Close
 


Maynila may warning system sa init ng panahon | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nagpatupad ng warning system ang lungsod ng Maynila bilang gabay sa pagsususpinde ng face-to-face classes dahil sa init ng panahon. Bukas naman ang PAGASA sa mungkahing magbalangkas ng heat index protocol na tutulong sa mga LGU na lumipat sa online o modular learning dahil sa matinding init. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #ABSCBNNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 04:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:01.0
Napuno na mga susundong magulang ang tapat ng Padre Mariano Gomez Elementary School sa Maynila kaninang tanghali.
00:08.8
Simula ngayong Webes hanggang May 28, hanggang alas 12 lang ang face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa Maynila,
00:16.7
alinsunod sa utos ng Schools Division Office na Lunsod.
00:20.5
Ang grade 2 na anak ni Marisa, na dati pumapasok ng tanghali hanggang hapon, ginawa ng pang-umaga.
00:27.3
Ang maganda ng umaga, yung pasok, parang walang init. Kung tanghali sila, mainit kasi paglabas.
00:39.1
Ayon sa paaralan, nagpatupad rin sila ng alternate schedule ng pasok.
00:44.4
So for example, kami grade 6, ang class for this week is PTH, Tuesday and Thursday.
00:51.6
The following week, MWF naman po kami. Monday, Wednesday, Friday.
00:56.6
For the next two weeks.
00:59.1
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, nagpapatupad ng Lunsod ng warning system na siyang gumagabay sa mga patakaran nito,
01:06.6
basis sa init ng panahon.
01:09.0
Yung lalabas sa ating heat index, salimbawa, doon na natin kung sino-sino yung mga bibigyan natin ng advisory.
01:16.1
Not only DCS Manila or DepEd Manila, but also the barangkais and all other departments na kailangan sumagot,
01:26.1
or mag-respond in cases na extreme heat na po talaga.
01:31.1
Ang pag-asa naman, bukas sa suwestyon na ilang mambabatas na bumalangkas ng heat index protocol sa pagsususpinde ng face-to-face classes ng LGU.
01:41.6
Of course, kailangan namin ng assistance pa rin ng mga local government units and even yung mga other mandated agencies.
01:48.1
Para halimbawa, yung sinusulong po kasing cancellation ng classes pertaining to certain values ng heat index,
01:55.0
ay pwede po akusas.
01:56.1
Actually, balangkasin together with our Department of Education upang nang sa gayon ay mas ma-accurate na information po ang may parating natin sa ating mga kababayan.
02:05.7
Handa naman ang Department of Education sa posibleng pakikipagtulungan sa pag-asa.
02:10.6
Sa ngayon naman po, merong authority talaga yung ating mga school heads para pag naramdaman nila na talagang hindi na conducive na learning environment yung ating mga paaralan,
02:22.6
talagang mabilisan yan na pwede na silang mag-suspindi.
02:26.1
But if there's a need or not, I think we leave it to the experts kung ano ang ipigil ng pag-asa.
02:31.4
Pwede mo natin tingnan ng pag-aralan.
02:33.5
Tingin naman ang private schools, mas mainam pa rin ang sistema ang ipinatutupad ngayon.
02:38.8
I think it's still best for the educational institutions or yung schools natin and administrators to determine if it's necessary na in their case.
02:50.5
Kasi sila yung nasa, kumbaga, they are the people in the ground, in the field.
02:56.1
And sila yung best people to determine kung kailangan na or necessary na na mag-suspend or move to an alternative learning mode.
03:07.7
Sa tala ng Department of Education ngayong Webes, nasa 5,844 mula sa 47,000 pampublikong paaralan sa buong bansa
03:17.8
ang nagdeklara ng suspension ng face-to-face classes at lumipat sa modular o online learning.
03:24.1
Balak naman ang DepEd na sumangguni kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
03:28.8
Pagbalik niya mula Amerika para linawi ng kanyang pahayag kaugnay sa agarang pagbabalik sa dating school calendar
03:35.6
kung saan bakasyon ang mga estudyante ang mga buwan ng Abril at Mayo.
03:41.9
Joyce Balancio, ABS-CBN News.
03:54.1
Hanggang Sabado at Linggo sa TV Patrol Weekend.
03:58.4
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
04:01.5
Thank you for watching!