Joint venture ng SMS Global at Sequent Tech sa online voting, sumalang na sa post-evaluation
#FrontlinePilipinas | Sumalang na sa post-evaluation ng Commission on Elections #COMELEC ang joint venture na may pinakamababang bid para sa internet voting sa 2025 midterm elections. Kapag pumasa, target ng poll body na simulan na ang online registration ng overseas voters sa December 2024 o January 2025. #News5 | via Maricel Halili
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
Run time: 03:47
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.4
Sumalang na sa post-evaluation ng Comelec ang joint venture na may pinakamababang bid para sa internet voting sa 2025 midterm elections.
00:11.0
Kapag pumasa, target ang whole body na simulan na ang online registration ng overseas voters sa Disyembre o Enero ng susunod na taon.
00:19.9
Nasa front line ang balitang niya, si Maricel Halili.
00:22.8
Umarangkada na ngayong araw ang post-qualification evaluation para sa planong overseas online voting and counting system sa 2025 midterm elections ng Comelec.
00:36.7
Unang sumalang sa evaluation ang joint venture ng SMS Global Technologies at Sequent Tech Incorporated.
00:44.0
Dahil sila ang may pinakamurang proposal para sa proyekto. Mahigit P465 million kasi ang nakalaang budget ng Comelec.
00:53.0
Pero ang proposal ng joint venture ng SMS Global at Sequent Tech, 112 million pesos lang.
00:59.7
Target ng online voting program na padaliin ang pagboto ng mga Pinoy abroad para kahit sa bahay o opisina, makaboto sila nang hindi pumupunta sa mga embahada o konsulada.
01:10.3
Kaya sa presentation ng dalawang kumpanya kanina, binida nila ang simpleng proseso sa pag-enroll sa kanilang online portal.
01:18.2
Una, ire-register lang ang personal na detalye ng botante gaya ng pangalan.
01:22.8
Ia-upload din ang kanilang ID at mag-selfie. Kapag enrolled ng account, pwede nang bumoto.
01:52.8
Pagtitiyak naman ng Comelec, hindi madadaya ang pag-enroll ng account dahil mabe-verify ito ng sistema ng Comelec base sa mga nakarehistro sa kanilang OFW.
02:06.5
Kaya sa mga nagbabalak mamake ng ID o gumamit ng artificial intelligence, wala raw lusot.
02:12.7
Hindi po siya magkakaroon ng puwang dito dahil kailangan po ito sa live selfie. Gaya po sa atin noong pandemic, para tayo makapagparehistro sa bakuna, nagse-selfie po tayo.
02:22.8
At hindi tulad ng naonang plano, hindi nagagamit ng mobile application.
02:26.7
Kaya pwedeng buksan at mag-enroll online sa website kahit anong gadget ang gamit ng botante.
02:32.8
Sakaling makapasa sa evaluation, ang joint venture ng SMS Global at Sequent Tech iaakyat na ang proposal nila sa Comelec and Bank.
02:41.2
Kapag inaprobahan, sa kanila ibibigay ang kontrata para sa internet voting service.
02:46.3
Kapag hindi pumasa, magkakaroon ulit ng post-evaluation kung saan ang second lowest bidder naman ang isasalang.
02:52.8
Target ng Comelec matukoy ang mananalong provider sa loob ng apat na linggo.
02:57.1
Ito ay para masimulan na ang enrollment ng mga botante sa Desyembre o Enero ng susunod na taon.
03:02.5
Umaasa naman ang Comelec na mas maraming botante overseas ang boboto sa 2025 midterm elections kapag online na lang.
03:10.1
Lalo't noong 2022 elections, wala pa sa kalahati ng mga registered overseas voters ang bumoto.
03:16.2
Sana mapantayan yung local voting natin kung umabot po tayo ng 84% dito.
03:21.0
Sana man lang umabot tayo ng 72%.
03:23.3
Napakalaking bagay na po yun.
03:25.5
Nagbabalita mula sa Frontline, Maricel Halili, News 5.