Close
 


Mass transit system, nakikitang solusyon ni PBBM sa traffic
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa isinagawang Bagong Pilipinas town hall meeting hinggil sa traffic concerns, binigyang-diin ni Pres. Bongbong Marcos na ang mass transit system ang tanging paraan para masolusyunan ang problema sa trapiko sa Metro Manila. Kaya naman, prayoridad aniya ng pamahalaan na mapabuti ang mass transportation system sa bansa. “Wala talagang solusyon ang traffic kung hindi tayo malipat sa kalsada at mapunta sa mass transit. Kaya tayo naglalagay ng mga subway, naglalagay tayo ng mga tren, ito ay para naman mas madali talaga. Wala nang traffic,” saad niya. Ipinunto pa ng Pangulo na kahit mga mayayaman sa ibang mga bansa ay sumasakay sa pampublikong transportasyon gaya ng subway dahil mas mabilis aniya ito. “Kaya’t nakikita natin sa ibang mga lugar, sasakay ka ng subway, makikita mo lahat ng klase ng tao doon sumasakay. Kahit ‘yung mga mayayaman na may kaya, sumasakay sa tren dahil iyon ang pinakamabilis mapuntahan, Kahit na ‘yung mga malalaking siyudad, New York, London, ganoon,” pagbabahagi ni Pres. Ma
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:18
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Dadagdagan ko na yung sagot ni Sec. Jimmy dahil nakakasama dun sa tanong kung ano na ang natapos doon sa ating pinag-uusapan ng mga malalaking mass transit system.
00:13.1
At kung ito ay matatapos sa lalong madaling panahon, magbibigay ako sa inyo ng kaunting report dito sa mga ating ginagawa para sa mass transit.
00:28.2
Alam ninyo, wala talagang solusyon ang traffic kung hindi tayo malipat sa kalsada at mapunta sa mass transit.
00:39.6
Kaya tayo naglalagay ng mga subway, naglalagay tayo ng mga tren. Ito po para naman ay mas madali talaga. Wala ng traffic. Kaya pag sumakay ka ng tren, walang traffic.
00:52.4
Kaya nakikita natin sa mga ibang lugar, kahit yung mga pagpupunta, sasakay ka.
00:58.2
Kung sasakay ka ng tren, sasakay ka ng subway, makikita mo lahat ng klaseng tao doon sumasakay. Kahit yung mga mayayaman na may kaya, sumasakay sa tren.
01:08.4
Dahil yun ang pinakamabilis mapuntahan. Yung malalaking syudad, New York, London, kahit na sino, ang tren ang ginagamit.
01:20.6
Kaya yan talaga ang tanging solusyon. Kaya yan ang aming pinupursigi tungkol nga para mapalagyan natin.
01:28.2
Gandahin natin, mapalawak natin, mapabilis natin ang mass transport system.
Show More Subtitles »