Close
 


BESTIDANG PUTI | ALDREN | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 24:15
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, ikaw ay hindi nag-iisa 🎵
00:11.0
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, may nagmamahal sa'yo 🎵
00:24.0
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, Papagdudud Stories 🎵
00:37.0
Isang magandang gabi sa'yo at sa lahat ng mga nakatutok sa iyong channel.
00:45.2
Ako po si Aldren J. Villanueva, 29 years old at dito ako ngayon nakatira sa Quezon City.
00:53.0
Binanggit ko na.
00:54.0
Ang aking totoong pangalan para patunayan sa inyo na totoo ang kwentong ibabahagi ko sa inyo at hindi katang isip lamang.
01:04.1
Papagdudud, matagal mo na akong listener at subscriber sa Papagdudud YouTube Channel
01:08.5
at sobra talaga akong nahuhok sa mga kwentong tinatampok mo lalo na kapag kwentong katatakutan.
01:17.3
Nakaka-relate ako since nakaranas ako ng totoong kababalaghan maraming taon na.
01:23.0
Ang nakakalipas.
01:24.0
Year 2012.
01:28.4
Kanilipat lang namin ang pamilya ko sa isang bahay na binili ng aking mga magulang sa murang halaga.
01:36.6
Hindi pa naman kalumaan ang bagong tahanang yon.
01:40.4
Pagpasok sa sala ay makikita ang disenyong nag-aagaw lamang.
01:45.5
Sa dalawang kulay, itim at puti.
01:48.7
May isang hagdan paakyat sa ikalawang palapag.
01:51.4
Kung saan ay makikita ang tatawag.
01:54.0
Sa ilalim, mula bandang kanan ng hagdanan, ay naroon ang isang banyo papadudut.
02:02.8
May isa rin pinto patungo sa kusina.
02:05.8
May mga naiwan paraong mahalagang kagamitan gaya ng refrigerator, gas stove at ilang aparador.
02:14.5
Ang ikalawang palapag ay may tatlong kwarto.
02:18.1
Ang una ay para sa mga magulang ko.
02:21.0
Ang ikalawa naman ay sa bunsong kapatid ko.
02:24.0
At ang huli ay para sa akin.
02:28.9
Mapagmasid ang aking mga mata noon habang pinipihit ang pinto ng kwartong aking napili.
02:35.9
Pagbukas ay natanaw ko ang nakabukas na bintana.
02:40.9
Nilapag ko ang aking dalang mga gamit sa kamang naroon.
02:44.9
Sandali akong nagmasid sa madilim na labas ng bahay.
02:49.8
Napahinga ng malalim bago sinarado ang bintana.
02:54.0
Nakalimutan lamang siguro ng dating may-ari na isarado ito.
02:59.4
Bigkas ko noon sa aking isipan at umupo sa kama.
03:06.0
Napakalambot naman.
03:07.7
Dagdag ko pa pagkatapos ay humiga ako noon.
03:12.0
Dala ng pagod ay sandali ako na idlip.
03:15.0
Sa panaginip ay nasa isang lugar ako na maraming mga bulaklak.
03:20.1
Nagmamasid ako at para itong ang likod ng bagong bahay.
03:24.0
Sa pagkakaalam ko ay tanghaling tapat na iyon.
03:30.5
Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang isang maliit na bahay kubo.
03:35.0
Sa tabi nito ay isang puno ng akasya na may katandaan.
03:40.3
May kung anong nagtulak sa akin upang lumapit doon.
03:44.5
Kahit kawayan lamang ang ilang dingding ng munting kubo.
03:50.7
Hindi ko makita kung ano ang nasa loob nito.
03:54.7
Interesado kong makita ang loob kaya marahan kong binuksan ang pinto.
03:59.9
Hindi pa man ganap na bukas ay may narinig akong pagdawag.
04:05.0
Aldren, sabi ng malamig na tinig ang nagtulak sa akin upang lumingon sa likuran.
04:12.1
Natanaw ko ang isang babae na kasuot ng puting bestida.
04:16.5
Mula pa hanggang uloy napagmasdan ko ang mahaba nitong buhok na umaabot pa sa lupa.
04:24.0
Ngunit bigla na lamang ako nakaramdam ng kakaimbang gimbal at takot
04:28.1
nang makita kong wala yung mukha.
04:32.1
Sumama ka sa akin, Aldren.
04:34.4
Ang wika nito sabay tinaas nito ang kanang kamay.
04:38.6
Walang ano-ano'y nagising ako at napabalikwas ako ng bangon.
04:44.1
Pinagpapawisan ako ng labis at nang mapasulyap sa bintana ay maliwanag na.
04:50.7
Buha ba ako ng hagdanan at naabutan kong...
04:54.0
...umakain na ang aking ina, ama at ang bunso kong kapatid.
04:59.2
Bakit ka kaagad natulog kagabi anak at hindi mo aba rito upang kumain?
05:04.1
Tanong ng nanay ko na nakatitig sa akin.
05:07.6
Nakatulog po ako at marahil dahil sa pagod ay nakalimutan kong gumising muli.
05:12.6
Tugon ko at sumabay na lamang ako noon sa pagkain.
05:16.6
Samantala pagkatapos noon ay nagtungo ako sa labas ng kanilang bagong bahay.
05:21.6
Naalala ko ang panaginip.
05:24.0
Lakadlakad ako patungo sa likod na bahagi.
05:26.8
May isang hardin na naglalaman ng iba't ibang mababangong bulaklak.
05:31.8
Ibinaling ko ang aking paningin sa ibang direksyon at natanaw ko nga ang isang bahay kubo.
05:38.0
Na tulad ng nasa panaginip ko.
05:41.3
Napahawak ako sa kaliwang dibdib at nakaramdam ng kakaibang kaba.
05:46.6
Napahinga pa nga ako ng malalim bago lumapit doon.
05:50.8
Hindi ko batid pero interesado akong makita kung ano ang...
05:54.0
... naroon sa loob.
05:56.3
Isang metro mula sa pinto ay biglang lumakas ang ihip ng hangin.
06:00.7
Dahilan upang panandaliang magtayuan ang aking balahibo.
06:05.6
Marahan kong binuksan ang pinto.
06:09.0
Marinig pa ang kaunting ingay na binubuo mula roon.
06:14.1
Mula sa liwanag na nagmumula sa araw ay tumambad sa akin ng isang pala, lubid at tubong bakal.
06:22.2
Naitaas ko pa ang kilay ko sa labas.
06:24.0
Sabis na pagtataka kung para saan ang mga yon.
06:28.6
Sinuri ko rin ang buong loob ng kubo.
06:31.7
Sa harap ay may itim na kortinang nakatakip.
06:35.6
Dahan-dahan ko yung binuksan.
06:38.1
Sa likod ng kortina ay tumambad sa akin ang mga nakasampay na damit ng isang babae.
06:44.1
Lumang-luma na ang mga ito at punong-puno ng mga alikabok at agyo.
06:49.8
Samantala habang pinagmamasdan ang mga damit na yon.
06:54.0
May likido o butil ng tubig ang pumapatak ng paisa-isa sa aking mga kamay na nakahawak sa kortina.
07:03.1
Unti-unti akong tumingala at sa isang kisap ng mga matang nagtataka ay biglang may nahulog na puting bestida.
07:12.4
Napatras ako noon dahil sa pagkakagulat.
07:16.2
Binitawan ko ang kortina at marahang pinulot ang damit na nahulog sa sahig.
07:22.0
Sa pagtayo ay nakita ko na ito.
07:23.6
Nakita kong tumutulo ang tubig dahil basa ito.
07:28.4
Napanganga ako ng maalala ng ito ang bestidang katulad sa suot ng babaeng walang muka sa aking pananginip.
07:36.3
Nabitawan ko yon at nanginginig na lumabas ng kubo.
07:40.2
Napapaisip ako ng malalim at hindi nakita ang ama kong naglalakad.
07:46.0
Oo, sambit ni papa ng mabunggo ko siya.
07:49.6
Bakit parang nakakita ka ng multo?
07:52.1
Natatawang tanong niya sa akin.
07:53.6
Makikita sa mukha ko noon ang labis na takot at pagtataka.
07:59.4
Pawis na pawis din ako na tila nang gagaling sa mahabang paglalakbay.
08:05.1
Wala po tangi kong tugon at ninaanang ko lamang ang aking ama upang pumasok ng bahay.
08:12.4
Pagpasok ng pintuan ay bigla kong napahinto.
08:15.6
Pakaramdam ko ay may matang nagmamasid.
08:19.2
Napatingin ako sa pinto ng kusina, ng banyo, sa hagdanan at kung...
08:23.6
saang-saang bahagi ng tahanan.
08:26.7
Nagtatayuan ang aking mga balahibo mula sa hanging nagpapaikot-ikot sa loob.
08:33.2
Anong nangyayari sa akin?
08:35.1
Tanong ko sa sarili ko habang napapatakip ako ng mukha.
08:39.7
Sandali kong ipinikit ang aking mga mata at muling huminga ng malalim.
08:44.0
Hindi mawala sa akin ang masamang panaginip at ang mga nakitang bagay sa bahay kubo na tila may kinalaman din dito.
08:52.8
Papadudod na ako.
08:53.4
Pagdudod buong araw akong tahimik at matamlay dahil sa kaguluhan ng aking isipan.
08:59.2
At noong hapunan ay yun agad ang napansin ng aking pamilya at agad silang nag-worry para sa akin.
09:06.7
May problema ka ba Aldren?
09:09.3
Usisa ni mama sa akin.
09:11.8
Kanina ka pa namin inoobserbahan ng papa mo na matamlay.
09:15.7
May sakit ka ba?
09:17.4
Dagdag na tanong niya sa akin.
09:20.5
Wala po ma, matipid kong sagot noon.
09:24.2
May kinalaman ba yan sa kubo sa likod ng bahay natin?
09:27.2
Biglang wika ni papa sa akin.
09:29.9
Napansin ko kasi kanina sumula nang lumabas ka doon sa kubo ay naging ganyan ang kilos mo.
09:35.5
Napatingin ako sa aking ama.
09:38.2
Pa, ano pala ang gagawin niyo doon sa kubo?
09:41.5
Usisa ko sa kanya.
09:43.8
Sinet ko yung mga laman ng kubo kanina.
09:46.2
Puro mga lumang damit ng babae sa loob.
09:48.7
Eh susubok akong dispatsyahin yung bukas pag dumating yung basurero.
09:53.4
Kwento ng aking ama.
09:55.6
Yung kubo pwede mong gawing tambakan ng mga tools mo.
09:59.1
Sugestyon pa ni mama.
10:01.5
Ang totoo niyan ay bala ko talagang i-convert yun bilang workstation ko.
10:05.6
Sayang naman kasi kung gigibain lang natin.
10:08.5
Eh napansin ko naman na mukhang matibay pa rin naman yung mga materyale sa kubo.
10:14.1
Wika ng aking ama.
10:16.7
Epa, nakita niyo po ba yung bistidang puti sa loob?
10:20.2
Tanong ko sa kanya nang maalala ko yung babae sa aking panaginip.
10:23.4
Nakita ko naman sa mga mata ng aking ama ang pagtataka.
10:28.7
Wala akong nakitang bistidang puti sa loob.
10:31.5
Sagot niya.
10:33.0
Nagtaka naman ako at sigurado po ba kayo?
10:36.1
Kasi kanina nung pumasok ako doon sa kubo, eh nakita ko po yung bistidang puti.
10:41.2
Basa pa nga siya eh, ang sabi ko.
10:44.4
Pero ininsist sakin ni papa na wala talaga siyang nakitang bistida na kulay puti sa loob ng kubo.
10:51.4
Dahil doon ay natahimik ako at nakita ko yung bistidang puti.
10:53.4
At aaminin kong nakaramdam talaga ako ng labis na kaba.
10:59.0
Pagkatapos kumain ay tahimik lamang akong naghugas ng mga plato at kubyertos.
11:05.5
Pero nasa isip ko pa rin noon ang bistidang kulay puti.
11:10.2
Imposibleng hindi makita yun ni papa.
11:12.9
E nabitawan ko yun sa mismong tapat ng pintuan.
11:16.5
Maliban na lamang kung merong ibang nila lang.
11:19.0
Ang nagtanggal noon sa loob para hindi makita ng aking ama.
11:24.3
Sa kabilang banda, alas otso pa lamang ng gabi ay nakatulog na ako noon.
11:30.2
Pero eksaktong alas onse ng gabi, napadilat ang aking mga mata dahil may narinig akong parang umiiyak na babae.
11:38.9
Nanatili pa akong nakinig at hindi ako maaaring magkamali.
11:43.3
May umiiyak nga.
11:44.7
Sa palagay ko rin ay sa ibabayo ng aming bahay nagmumula.
11:49.5
Isinot ko ang tsinelas at marahang binuksan ang pintuan.
11:53.4
Pinindot ko ang switch at bumukas ang lahat ng ilaw mula sa sala hanggang sa kusina.
12:01.4
Dahil hindi pa rin mawala ang aking takot sa isipan, pakaramdam ko,
12:06.2
ay may taong nakaupo sa sufang nasa ibabak na aking pinagmamasdan.
12:11.3
Napatingin ako bigla sa pinto patungong kusina nang may biglang nabasag na bagay.
12:17.4
Nagulat ako noon at napatigil sa pagtahak pababa ng hagdana
12:21.7
ng muling marinig ang pag-iyak.
12:23.3
Hindi yun gano'ng kalakas ngunit ang palagay ko ay para itong nagluluksa sa isang bagay.
12:33.3
Nais ko mang bumalik na lamang ng kwarto ngunit may bahagi ng utak ko ang nagsasabing tingnan kung ano ang nangyayari sa loob ng kusina.
12:43.1
Damaman ng pinaghalong takot at kaba ay matapang akong humakbang patungo roon.
12:48.9
Pagpihit ng pinto ay dahan-dahan ko yung binuksan.
12:51.8
Unang nakaagaw ng pansin sa akin ang basag na basong nasa ibaba ng lamesang kristal.
12:57.8
Marahan akong yumuko upang sana'y pulutin ito nang marinig ng aking mga tenga ang muling pag-iyak ng isang babae.
13:06.8
Aldren, napakalamig ng tinig na tulad ng aking napanaginipan nitong nagdaang gabi.
13:14.8
Marahan akong napatayo at napaangat ng ulo sa isang bagay na nasa aking harapan.
13:20.8
Nanginginig ang aking buong katawan ng mata na o ang isang nakatalikod na taong may mahabang buho.
13:26.8
Napalunok pa ako ng laway nang makitang nakasuot ito ng puting bistida.
13:31.8
Gusto ko mang tumakbo o sumigaw ngunit hindi ko magawa yon.
13:37.8
Tila may pumipigil sa aking katawan at tinig.
13:41.8
Unti-unting lumingon ang babae at nais ko sanang sumigaw noon subalit nanlalaki na lamang ang aking mga mata dahil nangyayari.
13:50.8
Itong ito nga ang babaeng nasa aking panaginip.
13:55.8
Dahil sa wala yung mukha, itanas nito ang kanang kamay na may ilang butil pa ng tubig mula rito ang tumutulo sa sahig.
14:04.8
Hustisya, umakbang ang babae ng dalawang beses.
14:09.8
Kailangan ko ng hustisya.
14:12.8
Tulungan mo ko Aldren.
14:14.8
Muling marinig ang hikbi nito pagkatapos nito magsalita.
14:20.8
By the way, Papa Dudot, baka isipin ang mga listeners mo na literal na nagsasalita ang multong kaharap ko.
14:27.8
Hindi po gumagalaw ang kanyang bibig.
14:30.8
Pero ang boses niya ay tila ba umakalingaw-ngaw sa utak ko.
14:34.8
Kung bagay nakikipag-usap siya sa akin through mental telepathy.
14:38.8
Mabalik tayo sa aking kwento.
14:41.8
Yun nga Papa Dudot habang kaharap ko ang multo ay tinaas nga niya ang kanyang kanang kamay.
14:48.8
Para bang sinasabi niya sa akin na hawakan ko yun.
14:52.8
At yun nga ang ginawa ko.
14:54.8
Tinanggap ko ang kamay nito at marahan akong pumikit-pikit.
14:58.8
Sa pagmulat ay tumayo ako sa sahig na kinakahigaan.
15:03.8
Nagmasid sa paligid at wala na roon ang babae.
15:07.8
Mag-iisip pa man sana ng kung ano-ano.
15:11.8
Ngunit naagaw ang aking atensyon sa ingay na nagmumula sa labas ng kusinang kinakalagyan ko.
15:17.8
Lumabas ako mula roon.
15:20.8
Mula sa itaas ng hagdanan ay natatanaw ko ang pababang lalaki na may kinakaladkad na isang babaeng nakasuot ng puting bestida.
15:30.8
Agad pumasok sa isipan ko na pinapanood ko ang nakaraang nangyari.
15:37.8
Tama na.
15:39.8
Ikbi ng babae at sa isang malakas na paghampas ng tubong bakal ay nagpagulong-gulong ito patuloy.
15:47.8
Matungo sa ibaba.
15:49.8
Sunod na hinilayo ng lalaki sa buhok palabas ng bahay.
15:53.8
Makikitang nanghihinga lupa ang babae habang tulala sa malayo.
15:58.8
May kinuhang lubid ng lalaki at ipinulupot sa liing nito.
16:04.8
Sa malakas na paghatak ay tuluyan itong nalagutan ng hininga.
16:09.8
Sa bilis ng mga pangyayari ay nanatiling nanonood ako sa kaawa-awang babae.
16:16.8
Sunod na naghukay ng malalim ang lalaki sa lupa.
16:20.8
Nang matapos ay hinila nito ang bangkay ng babae.
16:24.8
Hindi pa man yon na iuhulog sa ginawang hukay ay biglang umula ng pagkalakas-lakas.
16:31.8
Tuluyan nang nilagay doon ang bangkay nito at tinakpa ng lupa.
16:36.8
Sa puntong yon ay hindi ko na napigilang mapaloha sa sinapit ng babae.
16:41.8
Samantala noong una ay hindi ko pansin ang itsura ng lalaki dahil malabo ito.
16:46.8
Pero hindi nagtagal ay unti-unting lumiwanag ang lahat at nagimbal ako kasi kilala ko ang lalaking may kagagawa ng pagpaslang.
16:54.8
Ito ang may-ari nang nagbenta sa kanila ng tahanan bago ito mag-ibang bansa.
17:00.8
Sa muling pagmulat ng aking mga mata, nakaramdam ako ng kaunting relief dahil sa wakas ay nauunawaan ko ang dahilan ng pagpaparamdam at pagpapakita ng babaeng nakasuot ng puting bestida.
17:13.8
Mabibigyan ko na ito ng hustisya.
17:15.8
Kaya kinabukasan ay agad kong kinausap ang aking mga magulang tungkol sa aking naranasan.
17:21.8
Unfortunately, papadudod ay hindi sila naniwala sa akin.
17:25.8
Anak, tapatin mo nga ako?
17:28.8
Nagda-drugs ka ba?
17:30.8
Pag akusa sa akin ng aking ama.
17:32.8
Pa, maniwala po kayo sa akin.
17:35.8
Mayroong pinatay na babae dito sa bahay natin.
17:38.8
Pinatay siya noong dating may-ari ng bahay na ito.
17:42.8
Insist ko.
17:44.8
Hindi naman makapaniwala si Mama sa mga narinig mula sa akin.
17:48.8
Parang imposibleng maging mamamatay tao si Mr. Garcia.
17:53.8
Wala sa itsura niya, ang sabi pa nito.
17:56.8
Ma, wala namang mawawala sa inyo kung papaniwalaan niyo ako.
18:01.8
Gusto niyo e sabihin ko sa inyo kung saan nilibing ni Mr. Garcia ang bangkay ng babae?
18:06.8
Agad namang sumeryoso ang mukha ni Papa.
18:09.8
Saan? Tanong niya sa akin.
18:12.8
Sa tapat ng kubo.
18:14.8
Pinatay ni Mr. Garcia ang babae sa pamamagitan ng pagsakal niya ng lubid sa biktima.
18:20.8
Sagot ko.
18:21.8
Pagkatapos noon ay dali-dali kaming pumunta sa likod bahay namin.
18:27.8
At tinungo namin ang kubo.
18:29.8
Pumasok saglit si Papa sa loob at paglabas niya ay kinuha niya ang pala.
18:36.8
Bago tayo magpatuloy, huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe.
18:41.8
Pindutin ang notification bell para updated po kayo sa mga bagong upload ng inyong si Papa Dudut.
18:48.8
Hanapin din po ang Kaistorya YouTube Channel at ang Papa Dudut Family YouTube Channel.
18:55.8
Sa ating pagkapatuloy.
18:57.8
Dito ba?
18:59.8
Gustong makasigurado ni Papa na tamang lugar na paghukayan niya.
19:05.8
Tumangu lamang ako bilang sagot.
19:07.8
Pagkatapos noon ay nagsimula nang maghukay si Papa.
19:11.8
Siguro ay pagkalipas ng 20 minutes, unti-unti nang lumitaw ang hinahanap namin.
19:17.8
Natagpuan nga namin ang mga buto ng tao.
19:20.8
At isang gutay-gutay at nabubulok ng bistidang puti.
19:24.8
May lubi din na nakatali sa lieg.
19:27.8
Patunay na totoo nga ang aking napanaginipan.
19:31.8
Dahil sa pagkakulat ay agad na tumawag ng polis si Mama habang si Papa ay hindi makapaniwala sa kanyang nahukay.
19:38.8
30 minutes after ay dumating na ang mga pagkakulat.
19:41.8
At isang naka-polis para imbisigahan ang nangyari.
19:43.8
Agad namang kaming nakipag-cooperate sa mga otoridad at lumabas sa imbisigasyon.
19:48.8
Na ang babaeng pinatay ay walang iba kundi ang totoong asawa ng sospek.
19:52.8
And the next thing I knew, nasa wanted list na ang lalaking dating may-ari ng bahay namin.
19:58.8
Naging balita rin ito sa 24 Horas noong 2012 at in-interview pa kami ng reporter na si Chino Gaston tungkol sa natagpuan ng buto ng tao sa aming property.
20:09.8
Samantala pagkatapos ng investigasyon ng mga polis, ay nagpasya si Papa na gibain na lamang ang kubo
20:17.0
At sa halip na gamitin nito ay tinayuan na lamang namin ito ng grotto ng mahal na birhen
20:22.6
Pinabless din namin ang mga magulang ko ang bahay para masiguradong matanggal ang mga mala sa aming bahay at mapalaya sa mga masasamang espiritu
20:32.2
Kung meron man, Papa dudot ilang buwan din naming inisip ang nangyari bago kami tuluyang nakamove on
20:39.4
Sa ngayon Papa dudot ay dito pa rin kami nakatira at malaki na ang naging pagbabago nito
20:46.2
Nakailang beses din kasing nirenovate ni Papa ang bahay namin simula nang magretire siya
20:53.0
At sa awa naman ng Diyos ay wala nang nagmumulto sa bahay namin simula nang mabigyan namin ng hustisya
20:58.9
Ang babaeng pinatay at binaon doon
21:02.2
Naging maayos naman ang buhay namin pagkatapos noon at heto kami ngayon
21:06.4
Sama-sama pa rin kaming nakatira dito sa bahay
21:09.4
Papa dudot totoo ang kasabihang walang lihim ang hindi nabubunyag
21:15.5
At walang hustisya ang hindi nakakamit
21:18.9
It only takes a matter of time pero lalabas at lalabas din ang katotohanan
21:24.4
Papa dudot sa mga listeners mo bahala na kayo
21:28.3
Kung maniniwala kayo sa aking kwento o hindi
21:32.0
Marami ang mga mambabash sa akin
21:35.3
Wala akong pakialam sa inyo
21:38.0
Anyway, I'll see you next time
21:39.4
Hanggang dito na lamang po ang aking kwento
21:41.6
At sana'y makarating po ito sa inyong himpilan
21:44.3
At isang araw ay mapakinggan ko na lamang sa channel mo ang aking kwento
21:49.0
Maraming salamat in advance at more power sa inyo
21:52.9
Lubos na gumagalang
21:55.2
Aldren
22:09.4
Ang buhay ay mahihwaga
22:19.3
Laging may lungkot at saya
22:25.4
Sa Papa Dudot Stories
22:30.6
Laging may karamay ka
22:39.4
Mga problemang kaibigan
22:46.4
Dito ay pakikinggan ka
22:52.4
Sa Papa Dudot Stories
22:57.4
Kami ay iyong kasama
23:05.4
Dito sa Papa Dudot Stories
23:09.3
Ikaw ay hindi nag-iisa
23:13.3
Dito sa Papa Dudot Stories
23:22.3
May nagmamahal sa'yo
23:27.3
Papa Dudot Stories
23:32.9
Papa Dudot Stories
23:39.3
Papa Dudot Stories
23:42.3
Papa Dudot Stories
23:47.3
Papa Dudot Stories
23:49.3
Papa Dudot Stories
23:50.6
Papa Dudot Stories
23:54.3
Hello mga ka-online, ako po ang inyong si Papa Dudot
23:57.3
Huwag kalimutan na mag-like, mag-share, at mag-subscribe
24:01.3
Pindutin ang notification bell para mas maraming video ang mapanood inyo
24:06.3
Maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang,
24:08.3
inyong walang sawang pagtitiwala.