Close
 


Maritime cooperative activity ng Pilipinas, Austrilia, Japan at US sa EEZ ng bansa nagsimula na
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nagsimula na ang mga pagsasanay at pagpapatrolya sa dagat ng mga tropa ng Pilipinas, Japan, Australia at US sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa ngayong Linggo, Abril 7. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest Entertainment News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjT9hEOBQXAoI1gxbcvG87r For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmh2QdQIUTg8drWJzhiGn29W Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #TrendingNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 04:17
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sanib-pwersa sa pagsasanay ang mga tropa ng Pilipinas, Australia, Japan at US ngayong araw sa West Philippine Sea
00:10.0
gamit ang mga barko, eroplano, iba pang sasakyan at gamit ng apat na bansa sa maritime cooperative activity
00:18.0
kabilang ang joint patrol sa lugar na sakop ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng bansa.
00:23.8
Sa isang joint statement na nindigan ang apat na bansa na pagtitibayan nila ang desisyon ng 2016 International Arbitral Tribunal,
00:32.0
isang hatol ng pandaigdigang korte na nagsasabing walang karapatan ang China sa West Philippine Sea at sa mga bahura dito.
00:39.4
Wala rin umanong sapat na basihan ang 9-dash line map ng China na umaangkin sa halos buong South China Sea.
00:46.2
Tinitiyak ng apat na bansa na ang mga pagsasanay na nagsimula ngayong araw ay naaayon sa international law
00:52.2
at rumespeto sa ligtas na paglalayag ng iba pang bansa.
00:55.8
Walang binanggit na ibang bansa sa joint statement pero binigyang diindi ni Japanese Defense Minister Kihara Minoru
01:02.1
na ang issue ng South China Sea ay direktang nakakaapekto sa kapayapaan at kapanataga ng rehyon.
01:08.6
Tutol din anya ang Japan sa anumang puwersahang pagbabago ng sitwasyon sa lugar.
01:13.1
Nakikita naman ni Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro ang aktibidad na isang hakbang para mas mapalakas ng Pilipinas
01:19.9
ang kakayahan nitong ipagtanggol ang bansa.
01:22.2
Kapwa naniniwala si na Australian Deputy Prime Minister Richard Marles at US Secretary of Defense Lloyd Austin
01:28.7
na mahalagang isulong ang karapatan ng anumang bansa na maglayag at lumipad sa mga karagatan at himpapawid alinsunod sa international law.
01:37.9
Ayon sa geopolitical analyst na si Don McLean Gil, makatutulong sa Pilipinas ang pakikipag-alyansa sa mas malalaking bansa.
01:52.2
Similarly with our Coast Guard at the front lines, it's important for us to leverage on this arrangement as well to boost their capabilities in this regard.
02:00.5
Dagdag naman ni Chester Cabalza ng International Development and Security Cooperation,
02:05.1
tinatapatanan ng mas aktibong propaganda ng China ang patakaran ng Pilipinas na i-report sa mundo ang mga nagaganap sa West Philippine Sea.
02:14.0
Napansin nila para makuha rin nila yung sympathy ng international community, kailangan pa victim din sila.
02:21.7
So in a way, ganun talaga ang laro ngayon, very complex. Pwedeng nagpapaawa effect din sila, nag-iiba yung narrative nila.
02:32.4
Samantala, katatapos lamang naisagawan ng mga tropa ng Philippine Marines ang exercise hunasan sa ilang islan ng Batan at Kalayan sa Batanes noong Huwebes.
02:42.4
Ayon sa Defense Department, layo nitong sanayin ang mga aktibo at reservist na tauha ng Marines sa counter-landing operations
02:50.1
at maritime security patrols.
02:51.7
Para maprotektahan ang ilang bahagi ng mga isla sa hilaga ng Luzon mula sa mga posibleng bantang galing sa labas ng bansa.
03:00.1
Pero tutol si House Deputy Minority Leader Franz Castro sa umano'y pagtalaga ng mga sundalo at pagtatayo ng base militar sa Batanes.
03:08.6
Lalala lang umano ang tensyon sa West Philippine Sea at posible pang maging target ng mga pag-atake ng China sa kaling lusubi nito, ang Taiwan, na itinuturing nitong rebeldeng probinsya.
03:20.2
Sa darating na linggo,
03:21.7
malilipad si Pangulong Marcos Jr. sa Washington, D.C. para makipagpulong kina U.S. President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida para paigtingin ang kooperasyon at alyansa ng tatlong bansa.
03:33.8
Inaasahang tatalakayin dito ang sitwasyon sa West Philippine Sea.
03:37.7
Katrina Domingo, ABS-CBN News.
03:51.7
Patrol Weekend!
03:53.3
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
03:56.3
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.