Close
 


US at Japan, may investment package para sa Pilipinas | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Inaabangan na ang pagsisimula ng kauna-unahang trilateral summit sa pagitan ng Pilipinas, Japan at Amerika. Inaasahang i-a-anunsiyo rin ng Tokyo at Washington ang bilyung pisong halaga ng pamumuhunan para sa Pilipinas, bilang bahagi ng pagtataguyod ng mas malakas na kooperasyon ng tatlong bansa. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #ABSCBNNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 05:23
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Katrina, alam na ba natin ang halaga ng investment na makukuha ng Pilipinas mula sa naturang pagpupulong?
00:10.9
Bernadette, hindi bababa sa 100 billion US dollars ang inaasahan na ibubuhos ng Japan at ng US sa Pilipinas sa susunod na lima hanggang sampung taon
00:20.8
upang matulungan ang bansa na mas pagtibayin pa ang ilang kritikal na industriya.
00:26.1
Kabilang dito sa mga pinag-uusapan na kasunduan ay ang pagpasok ng mga maliliit na modular nuclear power plant para maparami ang supply at mapababa ang presyo ng kuryente sa bansa.
00:37.9
Pinag-uusapan rin ang pagpapatibay ng semiconductor industry at ang mga posibleng joint oil exploration projects.
00:45.1
Tinitingnan din ang mga benepisyong maaaring makuha ng Pilipinas mula sa lumalaking industriya ng defense security technology ng Japan.
00:56.1
Makasaysayan at isa sa mga pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.
01:04.2
Ganito inilarawan ni Philippine Ambassador to the United States, Jose Manuel Romualdez, ang Trilateral Summit ng Pilipinas, Japan at Amerika.
01:13.8
Bukod kasi sa muling paninindigan para sa rule of law at malayang paglalayag at pagpapalipad sa South China Sea,
Show More Subtitles »