Close
 


Ang Sutil Na Pulang Sapatos - Kwentong Pambata Tagalog | Mga kwentong pambata | Filipino Fairy Tales
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang Sutil Na Pulang Sapatos - Kwentong Pambata Tagalog | Mga kwentong pambata | Filipino Fairy Tales Producer: Fountain Music Company Video Production: Rohit Kathuria Panoorin higit pang mga video â–º Salamin At Ang Mayabang Na Prinsipe - https://youtu.be/kIrfAFOfclk â–º Ang Mahiwagang Basket - https://youtu.be/SJkRVnhcFN0 â–º Ang Mahiwagang Ginintuang Alimango - https://youtu.be/Yqb4Q0BTt2o â–º Ang Kwento ng Bahaghari - https://youtu.be/0BiVQ8viEa0 â–º Ang Matalinong Binibini - https://youtu.be/FWzOC-4mBHw â–º Ang Kumikinang na Prinsesa - https://youtu.be/H4hfGs-KSwY â–º King Grisly Beard - https://youtu.be/9w3vipN1n84 â–ºSi Maganda at Ang Mapeklat na Mukha - https://youtu.be/vfZfXdxLJps â–º The Weightless Princess - https://youtu.be/jzvSPQ6CNyM â–º Princess Rosette - https://youtu.be/PZXRjIWd8bM â–º Ang Mananabas ng Kawayan - https://youtu.be/pI3WOi-P6js â–º Ang halimaw na walang ngipin - https://youtu.be/ueaaigA8Jsg â–º Ang mahiwagang puno ng mansanas - https://youtu.be/MU7pYwkB8rc â–º Ang Lobo At Ang Ta
Kids Planet Filipino
  Mute  
Run time: 11:43
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:01.0
Ang Sutil na Pulang Sapatos
00:03.7
Sa isang malayong lugar ay may nakatirang cute na batang babae na nagngangalang Karen.
00:13.2
Siya ay masayahing bata na naninirahan sa maliit na bahay kasama ang kanyang ina.
00:19.6
Mahilig siyang magtanong, lalo na kung siya ay interesado sa isang bagay.
00:24.8
Ano pong maliliit na ilaw na yun sa langit, Ina?
00:27.5
Karen, iyan ay mga bituwi.
00:29.0
Ang mga tao sa Earth ay nagiging bituwin at habang buhay na nagliliwanag.
00:36.8
Si Karen ay mayroon lamang isang pares ng laruan, damit at sapatos na ginagamit pang lakad sa bayan.
00:45.0
Ginawan siya ng kanyang ina ng pares ng tsinelas, ngunit hindi ito komportable.
00:50.9
Ito lamang ang meron siya.
00:54.1
Isang araw ay nagkaroon ng malubhang sakit ang nanay ni Karen.
00:57.6
Iyan, nagtungo si Karen sa bayan upang bumili ng gamot.
01:02.0
Habang naglalakad ay nakita niya ang isang pares ng pulang sapatos.
01:07.3
Hindi niya napigilang iuwi ito sa kanila dahil nagustuhan niya ang kinang ng mga sapatos.
01:17.0
Inay, tingnan mo! Nakita ko ito sa tabing daan. Ang ganda po, diba? Bagay sa akin!
01:24.9
Karen, baka may may-ari nito.
01:27.6
Dapat mo itong ibalik ngayon.
01:30.4
Sigurado kong hindi ito iiwanan ng may-ari nang nasa karton.
01:34.4
Marahil ay nahulog lamang ito ng may-ari.
01:37.0
Dapat ay hindi niya ito nilaglag. Ako ang nakadiskubre nito, kaya akin na ito ngayon.
01:42.3
Anak, intindihin mo ang aking sinasabi. Hindi mang kita mabilha ng bagong sapatos ngayon.
01:48.6
Pero alam mong ayaw kong magsuot ka ng sapatos ng ibang tao.
01:52.7
Pakiusap, huwag matigas ang ulo.
01:55.6
Pakiusap, huwag mo itong isuot.
01:58.6
Padabog na nangako ito sa kanyang ina na hindi niya ito isusuot, kaya itinago niya ito sa ilalim ng kanyang kama.
02:07.7
Nakaraan ng ilang araw ay hindi mawala sa isip ni Karen ang pulang sapatos.
02:13.2
Hindi ako maintindihan ni nanay. Kung itinapon itong napakagandang sapatos sa daan, wala namang gagamit nito.
02:22.9
Pagkatapos ng isang linggo ay namatay ang ina ni Karen dahil sa sakit.
02:27.6
Nagdadalam-hati si Karen, ngunit may ginawa siyang kakaiba.
02:34.5
Isinuot ni Karen ang sapatos sa libing ng kanyang ina.
02:38.7
Ang mga tao na dumalo ay napatingin sa kinang ng sapatos ni Karen.
02:44.3
Bakit niya sinuot ito?
02:44.9
Malaking insulto ito.
02:48.8
Samantalang kay Karen ay baliwala ito dahil gustong gusto niya ang kanyang sapatos.
02:54.2
May isang mabait na matandang naglakad malapit sa libingan.
03:00.9
Napagalaman niya na ang batang ito ay ulila na.
03:04.7
Kaya naman naisipan niya na ampunin na lamang ito.
03:09.2
Oh, kawawang bata. Sumama ka sa akin.
03:12.8
Bibigyan kita ng tirahan at papakainin ng masarap na pagkain.
03:16.8
Pagihirapan mo ang mga bagay para makilala ka ng mga tao.
03:20.2
Oh, ano yung suot-suot mo?
03:23.2
Bakit yan ang napili mo?
03:24.2
Hindi mo isuot sa araw ng libing ng iyong ina. Hindi maganda yan. Tanggalin mo yan.
03:29.2
Hindi, maganda po ito. Akin na mga ito.
03:33.0
Oh, munting bata. Huwag matigas ang ulo. Ibibili kita ng bagong pares ng sapatos.
03:40.0
Inutusan si Karen ang matanda na tanggalin ang sapatos.
03:43.9
Nasaktan si Karen habang nagpapaalam sa pulang sapatos na ito.
03:48.3
Walang anak ang matanda kaya tinuring niya si Karen na parang totoong anak.
03:53.3
Binigyan niya ito.
03:54.2
At ito nang matutuluyan. Mga damit at bagong pares ng sapatos.
04:01.3
Samantalang ayaw ni Karen sa kanyang bagong sapatos.
04:06.0
Pero asulito! Ang pangit! Hindi ito napabagay sa akin!
04:12.9
Lumipas ang ilang taon na hinahanap pa rin ni Karen ang pulang sapatos.
04:17.8
Hanggang siya ay naging isang dalaga.
04:20.3
Ngunit ang katigasan ng ulo niya ay ganun pa rin.
04:22.9
Kahit nabinibigyan siya ng matanda ng mga regalo.
04:28.1
Ayoko po ng mga ito.
04:31.3
Pero ginawa ko ito para sa'yo.
04:34.6
Hindi ko rin ito kakainin.
04:37.1
Igawa niyo ako ng fries.
04:39.8
Tikman mo lamang ito, anak.
04:42.5
Tumayo si Karen kahit hindi pa tapos sa pagkain.
04:45.8
Kaya naman nadismaya ang matanda.
04:48.5
Gumawa ito ng french fries at dinala sa kwarto niya.
04:51.5
Habang tinatanggal ni Karen ang asul na sapatos.
04:57.4
Tingnan niyo! Lahat ng meron ako ay maliit na.
05:00.5
Malaki na ako!
05:03.5
Halika na, anak, at mamimili tayo ng bagong damit at sapatos.
05:09.5
Umalis nga si Karen at ang matanda upang mamili.
05:14.5
Tingnan niyo! Kamukhang kamukha ng pulakong sapatos!
05:18.5
Kailangan ko ito! Tara, bilihin natin!
05:21.5
Karen! Hindi mo kailangan ng mamahaling sapatos.
05:27.5
Bilihin natin yung present tablet.
05:30.5
Katulad kung makikipaglibing ka.
05:33.5
Isang pares lamang ang kaya kong bilhin.
05:37.5
Kunin natin itong itim at umuwi na tayo.
05:40.5
Napapagod na ako. Wala akong pakailan.
05:43.5
Mag-aapak akong maglakad kapag hindi mo ito binili.
05:48.5
Sana hindi ganyang katigas ang ulo mo, anak ko.
05:52.5
Binili ng matanda ang itim at kumiki ng napulang sapatos.
05:59.5
Kahit ito na lamang ang natitirang pera nito.
06:03.5
Kaya naman, naglakad sila pa uwi.
06:05.5
Nasugatan ang paa ng matanda sa paglalakad.
06:08.5
Dahil hindi niya matiis ang spoiled na si Karen.
06:12.5
Baliwala ito kay Karen.
06:14.5
Kinuha niya ang mga pares ng sapatos at umuwi na ito.
06:19.5
Isang araw ay sinabihan ang matanda si Karen na makikipaglibing sila sa bayan.
06:28.5
Karen, isuot mo ang itim na sapatos.
06:31.5
Kung hindi ay magmumukha kang bastos sa libing.
06:35.5
Unang nakita ni Karen ang kanyang itim na sapatos katabi ng makinang niyang sapatos.
06:40.5
Ngunit, sinuot niya ang kulay pula.
06:43.5
Nagsuot lamang ito ng mahabang palda upang hindi mahalata ng matanda na ito ang sinuot niya.
06:54.5
Samantalang sa buryal ay nakita ng lahat ang kanyang pulang sapatos, na bahagyang nakasilip sa ilalim ng palda niya.
07:04.5
Pinag-uusapan ng mga tao ang sapatos na suot-suot ni Karen at kung paanong nakakawalang respeto ito.
07:13.5
Nang marinig ito ng matanda ay bigla siyang nagalit.
07:19.5
Hindi ka nakinig sa aking sinasabi. At isinuot mo talaga ang pulang sapatos.
07:25.5
Karen, ang tigas ng ulo mo. Konting respeto naman.
07:30.5
Kinuha niya ang kamay ni Karen at lumabas na sila.
07:33.5
Isang sundalo ang nagmamasid sa hindi kalayuan.
07:37.5
Lumapit siya kay Karen at sa matanda at biglang nagsalita ito.
07:41.5
Habang nakaluhod, itinuturo nito ang mga sapatos ni Karen.
07:48.5
Maging suwail. Maging matigas ang ulo mo katulad ng iyong amo.
07:54.5
Itinuturo nito ang mga sapatos ni Karen.
07:57.5
O Ginoo, ano pang ginagawa ninyo?
08:00.5
Ako'y nakatingin lamang sa napakaganda mong sapatos. Siguro ay isa ka ring mananayaw.
08:08.5
Masaya si Karen sa narinig.
08:11.5
Gusto niyang mamangha ang sundalo na siya ay isang magaling na mananayaw.
08:16.5
At gumalaw na nga siya bagong magtungo sa karuahe. Ngunit…
08:24.5
Oh, bakit hindi ko mapigilan? Bakit ayaw tumigil ng paako? Anong nangyayari?
08:30.5
Karen! Anong ginagawa mo? Halika na!
08:35.5
Samantala, dinala ng mga sapatos palayo ng karuahe si Karen.
08:39.5
Hindi nakinig ang kanyang mga sapatos. Matigas din ang ulo nito.
08:44.5
Dinala nito si Karen sa kagubatan, papunta sa bundok at ito'y sumayaw ng sumayaw.
08:50.5
Masakit na ang mga paan ni Karen, pati na rin ang kanyang likod. Hindi na siya makakain at makatulog.
08:57.5
Nais na niyang umuwi at magpahinga. At hinahanap niya na rin ang matanda. Ngunit, ayaw tumigil ng mga sapatos.
09:05.5
Sumayaw lang siya araw at gabi.
09:09.5
Oh, pakiusap tulong! Pagod na ako!
09:13.5
Ngunit, walang dumating para tulungan siya. Natatakot na si Karen. Malubhang nasugatan ang mga paan ni Karen sa mga matitinig na halaman.
09:24.5
Sa wakas ay natanggal ni Karen ang sapatos. Ngunit, patuloy pa rin ito sa pagsayaw. Hindi na halos makalakad si Karen.
09:32.5
Karen at Tanging Tangkay ang tumutulong sa kanya.
09:41.5
Oh, ang sakit ng paako! Gusto ko nang umuwi!
09:46.5
Nagawa ni Karen na makauwi sa kanila. Ngunit, ang sapatos ay patuloy pa rin sa pagsunod at pagsayaw.
09:53.5
Natuwa ang matanda nang makita si Karen. Pinakain niya ito at pinagpahinga.
09:59.5
Kinabukasan ay nais ni Karen na magtungo sa bayan. Ngunit, pagbukas ng pinto ay naroon ng pulang sapatos.
10:07.5
Ayaw nitong paalisin si Karen. Nagulat silang dalawa sa kanilang nasilayan. Napagtanto ni Karen na kasalanan niyang lahat ang mga ito.
10:20.5
Hindi sana ako naging suwail buong buhay ko.
10:26.5
Naging pasaway ako katulad ng sapatos na ito. Hindi ako makaalis ng bahay. Makapunta sa paaralan at bayan. At kahit saan ako magpunta. Pasensya na po. Anong dapat kong gawin?
10:41.5
Oh, naku naman. Bakit hindi ka manalangin na umalis ang sapatos?
10:48.5
Kung tunay kang nagsisisa, ay siguradong sasagutin niyang iyong mga dasal.
10:54.5
Nagsimulang magdasal si Karen.
10:56.5
Simula umaga hanggang gabi. Pagmulat niya ay laking gulat niya nang makita ang sundalo sa kanyang harapan.
11:07.5
Anak, natutuwa ako at natuto ka sa iyong pagkakamali.
11:13.5
Dahil hindi ka nasuwail, ay ganun na rin ang iyong mga sapatos na ito.
11:18.5
Pagkatapos nun ay biglang naglaho ang sundalo at ang sapatos.
11:23.5
Nag-aral ng mabuti si Karen at hindi na niya hinayaang bumalik ang pulang sapatos sa kanyang buhay kailanman.
11:31.5
Namuhay ng mapayapa ang matanda at si Karen.
11:35.5
Wakas!