Close
 


Alokasyon ng tubig ng Maynilad, Manila Water mula Angat Dam 'di muna babawasan | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Good news sa mga konsumer! Hindi na muna babawasan ang aloksyon ng tubig ng Maynilad at Manila Water mula Angat Dam hanggang katapusan ng Abril. Pero todo-apela ang mga eksperto na patuloy pa ring magtipid sa tubig kahit wala pang nakikitang problema sa supply sa ngayon. Nagpa-Patrol, Alvin Elchico. TV Patrol, Miyerkoles, 10 Abril 2024 For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest Entertainment News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjT9hEOBQXAoI1gxbcvG87r For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmh2QdQIUTg8drWJzhiGn29W Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #TrendingNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:58
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.3
Handa na ang dalawang dram ni Naruel sakaling lumala ang problema sa tubig.
00:04.9
Sa ngayon, sa gabi lang nawawala ang supply pero bumabalik naman sa madaling araw
00:10.0
kaya nakakaipon pa sila para magamit sa pagluluto ng nininigosong pagkain.
00:16.2
Mas maiging yung kuryente yung wala kaysa sa tubig.
00:21.4
Ang kuryente pag umaga, kahit mainit, pwede ka magluto.
00:25.2
Ang tubig kasi wala eh kasi kailangan natin yung paghugas sa mga lulutuin, parang sabaw.
00:32.2
Sina J.J. naman na laundry shop ang negosyo, umaasa rin huwag mawala ng supply ng tubig
00:37.6
dahil mawawalan sila ng negosyo kapag nagka-water interruption kahit may tanki pa.
00:43.8
Yung tanki po namin is dalawa lang po dyan.
00:46.7
Isang salang lang po ng laundry machine po namin, mabilis po itong nauubos
00:50.7
kaya malaking epekto po talaga kung sakaling mawawalan ng supply ng tubig.
00:55.2
Pero wala pang dapat ikabahala ang mga consumer at maliliit na negosyo
00:59.6
dahil nagpa siya ang National Water Resources Board na huwag munang tapyasan
01:04.7
ang alokasyon ng tubig ng Maynilad at Manila Water mula sa Anggat Dam.
01:10.6
Ipapako sa 50 cubic meters per second ang alokasyon hanggang April 30
01:15.8
pero kung mas mababa sa 189 meters ang water level sa Anggat Dam sa Mayo 1,
01:23.0
mababawasan na ang alokasyon.
01:25.2
Kung hindi naman ganong kalayo dun sa 189, we will reduce by 1 cubic meter per second.
01:31.5
Hindi pa rin yan malaking kabawasan pero kung talagang tuloy-tuloy yung ating konsumo,
01:38.1
hindi tayo nagtitipid, 2 cubic meters per second, babalik na tayo dun sa regular alokasyon.
01:44.5
Kung mangyari yan sa Mayo, aminado ang Maynilad at Manila Water
01:48.2
na posibleng makaranas ng water interruption o mahinang pressure ang kanila mga customers.
01:55.2
Sa gabi lamang po tayo magbabawas ng water pressure.
01:58.2
Just in case lang po na ma-overshoot ng demand yung available supply namin
02:02.5
at kailangan namin mag-service interruption, sa gabi lang po namin ito gagawin.
02:09.1
Papatupad lang tayo ng reduction sa water pressure
02:13.2
and we will do this dun sa off-peak hours from 10pm to 4am.
02:19.2
Ito rin ay para makatulong din maka-recover yung ating mga reservoirs.
02:25.2
Kaya may apila si Yusek David sa mga consumer.
02:29.3
Ang very first rule natin, bawal na pong maghugas ng kotse gamit ang garden hose
02:35.5
dahil 6 liters per minute ang ginagastos natin dyan.
02:39.5
Bawal na rin pong magdilig ng garden using our garden hose.
02:43.7
Tabo at timba, okay pa rin dahil ang isang timba ay 15 liters lang yan.
02:49.8
Pero sa tindi ng init, umarkila na ng portable swimming pool si Edeline.
02:55.2
Para sa mga anak, kahit aminado siyang saliwa ito sa pagtitipid.
03:00.7
Kasi naman yung mga bata po nagkakasakit, sobrang init po.
03:04.3
Para may ginhawaan lang din po sila.
03:06.8
Para hindi masayang, ginagamit na rin panlinis ng kubeta at bahay ni Edeline
03:12.5
ang pinagligo ang tubig sa pool imbis na itabon lang.
03:17.6
Alvin L. Chico, ABS-CBN News.
03:25.2
Lunes hanggang biyernes sa TV Patrol.
03:28.3
Alas 6.30 ng gabi hanggang Sabado at Linggo sa TV Patrol Weekend.
03:33.9
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
03:36.9
Thank you for watching!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.