Close
 


TV Patrol Express: April 10, 2024
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Mabilisang pasilip ng mga nagbabagang balita ang hatid ng TV Patrol Express, 5PM, Lunes hanggang Biyernes. Hatid nina Chief of Reporters Jeff Canoy at news anchor Denice Dinsay. Kaya subscribe na sa YouTube at Facebook ng ABS-CBN News. For more TV Patrol Express videos, click the link below, https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmh6uOUt43aACJlfEU5iyoNX For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U For more News Digital News Raw Cuts, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmi83yKJH8Dv0p_3D4cyZKzV Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrolExpress #LatestNews #ABSCBNNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 10:55
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
🎵 Music 🎵
00:07.0
Magandang araw kapamilya ngayon, ikasampung araw ng Abril.
00:16.1
Nagbabaga ang mga balita, pumuputok ang mga storya.
00:19.2
Mga impormasyong mahalaga, no more, no less, sa tinang TV Patrol Express.
00:24.5
Unahin po natin ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
00:29.6
kaugnay sa umano'y Gentleman's Agreement
00:32.3
ni nadating Pangulong Rodrigo Duterte at China.
00:35.9
Ayon sa Pangulo, kinikilabutan siya sa ideyang nakompromiso ang teritoryo,
00:41.0
soberanya at sovereign rights ng Pilipinas
00:43.5
sa pamamagitan ng isang sekretong kasunduan.
00:47.1
Anya'y pinatawag na niya si Chinese Ambassador Wang Shilian
00:50.0
para magbigay linaw sa sinasabing kasunduan.
00:53.0
Sabi pa ni Marcos,
00:54.5
mahirap sundin ang isang klase ng kasunduan
00:57.1
na kailangan pang humingi ng permiso ang Pilipinas at China
01:00.5
para gumalao sa sariling teritoryo ng bansa.
01:03.9
Sabi ng Pangulo, inaalam pa nila kung talagang nagkaroon ng Gentleman's Agreement
01:07.9
dahil wala namang anumang dokumento o record tungkol dito.
01:12.4
As of posting, wala pang reaksyon si dating Pangulong Duterte
01:15.4
tungkol sa pahayag ni Pangulong Marcos.
01:18.7
Ang sinasabi sa agreement na yan
01:20.6
na kailangan tayong magpermiso sa ibang bansa
01:24.5
para gumalao sa ating sariling teritoryo
01:28.0
ay mahirap siguro na mahirap siguro sundan yung kanyang klaseng agreement.
01:33.7
I am horrified by the idea that we have compromised
01:40.7
through a secret agreement
01:43.4
the territory, the sovereignty, and the sovereign rights of the Philippines.
01:50.5
Itinanggihan ni dating presidential spokesperson Salvador Panelo,
01:54.5
na may Gentleman's Agreement sa pagitan ni dating Pangulong Duterte at ng China.
01:59.7
Ayon kay Panelo, kasama siya sa state visit ni Duterte sa China,
02:03.7
pati na sa diyalogo ni Duterte at ni Chinese President Xi Jinping.
02:08.1
Giit niya, hindi kailanman papasok sa isang kasunduan ang dating Pangulo
02:12.4
na labag sa national interest, sovereignty, at territorial integrity.
02:17.9
Sabi pa ni Panelo, misinformed si Pangulong Marcos
02:21.0
tungkol sa umano'y Gentleman's Agreement.
02:23.4
Ano yan? Una nang sinabi ni na dating Executive Secretary Salvador Medialdea,
02:28.9
dating Defense Secretary Delphine Lorenzana,
02:31.8
at dating DILG Secretary Eduardo Año,
02:35.7
na walang pinasok na anumang kasunduan si Duterte kaugnay sa West Philippine Sea.
02:42.3
Tiwala ang Philippine Navy na masusundan pa ang Joint Patrols ng Pilipinas
02:46.8
at mga kaalyado nitong bansa sa West Philippine Sea.
02:50.0
Kasunod ito ng matagumpay ng Multilateral Maritime Cooperation,
02:53.4
operative activity o MMCA nitong weekend na sinalihan ng Pilipinas, Amerika, Australia, at Japan.
03:00.3
Tampok ang mga naval at air assets ng apat na bansa sa nasabing aktibidad
03:04.3
kung saan nagsagawa ng mga communication exercise, division tactics, at anti-submarine warfare drills.
03:11.7
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad,
03:16.7
sa pamamagitan ng MMCA ay nabigyan sila ng pagkakataon na makita ang kahandaan ng kanilang mga tropa,
03:23.4
sa mga operasyon kasama ang kanilang mga kaalyado.
03:28.2
Sa ibang balita, pinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na palalawigin pa ang April 30 deadline
03:36.2
para sa consolidation ng mga pampasaherong jeepney sa ilalim ng POV modernization program.
03:42.7
Ayon sa Pangulo, kailangan nang ipatupad ang programa kaya't wala ng extension para sa consolidation deadline.
03:49.5
Inulunsad ang nasabing programa noong 2017
03:53.4
para paunla rin ang sistema ng pampublikong transportasyon.
03:57.4
Pero naantala ito dahil sa mga protesta at dahil na rin sa COVID-19 pandemic.
04:03.1
Binigyan ang mga jeepney operator na hanggang katapusan ng Abril para sumali sa isang kooperatiba
04:08.7
at mapalitan ng mga modern jeepney ang kanilang mga tradisyonal na jeep.
04:14.0
Pero tutol ang ilang transport group sa phase out dahil masyadong manong mahal ang modern jeep
04:19.9
at mababaon lang sa utang ang mga operator.
04:23.4
Sa kahuli-hulihan ay asahan ninyo, wala na pong extension yung modern jeepney.
04:34.4
Kailangan na, kailangan na natin yan.
04:38.6
Nag-issue ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ng resolusyon
04:44.0
na nag-aatas ng pagbabago sa working hours sa lahat ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila
04:49.7
sa ilalim ng Resolution No. 2408,
04:53.4
magsisimula ang trabaho ng alas 7 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon.
04:58.8
Ayon sa ahensya, ito'y bilang bahagi ng mga hakbang para maibsan
05:02.2
ang matinding daloy ng traffic, partikular sa mga peak hours.
05:07.2
Hinihimok din nila ang mga national government agencies na magpatupad ng kaparehong modified working schedule.
05:13.7
Nag-recommenda rin sila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
05:16.5
na mag-issue ng executive order para sa implementasyon nito.
05:20.9
Aprobado na ng Metro Manila Council,
05:23.4
ang nasabing resolusyon ng MMDA.
05:28.5
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Muslim community
05:32.2
na lumikha ng lipunang punong-puno ng pagmamahal sa kapwa.
05:36.4
Kasabay ito ng pagbati ng Pangulo sa mga kapatid nating Muslim
05:39.7
sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan na buwan ng pag-aayuno sa Islam.
05:46.4
Ayon sa Pangulo, sa kabila ng pagkakaiba sa mga paniniwala,
05:50.5
tiwala siyang mananatiling nagkakaisa ang mga paniniwala.
05:53.4
Ito ang mga paniniwala ng mga Pilipino patungo sa isang mas maunlat na bansa.
05:57.4
Ayon naman kay Vice President Sara Duterte,
05:59.8
nagsisilbing inspirasyon ang dedikasyon ng Muslim community sa kanilang paniniwala.
06:05.5
Nauna nang idineklaraan ng Palasyo na holiday ngayong Merkulis, April 10,
06:10.2
para sa selebrasyon ng nasabing okasyon.
06:14.7
Nasagip sa pagkaluno ng isang taong gulang na bata
06:17.7
matapos mahulog sa Marcelo Fernan Bridge sa Barangay Pusok, Lapu-Lapu City.
06:22.5
Ayon sa Pangulo, sa Pangulo, sa Barangay Pusok, Lapu-Lapu City.
06:23.4
Sa mga otoridad, may construction worker na nagsabi sa kanilang may batang palutang-lutang sa tubig sa ilalim ng tulay.
06:29.8
Agad na rumispunde ang mga pulis at silagip ang bata.
06:32.8
Mabilis na nagsagawa ng cardiopulmonary resuscitation o CPR, mga rescuer, hanggang sa makahinga uli ang biktima.
06:41.2
Base sa paunang investigasyon, abala sa gawaing bahay ang nanay ng bata nang mangyari ang insidente.
06:47.8
Malapit lang din ang tirahan ng mag-ina sa tulay,
06:50.0
na isugod na sa ospital ang bata para mabigyan ng karamdaman.
06:53.4
Ang bata ang medical treatment.
06:56.8
Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong rape sa operasyon ng pulisya sa San Jose del Monte, Bulacan.
07:04.0
Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng tip mula sa isang informant tungkol sa kinaroroonan ng suspect.
07:10.6
May warrant of arrest laban sa suspect na inilabas ng Antifoller Regional Trial Court Branch 98.
07:16.8
Ito'y dahil sa umunoy pangahalay niya sa kanyang stepdaughter noong 2022.
07:22.0
Walang piyansang ibinigay ang korte sa akusado, tumangging magbigay ng pahayagan suspect na nasa kustudiya ngayon ng Quezon City Police District.
07:34.1
Bugbog sarado sa taong bayan ang isang lalaking matapos sumanong mang hold up ng taxi driver sa Pasay City Merkoles ng madaling araw.
07:43.2
Kwento ng taxi driver, sumakay ang suspect sa Pasay Rotonda at nagpahatid sa Leverisa.
07:48.0
Nang makarating sila sa may William Street,
07:52.0
umano siya ng kutsilyo ng suspect at hiningi ang kanyang cellphone at pera.
07:56.8
Pero hindi niya ito ibinigay.
07:58.9
Pagbaba ng lalaki ay humingi ng tulong ang taxi driver sa mga taong nakatambay sa lugar.
08:04.3
Kinuyog ng mga ito ang suspect.
08:06.8
Base sa imbesigasyon ng pulis, lasing ang suspect na nagpakilala paumanong pulis.
08:12.2
Mahaharap sa reklamong robbery hold up ang suspect.
08:17.5
Sa sports, nakabalik na sa bansa ang tatlong Pinoy weightlifter
08:22.0
sa 2024 Paris Olympics.
08:24.3
Ito'y matapos ang paglahok nila sa weightlifting World Cup sa Phuket, Thailand.
08:28.9
Excited ang two-time Olympian na si Elrin Ando at si Vanessa Sarno at John Seniza
08:34.2
na nag-qualify sa Summer Games sa unang pagkakataon.
08:38.3
Ayon kay Ando, masaya siyang natupad ang pangarap na makapaglaro sa Paris.
08:43.3
Sabi naman ni Sarno, paghahandaan niya ng husto ang Olympics.
08:47.4
Makakasama nila sa Paris Olympics si na Paul Voulter, EJ Oviena,
08:51.4
boxers na si Yumir Marcial, Nessie Petecio at Ira Villegas.
08:56.3
Gayun din ang mga gymnast na si Carlos Yulo at Alea Finnegan.
09:01.6
Sa Entertainment News, Zee is finally back.
09:05.9
Yan ang anunsyo ng Dreamscape Entertainment tungkol sa pagbabalik ng aktres na si Daniela Straner
09:11.7
sa sequel ng hit series na Senior High na High Street.
09:16.2
Muling gaganap na Zee si Daniela at masaya rito ang mga fan na napamahal sa kanyang kaibigan.
09:21.4
Ang kwento ng High Street ay kadugtong na nangyari sa Senior High limang taon makalipas ang graduation
09:30.1
ng mga original characters na ginagpanan ni Andrea Brillantes, Juan Carlos Labajo, Zijan Jaranilla,
09:37.4
Cyril Manabat, Elijah Canlas at iba pa.
09:41.0
Dagdag characters naman ang gaganapan ngayon ni Ralph De Leon, AC Bonifacio, Harvey Bautista, Romnic Sarmenta at Dimples Romana.
09:52.2
At id mo barak po sa ating mga kababayan na nagdiriwang po ngayong araw.
09:56.9
At happy anniversary sa Patrol ng Pilipino.
09:59.7
Oh, one year. Ang bilis ng panahon na.
10:00.7
One year na rin. O, narinig mo na yung cheers.
10:02.9
Diba? Nagtit-cheers sila kasi nagpa-pizza dito si Anjo Bagawisan.
10:07.4
Ah, thanks Anjo.
10:08.7
Araw-araw daw ang anniversary.
10:11.3
At iyan ang mga nagbabagang balita.
10:13.8
Laging tumutok sa TV Patrol Express para sa mga maiinit na balita at impormasyon na kailangan niyong malaman.
10:20.6
Huwag din pong kalimutan mag-LSSC, like, share, subscribe and comment.
10:25.6
Sundan din po ang TV Patrol sa Facebook at TikTok.
10:29.0
Ako po si Dries Tinsay.
10:30.3
Mga kapamilya, mapapanood ang TV Patrol sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A to Z, IWATFC at YouTube.
10:37.9
Ako po si Jeff Canoy. Maraming salamat at magandang araw, kapamilya.
10:50.6
Thank you for watching!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.