* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Bakit maaaring mawala sa mapa ang South Korea?
00:04.1
Ang South Korea o Sokor ay unti-unti nang nauubusan ng mga tao.
00:09.1
Ngunit hindi natin nakikita ang dahilan. Ano kaya ito?
00:13.4
Sa video na ito, pag-uusapan natin ang bansang South Korea
00:16.7
at kung bakit maaaring hindi na umusbong ang susunod na henerasyon ng South Koreans.
00:22.7
Ang South Korea ang isa sa pinakamayamang bansa sa buong mundo.
00:26.7
Tahanan ito ng mga K-pop idols pero hindi lamang dito sikat ang South Korea.
00:33.1
Famous din ang bansa sa pag-iexport ng sakyan, semiconductors, at automotive parts.
00:38.9
Patunay ng magandang ekonomiya ng South Korea,
00:41.8
ang Gross Domestic Product o GDP nito na ayon sa datos ng World Bank
00:46.0
ay nasa 1,673.92 billion US dollars noong 2022.
00:52.4
Ang bilang na ito ay katumbas ng 0.72%
00:56.1
ng pandaigdigang ekonomiya.
00:58.9
Bukod sa mayamang ekonomiya, kilala din ang South Korea sa makulay nitong kultura at magagandang tanawin.
01:05.9
Ilan sa mga tumutulak sa mga turista sa bansa ay ang pagkain,
01:09.9
mga lumang palasyo, at magagandang kasuotan ng sukor.
01:14.4
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mayamang ekonomiya at makulay na kultura,
01:19.5
nanganganib na mabura sa mapa ang bansa.
01:23.5
Ang sagot sa katanungan na ito ay,
01:26.1
kinalaman sa birthrate.
01:28.5
Ang birthrate ay ang porsyento ng isinilang na sanggol sa bawat 1,000 na population.
01:33.9
Ito ay basihan ng magiging bilang ng populasyon ng susunod na henerasyon.
01:38.6
Kaugnay ng birthrate ay ang tinatawag nating population pyramid
01:42.2
kung saan ipinapakita ang porsyento ng mga isinilang na bata,
01:46.3
mga teenager, adult, at ang mga seniors.
01:49.8
Tinawag itong population pyramid kasi ang bilang ng mga isinilang at namamatay
01:54.3
kapag nilagay sa isang gram,
01:56.1
dapat ay hugis pyramid kung saan nasa ilalim ang populasyon ng mga bata at sa taas ang matatanda.
02:04.0
Ito ay nagbibigay sa atin ang imahe na kayang suportahan ng mga nasa ilalim ng pyramid,
02:09.2
halimbawa mga adult na nagtatrabaho,
02:11.7
ang mga nasa taas o mga matatandang nangangailangan.
02:15.4
Ano ang mangyayari kung ang population pyramid ay bumaliktad?
02:19.4
Bagamat magandang pakinggan na ang ating birthrate ay mababa o kaunting sanggol ang isinilang,
02:24.8
hindi naman magandang magkaroon ng aging population o mas maraming matatanda.
02:30.1
Dahil ang mga matatanda na 60 pataas na tinatawag rin na dependent population
02:35.5
ay nakadepende sa mga mas batang populasyon para sa kanilang pagkain.
02:40.3
Halimbawa na lamang sa loob ng bahay,
02:42.6
ang mga apo o anak ang nag-aalaga sa tumatandang kamag-anak.
02:46.8
Kapag mas dumami ang tumatandang individual,
02:49.6
mas maraming aalagaan ang mga anak.
02:52.1
Kapag nangyari ito,
02:53.5
ang lahat ng ating kinikita,
02:54.6
ay mapupunta sa pag-suporta sa mga tumatandang populasyon,
02:58.6
halimbawa sa kanilang pensyon,
03:02.6
Kung ilalagay natin ito sa setting ng isang lipunan,
03:05.6
mas tataasan ang ating tax upang masuportahan ang programa para sa mga seniors o retired individuals.
03:14.6
hindi rin sigurado na ang mga tumatandang individual ay may mga pamilya o anak na mag-aalaga sa kanila,
03:20.6
kaya dadagsa ang mga aalagaan sa Home for the Elders
03:23.6
na siyang mangangailangan ng mas maraming manpower o trabahador.
03:29.6
ang mababang birthrate ay magre-resulta sa mas maliit na populasyon sa susunod na henerasyon,
03:35.6
na mas lalo pa ang liliit sa kasunod na henerasyon.
03:38.6
Kung magpapatuloy ito,
03:40.6
maaari itong magresulta sa pagkabura ng isang populasyon.
03:43.6
So, anong connect na mga ito sa South Korea?
03:46.6
Sa kasalukuyan, ang South Korea ay isa sa may pinakamababang birthrate sa buong mundo.
03:52.6
Sa bawat isang babae noong 2020 ay mayroon lamang 0.82 birth o porsyento ng panganganak.
03:59.6
Sa kaparehas din na taon ay mas dumami pa ang bilang ng namamatay kaysa pinanganak sa South Korea.
04:05.6
Ngunit, patuloy pa itong bumaba sa 0.78 noong 2022.
04:10.6
Dahil dito, tinatayang mula sa 51.75 milyon na populasyon ng sokor ngayong 2024 ay posibleng bumaba ito sa 36.22 milyon na lamang,
04:23.6
Pero kung hindi maaagapan ang sitwasyon,
04:26.6
maaaring umabot pa ang pagbaba ng populasyon sa 30.17 milyon.
04:32.6
Kasabay nito ang bilang ng mga bagong panganak na sanggol ay posibleng mabawasan din ng 65%.
04:38.6
Mula sa 250,000 noong 2022 ay posibleng maging 160,000 na lamang sa 2072.
04:45.6
Ang kasalukuyang median age ng sokor o ang naghahati sa mga bata at matanda,
04:50.6
ay nasa 42.8 years old.
04:53.6
Ibig sabihin, kalahati nito ay matanda, kalahati ay bata.
04:58.6
Kapag tumataas ang median age, ibig sabihin ay nagiging aging population din ang isang bansa.
05:04.6
Sa napag-usapan natin kanina, naalala nyo pa ba kung anong mangyayari kapag nagkaroon ng aging population?
05:12.6
Mababaliktad ang population pyramid at mapupunta sa mas maliit na batang populasyon ang responsibilidad ng pag-aalaga sa mga mga bata.
05:18.6
Wala namang masama rito, ngunit kung napakaliit na lamang ng batang populasyon na susuporta sa mga matatanda ng sokor,
05:28.6
magiging disaster ito sa ekonomiya ng bansa.
05:32.6
Ang lahat ng kita ay mapupunta sa mga pensyon at iba pa ang benepisyon ng mga seniors.
05:37.6
Dahil hindi naman ito maibabalik sa ekonomiya dahil hindi naman nagtatrabaho ang mga seniors.
05:42.6
Madodoble o triple ang kakaltasin sa mga nagtatrabahong populasyon dahil kailangan naman ito sa ekonomiya.
05:47.6
Dahil kailangan din nilang suportahan ang ekonomiya ng bansa.
05:51.6
Pero bakit nga ba mababa ang birth rate ng South Korea?
05:54.6
Isa sa mga itinuturong dahilan sa pangyayaring ito sa South Korea ay ang mataas na standard of living.
06:01.6
Kung saan para suportahan ng kanila mga sarili, ang mga young adult at adult na South Koreans ay kailangang ibuhos ang kanilang oras sa pagtatrabaho at pag-aaral.
06:11.6
Kabilang sa nagpapataas sa standard of living ay ang presyo ng real estate o tahanan.
06:17.6
Presyo ng mga bilihin at iba pa kung saan napupunta ang kanilang kinikitang pera.
06:22.6
Dahil nga sa mataas na standard of living, mas maraming pinipili na lamang na huwag magpamilya at mamuhay ng mag-isa.
06:30.6
Habang nagiging moderno ang lipunan, nag-iiba na rin ang pananaw ng mga kabataan sa pagpapakasal at ang iba ay sinasadyang huwag na talaga magpatali kahit kaya naman na magkapamilya dahil mas gusto lamang nilang maenjoy ang single life.
06:45.6
Tinatawag din ang paniniwalang ito na individualismo.
06:49.6
Ang mga kababaihan rin ay mas naging liberal na mag-isip at nakita nila na ang kanilang halaga ay higit pa sa pagpapakasal o pagiging housewife.
06:58.6
Ang lahat ng ito ay ang nagiging dahilan sa kasalukuyang sitwasyon ng South Korea.
07:03.6
Sa hinaharap, mas kakailanganin ng mga batang populasyon na magtrabaho ng higit pa sa normal na oras dahil mas tataas ang mga taxes.
07:12.6
Kung mangyari ito, mas marami pang kabataan na magpapakasal o pagiging housewife.
07:14.6
Mas marami pang kabataan nang pipiliin na huwag na din magkapamilya.
07:17.6
At ang cycle ng mababang birth rate ay magpapatuloy hanggang sa unti-unti ulit itong tataas depende sa kung ano ang programa ng gobyerno.
07:26.6
Pero ang lahat ng ito ay madadama pa sa 22nd century o taong 2101 pataas.
07:34.6
Kaya may panahon pa para ayusin ang kasalukuyang opisyal ng South Korea ang nangyayaring krisis.
07:40.6
Isa sa maaaring solusyon dito ay ang migration of the North Korean people.
07:43.6
Ay ang migration o paglipat ng mga tao mula sa isang bansa o lugar papunta sa isa pang lugar.
07:48.6
Pero gagana lamang ito kung may mga gagawing programa ang South Korea upang ma-attract ang ibang lahi na lumipad sa bansa.
07:55.6
Ang South Korea ay isang mayamang ekonomiya, tahanan ng makulay na kultura.
08:00.6
Ngunit sa kabila ng progresibo nitong estado, nanganganib ang kinabukasan ng bansa dahil sa tumatanda nitong populasyon at tumuunting bilang ng mga batang South Koreans
08:11.6
na pwedeng sumuporta sa ekonomiya ng bansa.
08:13.6
Ito ang dahilan kung bakit sa hinaharap ay maaaring mawala sa mapa ang South Korea.
08:19.6
Ano sa tingin mo? Tama lang ba na hindi na magpamilya ang marami para masustain ang kanilang pamumuhay?
08:25.6
O dapat nahikayatin ang mga tao sa South Korea na magpamilya upang mapigilan ang pagbaliktad ng population pyramid at mapigilan ang pagkawala ng South Korea sa mapa?
08:43.6
Pagkakataon mo rin ang notification bell.