Close
 


Konsumo ng kuryente sa Luzon, sumipa na dahil sa tag-init | #TedFailonandDJChaCha
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sumipa ang naging konsumo ng kuryente sa buong Luzon dahil sa tag-init ngunit hindi nangangamba ang Energy Department na kakapusin sila ng suplay ng kuryente. Inaasahan ng ahensya na sa Mayo mas sisipa ang konsumo ng kuryente. Pakinggan ang mga detalye niyan at iba pang balitang konsyumer sa video na ito. #TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM --- Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:33
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
At sa ating mga balitang pang-consumer at kalakalan naman, iniipit daw muna ng mga magsasaka sa Oriental Mindoro ang tinansupply ng sibuyas.
00:10.2
Sabi po ng Bulalakaw Onion Industry Council, bumaksak kasi ang presyo nito mula noong pong nakaraang linggo nang dahil pa rin sa oversupply.
00:19.4
Sa ngayon po'y nasa 60 piso per kilo ang bentahan ng pula at puting sibuyas sa Balintawak.
00:25.7
At ayon sa grupo, marami na hong naluluging magbubukid kaya naman punuan na raw ang mga cold storage facilities o yung pong mga nirerentahan nilang imbaka ng sibuyas.
00:36.6
Ito raw po'y itatabi muna ang kanila pong aanihin habang hinihintay na tumaas muli ang presyo sa susunod na mga buwan.
00:45.8
Nagsimula namang sumi pa ang konsumo sa kuryente ng mga customers sa Luzon sa gitna po ng tag-init.
00:51.2
Sa katunayan sa gitna nga ng init ng panahon, nahigitan na nitong April 4.
00:55.8
Ang pinakamataas na konsumong naitala noong 2023.
00:59.6
Pumalo kasi sa 12,552 megawatts ang konsumo.
Show More Subtitles »