Close
 


Mga LGU sa Metro Manila, handa na sa pinaagang oras ng trabaho | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Tiniyak ng ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila na magtatalaga sila ng skeleton force sa frontline services mula 4 p.m. hanggang 5 p.m. kapag ipinatupad na ang mas maagang oras ng trabaho sa mga opisina nila simula sa Lunes. Nananawagan naman ang isang senador na magsagawa muna ng pag-aaral kung talagang maiibsan ang traffic sa Metro Manila kapag pinaaga ang work schedule sa mga opisina ng LGU. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://tw
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:53
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:01.0
Isang oras at kalahati ang inilalaan sa biyahe ni Nikoy mula sa bahay niya sa Marikina para makarating sa opisina sa San Juan City Hall bago mag alas 8 ng umaga.
00:11.7
Dalawang oras naman inaabot ang biyahe niya pa uwi.
00:14.9
Umaasa si Nikoy na iikli ito kapag efektibo na ang mas maagang oras ng trabaho sa mga opisina ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
00:23.5
If ever na mas maaga ako makaka-uwi, at least matutulungan ko yung ano ko. Kasi inaantay niya ako makauwi ng bahay, then tsaka pala kami gagawa ng assignment sa gabi.
00:34.5
Bukas din sa bagong polisiya ang katrabaho niyang si Joser bagamat aminadong mga ngailangan ng adjustment.
00:41.2
Siyempre sa tagal namin na 8 to 5, sanay na sanay na kami sa oras ng body clock natin.
00:49.9
Siyempre alam na natin yung oras ng gising.
00:52.2
So, pati oras ng pagtulog natin.
00:56.2
Base sa resolusyon ng Metro Manila Council, efektibo na sa lunes ang 7 a.m. hanggang 4 p.m. na working schedule mula sa kasalukuyang schedule na 8 a.m. hanggang 5 p.m.
01:07.7
Layo nitong mapagaanang trapiko tuwing rush hour.
01:10.9
Tiniyak naman ang ilang mayor na maglalagay sila ng skeleton force o ilang manggagawa sa frontline services mula 4 p.m. hanggang 5 p.m.
01:20.4
kapag ipinatupad na ang mas maagang work schedule.
01:23.3
People are used to going to City Hall between 8 a.m. to 5 p.m.
01:30.5
So, baka may mga manibago sa oras o di kaya yung iba galing din sa trabaho, hahabo lamang sa City Hall bago magalasin ko.
01:38.1
Actually, before may mga nakapila na po dyan, even before 7 a.m.
01:43.8
So, I don't think it would be so much of a hassle for them kung aagahan po.
01:50.4
And definitely, meron pa rin naman po kami iiwan dyan na magfi-flexi time.
01:57.9
Sa Marikina City, sinabi ni Mayor Marcy Teodoro na humigit kumulang 30% lang ng LGU workforce ang maapektuhan ng bagong schedule dahil nagpapatupad na ang lungsod ng flexible working hours.
02:10.1
Ang maapektuhan ng 7 to 4 will be yung administrative offices, backroom offices namin, yung nasa accounting, nasa budget office.
02:20.4
Nagpaprocess ng mga papeles ng city.
02:24.5
There will be reduction of people within the offices pero baka maging minimal lang.
02:33.2
Magpupulong sa biyernes ang Metro Manila Council para plansahin ang detalye ng bagong work schedule sa LGU offices.
02:40.6
Panawagan naman ni Sen. Aimee Marcos, magsagawa muna ng pag-aaral kung makatutulong ba talaga sa trapiko ang pinaagang oras ng trabaho sa mga lokal na pamamagitan.
02:50.4
Ang pinangangambahan ng mga estudyante at nakararami na pumapasok ng maaga sa palengke, sa eskwelahan, mas lalong matatrapik.
03:01.8
Hinimok naman ni Sen. Francis Tolentino ang Pangulo na maglabas ng executive order para maipatupad ang panukala ng MMC sa national government agencies na nasa Metro Manila.
03:13.0
Vivian Gulia, ABS-CBN News.
03:16.5
Tuloy-tuloy po ang ating pagpapatrol sa bayan.
03:20.4
Sa lunes hanggang biyernes sa TV Patrol.
03:23.6
Alas 6.30 ng gabi hanggang Sabado at Linggo sa TV Patrol Weekend.
03:29.2
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
03:32.2
Thank you for watching!