Close
 


Ina ng batang nalapnos ang ari problemado sa pangangailangang-medikal | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Namomroblema ngayon ang ina ng batang nalapnos ang ari sa isang ospital sa Quezon City. Bukod sa kailangan ng anak ng plastic surgery, matinding trauma ang pinagdadaanan nito. Giit ng Philippine Alliance of Patient Organizations, kulang ang pagsusulong sa mga karapatan ng mga pasyente sa bansa. Nagpa-Patrol, Niko Baua. TV Patrol, Martes, 9 Abril 2024 For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest Entertainment News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjT9hEOBQXAoI1gxbcvG87r For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmh2QdQIUTg8drWJzhiGn29W Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #TrendingNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:41
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.7
Hindi alam ni Alias Jocelyn kung paano tutugunan ang mga pangangailangang medikal ng siyam na taong gulang niyang anak na nalapnos ang ari, hita at tiyan sa isang ospital sa Quezon City.
00:12.8
Ito'y matapos pumutok ang surgical glove na ginamit umano ng isang nursing aid bilang hot compress sa bata.
00:18.9
Bukod sa kailangan ng bata ng plastic surgery, nag-aalala siya sa epekto ng second degree burns sa anak.
00:24.7
The trauma, he's a jolly person. Sobrang ano ng batang yun eh. Malambing, clingy. Kasi ang anak ko ngayon ayaw niya ng ibang taong may humahawak sa kanya.
00:37.4
Natatakot siya. Lagi niyang nandiyan na yung worried niya. Mami ba kami mangyari sa akin? Ganyan na.
00:44.4
Ayon sa ina, sinagot ng ospital ang gasto sa pagpapagaling ng bata. Pero hindi umano humaharap sa kanya ang pamunuan nito.
00:51.7
Hindi rin siya pumayag sa pinapapirmahan umano.
00:54.7
Ang ospital na quitclaim kung saan nakasaad na hindi na siya magahabol sa ospital matapos silang ma-discharge.
01:01.7
Ayon sa NBI, hindi dapat sapilitan ang mga quitclaim.
01:05.8
Dapat maintindihan nung pinapipirman mo yung mga ganyang quitclaim. Bawal yun pag papipirmahin mo siya tapos hindi naman niya naiintindihan yung pinipirmahan niya.
01:18.3
Ayon sa Philippine Alliance of Patient Organizations, ang unang dapat gawin ng mga pasyente ay idokumento.
01:24.3
Ang mga reklamo sa isang ospital. Kapag hindi nakikipag-ugnayan ng ospital sa pasyente, may karapatan ng pasyente na sumulat at makipagpulong sa pamunuan nito kung ano dapat ang gawin ng ospital para sa paggaling ng pasyente.
01:37.8
Pero aminado ang grupo na madalas ay matagal na proseso ito.
01:41.7
Baka dapat palakasin ng mga batas, protecting patient rights. Parang kailangan meron talagang formal process.
01:54.3
Ayon naman sa Department of Health, kapag hindi nakikipag-ugnayan ng ospital, maaaring dumulog ang pasyente sa Philippine Regulatory Commission
02:15.0
o sa mga otoridad gaya ng National Bureau of Investigation o sa Regulation, Licensing and Enforcement Division ng DOH.
02:22.5
Dumulog tayo sa Arlette ng DOH Regional Office. Meron po tayo mga doktorat, minsan may abogado po doon na pwede niyang pakinggan kung ano nangyari sa kaso at kung may pagkakamali na pwedeng pasukin ng DOH para ito.
02:36.6
May payo naman ang DOH sa mga ospital.
02:40.0
Hindi rin naman po tayo perfecton. Meron po talagang mga nangyayari na hindi kinais-nais.
02:45.2
So kung meron po nangyari na pagkakamali, mag-usap po tayo na maayos. Atin pong akuhin ang pagkakamaling natin.
02:52.5
At atin pong ayusin.
02:55.0
Muling sinubukan ng news team na makuha ang panig ng ospital pero tumanggi silang magbigay ng panayam.
03:01.1
Nico Bawa, ABS-CBN News.
03:13.2
Sabado at linggo sa TV Patrol Weekend. Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
03:22.5
Thank you for watching!