Close
 


Mga kondisyon ni Quiboloy kapalit ng pagsuko binara ng mga opisyal | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Binara ng mga opisyal ng gobyerno si Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy sa mga inihain niyang kondisyon kapalit ng umano'y pagsuko. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest Entertainment News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjT9hEOBQXAoI1gxbcvG87r For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmh2QdQIUTg8drWJzhiGn29W Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #TrendingNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 04:24
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Missing in action pa rin ang itinuturing ng Pugante sa batas na si Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quibuloy.
00:06.9
Bukod sa arrest order ng Senado kaugnay sa dipagsipot ni Quibuloy sa pagdinig sa mga aligasyon ng pang-abuso sa kanyang mga tagasunod.
00:14.9
May warrant of arrest ding inilabas ang Korte ng Davao City kaugnay ng sexual abuse.
00:20.4
May kaso rin ng qualified trafficking laban sa pastor sa Pasig City.
00:24.0
Una niyang sinabing susuko lang kung maglalabas ng kasulatan ng Pangulo, Department of Justice at National Bureau of Investigation
00:31.9
na titiyaking hindi makikialam sa kanyang mga kaso, ang Federal Bureau of Investigation, Central Intelligence Agency at U.S. Embassy.
00:40.9
Sa kanyang recorded voice message, sinabi ni Quibuloy na naniniwala siyang ang gobyerno ng Amerika ang nasa likod ng umano'y panggigipit sa kanya.
00:49.4
Kung wala po nangingialam ang bansyang puti,
00:54.0
Aharapin ko po lahat yan. Napakasimple po ng mga kasong yan.
00:58.4
Kaya lahat na ginagawa nila sa Kongreso, sa Senado, puro po yan patibong.
01:05.7
Kinwestiyon din niya ang initial arrest warrant ng Davao City RTC.
01:10.1
Bakit ginawa nilang bailable rin dito sa Davao? Para ko'y lumitaw at pumunta doon.
01:14.4
Tapos naghihintay yung Sargent at Arms na may warrant of arrest.
01:18.8
Dadalhin din ako sa Maynila pagdating doon.
01:24.0
Extraordinary rendition pa rin.
01:27.1
Iginiit ni Quibuloy na hindi siya nagtatago.
01:30.1
Ako po ay hindi nagtatago sa kasong ito dahil ako po ay may kasalanan. Hindi po.
01:38.2
Ako ay umiiwas dahil pinoprotektahan ko po ang aking sarili.
01:44.8
Tinayak naman ng Pangulo ang patas na pagtrato kay Quibuloy.
01:48.0
Ang magpapalagod po, all the proceedings will be fair.
01:54.0
Now, as to the involvement of the United States, malayo pa yun.
02:00.5
That's going to take years. So I don't think that's something he needs to worry about.
02:05.7
Pero hamon ni Sen. Riza Ontivero sa pastor, harapin ang mga ibinabatulaban sa kanya.
02:11.8
Lumabas ka na sa lungga mo. Kung totoong matapang ka, ulitin mo lahat ng mga sinabi mo tungkol sa Senado.
02:19.7
Dito sa Senado. Make your words of record.
02:23.2
Record.
02:24.0
Record your shameless audacity in history. Hindi ka namin uurungan.
02:29.4
Iginiit ng Justice Department na walang karapatan si Quibuloy na magbigay ng mga kondisyon sa kanyang pagsuko.
02:35.4
At dapat manaig at ipatupad ang batas sa lahat.
02:38.4
Inaasahan naman maglalabas ng warrant of arrest kay Quibuloy ang Pasig City RTC sa kasong qualified trafficking.
02:45.4
Para kay Vice President Sara Duterte, mabuting umuusad ang mga kaso sa tamang paraan at lugar.
02:51.3
Maganda yung development.
02:54.0
Ang kaso na nasa tamang forum, nasa tamang venue, nasa loob ng mga korte.
03:00.2
Ngayon kung ano man yung desisyon ni Pastor Quibuloy na gagawin niya ay personal na niya na desisyon yun.
03:08.4
Samantala sa datos ng PNP, napagalamang may labing siyam na baril si Quibuloy. At isa rito ay paso na ang lisensya.
03:15.6
Pwede po ba natin siyang i-consider na armed and dangerous for now? Hindi pa po.
03:19.9
Because wala naman pong indication before na naging makahaspo.
03:24.0
Si Pastor Quibuloy at wala naman po tayong na-monitor so far na siya po ay nag-maintain po ng private arm group o private army.
03:35.6
Ngayong araw nagpulong ang NBI, PNP Regional Office 11 at mga kinatawan ng Senado kaugnay sa arrest warrant kay Quibuloy.
03:43.5
Sherian Torres, ABS-CBN News.
03:47.0
Tuloy-tuloy po ang ating pagpapatrol sa bayan mula lunes hanggang biyernes sa TVE Patrol.
03:54.0
Alas 6.30 ng gabi hanggang Sabado at Linggo sa TV Patrol Weekend.
03:59.7
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
04:06.0
Thank you for watching!