Close
 


TV Patrol Weekend Playback | April 7, 2024
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
TV Patrol is the flagship newscast of ABS-CBN. Catch the latest and top news and analysis today and every day brought to you by ABS-CBN News in the service of the Filipino. Get access to the latest and breaking news from TV Patrol on TFC Online if you’re watching overseas. Visit us here https://bit.ly/37yGXFn Subscribe to ABS-CBN News’ YouTube channel for breaking news and updates on COVID-19 and the enhanced community quarantine being observed in select parts of the Philippines to stop the spread of the disease. Don't forget to click the bell button to catch the latest videos from us. Stay updated by visiting https://news.abs-cbn.com/ For more TV Patrol video highlights, click the link below: https://bit.ly/TVP2022_2 Check out the full episodes of TV Patrol, click the link below: https://bit.ly/TVPatrolFullEpisodes Catch up with the latest news on: https://bit.ly/TeleRadyo_Livestream Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWant
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 28:36
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
🎵 Intro Music 🎵
00:18.5
Mula sa ABS-CBN News Center Manila
00:27.3
Ito ang TV Patrol Weekend!
00:36.3
Magandang hapon Pilipinas! Kami ang mga Patrol ng Pilipino
00:41.0
Nagbabalita at naglilingkod sa inyo saan man sa mundo
00:44.9
Inaasahang mararamdaman sa buong bansa ang epekto ng El Niño sa pagtatapos ng Abril
00:53.5
Pero kung gigil ng magtampisaw sa pool ang marami
00:57.2
muling nakiusap ang Task Force El Niño
00:59.9
na iwasan na munang gumamit ng inflatable pools at huwag munang maglinis ng pool
01:05.9
Nagpa-patrol, Robert Mano
01:08.3
Para ma-preskuhan sa gita ng matinding ini
01:13.4
todo babad sa inflatable pool ang mga residenteng ito ng tondo
01:17.0
Ito'y kahit nakikiusap ang pamahalaan sa pagtitipid sa paggamit ng tubig dala ng El Niño
01:23.6
Nagtitipid kami!
01:27.2
Ang ginagawa namin, kumukuha kami ng tubig
01:29.4
Tapos pag maruming-maruming na, iniipon din namin yung mga tubig para sa kubeta pambuhos
01:35.4
Kasi sa panahon ngayon, hindi pwedeng hindi maligo yung mga bata
01:38.9
Maraming nagkakasakit dahil sa sobrang init
01:41.5
Ang grupo naman ni Dave, naisipang magbabad sa portable pool
01:45.7
para mag-happy-happy dahil birthday ng mga pamangkin at asawa
01:49.4
Ninilinis na rin po namin yung daan kesa pumasahin rin yung tubig na pandilid sa alaman
01:54.6
Sabi ng Task Force El Niño,
01:57.2
paring magtipid ng tubig, lalot buong bansa na ang makararanas ng epekto nito sa katapusan ng Abril
02:03.9
Kaya pakiusap nila, kung maaari, huwag mo nang gumamit ng inflatable pools at huwag mo nang maglinis ng pools
02:11.1
Meron po tayong dalawang buwan pa na maglilinger yung efekto ng El Niño
02:15.6
Huwag po o ipagpaliban po muna yung maintenance at paglilinis ng swimming pools hanggat maaari
02:24.6
Again, pakiusap po ito
02:27.2
Pagbabawal
02:28.3
Pero po kasi talaga, kapag maglinis tayo kahit ng isang swimming pool, napakalaking konsumo po nun sa tubig
02:35.3
Madaragdagan din ang mga probinsya na maapektuhan ng El Niño
02:39.6
By the end of April, 80 out of the 82 provinces, more or less, meron ng efekto yung El Niño sa kanya
02:48.3
Pero hindi ibig sabihin nun na lahat ng sakahan mapipinsala
02:52.2
Lahat ng water reservoir o yung sources of water emissary
02:57.2
Matutuyo
02:57.8
Pero dahil nga sa init na nararanasan natin, kahit pa paano eh, masasabi nating apektado na yung buong bansa
03:05.4
Kahapon, umabot sa 42 to 44 degrees Celsius ang heat index na nararamdaman ng katawan sa ilang parte ng bansa sa Norte at sa Dumangas, Iloilo
03:15.5
Nasa kategorya ito ng danger o mapanganib na posibleng magdulot ng heat stroke
03:20.9
Kaya pinapayuhan ang publiko na laging uminom ng tubig at umiwas sa pagbibilad sa init
03:27.2
Ruth Mano, ABS-CBN News
03:28.9
Tuloy-tuloy ang pagkumpuni sa bahagi ng Ross Boulevard Flyover, pati na sa ibang kalsada sa Pasay City
03:37.7
Kabikabila rin ang road repairs sa Maynila
03:40.6
Live mula sa Pasay City, nagpapatrol si Ana Cerezo
03:44.8
Ana, kamusta ang lagay ng trapiko naman dyan?
03:51.3
Adrian, mabagal ang pagdaloy ng mga sasakyan sa mga oras na ito
03:55.9
na paakyat sa lalagay ng lalagay ng lalagay ng lalagay ng lalagay
03:57.2
ng northbound flyover ng Rojas Boulevard dito sa Pasay City
04:01.0
Hindi kasi madaanan ang isang lane na kasalukuyang kinukumpuni ng DPWH
04:06.5
Nagsimula ito noong biyernes ang road re-blocking na paakyat ng Rojas Boulevard Flyover sa north at southbound
04:13.6
at tatagal hanggang sa katupusan ng Abril
04:16.5
Ayon sa DPWH Southbound Manila District Engineering Office
04:20.6
sasa ilalim ang tulay sa concreting, re-blocking, asphalt overlay at application ng thermal
04:27.2
plastic pavements
04:28.3
Aayusin din ang mga silang bahagi ng kalsada sa Lourdes Street sa Pasay
04:33.3
at isang bahagi ng Remedio Street sa Maynila
04:36.2
Gayun din ang ilang bahagi ng Rojas Boulevard sa northbound
04:40.3
aabutin ng higit kumulang limang buwan ang pagkukumpuni
04:44.7
Para hindi maka-apekto sa daloy ng traffic, gagawin ang road repair sa gabi
04:49.8
at isa-isang lane lang din ang kukumpunihin
04:52.7
Patuloy rin ang pagkukumpuni sa ibang kalsada sa Metro Manila
04:57.2
ay sinabay sa holiday break
04:58.8
Partially closed hanggang bukas ang southbound ng Luzon Avenue
05:02.5
northbound ng Medanao Avenue
05:04.4
at ilang bahagi ng Payatas Road
05:06.6
Simula April 12 hanggang April 29
05:10.0
Ibat-ibang bahagi rin ng Quezon City
05:12.6
Ibat-ibang bahagi ng kalsada ng Quezon City ang kukumpunihin
05:16.4
Maari bisitahin ang social media pages ng DPWH
05:20.3
para malaman ang mga ito at maiwasan daanan nito sa mga oras na iyon
05:25.2
Inaabisuhan pa rin ng mga...
05:27.2
ma-opisyal ang mga motorista na dumaan sa alternate routes
05:30.8
para makaiwas sa aberyang
05:32.7
Adrian?
05:34.3
Maraming salamat, Ana Cerezo
05:36.5
Namahagi ng tulong ang Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan
05:41.8
sa mga Pinoy na naapektuhan ng lindol doon
05:44.3
Sa panayam ng Teleradyo Servisyo kay MECO Chairman Silvestre Bello III
05:49.2
sinabi niyang nasa tatlong daang overseas Filipino worker
05:53.2
ang nasa Walien County na episentro ng malakas na lindol
05:57.2
noong Merkules
05:58.2
Sa ngayon nananatili sa apat ang mga nasugatang Pinoy
06:02.2
Ligtas na anya ang lahat pero isa sa kanila ang nananatili sa ospital
06:07.5
Out of danger na si... nandun na nga sila sa...
06:13.3
yung isa nasa dorm na sa... yung dalawa nakasama namin sa meeting kahapon
06:17.9
at yung isa nasa ospital pero ito yung walang injuries
06:21.4
Ano na... nahihululong isa siguro sa takot
06:27.2
Tatlong kong koponan na ang sasabak sa MPBL Season 6
06:40.1
Dikit ang mga laro sa opening kahapon kung saan
06:43.1
nagpakitanggilas ang newcomer team na ABRA
06:46.3
Nagpapatrol Dayan Castillejo
06:48.8
Pumarada ang tatlong pong teams na kalahok sa Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL Season 6
06:57.2
Sa opening ceremony sa Kalasyao Sports Complex sa Pangasinan kagabi
07:02.8
Pagdagdag inspirasyon sa mga koponan ang pagdalo ng MPBL founder Manny Pacquiao
07:11.3
at asawang si Jinky Pacquiao
07:13.4
Best muse si Barbie Imperial ng ABRA Team
07:16.4
Isa sa tatlong expansion teams kasama ang Pangasinan at Tarlac
07:21.0
Ganyan ang lahing Pilipino
07:25.2
Enjoy ang lahat sa performance ng MPBL Season 6
07:26.1
Enjoy ang lahat sa performance ng MPBL Season 6
07:27.2
Super bilis at dikit ang opening games ng Zamboanga at Valenzuela
07:33.0
Umabot pa ng overtime, panalo ang Zamboanga 82-76
07:37.0
Super dikit din ang game 2 sa pagitan ng host Pangasinan at ABRA
07:41.1
Palitan ng 3-point shooting at fast plays
07:44.0
Pinakita ng ABRA na seryoso sila bilang contender para sa kampiyonato
07:48.5
Tagumpay ang ABRA 82-75
07:57.2
Dibisyon, and especially much slower paced game
08:01.0
And much more utakana, kumbaga, mga matatalino na eh, mga kalaban namin
08:05.7
Ayon kay Pacman, marami pang close games ang inaasahan nila sa Season 6
08:10.5
Backbaka ng MPBL, gusto na makapaglaro talaga sa MPBL
08:13.7
Kasiyahan ng MPBL na magkaroon ng player na makapaglaro sa ibang bansa
08:18.7
Kasi love din ni Manny, so love ko na rin
08:20.8
Aminado ang defending champion na Pampanga na matindi ang kompetisyon
08:25.5
Aminado ang defending champion na Pampanga na matindi ang kompetisyon
08:25.8
Ang lahat po ng teams kasi nagpainin.
08:26.3
Ang Marcos Marcos, Sebo, Ramira, and Cristianivaro, prodigy temple.
08:26.4
At times, nagpalakas po, naging sayo na mabuti.
08:30.6
And syempre, gusto din po nilang makuha yung champion din.
08:35.9
Kaya for sure, ibang bakbakad po yung ngayong season na to.
08:42.1
Super enjoy din ang crowd sa paghagis ni Pacquiao sa mga bola at t-shirt pang giveaway.
08:48.0
Anim na araw sa isang linggo ang mga laro ng MPBL.
08:51.8
Lalilibot ang mga games sa buong bansa.
08:54.6
Sa disyembre ang national finals.
08:56.6
Bago magpasko, malalaman kung sino ang bagong kampiyon ng MPBL season 6.
09:03.6
Diane Castillejo, ABS-CBN News, Pangasinan.
09:08.4
Nagsimula ngayong araw ang mga pagsasanay at pagpapatrolya sa dagat ng mga tropan ng Pilipinas,
09:15.0
Australia, Japan at US sa loob ng exclusive economic zone ng bansa.
09:20.1
Pakay ng maritime cooperative activities.
09:21.8
Na palakasin ang kooperasyon ng apat na bansa upang mapanatiling bukas at malaya ang South China Sea.
09:30.1
Nagpapatrol, Katrina Domingo.
09:36.2
Sanib puwersa sa pagsasanay ang mga tropa ng Pilipinas, Australia, Japan at US ngayong araw sa West Philippine Sea.
09:43.8
Gamit ang mga barko, eroplano, iba pang sasakyan at gamit ng apat na bansa sa maritime cooperative activity,
09:51.8
kabilang ang joint patrol sa lugar na sakop ng exclusive economic zone o EEZ ng bansa.
09:58.2
Sa isang joint statement na nindigan ang apat na bansa na pagtitibayin nila ang desisyon ng 2016 International Arbitral Tribunal,
10:05.7
isang hatol ng pandaigdigang korte na nagsasabing walang karapatan ang China sa West Philippine Sea at sa mga bahura dito.
10:13.1
Wala rin umanong sapat na basihan ang 9-line map ng China na umaangkin sa halos buong South China Sea.
10:19.6
Tinitiyak ng apat na bansa na ang mga pagsasanay na nagsimula ngayong araw ay naaayon sa international law at rumespeto sa ligtas na paglalayag ng iba pang bansa.
10:29.6
Walang binanggit na ibang bansa sa joint statement, pero binigyang diindi ni Japanese Defense Minister Kihara Minoru na ang issue ng South China Sea ay direktang nakakaapekto sa kapayapaan at kapanataga ng rehyon.
10:42.3
Tutol din anya ang Japan sa anumang puwersahang pagbabago ng sitwasyon sa lugar.
10:46.8
Nakikita naman ni Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro.
10:49.6
Ang aktibidad na isang hakbang para mas mapalakas ng Pilipinas ang kakayahan nitong ipagtanggol ang bansa.
10:56.5
Kapwa naniniwala si na Australian Deputy Prime Minister Richard Marles at US Secretary of Defense Lloyd Austin na mahalagang isulong ang karapatan ng anumang bansa na maglayag at lumipad sa mga karagatan at himpapawid alinsunod sa international law.
11:11.6
Ayon sa geopolitical analyst na si Don McLean Gil, makatutulong sa Pilipinas ang pakikipag-alyansa sa mas malalaking bansa.
11:19.6
We need to have reliable information and intelligence in order to navigate the situation more carefully.
11:25.5
And particularly with our Coast Guard at the front lines, it's important for us to leverage on this arrangement as well to boost their capabilities in this regard.
11:34.2
Dagdag naman ni Chester Cabalza ng International Development and Security Cooperation, tinatapatanan ng mas aktibong propaganda ng China ang patakaran ng Pilipinas na i-report sa mundo ang mga nagaganap sa West Philippine Sea.
11:47.7
Napansin nila para makuha rin nila yung sympathy ng international community, kailangan pa-victim din sila.
11:55.5
So in a way, ganun talaga ang laro ngayon, very complex. Pwedeng nagpapaawa effect din sila, nag-iiba yung narrative nila.
12:06.1
Samantala, katatapos lamang naisagawan ng mga tropa ng Philippine Marines ang exercise hunasan sa ilang islan ng Bataan at Kalayan sa Batanes noong Huwebes.
12:16.2
Ayon sa Defense Department,
12:17.7
layo nitong sanayin ang mga aktibo at reservist na tauhan ng Marines sa counter-landing operations at maritime security patrols para maprotektahan ang ilang bahagi ng mga isla sa hilaga ng Luzon mula sa mga posibleng bantang galing sa labas ng bansa.
12:33.9
Pero tutol si House Deputy Minority Leader Franz Castro sa umano'y pagtalaga ng mga sundalo at pagtatayo ng base militar sa Batanes.
12:42.1
Lalala lang umano ang tensyon sa West Philippine Sea at posibleng pang maging target ng mga patayong.
12:47.7
Sa darating na linggo, lilipad si Pangulong Marcos Jr. sa Washington, D.C. para makipagpulong kinayu as President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida para paigtingin ang kooperasyon at alyansa ng tatlong bansa.
13:07.5
Inaasahang tatalakayin dito ang sitwasyon sa West Philippine Sea.
13:11.4
Katrina Domingo, ABS-CBN News.
13:13.8
Ikinatuwa ng mga pasyente ng breast cancer ang mas pinalawak na benepisyo ng PhilHealth para sa kanila na ngayon ay aabot na sa 1.4 million pesos.
13:28.2
Sakop na rin ito pati ang mga pasyente na nasa stage 4 ang sakit.
13:32.5
Pero nangangamba ang ilan sa kanila na baka hindi magtuloy-tuloy ang benepisyo.
13:38.5
Nagpa-patrol easily.
13:43.8
Kaya si Curvin Eugenio na hindi na inabutan ng kanyang inang si Lily ang mas pinalawak na breast cancer benefits package ng PhilHealth.
13:52.0
Pumanaw ang kanyang nanay noong 2020 dahil sa stage 4 breast cancer.
13:56.7
Kung inabot mo kami siguro nung pano na meron ganun, mapapagang siguro din niyo sa gamutan at sa financial.
14:06.1
Kasi mam, hindi mo po alam kung saan mo kukunin niyo pagkukuha naman ng panggasto sa hospital.
14:13.8
Sa ilalim ng Z-benefits o breast cancer benefits package ng PhilHealth,
14:18.8
aabot na sa 1.4 million pesos ang pwedeng sagutin ng ahensya sa pagpapagamot ng mga pasyenteng tinamaan ng breast cancer mula sa dating 100,000 pesos.
14:28.8
At kung dati ay hanggang stage 3A breast cancer patients ang pwedeng mag-avail nito, ngayon hanggang stage 4 na.
14:37.2
Overcore ang nasabing package.
14:39.8
Yung mula sa diagnostic test, yung pung breast cancer.
14:43.8
Ang treatment at management hanggang sa surveillance.
14:47.8
Ibig sabihin hanggang sa matapos na yung operasyon ng pasyente.
14:52.9
Na yung pasyente po, i-avail nila itong ating pung benefits package sa mga contracted hospitals na po.
15:00.4
Ng PhilHealth, wala silang dapat maging co-payment.
15:03.4
Kaya laking tuwa ni Karen na apat na taon nang may stage 2 breast cancer dahil hindi aniya biro ang gasto sa kanyang gamutan.
15:11.7
Yung isang chemo session.
15:13.8
Cost around 25,000 to 30,000.
15:17.6
Yung gamot nun, that's for chemo alone.
15:21.2
Hindi pa kasama yung gasto sa laboratory, gasto sa pamasahin, what not.
15:26.1
Kung wala ka talagang pambili, madedelay ka talaga.
15:30.0
Hindi rin maiwasan ni Karen na mga mba, kaugnay sa nakalaang pondo ng ahensya.
15:35.2
Tiniyak naman ng PhilHealth na walang dapat ipagalala ang mga pasyente.
15:39.6
Hopefully, hindi siya yung katulad ng dati na...
15:43.8
Meron po tayong sapat na pondo para po tustusan ito pong pinalawak na benefit package.
15:53.0
Lalo yung nasa isang matatag na financial position para po tustusan ito.
15:59.3
So sustainable po ito.
16:00.9
Sa ngayon, dalawamput isa pa lamang ang health facilities na pwedeng i-avail ang Z-Benefits Package.
16:08.1
Kabilang dito ang East Avenue Medical Center at Philippine General Hospital.
16:13.8
Makaasa tayo na dadami po ang mga mag-a-apply na mga pasilidad para po sumali sa programa na ito.
16:21.1
Para po maging accessible sa maraming mga pasyente yung pong pagpapagamot.
16:27.2
Makaasa tayo na in the next few months, makakapagkontrata na tayo ng mga malalaki na mga private facilities.
16:35.9
Ngayong taon, plano rin palawakin pa ng PhilHealth ang Z-Benefits Package at chemotherapy para sa iba pang uri ng cancer.
16:43.8
Easily, ABS-CBN News.
16:47.9
Tumani ng batikos mula sa netizens ang isang takoyaki seller matapos aminin na scripted ang ginawang April Fool's prank na noong 2023 pa pala pinagplanuhan.
17:00.2
Sa video na ipinose ng may-ari ng nasabing negosyo, sinabi niyang marketing stunt lamang ang lahat.
17:06.2
April 1 nang ipost sa social media ang hamong magpatato sa noo ng logo ng kanyang negosyo.
17:13.8
Kapalit ng isan daang libong piso.
17:16.7
Doon naman lumutang ang umano ay nabiktima ng April Fool's Day post na si Ramil Albano.
17:22.8
Marami ang nakisimpatya at tumulong hanggang sa may ilang netizens ang pumuna sa nangyari.
17:29.5
Inamin ng negosyante na March 28 pa ipinagawa ang tato ni Albano.
17:34.5
Pakay lamang umano nila na makilala ang kanilang brand.
17:38.1
Humingi siya ng paumanhin dahil sa iba-ibang emosyon at mainit na diskusyong.
17:43.8
Idinulot umano ng nasabing prank.
17:53.5
Ipinagdiwang sa Noontime Variety Show na asap natin to ang ika-tatlumpung taon ng The Filipino Channel.
18:01.7
Pasabog na show naman ang aabangan ng mga kapamilya sa California.
18:06.6
Nagpapatrol, Ganyel Krishnan.
18:13.8
Always at home with you. Ito ang tema ng 30th anniversary ng The Filipino Channel o ng TFC.
18:25.5
Isang magarbong selebrasyon na ang hatid ng Noontime Variety Show na asap natin to kanina para ipagdiwang ang bawat Pilipino saan man sa mundo.
18:33.5
Always at home with you kasi yung mga kababayan natin pag nanonood ng TFC, ramdam na ramdam nila eh nasa Pilipinas sila.
18:43.8
The whole point of The Filipino Channel.
18:51.4
Inawit din ng Asap Stars ang latest theme song ng TFC.
18:55.2
Isa si Darren Espanto sa mga kumanta ng Always at Home with You.
18:59.3
Para sa full circle moment for me yun po kasi syempre as a Canadian we have TFC.
19:06.2
Growing up I've always watched kapamilya shows tapos ngayon parte na po ako sa isa sa mga kumakanta ng theme song.
19:12.2
Todo ang pasasalamat ni Concert King.
19:13.8
Martin Yevera sa TFC para masirwisyuhan ang mga Pinoy abroad.
19:18.2
Dagdag niya, todo-todo din ang paghahanda para sa nalalapit na show sa California, USA.
19:23.5
Expect the very best of all of the names you see on the poster.
19:27.5
Bring the whole family and the one thing that makes this tour different from all the rest, we're celebrating a milestone.
19:36.2
Bukod kay Martin, darating din sa California sa August 3, Sina Oggy at Eugene Velasquez Salcasid.
19:41.8
Piola Pascual, Eric Sanchez.
19:43.8
Carlos Santos, Gary Valenciano, Shasha Padilla, at din yung pang-surpresa mga kapamilya stars.
19:49.9
Gaino Krishnan, ABS-CBN News.
19:56.2
Planado na ng PNP kung paano dadalhin ang leader ng Kingdom of Jesus Christ sa si Pastor Apollo Quibuloy
20:04.5
sakaling humarap siya sa investigasyon ng Senado at sa Korte.
20:08.4
Pero giit ng Pastor, hindi siya pahuhuli ng buhay sa mga otoridad.
20:13.8
Nagpa-patrol, Hernel Tocmo.
20:19.2
Sumuko na lang, ito ang paghihikayat ng Philippine National Police at ng National Bureau of Investigation kay Pastor Apollo Quibuloy.
20:27.9
Ito'y matapos ilabas ng Korte ang mga warrant of arrests sa mga kasong child at sexual abuse kontra sa leader ng Kingdom of Jesus Christ.
20:36.7
Maging ang pagpapaharap sa kanya sa investigasyon ng Senado.
20:39.9
Yung dalawang warrant of arrest ay available naman po.
20:43.8
And we will ensure yung safety and security niya po.
20:48.4
Naplano na rin ng PNP kung paano siya dadalhin sa Maynila.
20:52.5
Meron na pong directives, hindi lang sa Piero 11.
20:56.3
Yes.
20:57.2
Including other units, kagaya ng nabanggit niyo po, like sa HPG,
21:02.2
sila po magli-lead ng convoy ng transportation hanggang Davao International Airport.
21:11.1
And then from...
21:12.2
Ilan naman po?
21:12.8
Ilan naman ang International Airport hanggang sa Senesco.
21:16.5
Pero ayon sa Police Regional Office 11, hindi pa rin nila alam ang kinaroroonan ni Quibuloy.
21:22.5
Kung hindi nila nandito po siya sa Pilipinas o nasa Davao Region pa po siya.
21:28.0
Sa pahayag ni Quibuloy na inereng ng SMN9 News, sinabi niyang hindi siya nagtatago pero pinoprotektahan ang sarili.
21:35.7
Giit pa niya.
21:37.1
Hindi ako magpapahuli ng buhay. Barilin na lang ninyo ako.
21:41.5
Susuko lang.
21:42.8
Sa mga otoridad, kapalit ang kondisyon na bibigyan siya ng written guarantee ng Pangulo at ng Secretary of Justice.
21:49.8
Palagay ni Quibuloy, nagkukuntsabahan ang pamahalaan ng Amerika at Pilipinas para masukul siya.
21:56.3
Kasi ang gusto po nila ay rendisyon.
21:59.1
Yung extraordinary rendisyon at mayroon pa po akong patong na dalawang milyong dolyari sa ulo ko.
22:06.0
Ibig sabihin, 110 milyon pesos si Marcos mismo.
22:11.1
At ang...
22:12.8
At ang FBI at CIA, nagkasundo na po na ako'y ibigay sa kanilang kamay.
22:19.4
Ibigay ni Marcos ako sa kamay ng mga puti.
22:23.1
Wala pang pahayag ang malakanyang kaugnay dito.
22:26.5
Kaya naman niya umanong harapin ang mga kaso sa Amerika.
22:30.2
Katunayan ay pinaghahandaan na umano ng kanyang mga abogado ang paglilitis doon.
22:35.2
Ayon pa kay Quibuloy, naghahandaan na rin sila sa posibleng paglusob umano sa kanilang mga ari-arian.
22:42.8
Tukmo ABS-CBN News.
22:46.9
Muning nasilayan ang lumang bayan ng Pantabangan Nueva Ecija matapos ang apat na taon.
22:53.8
Sa video na ibinahagi ng vlogger at bayan patroller na si Renren Sundiam Jr.,
22:59.4
muning lumitaw ang mga bakas ng dating bayan matapos bumaba ang level ng tubig sa Pantabangan Dam noong isang linggo.
23:07.5
Ayon naman kay Pantabangan Mayor Roberto Agdipa,
23:11.0
ito pa lang ang ika-apat na beses na lumitaw ang bayan mula ng maging bahagi ito ng Dambuhalang Imbaka ng Tubig noong 1974.
23:20.8
Bukod sa ngayong taon, lumitaw ang bayan noong 1983, 2014 at 2020.
23:27.0
Ang mga residente ng lumang bayan ay inilikas sa tinatawag na ngayon na bagong bayan.
23:32.8
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang Pantabangan Dam ay nagsusuplay ng tubig sa ekta-ektaryang palayan
23:38.8
sa buong gitnang luzon.
23:41.0
Nagsisilbing flood control para sa mabababang lugar.
23:48.1
Aviso po sa mga estudyante, magpapatupad ng asynchronous classes o distance learning
23:54.4
ang lahat ng mga pampublikong eskwelahan sa lunes, April 8 po yan.
23:59.3
Ayon sa Department of Education, layo nitong makumpleto ng mga estudyante
24:03.8
ang nakabimbing assignments at ibang requirements.
24:07.9
Ayon pa sa DepEd, hindi na kailangan pumasok sa eskwelahan.
24:10.9
Ang teaching at non-teaching staff.
24:14.1
Pero nilinaw ng kagawaran, hindi nito sakop ang mga pribadong paaralan
24:18.8
at depende sa kanika nilang pamunuan kung ipatutupad ito.
24:30.3
Hindi natinag ng ambon ang OPM fans na dumagsasa day one
24:35.7
ng Aurora Music Festival sa Clark, Pampanga.
24:39.1
Kabilang sa mga pinalakpakan at hiniyawan ang bigating performances
24:43.6
ng mga OPM artists gaya nila Juan Carlos, Moira at P-Pop Kings, SB19.
24:50.1
Nagpapatrol, Jeffrey Hernaez.
24:55.4
Walang patid na hiyawan.
24:59.5
Palakpakan at trakrakan.
25:05.1
Sinulit ng OPM fans ang dire-diret yung performances
25:09.1
ng mga OPM artists sa unang araw ng Aurora Music Festival
25:13.1
sa Clark, Pampanga nitong Sabado.
25:15.7
Sold out ang concert.
25:18.1
Baaga pa lang, mahaba na ang pila.
25:21.9
Pero hindi ito alintana ng fans.
25:24.0
Makita lang ang kanilang mga idolo at marinig ang kanilang mga kanta.
25:28.9
Tumugtog ang band ng Cup of Joe at si Addy.
25:34.6
Sinabayan ng mga tao ang hits ni Juan Carlos.
25:39.1
Na-in-love sa mga tagos na pusong kanta ni Moira.
25:50.1
At naki-jamming sa December Avenue.
25:55.7
Pagdating ng finale, binuhay ng P-Pop Kings na SB19 ang A-10
26:00.8
at madla sa kanilang world-class performances.
26:05.1
Umaligaw-gaw sa buong concert grounds ang worldwide hit nilang
26:08.7
Get It!
26:09.1
Get it!
26:10.1
Sobrang sayaw!
26:16.0
Sino'y labangan mo?
26:18.8
SB19!
26:21.4
Nakakapagod po pero sobrang nakaka-enjoy!
26:26.2
Mas na-improve yung Aurora ngayon at saka mas bigatan yung mga performers.
26:31.3
Patok din ang mga kainahan, iba-ibang booth at attraction.
26:35.0
At inabangan din ang paglipad ng mga mawapulay.
26:38.1
Mga mawapulay!
26:39.1
At nampuhalang hot air balloon na tulad nito!
26:43.7
Sabay-sabay na pinailawan at pinalipad ang mga ito sa paghita ng mga pagtatanghal.
26:49.1
We have 10 mini hot air balloons with different shapes and colors.
26:53.4
And then meron tayong isang special shape which is rocket Philippine flag.
26:58.5
Sasalang naman sa day 2 ng Aurora Music Festival
27:01.5
ang mga bandang Itchy Worms, Orange and Lemons, Kamikasi, Parokya ni Edgar, Andrew E.
27:07.2
At nating River Maya frontman.
27:09.1
Rico Blanco, Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News.
27:16.9
At, at, don't make end kung nag-leave ka, di ba?
27:22.0
Oo, sa mga nag-leave.
27:23.9
Pagod ng iba dyan.
27:25.1
Hindi pa ako aprobado.
27:26.9
Pero sana aprobahan.
27:28.7
Pero ingat po tayo.
27:31.0
Huwag masyadong, huwag todo-todo enjoy.
27:33.3
Sabi nga ni Asek Villarama, huwag mag-inflatable pools.
27:37.0
Tipid-tipid sa tubig.
27:38.0
Oo, eh grabe naman.
27:39.1
Asek, ha?
27:40.2
Oo, yan lang ang kasiyahan minsan ng mga bata.
27:44.7
Pero meron po tayong crisis din.
27:46.9
So, kailangan din nating makiisa.
27:49.5
Balansahin.
27:50.7
At yan ang mga balitang nakalap sa aming tuloy-tuloy na pagpapatrol sa ngalan po ni Alvin El Chico.
27:57.4
Ako po si Adrian Ayali.
27:58.9
At ako po si Zen Hernandez.
28:01.0
Andito kami naglilingkod para sa inyo saan man sa mundo.
28:05.3
Susunod na po ang Tao po.
28:09.1
O, hindi ka sumama.
28:11.1
Ano ba yun?
28:13.1
Nap-nap.