Close
 


Buying price ng palay ng NFA, tinaasan na | Frontline Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Kakarampot na lang ang natitirang stock ng bigas sa mga warehouse ng National Food Authority sa buong bansa. Kaya ang #NFA, tinaasan na ang buying price nila ng mga palay para hindi sila maagawan sa pagbili ng palay ng mga trader. #News5 | via Marianne Enriquez Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:01
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.6
Kakarampot na lang ang natitirang stock ng bigas sa mga warehouse ng National Food Authority sa buong bansa.
00:06.9
Kaya ang NFA tinaasa na ang buying price nila ng mga palay para hindi sila maagawan sa pagbili ng palay ng mga trader.
00:15.7
Nasa frontline ng balitang yan si Marian Enriquez.
00:20.5
Pang isang araw na konsumo na lang ng buong Pilipinas ang natitirang bigas sa mga warehouse ng National Food Authority o NFA.
00:28.6
Sa huling imbentaryo kasi ng ahensya, lumabas na 40,000 metric tons na lang ng bigas ang natitira sa mga warehouse.
00:36.7
Malayo ito sa 300,000 metric tons dapat na minimum requirement para may stock tuwing may kalamidad.
00:43.5
Pero sabi ng NFA, hindi kailangan magpanik dahil pang buffer stock lang naman ang iniipon nila.
00:49.8
Maganda yung production last year, medyo tataas pa this year.
00:52.8
So nandyan lahat ng stocks.
00:55.6
Hindi nga lang hawak ni NFA lahat yung dapat niyang mahawakan pero it's still nandyan ang stocks.
01:03.3
Kung tutuusin, kailangan lang bumili ng NFA ng bigas sa mga magsasaka para madagdaga ng stock nila.
01:09.4
Ang problema, nauunahan sila ng mga trader dahil mas mahal nilang binibili ang mga palay kumpara sa NFA.
01:16.9
Para tugunan niya na pagkasundoan sa NFA Council Meeting na taasan din ang buying price nila sa palay.
01:23.6
Mula sa dating 16 to 23 pesos kada kilo, ginawa na nilang 19 to 30 pesos per kilo depende sa klase.
01:32.1
Target ipatupad ang bagong presyohan na yan sa susunod na linggo.
01:36.3
It's a price range, hindi ibig sabihin yung highest range agad yung ating buying price.
01:41.6
Alam naman natin iba-iba ang presyo ng palay sa iba't ibang lugar.
01:44.8
We will issue a price bulletin for each province.
01:49.7
Samantala, kinumpirma rin ng NFA na nasa warehouse pa nila.
01:53.6
75,000 sako ng NFA rice na iligal na ibinenta sa dalawang trader.
01:59.3
Ang direction ay saoli yung bayad nila.
02:03.8
Once maklear lahat ng rules and pwede na, then that we will do.
02:08.6
Hindi naman yan deteriorating, ini-inspect yan on a regular basis.
02:13.7
Para hindi na maulit ang ganitong anomalya, naglabas sila ng bagong guidelines sa pagbebenta ng mga palumang stock ng bigas.
02:21.6
Kung dati ay first come, first serve.
02:23.6
Ngayon, auksyon o pataasan na ng presyo.
02:27.6
Meron tayong iseset na floor price for the auksyon.
02:33.2
Hindi na siya basta i-offer lang kung kanino.
02:38.5
Nagbabalita mula sa Frontline, Marian Enriquez, News 5.
02:43.1
Mga kapatid, Jiggy Manicad po, iba na ang may alam at may pakialam sa panahon ngayon.
02:47.6
Para sa kongkreto, kumpleto at komprehensibong balitaan sa Frontline,
02:53.6
subscribe sa social media pages ng News 5.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.