PBBM: April 30 deadline para sa PUV consolidation, wala nang extension | Frontline Pilipinas
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hindi na raw i-extend ang April 30 deadline para sa consolidation ng mga jeep sa ilalim ng PUV Modernization Program.
00:08.3
Ayon yan mismo kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:10.9
Pero ilang jeepney driver at operator ang ayaw pa rin sumali sa kooperatiba.
00:15.7
Nasa front line ng balitang iyan si Gerard de la Peña.
00:20.4
Nagmamatigas pa rin ang mga jeepney driver at operator ng rutang Pasig-Tipas
00:24.3
na hindi sila mag-co-consolidate o bubuo at sasali sa anumang kooperatiba o korporasyon.
00:29.2
Para yan sa PUV Modernization Program ng gobyerno.
00:33.2
Hindi raw sila papayag na kunin ang kanilang prangkisa para lang maging shareholder sa isang kooperatiba.
00:39.4
Kaya ayaw namin mag-consolidate.
00:42.0
Dahil walang, sa tingin ko, sa amin, walang maayos ang programa na ito.
00:47.1
Na hindi nila talagang pinag-aralan.
00:50.0
Hindi nila tinanaw ang programa na ito hanggang doon sa laylayan.
00:54.8
Sa isang traffic town hall meeting ngayong araw,
00:57.5
mismo si Pangulong Bongbong Marcos na nagsabi na hindi nila palalawigin ang April 30 na deadline
01:02.8
para sa consolidation ng PUV drivers at operators.
01:06.4
Unang phase ang consolidation ng PUV Modernization Program.
01:10.0
Walong beses nang na-extend ng deadline.
01:12.1
Ang pinakahuli ay noong Desyembre.
01:14.3
Pero ngayon, talagang huli na raw ito.
01:17.0
Pagdating ng Mayo, maituturing ng kolorum ang mga jeep at UV Express na hindi parte ng kooperatiba.
01:22.5
Sa kahuli-hulihan, asahan ninyo.
01:25.8
Wala na pong extension yung Modernization.
01:30.2
Kailangan na kailangan na natin ayusin.
01:33.3
Ang tinitiyak lang namin na hindi mapabigat pa ang babayaran at maipapautang ng driver-operator.
01:45.2
Kaya ginagawa nating maayos at ginagawa nating well-organized yung sistema na yan.
01:52.5
Sa huling tatlong linggo bago ang April 30 deadline,
01:55.8
nasa 80% na raw ang lahat ng jeep at UV Express nakasali sa kooperatiba o korporasyon.
02:01.7
Mas mababa pa ito sa inaasahan nilang 85% na consolidated units.
02:06.5
Sa Metro Manila naman, 58% ang consolidation rate.
02:10.4
Base sa datos na nakalap ng News 5.
02:13.1
Pabor naman ang grupong Pasang Mazda na huwag nang palawigin ang April 30 deadline sa consolidation.
02:18.8
May hiling lang sila kay Pangulong Marcos.
02:21.4
Mahal na Pangulo.
02:23.8
Sana po magkaroon ng maayos.
02:25.8
Maayos na ruta ang jeepney, maayos na prangkisa, hindi lamang po dito sa kalakang Maynila, kundi sa buong bansa.
02:35.4
Sapagkat sa naikiti po namin, kung maayos natin ang prangkisa, maayos natin ang ruta,
02:41.1
hindi ho tayo magkakaroon ng mabigat na problema ng trabiko.
02:45.3
Pero ang mga jeepney driver at operator na ayaw mag-consolidate, papalag pa rin sa programa.
02:50.8
Kahit magsimula na raw ang panguhuli ng mga enforcer sa mga ituturing nilang koloru.
02:55.8
Plano na raw din sila tungkol dito.
02:58.4
Siguro yung mga traditional jeepney yan, ihaharang namin sa kalye para nasa gumagitan ng gobyerno.
03:03.5
Lahat ng mga hindi na-consolidate, gagawin naman namin yan.
03:05.8
Ihaharang namin sa kabaan ng igsa yan.
03:09.2
Dismayado rin ang grupong manibela sa inanunsyo ng Pangulo.
03:12.4
Napakuraw ang pangako ng Department of Transportation na dayalogo tungkol sa POV modernization program.
03:18.8
Sana naman lumambot yung puso niya sa mga drivers at operators.
03:22.5
Huwag sana siyang makinig doon sa mga nagsasabi sa kanya na maraming nag-consolidate, maraming may gusto nito.
03:30.5
Dapat nga huwag nang ituloy.
03:32.8
At ang sinasabi natin na yung frankisa natin ang ibalik, hindi yung consolidation.
03:38.9
Maling-mali sir, parang hindi magkatugma yung sinasabi at pinaparating sa ating Pangulo doon sa sitwasyon namin ngayon sa ground.
03:49.4
Nauna nang sinabi ng mga grupong tutol sa POV modernization.
03:52.5
At ang program ng pamahalaan na magsasagawa sila ng tigil pasada sa 15 ng Abril.
03:57.4
Bukas ay idedetalye ng grupong manibela ang kanilang plano para sa gagawin nilang strike sa darating na lunes.
04:03.6
Nagbabalitang mula sa Frontline, Gerard de la Peña, News 5.
04:07.3
Mga kapatid, Luchi Cruz Valdesco, maging maalam at may pakialam sa mga napapanahong palita sa pansa.
04:16.5
Tumutok at mag-subscribe sa News 5 social media pages.
04:22.5
Thank you for watching!