Close
 


AMOY SUNOG | LOLIT | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 21:28
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, ikaw ay hindi nag-iisa 🎵
00:11.0
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, may nagmamahal sa'yo 🎵
00:24.0
🎵 Papagdudud Stories 🎵
00:54.0
Isang magandang gabi po sa inyong lahat mga ka-online.
00:59.2
Ako po ang inyong si Papagdudud.
01:01.8
Sa lahat po ng mga nanonood sa ating programa,
01:05.7
maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta.
01:10.5
Sana po ay suportahan niyo din po ang Kaistorya YouTube Channel at ang Papagdudud Family.
01:16.2
At alam naman ang marami sa inyo na nanganak na po ang aking pinakamamahal na si Jem.
01:22.0
At wala pa po akong pinupapasok.
01:24.0
We will post na picture ng aming baby.
01:26.4
Okay? Para po sa inyong kalaman,
01:28.8
we will post the pictures of our babies.
01:31.7
Mauna po yan sa Papagdudud Family YouTube Channel.
01:35.6
Kaya kung di pa po kayo nakakapag-subscribe,
01:38.1
mag-subscribe na po kayo sa Papagdudud Family
01:40.9
sapagkat magiging active na pong muli tayo sa pag-vlog ng ating mga personal
01:45.4
na mga pinagkakaabalahan matapos pong manganak nga po
01:49.5
ng aking pinakamamahal na si Jem.
01:52.6
Get to know more.
01:54.0
Ang inyong pong si Papagdudud sa YouTube Channel ng Papagdudud Family.
01:59.4
Samantala sa ating episode ngayong gabi.
02:04.0
Dear Papagdudud,
02:06.8
Isang magandang gabi sa inyo at sa lahat ng mga nakatutok sa inyong programa
02:10.9
at sa lahat ng mga subscribers po ninyo
02:14.7
na ang hilig ay ang makinig lamang sa mga istoryang tinatampok mo.
02:21.4
Libangan ko talagang makinig ng Papagdudud.
02:24.0
Stories at kaistorya YouTube channel.
02:28.0
Nakikinig ako bago matulog at habang nasa biyahe,
02:31.2
pagpasok sa trabaho.
02:33.9
The best thing sa mga ganitong channels sa YouTube
02:37.1
ay pwede mo siyang pakinggan anytime at any moment.
02:42.2
Anyway, tawagin mo na lamang po ako sa pangalang Lolit.
02:47.1
Isa ako sa mga resident doctors ng isang kilalang private hospital
02:51.7
sa Maynila noon.
02:54.0
Mahabang oras ng duty ko at madalas ay panggabi.
02:59.2
May mga panahong hindi na ako nakaka-uwi
03:01.5
para matulog at umidlip na lamang ako sa hospital.
03:08.3
Samantala, natatandaan ko na noong baguhan pa lamang ako sa hospital na yon
03:13.7
ay mayroong isang gabi na marami ang mga naaksidente at isinusugod sa hospital.
03:21.6
Siyempre, abala kami mga doctors.
03:24.0
Dahil dagsa ang mga pasyente noon.
03:27.1
Kahit na nakakapagod ay wala akong karapatang magreklamo
03:30.0
kasi yon ang sinumpaang kong tungkulin.
03:34.3
Buti na lamang at mahaba ang aking pasensya
03:36.9
at may sensero akong care sa mga pasyente ko.
03:41.8
Madaling araw na nang makaluwag ako mula sa aking mga pasyente.
03:48.3
Untok at pagod, tinanong ko ang mga nurses kung saan ako pwedeng umidlip muna.
03:54.6
Puno na kasi ang doctor's quarters dahil na rin sa dami na mga nagreport ng gabing yon.
04:00.8
At isa nga sa mga nurses ang nagsabing pwede daw akong matulog sa isang private room
04:05.4
sa third floor ng ospital.
04:08.7
Agad naman akong pumayag.
04:11.6
Pero nakita ko na nagkatinghina ng mga nurses ngunit binaliwala ko lamang ito.
04:17.0
Ang tanging nasa isipan ko lamang ay ang ihiga ang pagod kong katawan
04:22.8
ng mga panahon yon papadudot.
04:26.3
Samantala ay sinamahan ako ng isang nurse sa silid na yon, sa third floor.
04:32.0
Nang makarating kami doon ay dalidaling nagpaalam na ang nurse sa may pinto.
04:38.3
Nagmamadali itong umalis, nagtatakaman ay hindi na ako nagtanong pa.
04:44.2
Pumasok siya sa loob ng private room malinis at maliwalas ito.
04:49.4
May aircon at may sariling banyo pa.
04:52.8
Kumportable, maging ang kama papadudot.
04:57.8
Agad akong naglinis ng katawan at natulog na.
05:01.8
Pagkahigang pagkahiga ay nahimlay na ako.
05:05.3
Light sleeper lamang kasi ako kaya naman naalimpungatan ako.
05:09.3
Nang bigla akong marinig ang gripo sa loob ng banyo.
05:13.8
Lumalagaslas ang tubig.
05:16.8
Agad akong bumangon para isarado ito.
05:20.8
Sa isipan ko ay baka nakikita ako.
05:22.8
Naiwan kong bukas ang gripo dahil na rin sa sobrang pagod.
05:27.8
Ngunit pagpasok ko sa banyo ay agad na tumigil ang tunog ng tubig.
05:33.8
Tinignan ko kung bukas ang gripo ngunit sarado naman ito.
05:37.8
Hindi ko na lamang po ito pinansin nung una papadudot at naisip ko na baka sa kabilang kwarto galing ang tunog ng tubig ganina.
05:47.8
Papadudot muli ako nakatulog at muling naalimpungatan pagkaraan lamang.
05:52.8
Nang isang oras.
05:55.8
This time ay tubig naman mula sa shower ang narinig ko.
05:59.8
Nakiramdam muna ako at siniguradong galing nga sa silid ko ang napapakinggan kong pagdaloy ng tubig.
06:07.8
Nang mapagtanto kong galing nga sa silid na yon ang tunog ng shower ay muli akong bumangon at pumasok sa kwarto.
06:15.8
Gaya ng unang insidente ay saradong sarado ang shower.
06:19.8
Dito na ako nagsimulang kinabahan.
06:22.8
At dito ko na rin binigyan pansin ang kakaibang amoy sa loob ng silid.
06:27.8
Ibang amoy na yon papadudot.
06:30.8
Parang sunog.
06:32.8
Hinanap ko kung saan nagmumula ang amoy ngunit wala ni isa mang nakasaksak na electric outlet na nangangamoy sunog.
06:40.8
Bumalik ako sa aking higaan at nakiramdam papadudot.
06:45.8
Pakiramdam ko talaga ay hindi ako nag-iisa sa silid na yon.
06:48.8
May kung anong pakiramdam na may nagmamasid sa akin mula sa silyang nasa sulok.
06:56.8
Mula sa aking isipan ay nabubuo ang imahe ng isang babae.
07:01.8
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang isang larawan sa aking imahinasyon.
07:07.8
Mukhang hindi na makilala dahil deformed ang kamay, nakulubot, tuyot na ang balat.
07:15.8
Nakakatakot ang itsurang nabubuo sa aking isipan ng mga sandaling yon.
07:20.8
At dahil sa kinikilabutan na talaga ako ay pilit kong binura ang imaheng yon sa aking isipan.
07:28.8
Kailangan kong matulog at makapagpahinga.
07:32.8
Nang ipipikit ko na ang aking mata ay narinig ko na may nagflash sa CR.
07:37.8
Hindi na ako bumangon sa pagkakataong yon papadudot.
07:41.8
Alam ko namang kasing wala akong makikita sa CR.
07:43.8
Iyon ang naging pagkakamali ko dahil nang muli kong ipikit ang aking mga mata
07:49.8
ay nakarinig na ako ng mga yabag na nagmumula sa CR palabas at palapit sa higaan ko.
07:56.8
Dahil doon ay bigla akong napabangon papadudot.
08:01.8
At yon nga tumambad sa akin ang isang babaeng deformed at hindi ko mawari kung ang balat ba niya ay naaagnas o nasunog.
08:10.8
Pagkabangon ko ay halos matalisod pa rin.
08:13.8
Pagkakataon po ako sa pagmamadali ko.
08:16.8
Agad akong tumungo noon sa pinto pero hindi ko yon mabuksan.
08:20.8
Kaya naman pinaghahampas ko ang pinto at nagsisigaw na humingi ng tulong.
08:25.8
Kaso papadudot, walang sumaklolo sa akin.
08:30.8
Nang muli akong bumaling sa aking likuran ay nakita ko pa rin ang babaeng deformed.
08:35.8
Hindi ko talaga maiwasang magsisigaw kasi nakakatakot talaga ang kanyang itsura.
08:41.8
At lalo pa akong natarantanang makita kong lumulutang siyang lumalapit sa akin.
08:48.8
Dahil doon ay tumakbo ulit ako palayo sa palapit na multo.
08:55.8
Anong klaseng nilalangka?
08:57.8
Multo ka ba?
08:59.8
Inkanto? Maligno? Ano bang kailangan mo sa akin?
09:03.8
Histerical kong tanong sa kanya.
09:06.8
Pero muling bumaling sa akin ang nakakatakot na babae at lumulutang na lumapit sa akin.
09:11.8
Papadudot, naghabulan kami sa loob ng kwarto at lahat ng madukot kong gamit tulad ng silya ay inambako na sa kanya.
09:22.8
Huwag kang lalapit sa akin kundi ay ihahampas ko ito sa iyo banta ko pa sa multo.
09:29.8
Pero hindi natakot ng multo bagkos ay lumapit pa siya sa akin kaya dinuro ko siya ng upuang gamit ko.
09:35.8
Pero nagulat ako nang biglang may humilang puwersa sa hawak kong silya at tumalsik ito palayo sa may pinto.
09:44.8
Pagkatapos ay patuloy ang babaeng multo sa paglapit sa akin.
09:49.8
Ano mang kailangan mo ha? Ano mang kasalanan ko sa iyo para gawin mo sa akin ito?
09:54.8
Histerical na tanong ko.
09:57.8
Ang buong akala ko ay hindi magsasalitang multo pero nagkamali ako dahil nang ibuka niya ang kanyang bibig.
10:03.8
May lumabas na boses na nag-ieko sa utak ko.
10:07.8
Hindi niyo ko niligtas. Pinabayaan niyo lamang ako. May hinanakit na wika ng babaeng multo na iyon.
10:16.8
Kakapasok ko lang sa ospital na ito kaya hindi ko alam ang sinasabi mo. Sagot ko sa kanya.
10:23.8
Ano bang nangyayari sa iyo?
10:26.8
Naaksidente ka ba? Nasunog ka ba? Ano? Tanong ko pa.
10:31.8
Pero hindi na siya sumagot at sa halip ay tuloy na siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang leg ko.
10:40.8
Nagpupamiglas ako papadudot pero kahit na anong gawin ko ay wala akong lakas.
10:45.8
Hanggang sa bigla na lamang akong nagising sa aking bangungot.
10:50.8
Nagulat ako dahil nakahiga pa rin ako sa aking kama.
10:54.8
Pero nagimbal ako nang marinig ko ulit na tumutulo ang gripo sa loob ng CR.
11:01.8
Dahil doon ay nagdasal muli ako tapos ay nagpa siya na akong bumangon.
11:08.8
Useless na rin lamang manatili pa ako sa silid na iyon.
11:12.8
Namamagang mga mata ko sa kawalan ng pahinga ay tinungo ko ang nurse's station na may hawak na kape.
11:20.8
Nakita ako ng mga nurse na nagturo sa akin sa silid kung saan ako natulog.
11:25.8
Doktora, kumusta na po kayo? Nakatulog po ba kayo?
11:28.8
Naghala lang tanong ng nurse sa akin.
11:32.8
Hindi, sagot ko. Kasi may multo sa kwartong iyon.
11:37.8
Ang buong akala ko ay mawiwirdohan sila sa aking sinabi at hindi maniniwala sa akin.
11:44.8
Pero ibang nangyari. Sa mga titig pa lamang sa akin ng nurse ay parang alam na niya ang sinasabi ko.
11:52.8
Opo doktora, hunted nga po ang kwartong iyon.
11:56.8
Pagtatapat ng nurse sa akin.
12:00.8
Hunted? Ibig sabihin may nagbumulto.
12:03.8
Gusto kong i-clarify sa kanya kung tama ba ako ng pagkakarinig.
12:08.8
Opo, wala pong tumatagal sa kwartong iyon kasi grabe ang paramdam.
12:13.8
Buti nga po eh, ganun lang ang paramdam sa inyo eh.
12:17.8
Kami nga po nung hindi pa namin alam na may multo doon eh grabe talagang nakakakilabot ang mga nangyari sa amin.
12:23.8
Kwento pa nito sa akin.
12:26.8
Eh kung ganun pala bakit mo pa sinabi sa akin yun?
12:29.8
Medyo naiinis kong tanong sa nurse.
12:32.8
Eh doktora nung i-suggest namin doon na kayong matulog eh akala namin ay alam ninyo ang usap-usapan tungkol sa silid na iyon.
12:40.8
Akala namin ay matapang lamang kayo ang paliwanag ng nurse sa akin.
12:45.8
Ayon sa mga nurse, may isang mayamang nakakonfine sa silid na iyon ilang taon nang nakakaraan.
12:52.8
Nasunog daw ang mukha at ilang bahagi ng katawa ng babae.
12:56.8
Lahat ay third degree burns.
12:59.8
Isang araw lang daw nagtagal ang babae at namatay ito sa silid na iyon.
13:04.8
Magmula nga noon ay sinasabing lagi na lamang may napapakinggan na tumutulong tubig mula sa silid.
13:12.8
Doon ko lamang napagtanto kung saan galing ang imaheng pumasok sa aking isipan ng gabing iyon.
13:18.8
Hindi naaagnas ang bangkay na aking nakita sa aking isipan.
13:24.8
Isa yung sunog na imahe at hindi sunog na electric fan cord ang aking naaamoy kundi nasusunog pala na laman ng tao.
13:33.8
Mula rin noon ay hindi na ako pumasok sa silid na iyon papadudot.
13:38.8
Akala ko ay hindi ko na mai-experience ang nakakatakot na pangyayaring iyon sa haunted hospital room pero nagkamali ako.
13:46.8
Dahil isang araw may na-confine na isang pasyenteng lalaki na sinasabing nasabuyan daw ng moriatic acid sa kanyang buong katawan.
13:57.8
At ng mga panhong iyon ay ang haunted hospital room na lamang ang natitirang bakante.
14:03.8
Ayaw ko mang ibigay iyon sa aking pasyente ay no choice kami kundi doon siya ilagay.
14:09.8
Besides ay naisip ko na baka yung multong naroon ay galit lamang sa doktor o nurse at hindi sa mga pasyente.
14:17.8
Matapos mailagay sa ICU ay nai-transfer na nga ang pasyenteng iyon sa nasabing kwarto.
14:24.8
Kasama din sa magbabantay ang asawa niya at panganay nilang anak na lalaki na 19 years old na.
14:30.8
Kung makapansin kayo ng kakaiba sa pasyente, agad niyo akong tawagin. Sa ngayon ay oobserbahan natin siya. Bilin ko sa asawa.
14:41.8
Agad namang umuo ang asawa ng pasyente ko.
14:44.8
Samantala alas 11 na ng gabi ang tapos ng duty ko noon at nagbabalak na sana akong umuwi nang biglang tawagin ako ng isang nurse.
14:54.8
Isa raw emergency dahil bumaba raw ang oxygen levels ng pasyente. Agad akong sumaklolo at sinubukan na iligtas ang pasyente.
15:04.8
Sa awa naman ng Diyos ay muling nakaligtas ang pasyente sa karit ng kamatayan.
15:10.8
Ayos na po ba ang asawa ko?
15:12.8
Naiiyak na wika ng asawa ng pasyente.
15:16.8
For now, opo. Pero kailangan pa po natin siyang imonitor ng mabuti, sagot ko.
15:23.8
Eh doktora, may tanong lang po ako. May multo po ba dito sa kwarto namin? Nag-aalala niya ang tanong sakin.
15:32.8
Bakit po? Ano po bang nangyari kanina? Curious na tanong ko sa kanya.
15:37.8
Kasi po Dok eh habang umiidlip ako eh bigla na lamang bumukas ang mga grip watch.
15:42.8
Nag-shower doon sa CR. Tapos may nag-flash ng kusa sa inedoro. Eh wala namang pong tao.
15:50.8
Tapos nakakaamoy po ako ng parang nasusunog na bagay o parang iniihaw na karne.
15:56.8
At saka kanina rin po eh bago naghingalaw ang asawa ko ay nanaginip ako ng isang babae na mukhang nasunog yata ang balat.
16:05.8
Tapos ay pumatong siya sa asawa ko at sinasakal siya.
16:08.8
Kaya bigla na lamang akong nagising at naabutan ko nga po na nangingisay ang asawa ko.
16:13.8
Mahabang kwento pa ng asawa ng pasyente ko.
16:17.8
Ganun po ba? Eh huwag na lamang pong pansinin yun misis.
16:22.8
At sa kamamayang pagsikat ng araw, ililipat natin ang kwarto ang asawa ninyo. Ang sabi ko na lamang.
16:30.8
Hindi ko na sinabi noon sa kanya ang tungkol sa multo sa haunted hospital room. Kasi ayokong matakot naman ang pasyente.
16:38.8
Kaya kinaumagahan ng mabakante ng isang kwarto sa second floor eh agad kong inutusan ng mga nurse na ilipat na doon ang pasyente ko at alisin sa haunted hospital room.
16:49.8
At habang inaalis nga ng mga nurses ang pasyente para ilipat, ay naamoy naming lahat ang tila na susunog na laman ng tao.
16:58.8
Nagtingin ang kaming lahat at natuntun ko ang amoy na nanggagaling sa aking likuran.
17:04.8
At that point papadudot ay tumaas ang balahibo ko sa katawan ko kasabay ng kakaibang lamig na tila yumayakap sa katawan ko.
17:15.8
Dahil doon ay pinagmadali ko na ang mga nurses na ilipat ang pasyente sa bago nitong kwarto.
17:22.8
At mukhang tama ako nang naging desisyon dahil pagkalipat ng pasyente ko sa ibang kwarto ay nagkamalay na ito.
17:30.8
At hindi nagtagal ay lumakas na rin ang pangangatawan niya.
17:33.8
Malayong malayo sa nangihingalong pasyente nung una namin itong dinala sa haunted hospital room.
17:41.8
At yun nga papadudot pagkaraan ng ilang operasyon ay bumuti na ang lagay ng pasyente ko.
17:49.8
At pagkalipas siguro ng halos isang buwan ay nakalabas na po ito ng hospital.
17:55.8
Sa ngayon papadudot ay doon pa rin po ako sa hospital na yun nagtatrabaho.
18:00.8
Siyempre hindi maiiwasan na nagagawi ako sa haunted hospital room na yun pero nilalakasan ko na lamang ang loob ko.
18:08.8
At siyempre armed ako ng aking matibay ng pananampalataya sa Diyos.
18:13.8
Oo nagpaparamdam pa rin ang multong yun. Sa akin hindi ko siyang nakikita pero alam kong nariyan lamang siya sa tabi ko kapag naaamoy ko na.
18:23.8
Ang amoy sunog na laman.
18:26.8
Actually ay sinubukan na ng management ng hospital namin na pabindisyon namin.
18:30.8
We even hired a paranormal expert para lamang mapaalis yun.
18:36.8
Pero papadudot matibay ang kaluluwang yun. Kahit na anong gawin namin ay hindi talaga namin siya mapaalis.
18:43.8
Dahil doon ay nagpa siya na lamang ang management na hayaan na lamang ang multo sa kanyang teritoryo at sa halip na hospital room ay ginawa na lamang namin siyang stock room ng mga medical supplies namin.
18:56.8
Papadudot eto lamang ang maibabahagi ko sa inyo.
18:59.8
Ang totoong experience ko po ito at sa maniwala kayo o hindi.
19:03.8
Nangyari talaga ito hindi lang sa akin kundi sa lahat ng mga staff ng hospital namin.
19:08.8
Hanggang sa muli maraming salamat and more power sa inyo papadudot.
19:13.8
Labos na gumagalang Dok Lolit.
19:29.8
Ang buhay ay mahihwaga.
19:38.8
Laging may lungkot at saya.
19:44.8
Sa papadudot stories.
19:48.8
Laging may karamay ka.
19:55.8
Mga problemang kaibigan.
20:03.8
Dito ay pakikinggan ka.
20:10.8
Sa papadudot stories.
20:14.8
Kami ay iyong kasama.
20:21.8
Dito sa papadudot stories.
20:25.8
Ikaw ay hindi nag-iisa.
20:34.8
Dito sa papadudot stories.
20:38.8
May nagmamahal sa iyo.
20:47.8
Papadudot stories.
20:50.8
Papadudot stories.
20:59.8
Papadudot stories.
21:07.8
Hello mga ka-online! Ako po ang inyong si Papadudot.
21:11.8
Huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe.
21:15.8
Pindutin ang notification bell para mas maraming video ang mapanood ninyo.
21:19.8
Maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala.