Close
 


Paano Naitayo Ng Pobreng Bata Ang Honda
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe para laging updated: http://bit.ly/8moobly Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #business #entrepreneur #inspiration
Moobly TV
  Mute  
Run time: 12:43
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Paano naitayong ng isang pobreng bata ang Honda?
00:03.7
Early 1900s, Japan, isang Ford Model T ang dumaan sa maliit na bayan ng Komyo Village.
00:10.7
Marami ang tumingin dito, pero ang pinakanabigha niya isang batang nasa gilid ng kalsada.
00:16.7
Hindi maalis ng bata ang kanyang mga mata mula sa tumatakbong sasakyan.
00:21.5
Nagtaka ito kung paano ginawa ang sasakyan at kung paano ito tumatakbo.
00:26.1
Sinubukan pa ngang habulin ng bata ang sasakyan pero syempre, naiwanan na siya.
00:32.0
Tila isang ordinaryong araw lang iyon para sa lugar at walang ibang nakakaalala sa nangyari kundi ang bata lang.
00:39.1
Hindi niya ito nakalimutan hanggang sa lumaki siya at naging may-ari ng isa sa pinakamalaki at pinakasikat na automobile company sa mundo.
00:48.8
Sa video nito, pag-uusapan natin ang buhay ng founder ng Honda
00:53.7
at kung paano niya nabuo ang...
00:56.1
Si Suichiro Honda ay ipinanganak noong November 17, 1906 sa Komiya Village, Iwata District, Shizuoka, malapit sa Hamamatsu.
01:08.2
Siya ang nag-iisang anak ni Nagihei Honda, isang blacksmith at may shop na nag-aayos ng mga bisikleta, at Mika Honda, isang mananahi.
01:17.8
Sa murang edad pa lang, nahilig na si Suichiro sa mga tools at machines na nakikita niya sa shop ng kanyang ama.
01:26.1
Pag-eskwelahan siya, ay ito pa rin ang nasa kanyang isip.
01:29.1
Hindi nagustuhan ni Suichiro ang pag-aaral. Dahil dito, naging mababa ang kanyang grades at natakot siyang ipakita ito sa kanyang mga magulang.
01:38.4
Sa mga panahon iyon, kailangan mong ipakita ang iyong mga grades sa pamilya mo at tatataka nito ng family seal bilang patunay na nakita ito ng iyong mga magulang.
01:49.4
Dito naisip ni Suichiro na gumawa ng sariling seal para sa kanyang pamilya upang siya na lang ang tumatakot.
01:56.1
At hindi na ito makita ng kanyang ama at ina.
02:00.0
Dito unang ipinamalas ni Suichiro ang kanyang kakaibang resourcefulness.
02:04.4
Sa katunayan, nang malaman ng kanyang mga classmates ang ginawa ni Suichiro,
02:08.9
nagpagawa rin sila ng family seal para hindi na rin nila kailangang ipakita ang kanilang mga grades.
02:15.1
Siyempre, nahuli rin si Suichiro at napagalitan.
02:18.8
Habang tumatanda si Suichiro, mas lumaki rin ang kanyang passion para sa machinery at automobiles.
02:24.5
Madalas siyang nagbabasa ng mga magazines tungkol sa mga automobiles.
02:29.5
Hanggang noong 1922, nakakita siya ng isang ad na nagpabago sa kanyang buhay.
02:35.6
Ang ad ay tungkol sa isang automobile company sa Tokyo sa pangalang Art Shokai.
02:41.0
Noong sumulat siya sa kumpanya, agad naman siyang tinanggap.
02:45.0
Kaya naman, sa edad na 15, umalis si Suichiro sa kanila at lumipat sa Tokyo.
02:50.9
Excited siya noong una dahil akala niya ay matututo na siya.
02:54.5
Siya tungkol sa mga automobiles, pero doon siya nagkamali.
02:58.7
Nang makita siya ng may-ari na si Yuzo Sakakibara, napagtanto nito na masyado pa siyang bata.
03:05.6
Kaya imbis na magtrabaho sa shop, ginawa lang siyang tagabantay ng shop ng may-ari.
03:11.0
Naging mahirap ito kay Suichiro, lalo na at hindi siya kumikita ng pera, pero hindi siya sumuko.
03:17.6
Nang lumaki ang shop, mas kinailangan pa nito ng manpower.
03:21.0
Kaya napilitan na silang patulungin si Suichiro.
03:23.9
Noong una ay mga maliliit lang na trabaho ang ginagawa niya, tulad ng tagahawak ng tools.
03:30.3
Pero dinagtagal, pinatunayan niya kay Yuzo na may kakaibang talento siya pagdating sa mechanics at automobiles.
03:37.8
At handa siyang magtrabaho para dito.
03:40.8
Noong napansin nito ng may-ari, agad niyang ginawang prodigy si Suichiro.
03:45.5
Pinabilib siya ng talentado at masipag na binata.
03:48.6
Sa mga panahon iyon, naging patok sa mga tao ang sport na racing.
03:53.9
Kaya naman, noong 1923, nagsimula na rin gumawa ng mga racing cars ang Art Shokai Garage.
04:00.6
Noong 1923, nabuo nila sa tulong ni Suichiro ang The Curtis na isang racing car.
04:06.6
Ang engine nito ay mula sa isang American Curtis biplane at gumamit sila ng chassis na isang Mitchell car.
04:13.5
Isinali nila ito sa 5th Japanese Motor Car Championship noong 1924 at nanalo ng first place.
04:20.8
Sa karerang iyon, si Suichiro ang first engineer.
04:23.9
Nung 1928, nagtayo ng bagong branch ang Art Shokai Garage sa Hamamatsu at agad pinili ni Yuzo ang kanyang binatang prodigy upang mamuno dito.
04:37.5
Noong una ay hindi naging maganda ang takbo ng negosyo.
04:41.1
Maraming customers ang hindi nagtiwala kay Suichiro dahil sa murang edad nito.
04:46.0
Kadalasan sa kanyang mga customers ay yung mga nireject ng ibang shops.
04:50.0
Pero dinagtagal, nakita din ng mga tao ang sipag at taliw.
04:53.9
Kung noong una ay siya lang ang nag-iisang nagtatrabaho sa bagong shop, ngayon ay nagkaroon na siya ng 30 staff.
05:02.3
Maliban sa galing ni Suichiro sa mechanics, sikat din siya bilang isang talentadong race driver.
05:08.1
Sa katunayan, naset niya ang record para sa pinakamabilis na race speed sa Japan.
05:13.6
Isang record na tumagal ng 20 years bago pa malagpasan.
05:17.7
Pero noong 1936, naaksidente siya at kinumbinsi siya ng kanyang pamilya.
05:23.9
Na hindi na mag-karera.
05:25.6
Pumayag naman siya.
05:27.2
Sa taong iyon, napagod din si Suichiro sa pagre-repair ng mga sasakyan.
05:32.0
Ginusto niyang gumawa ng sarili niya.
05:34.3
Sinabi niya ito sa kanyang boss.
05:36.3
Pero hindi nagustuhan ng mga may-ari ang ideya.
05:39.3
Malaki ang kinikita ng garage sa pagre-repair at malaking sugal ang mag-manufacture ng sasakyan.
05:44.7
Kaya naman, gumawa ng sariling kumpanya si Suichiro.
05:49.5
Itinayo ni Suichiro ang Tokai Seiki Heavy Industry.
05:53.2
Sa tulong niya,
05:53.9
ang naging presidente ng kumpanya.
05:57.6
Binalak nilang mag-manufacture ng piston rings pero hindi nila ito nakuha agad.
06:03.1
Nagtayo ng research center si Suichiro upang pag-aralan kung paano gumawa ng piston rings.
06:09.2
Habang pinapatakbo niya ang kanyang kumpanya,
06:11.8
nagtrabaho pa rin siya sa Art Shokai Garage.
06:14.8
Pumayad si Suichiro dahil sa sobrang stress.
06:17.9
Pero hindi siya sumuko.
06:19.6
At noong 1939,
06:21.9
nakuha na rin nila kung paano gumawa ng piston rings.
06:23.8
Agad na umalis si Suichiro sa Art Shokai Garage at nag-focus sa kanyang kumpanya.
06:31.3
Sa mga panahon iyon,
06:32.9
sikat na ang Toyota bilang isa sa mga kilalang automobile companies.
06:37.4
Nag-order ng 50 piston rings ang Toyota mula kay Suichiro.
06:42.0
Pero hindi nito nagustuhan ng produkto.
06:44.7
Mula sa 50 piston rings,
06:46.6
tatlo lang ang pumasa.
06:48.8
Pinagsikapan pa ni Suichiro ang pag-imbento.
06:51.1
Sa katunayan,
06:52.6
nag-enroll pa nga siya sa
06:53.8
Hamamatsu Industrial Institute upang mas matuto pa sa paggawa ng piston rings.
06:59.2
Nagpunta din siya sa iba't ibang piston manufacturing companies sa bansa.
07:03.1
At sa wakas ay nagtagumpay din siya.
07:05.7
Nakaimbento si Suichiro ng piston ring na hindi lang pasado sa standards ng Toyota.
07:11.4
Sobrang taas pa ng quality.
07:13.8
Agad na nag-order ang mga automobile companies kay Suichiro
07:17.0
at tila maganda na ang pupuntahan ng kanyang negosyo.
07:20.5
Pero may kamalasan na naman na dumating.
07:23.8
Noong 1941,
07:25.2
sumali ang Japan sa Pacific War
07:27.4
at naapektuhan ang negosyo ni Suichiro.
07:30.0
Kinuha ng Ministry of Munitions ang kontrol sa kumpanya
07:33.6
at kinuha paan ng Toyota ang 45% equity nito.
07:37.4
Maraming mga workers ni Suichiro ang napilitang umalis sa trabaho
07:41.5
dahil na-drafts sila sa military para sa gera.
07:45.0
Noong 1945,
07:46.6
mas naging malala pa ang sitwasyon
07:48.7
nang tamaan ng isang air raid ang factory ni Suichiro.
07:51.9
At pagkatapos ng gera,
07:53.7
napilitan siyang ibenta ang buong kumpanya sa Toyota.
07:57.7
Nagpahinga muna si Suichiro sa paggawa ng mga piston rings.
08:01.7
Naghirap din ang Japan pagkatapos ng gera.
08:04.7
Tila tapos na ang pangarap ni Suichiro.
08:07.2
Pero isang araw,
08:08.4
nakakita siya ng isang generator engine
08:10.9
na ginamit ng mga sundalong Japon para sa kanilang wireless radio.
08:15.2
Doon niya biglang naisip kung paano ilalagay ito sa isang bike
08:19.5
upang hindi na kailangang magpidal ng mga tao.
08:23.0
Noong 1946,
08:24.5
ginamit ni Suichiro ang kanyang lumang warehouse
08:27.0
upang itayo ang Honda Technical Research Institute
08:30.5
at mag-focus sa kanyang naisip.
08:32.5
Nang makabuo na sila ng motorbikes,
08:35.0
nagustuhan nito ng mga tao dahil hindi ito mahal at madali lang gamitin.
08:40.0
Noong wala na silang makuha na lumang radio engines,
08:43.0
nag-imbento ang grupo ng kanilang sariling engine.
08:46.0
At noong 1947,
08:48.0
tagumpay nilang nabuo ang Type A engine.
08:51.0
Sa unang pagkakataon,
08:52.0
may tatak itong Honda.
08:54.0
Matapos ng isang taon,
08:56.0
itinayo rin niya ang Honda Motor Company na kilala natin ngayon.
09:00.0
Noong 1949,
09:02.0
nabuo ng Honda ang kanilang pinakaunang motorcycle,
09:05.5
ang Honda Model D.
09:07.5
Pero masyado itong mabigat at mahal,
09:10.0
kaya marami ang hindi bumili.
09:12.0
Kaya naman,
09:13.0
ginawa nila itong mas maliit at mas magaan
09:16.0
upang maging mura din siya para sa mga tao.
09:19.0
Pagkatapos ng tatlong taon,
09:21.0
pinilabas ng Honda ang Super Cub motorcycle.
09:24.0
Agad itong sumikat sa mga tao
09:26.0
dahil hindi ito kamahalan at napakagaan lang nitong dalhin.
09:30.0
Hindi lang ito sa Japan sumikat.
09:32.0
Noong 1958,
09:34.0
umabot na sa US ang Super Cub
09:36.0
at nagustuhan din ito ng mga Amerikano,
09:38.0
lalo na ang middle class working Americans
09:41.0
dahil sobrang mura lang nito
09:43.0
kumpara sa mga motors na gawa ng mga American companies.
09:47.0
May presyo na $295 ang Super Cub.
09:50.0
One-fourth lang ng mga presyo ng American motorcycles
09:54.0
na tulad ng Triumph at Harley-Davidson.
09:57.0
Pagsapit ng 1960s,
09:59.0
ang Honda na ang pinakamalaking motorcycle company sa buong mundo.
10:03.0
Pero tila kulang pa rin ito para kay Suichiro.
10:07.0
Hindi maalis sa isip niya ang rason kung bakit nahilig siya sa ganitong bagay,
10:12.0
ang 4T model na nakita niya noong bata pa lamang siya.
10:16.0
Ang unang ginawa nila ay ang
10:18.0
T360 Mini Pickup Truck na sinundan naman ng S500 Sports Car.
10:24.0
May mga bumili ng mga sasakyang ito pero hindi ito karamihan.
10:28.0
Tunay na nagtagumpay ang Honda sa automobile business
10:31.0
nang magawa nila ang isa sa pinang kasuksesful na sasakyan sa kasaysayan,
10:36.0
ang Honda Civic.
10:38.0
Inilabas ni na Suichiro ang Honda Civic noong 1972
10:42.0
at agad itong pumatok sa mga tao.
10:44.0
Maganda ang porma nito at hindi rin ganoon kalaki.
10:48.0
Kaya maganda itong dalhin.
10:50.0
Pero maliban dyan, may isa pang rason kung bakit napakapatok nito.
10:54.0
Noong 1970s, nagkaroon ng oil crisis sa mundo
10:58.0
at pinakanaapektuhan ang mga gumagamit ng sasakyan.
11:01.0
Pero may pangontra si Suichiro dito.
11:04.0
Nakaimbento ang kanyang grupo ng isang panibagong method sa paggamit ng gasolina.
11:09.0
Ang Compound Vortex Controlled Combustion
11:12.0
kung saan pwede nang makabiyahin ng mas malalayong distansya ang sasakyan mo
11:17.0
nang konting gasolina lang ang ginagamit.
11:20.0
Sa katunayan, ayon sa copilotsearch.com,
11:23.0
ang Honda Civic ang panglima sa pinakamabentang sasakyan sa kasaysayan
11:28.0
na nakabenta ng 27 million units.
11:32.0
Sinundan din ito ng mga sikat pa na Honda cars
11:35.0
na tulad ng Honda Accord at marami pang sikat na sasakyan.
11:39.0
Sa loob lamang ng ilang taon,
11:41.0
ang Honda mula sa pangatlong pinakamalaking car producer sa Japan
11:45.0
ay naging pangatlong pinakamalaking car producer sa buong mundo.
11:50.0
Nagretiro mula sa kanyang posisyon si Suichiro Honda noong 1973
11:55.0
at pumanaw siya noong 1991 sa edad na 84.
11:59.0
Hanggang ngayon ay sikat pa rin ang Honda hindi lang sa Japan
12:03.0
kundi pati na rin sa buong mundo.
12:05.0
Tuwing mga sasakyan at motor ang pinag-uusapan,
12:08.0
hindi mo pwedeng hindi banggitin ang Honda.
12:11.0
Nakakabilib kung iisipin mo na ang lahat ng ito,
12:14.0
na ang lahat ng ito ay nagmula sa isang mahirap lamang na bata
12:17.0
mula sa isang maliit na bayan sa Japan.
12:20.0
Isang patunay na kahit ano pa ang estado mo sa buhay,
12:24.0
basta may sipag ka lang at determinasyon,
12:27.0
kaya mong abutin ang iyong mga pangarap.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.