Close
 


Amy Perez nagamit sa deepfake video | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Itinanggi ng Kapamilya TV host na si Amy Perez ang paggamit niya ng isang gamot para sa menopause. Ito'y matapos kumalat ang isang deepfake video kung saan pinalalabas na ine-endorso niya ito. Nagbigay rin ng ilang tips ang isang eksperto kung ano ang mga dapat bantayan para hindi maloko ng mga pekeng video. Nagpa-Patrol, Andrea Taguines. TV Patrol, Miyerkoles, 10 Abril 2024 For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest Entertainment News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjT9hEOBQXAoI1gxbcvG87r For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmh2QdQIUTg8drWJzhiGn29W Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #T
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:54
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Magandang morning, Doc, Michelle, and welcome to Sato.
00:04.6
Trinay ko yung Hormo Balance and it's actually doing great sa akin kasi nawala yung hot flashes.
00:10.3
Ang kapamilya host na si Amie Perez, ang pinakabagong personalidad na nabiktima ng deepfake
00:16.4
o video na minanipula sa tulong ng artificial intelligence o AI.
00:21.4
Sa isang sponsored post na kumalat sa Facebook, tila nag-e-endorso ng gamot para sa menopause si Chiang Amie.
00:27.5
Talagang pinakinga ko, parang boses ko talaga. Ang galing, diba? Pero sobrang nakakatakot.
00:35.5
Bagamat nakapanayam nga niya ang doktor sa dating morning show sa DZMN Teleradyo,
00:40.8
iginiit ni Chiang na wala silang pinag-usapang anumang produkto.
00:45.0
Kaya babala niya sa kanyang followers, huwag tangkilikin ang naturang gamot.
00:49.6
Hindi ko tinitake yung gamot na yun ever.
00:51.9
Ang nakakalungkot doon, ang daming babaeng nag-comment na puro tinatanong nila,
00:57.2
magkano yung produkto.
00:59.0
Lumalabas rin na ang nasabing gamot ay hindi rehestrado sa Food and Drug Administration,
01:04.1
pero ginagamit pa rin ito ang logo ng DOH at FDA.
01:07.9
Ayon sa eksperto, isa sa mga senyales na peke ang video ay ang pagkasplice o pagkakaputol-putol nito.
01:14.9
May mga parte rin hindi swak ang audio sa bukas ng bibig na nagsasalita.
01:19.5
Nagkakaroon na ng changes sa site.
01:21.5
Parang siyang dinub.
01:22.3
In fact, that was where this technology started for dubbing purposes,
01:26.2
to make the dubbed videos more natural.
01:29.8
Isa pang mapapansin ni Ligot ay nakaloop lang ang video,
01:33.4
tulad ng ginamit sa fake ad na ito na tampok ang isang kilalang doktor.
01:37.8
Dagdag ni Ligot, mahuhuli rin ang isang deepfake sa mga kakaibang tono o pagkakabigkas na mga salita.
01:45.0
Kunyari pesos becomes pesos kasi nga these technologies were developed in English.
01:51.3
Nababahala naman si Ligot na habang tumatagal,
01:54.0
mas gumagaling at nagmumukhang mas makalit.
01:56.2
Katotohanan ang AI technology.
01:58.5
Kaya payo niya sa netizens, suriin din ang mismong mensahe
02:02.1
at i-report ang deepfakes sa website kung saan ito nakita, sa otoridad at sa taong ginagaya sa video.
02:08.8
Sabi pa ng Department of Health,
02:10.5
kaysa maniwala sa online ads,
02:12.6
mas mainam na magpakonsulta sa doktor o sa health center.
02:16.3
Sa isang pahayag, sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa
02:19.2
na mayroon na silang mga kinasuhang social media pages
02:22.1
na gumagamit sa logo ng DOH at FDA para manloko.
02:26.7
Wala po kaming ini-endorso kahit may isang produkto, kahit gamot, kahit pagkain, wala po.
02:33.6
So ibig sabihin, pag may nakita po kayo na nagsasabing DOH endorses this,
02:38.1
doon pa lang ho, huwag na kayo maniwala.
02:40.3
Nito lang Enero, naggamit sa deepfakes ang ilang ABS-CBN journalists at anchors
02:44.9
para sa peking patalastas ng isang pampapayat na gamot.
02:48.7
Sinubukan na ng ABS-CBN News na kunin ang panig ng Meta,
02:52.2
ang parent company ng Facebook.
02:56.2
Nanunsyo ng Meta na simula sa Mayo, lalagyan na nila ng markang Made with AI
03:01.4
kung ang video, audio o image na ibinahagi sa kanilang platforms ay makikitang gawa sa AI
03:07.7
o kung ibubunyag ng uploader nito na gumamit siya ng AI para sa naturang content.
03:13.4
Andrea Taguines, ABS-CBN News.
03:16.6
Tuloy-tuloy po ang ating pagpapatrol sa bayan mula lunes hanggang biyernes sa TVE Patrol.
03:23.9
Alas 6.30 ng gabi.
03:26.2
Sabado at linggo sa TV Patrol Weekend.
03:29.6
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.