mo ito kung tumira ka o pumisita ka sa Maynila.
05:35.3
So itong mga datos galing noong 2021.
05:39.3
So pwedeng nagbago na, pwedeng hindi nagbago
05:42.4
kasi may pandemic noong panahon na yun.
05:47.5
Pero isa lang yung sigurado na malaking problema
05:53.1
ang hindi pagkakaroon ng bahay sa Pilipinas.
06:00.3
At nakakalungkot dahil madaming bata
06:05.9
ang nasa ganitong sitwasyon.
06:10.1
At hindi sapat ang tulong ng gobyerno sa tingin ko.
06:17.5
Sa ganitong sitwasyon,
06:20.3
mayroong department sa Pilipinas,
06:24.1
yung Department of Social Welfare and Development.
06:29.8
Sabi ng United Nations na yung mga policy
06:32.9
ng department na ito
06:36.0
ay nakapokus sa
06:37.6
na gawing malinis
06:40.5
ang mga lungsod.
06:44.8
So malinis, ibig sabihin,
06:46.5
gusto nila,
06:47.5
na mawala yung mga walang bahay.
06:51.3
So pinapabalik nila sa probinsya
06:53.6
o basta hindi sila nasa lungsod.
06:58.9
Halimbawa, yung kung mayroong homeless
07:01.8
sa Quezon City
07:03.5
at taga-probinsya yung walang bahay,
07:10.4
papabalikin nila sa probinsya
07:12.5
yung walang bahay
07:15.4
para maging malinis.
07:17.5
Yung Quezon City.
07:19.5
At sa tingin ko, hindi yun
07:22.5
magandang solusyon at hindi yun
07:25.5
pang long-term na solusyon.
07:28.5
Mas maganda siguro kung mayroong affordable,
07:34.5
abot-kaya na bahay
07:36.5
at may tulong para magkaroon ng
07:39.5
trabaho at magandang hanap-buhay
07:43.5
ang mga taong ito.
07:45.5
Pero syempre,
07:46.9
yun ang parang ideal na sitwasyon.
07:50.9
Hindi ko pinag-aralan yung mga policy
07:53.9
pero yung sigurado ay malaking problema ito
07:58.9
sa Pilipinas.
08:00.9
So yun lang ang episode ngayon tungkol sa
08:03.9
hindi pagkakaroon ng bahay sa Pilipinas
08:07.9
o yung mga walang bahay sa Pilipinas
08:11.9
na top 9 ang Pilipinas sa mundo.
08:14.9
Ayon sa United Nations,
08:16.9
na datos noong 2021.
08:19.9
Salamat sa oras nyo.
08:21.9
Mayroong transcript kung kailangan nyo
08:23.9
at mayroong Patreon kung gusto nyo
08:25.9
sumuporta sa proyektong ito.
08:27.9
Salamat at paalam.