Close
 


TV Patrol Express: April 11, 2024
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Mabilisang pasilip ng mga nagbabagang balita ang hatid ng TV Patrol Express, 5PM, Lunes hanggang Biyernes. Hatid nina Chief of Reporters Jeff Canoy at news anchor Denice Dinsay. Kaya subscribe na sa YouTube at Facebook ng ABS-CBN News. Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 10:35
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
🎵 Music 🎵
00:10.0
Magandang araw kapamilya ngayon, ikalabing isang araw ng Abril.
00:16.6
Nagbabaga mga balita, pumuputok ang mga storya.
00:19.4
Mga impormasyong mahalaga, no more no less, hatid ng TV Patrol Express.
00:24.7
Unahin po natin ang pagbagsak ng isang helicopter sa Cavite na ikinasawi ng dalawang piloto ng Philippine Navy.
00:33.6
Ayon sa Philippine Navy, nagsasagawa ng training flight ang mga biktima nang maganap ang insidente.
00:39.5
Sa hindi pa malamang dahilan, ay napilitan umanong magsagawa ng emergency landing ang mga biktima bago bumagsak malapit sa isang public market.
00:48.6
Naisugod pa sa ospital ang mga piloto pero nasawi rin, nagpahayag na ng pakikiramay ang Philippine Navy
00:54.3
sa mga kaanak ng mga biktima. Iniimbisagahan na rin ang sanhi ng insidente.
01:00.9
May panibagong warrant of arrest na inilabas laban kay Kingdom of Jesus Christ leader, Pastor Apollo Quiboloy.
01:08.3
Ipinaaresto na ng Pasig City Regional Trial Court Branch 159
01:13.0
ang kontrobersyal na televangelist dahil sa kasong qualified human trafficking.
01:18.8
Ibinasura din ng korte ang musyon ng kampo ni Quiboloy na ipagpaliban ang paglilitis.
01:23.3
Nauna nang naglabas ng arrest warrant ang isang korte sa Davao City dahil naman sa mga kasong child at sexual abuse laban kay Quiboloy.
01:33.9
Ikinalugod ng Department of Justice ang utos ng korte sa Pasig na arestuhin si Quiboloy.
01:40.0
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia, patunay ang mga arrest warrants na ito na gumugulong ang criminal justice system sa bansa.
01:48.3
Dagdang nagkalihim, walang piyansa ang kasong qualified human trafficking.
01:53.3
Dumating na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Amerika miyerkulis ng gabi para dumalo sa Trilateral Summit kasama ang US at Japan.
02:03.5
Itinuturing na makasaysayan ang summit na ito na gaganapin isang linggo matapos igiit ni Pangulong Marcos
02:09.6
na tutugunan ang Pilipinas sa mga agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea.
02:15.8
Pagkatapos ng summit, inaasahang maglalabas sila Pangulong Marcos Jr., Japanese Prime Minister Humio Kishida
02:22.2
at US President Xi Jinping.
02:23.3
Ito ay maglalabas sila ng President Joe Biden ng Joint Vision Statement na maglalatag sa mga hakbang para mapalakas pa ang kooperasyon ng tatlong bansa.
02:31.7
Makikipagkita rin si Marcos kay US Defense Secretary Lloyd Austin sa Pentagon bago bumalik sa Pilipinas sa April 12.
02:40.5
Walang dahilan para mag-overreact ang China sa quadrilateral maritime exercises ng Pilipinas, US, Japan at Australia sa West Philippine Sea nitong weekend.
02:51.7
Giit ni U.S. National Security Communications Advisor John Kirby tungkol sa kalayaan sa paglalayag at pagsunod sa international law ang natura aktibidad.
03:02.4
Isinagawa ang drills sa dagat na sakop ng Exclusive Economic Zone at Continental Shelf ng Pilipinas.
03:09.3
Nagsagawa rin ng combat patrols ang China sa South China Sea noong araw din yun.
03:14.1
Binatikos ng Beijing ang quadrilateral drills at sinabing maaaring mauwi ito sa mga komprontasyon sa regyon.
03:20.7
Sa kabila ng pag-alman ng China, sinabi ni Kirby na posibleng magsagawa pa uli ng mga joint patrols ang apat na bansa.
03:30.6
Aabot sa isang libong pamilya ang nawala ng tirahan sa sunog sa isang puting bato sa Tondo, Maynila nitong miyerkoles ng hapon.
03:39.1
Ayon sa barangay, napabaya ang gasol ang hinihinalang sanhinang apoy na mabilis na kumalat dahil sa lakas ng hangin.
03:45.8
Nasa tatlong daang bahay ang naabot sa sunog na inabot ng halos sampung oras.
03:50.7
Bago tuluyang naapula, pansamantalang mananatili ang mga nasunugan sa Delpan Sports Complex.
03:57.4
Namahagi na ang Manila Department of Social Welfare ng mga food packs at nagtayo ng mga modular tents sa covered court bilang paon ng tulong.
04:07.6
Tumakas ang isang sasakyang may plakang number 7 matapos itong sitahin ng mga traffic enforcer dahil sa pagdaan sa EDSA Busway,
04:16.6
Webes na umaga.
04:18.5
Pinara ng mga tauhan ang special action.
04:20.7
Ang itim na SUV na nakasunod pa sa ilang police car na tinikitan din.
04:29.4
Pero matapos ibigay ng driver ng SUV ang kanyang lisensya ay kumaripas na ito ng takbo.
04:35.7
Hala, hindi hinabol.
04:37.2
Mga senador lang ang maaaring mabigyan ng protocol license plate na number 7.
04:41.2
Ayon kay Jonathan Esmundo, Executive Assistant to the Transportation Secretary.
04:46.4
Hindi pa nila matukoy kung sino ang maaaring senador na nakasakal.
04:50.7
Ay, sa SUV.
04:52.3
Sino kaya po ang mystery passenger na ito?
04:54.9
Abangan sa susunod na kabanata.
04:58.7
At habang inaabangan nga po yun, naglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
05:03.3
ng executive order para ma-regulate ang pag-issue ng mga low-numbered na protocol license plates
05:08.5
para sa mga opisyal ng pamahalaan.
05:10.8
Sa ilalim ng EO number 56 na nilagdaan ng Pangulong itong March 25 mula sa dating 16
05:17.0
ay ibinaba sa labing dalawa ang protocol license plates.
05:20.7
Valid lang gamitin ang mga plakang ito habang nakaupo sa pwesto ang opisyal na inisuhan nito.
05:28.4
Ikakabit lang din ang mga plaka sa sasakyang nakarehistro sa pangalan ng government official
05:33.4
o sa sasakyang opisyal na naka-assign sa kanya.
05:37.4
Samantala, naglabas din ang Pangulo ng administrative order number 18
05:41.1
na nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan at mga tauhan nila
05:45.4
na gumamit ng sirena, blinker at iba pang signaling o flashing device.
05:50.7
Exempted sa kautusan ng AFP, NBI, PNP, mga bumbero, ambulansya at iba pang emergency vehicles.
06:00.9
Sugata ng isang lalaki sa salpukan ng motorsiklo at pampasaherong bus
06:06.0
sa busway sa Quezon City, Merkulis ng gabi.
06:09.6
Ayon sa bus driver, bumabiyahe siya pa northbound nang biglang sumulpot ang motorsiklo sa U-turn Badang Muñoz.
06:16.6
Nahagit ng bus ang concrete barrier.
06:20.7
Para iwasan ang motorsiklo.
06:23.1
Pero bahagya pa rin nitong nakaladkad ang motorsiklo.
06:26.6
Nabasag din ang windshield ng bus matapos tamaan ang helmet ng rider
06:30.8
na nagtamo ng sugat sa kanang balikat at paa.
06:34.8
Patuloy na iniimbesigahan ng mga pulis ang insidente.
06:39.8
Buling magsasagawa ng transport strike sa lunes, April 15
06:44.0
ang mga transport group na Piston at Manibela.
06:47.3
Kasunod ito ng disisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
06:50.7
na hindi na palalawigin ang consolidation deadline
06:53.9
para sa Public Utility Vehicle Modernization Program.
06:57.3
Ayon sa dalawang grupo, sunod-sunod ang ikakasa nilang tigilpasada.
07:02.1
Hindi lang sa Manila, kundi sa iba't ibang lugar sa bansa.
07:05.3
Gait nila hindi lang ang extension ng deadline ang hinihingi nila
07:09.0
kundi ang tuluyang pagbasura sa franchise consolidation requirement
07:13.2
at ang POV Modernization Program.
07:17.7
Isang sugatan matapos magdere-derecho.
07:20.1
Sa loob ng fast food joint ang isang mini SUV sa Mual-Mual, Cebu, Webes ng umaga.
07:26.7
Kita sa video ng isang netizen na babagal na umaanda ng sasakyan
07:30.6
palapit sa esablishamento hanggang sa bumanga ito sa glass walls
07:35.5
at pumasok sa loob ng kainan.
07:38.3
Iniimbesigahan pa ng mga pulis ang insidente.
07:41.3
Pansamantala namang nagsara ang tindahan.
07:45.7
Nasaway ang motorcycle taxi rider at pasahero nito
07:49.5
matapos magsasakyan.
07:50.1
Masagasaan ng SUV sa Cebu South Coastal Road.
07:54.2
Kita sa isang dashcam video.
07:56.0
Panoorin po ninyo ito ha.
07:57.3
Na unang tumama ang motorsiklo sa concrete separator.
08:01.2
Dahilan para tumilapon ang rider at pasahero sa kabilang kalsada.
08:05.1
Sakto namang paparating ang SUV kaya't nasagasaan ang mga biktima.
08:09.9
Nasa kustudiya na ng pulis ang driver ng SUV.
08:13.1
Nagdesisyon naman ang mga kaanak na mga nasawi
08:15.8
na makipag-ayos na lang sa driver ng SUV.
08:18.8
Nangako naman ang driver ng SUV.
08:20.1
At ang driver natutulong sa mga gastusin para sa dalawang biktima.
08:25.3
Good news! Kumonte ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Pebrero.
08:30.8
Ayon sa the Philippine Statistics Authority,
08:33.3
bumaba sa 3.5% ang unemployment rate sa bansa
08:37.0
o katumbas ng 1.8 milyon na Pinoy na walang trabaho.
08:41.6
Mas mababa ito kaysa sa 4.5% noong Enero,
08:45.3
na katumbas ng 2.15 milyon na mga Pinoy na jobless.
08:49.1
Bumaba rin ang underemployment rate
08:51.4
o yung mga Pinoy na may trabaho na
08:53.4
pero nagahanap pa ng dagdag na trabaho.
08:56.6
Mula 13.9% o 6.39 milyon noong January
09:01.0
ay bumaba ito sa 12.4% o 6.08 underemployed na Pinoy.
09:09.2
Lucky 7 pero mukhang hindi lucky yung number 7 na plate number ng kotse na.
09:14.9
Oo, maaga. Tapos nasakto pang nakaabang siyempre
09:19.1
diya kasama ng mga nag-ooperate doon.
09:21.8
At marami na over the past few weeks, months,
09:25.2
sa talagang kahit anong paalala ng mga otoridad,
09:27.8
dumadaan pa rin doon sa bus lane kahit bawal.
09:30.9
I think medyo sometimes sanay na kasi, nakasanayan.
09:33.7
Pero siyempre ito, public servant, di ba?
09:36.9
Yung numerong yun, giveaway.
09:38.7
Ang tanong, sino siya?
09:40.2
Malalaman din yun ng mga netizens.
09:41.9
Tapos baka bukas, ma-report na namin kung sino.
09:45.1
Kaya abangan yan.
09:46.0
Abangan po natin kung may aamin.
09:49.1
Senado, ha? Kung sino yung number 7, ha?
09:52.0
At iyan, mga nagbabagang balita,
09:54.4
laging tumutok sa TV Patrol Express
09:56.6
para sa mga may init na balita at impormasyon na kailangan yung malaman.
10:02.0
Huwag din pong kalimutan mag-LSSC,
10:03.9
like, share, subscribe, and comment.
10:06.5
Sunod din po ang TV Patrol sa Facebook at TikTok.
10:09.7
Ako po si Denise Dinsay.
10:10.8
Mga kapamilya, mapapanood ang TV Patrol sa Kabamilya Channel,
10:14.3
Kabamilya Online Live, A to Z.
10:16.0
I want TFC at YouTube.
10:17.8
Ako po si Jeff Canoy.
10:19.1
Maraming salamat at magandang araw, kapamilya!