Close
 


Frontline Express Rewind | April 12, 2024 #FrontlineRewind
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Narito ang mga balita sa oras na ito: • Trilateral summit ng Pilipinas, US at Japan, isinagawa • Dating pangulong Duterte, itinanggi ang umano’y “gentleman’s agreement” sa China Mga Kapatid, samahan si Ruth Cabal sa balitaan sa #FrontlineExpress! Ang iba pang maiinit na balita, abangan mamaya sa #FrontlinePilipinas. #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 13:57
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
🎵 Intro Music 🎵
00:08.2
Magandang hapon, ako po si Ruth Cabal.
00:12.6
Pasadahan na natin ang mga rumaratsyadang balita dito sa Frontline Express.
00:18.7
Sunog na naman sa toldo sa Maynila.
00:21.9
Pangatlo na itong sunog na sumiklab sa lugar ngayong linggo.
00:26.4
Naroon live si Gary DeLeon.
00:28.4
Gary, saang bahagi naman ngayon ng toldo nagkasunog?
00:35.2
Ruth, nandito ako sa Gate 52 ng Parola Compound dito sa Maynila
00:39.2
kung saan nga naganap yung sunog kanina mag alas 11 ng umaga.
00:42.9
Abang abala yung mga kababayan natin na maganda na kanilang pananghalian
00:46.4
ay nagkaroon nga ng malaking sunog dito sa lugar.
00:49.5
Sa ngayon ay nakikita nyo sa video kung gaano karami yung tao
00:52.2
nagsisiksikan dito sa entrada ng Barangay 275 Zone 25
00:56.7
kung saan nga naganap yung sunog.
00:58.4
Agad kumalat ang apoy dahil gawa sa light material sa mga bahay.
01:02.3
Hindi rin nakatulong ang masisigap na eskinita
01:04.3
lalong nagpahirap sa mga bumbero para apuloyin ngayong apoy.
01:07.8
Ang iba naman nagkukumahog, magakot ng gamit.
01:10.4
Wala naman nang nagawa ang iba kundi panoorin na lang
01:12.5
ang mga nasusunog nilang bahay.
01:14.4
Ayon sa Bureau of Fire Protection sa second floor
01:16.4
sa isang bahay nagsimula ang sunog.
01:18.5
Maghala una naman ang ideklarang fire under control na yung sunog.
01:22.6
Ruth sa ngayon ay nagsasagawa ng clearing and mapping operation yung BFP
01:26.3
at maya maya hintay natin.
01:28.4
Kailan ideklarang fire out yung sunog.
01:31.3
Pero sa ngayon ay passable na nga itong lahat ng kalsada dito sa San Nicolas
01:35.0
at naging silbing matinding traffic nga nangyari dito.
01:38.2
Mula pa doon sa Road 10 hanggang dito sa San Nicolas,
01:41.0
mga sasakyan na pumapasok ay nag-fake pit at nagpahindi ng traffic
01:44.5
sa mga truck na papasok sa lugar na ito.
01:46.7
Sa ngayon, Ruth ay inaasahan na naluluwag dahil binuksan na yung kalsada
01:50.6
matapos nga ideklarang fire under control.
01:54.0
Gary, may datos na ba kung ilang pamilya
01:56.7
ang apektado ng sunog dyan?
01:58.4
Rola.
02:02.5
Ruth, sa ngayon, ang inisyal na binigay ng BFP ay 50.
02:06.0
Limampung pamilya yung naapektuhan ng sunog
02:08.8
at dalawampung bahay yung inisyal na bilang na nasunog na bahay.
02:12.7
Isa pa Gary, kasi ngayong huling gulang,
02:15.5
pangatlong sunog na yan na sumiklab dyan sa Tondo.
02:18.0
May sinabi ba ang Bureau of Fire Protection
02:20.0
bakit tila sunod-sunod yung nangyayaring sunog dyan?
02:26.8
Sabi ng BFP,
02:28.4
pinitingnan nilang anggulo rito
02:29.6
kaya nakakaroon ng sunog yung illegal connection ng kuryente
02:32.3
at yung matinding panahon na nagpapasiklab ng mga bahay rito
02:36.3
dahil karamihan nga ng mga bahay rito
02:37.9
ay gawa sa light materials, mga kahon at mga yero lamang
02:41.1
at hindi maiiwasan nga na magkaroon ng sunog
02:44.2
dahil nga dikit-dikit yung mga tao
02:45.5
at dikit-dikit din yung mga bahay dito sa parola.
02:48.1
Ruth.
02:48.9
Kaya nga dapat mas maging maingat pa ang ating mga kapatid.
02:51.8
Maraming salamat sa iyo, Gary De Leon.
02:55.3
Asahan ng mas maraming joint maritime exercises
02:58.4
sa pagitan ng Pilipinas, Amerika at Japan.
03:01.5
Yan ang inanunsyo ng mga leader ng tatlong bansa
03:03.8
sa makasaysayang Trilateral Summit
03:06.1
kung saan nagpahayag sila ng pangamba
03:08.4
sa mga aksyon ng China sa West Philippine Sea.
03:11.5
Nasa frontline ng balitang yan, si Shaila Francisco.
03:16.4
Mananatiling matatag ang pangako ng Amerika
03:18.7
na dedepensa ng Pilipinas at Japan.
03:21.3
Yan ang pagkitiyak ni US President Joe Biden
03:23.8
sa Trilateral Leaders Summit sa White House
03:26.1
na ginanap sa gitna ng lumalalang tensyon,
03:28.4
sa West Philippine Sea.
03:29.9
Pinigyan din ni Biden ang Mutual Defense Treaty
03:32.5
ng Pilipinas at Estados Unidos,
03:34.7
kung saan de-depensa ng US ang Pilipinas
03:37.0
laban sa kahit anong pag-atake.
03:39.2
And I want to be clear,
03:41.2
the United States,
03:42.7
the United States' defense commitments to Japan
03:45.0
and to the Philippines are ironclad.
03:49.3
They're ironclad.
03:51.2
As I've said before,
03:53.2
any attack on Philippine aircraft,
03:55.4
vessels, or armed forces
03:56.9
in the South China Sea,
03:58.4
would invoke our Mutual Defense Treaty.
04:02.8
Aminado si Biden,
04:04.1
Pangulong Bongbong Morcos,
04:05.8
at Japanese Prime Minister Humeo Kishida,
04:08.4
na nababahala na sila sa mga delikado
04:10.6
at agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea.
04:14.3
Kaya sa susunod na taon,
04:16.0
plano nilang magsagawa ng ATSI trilateral exercises
04:18.8
para paigtingin ang maritime cooperation.
04:21.8
Para sa Pilipinas,
04:23.0
umpisa pala ito ng mas lumalalim na alyansa
04:25.3
ng tatlong bansa.
04:26.3
This meeting can,
04:28.4
be just a beginning.
04:32.2
Facing the complex challenges
04:34.4
of our time requires
04:36.1
concerted efforts on everyone's part.
04:39.7
A dedication to a common purpose
04:41.9
and an unwavering commitment
04:43.8
to the rules-based international order.
04:47.2
Bukod sa maritime cooperation,
04:49.7
magsasanip puwersa din ang tatlong bansa
04:51.6
sa paglunsad ng Luzon Economic Corridor.
04:54.5
Layo nitong ikonekta ang Subic Bay,
04:56.3
Clark, Manila at Batangas,
04:58.4
at madagdagan ng investments
04:59.8
para sa mga proyektong pang-imprastruktura.
05:02.7
It means more jobs
05:04.5
for people across the entire region.
05:07.0
It means more investment
05:08.6
in sectors critical to our future.
05:11.0
Clean energy, ports, railroads, agriculture, and much more.
05:17.4
Tutulong din ang US at Japan
05:19.2
pagdating sa sektor ng teknolohiya at clean energy,
05:21.8
particular sa pagtitiyak ng semiconductor supply chain
05:25.1
at pagpapalawak ng telecommunication sa bansa.
05:28.4
Ito kasaysayang maituturi ang trilateral summit
05:30.8
sa pagitan ng US, Japan, at Pilipinas
05:33.0
dahil sa mga mabubuong kasunduan dito
05:35.3
na magpapalakas ng relasyon ng mga bansa
05:37.5
at magbibigay benepisyo sa mga residente nito.
05:40.2
Pero kung gaano kabilis maisasakatuparan
05:42.3
ng mga kasunduan,
05:43.6
yan ang ating aabangan.
05:45.4
Nagbabalita mula sa Frontline,
05:47.2
Shaila Francisco, News 5.
05:50.2
Nagsalita na si dating Pangulong Rodrigo Duterte
05:52.8
tungkol sa napaulat na
05:54.3
gentleman's agreement niya raw
05:56.5
kay Chinese President Xi Jinping.
05:58.4
tungkol sa West Philippine Sea.
06:00.8
Kinugin naman niyang may verbal na kasunduan
06:03.5
pero hindi raw ito sikreto.
06:05.8
Git niya, wala siyang sinusukong teritoryo
06:08.0
ng Pilipinas sa China.
06:10.1
Sa presscon, sabi ni Duterte kagabi
06:12.6
sa Davao City, may usapan nga sila noon
06:15.1
ni President Xi pero ito ay tungkol sa
06:17.3
hindi pagdadala ng mga construction material
06:20.5
sa BRP Sierra Madre
06:22.3
na nakasadsad sa ayung insyol.
06:24.6
Gusto niya raw kasing matiyak na
06:25.9
walang mangyayaring gera
06:27.6
sa pagitan ng dalawang bansa.
06:30.6
The only thing I remember was that
06:32.8
status quo.
06:36.1
That's the word.
06:37.4
Na walang galawan.
06:39.6
No movement,
06:41.5
no armed
06:42.3
patrols there
06:46.3
as is where is.
06:48.7
Para walang magkagulo.
06:50.5
You cannot bring in
06:52.6
materials to repair and improve.
06:55.4
I assure you
06:56.3
that if it was a gentleman's agreement,
06:59.4
it would always have been
07:01.0
an agreement
07:04.7
that would keep the peace
07:07.4
in the South China Sea.
07:11.3
Sabi pa ni Duterte,
07:13.1
sana raw tinawagan na lang siya
07:14.5
ni Pangulong Bongbong Marcos
07:16.1
para malaman ang totoo.
07:17.7
Binalaan niya rin si Marcos na
07:19.4
huwag buyuin ang China sa ayung insyol
07:22.0
para hindi magkagera.
07:23.6
Lalo't hindi naman daw tutulong
07:25.3
ang Amerika sakaling magkagulo.
07:28.4
Kung may agreement man kami
07:30.2
ni President Xi Jinping,
07:34.2
walang secret agreement niya.
07:36.3
We agree.
07:38.6
Then after that,
07:41.1
yung agreement namin
07:42.4
isasabi namin sa
07:45.0
mga tao,
07:46.9
for in a particular way,
07:49.9
to verbalize
07:51.6
everything that is
07:53.3
being said.
07:54.7
In which,
07:55.3
kung meron man.
08:00.6
Samantala, hindi naman daw makikialam
08:02.4
si dating Pangulong Rodrigo Duterte
08:04.2
sa paghahanap ng mga otoridad
08:05.6
sa kaibigan niyang si Pastor Apollo Quibuloy.
08:08.7
Wala rin daw balak si Duterte
08:09.9
na tanggapin si Quibuloy
08:11.1
kung sa kanya ito personal na susuko.
08:14.1
Pinaghahanap ngayon si Quibuloy
08:15.3
dahil sa mga kasong child abuse
08:16.9
at human trafficking.
08:18.4
May arrest order din siya mula sa Senado
08:20.2
dahil sa patuloy na pagbaliwala
08:22.3
sa investigasyon laban sa kanya,
08:24.4
kaugnay naman ng mga reklamo
08:26.0
ng pang-aabuso.
08:27.5
Sabi pa ni Duterte,
08:28.4
posibleng nasa Davao City pa si Quibuloy,
08:31.2
particular umano sa Tamayong Prayer Garden
08:33.7
o sa Kingdom of Jesus Christ Compound.
08:38.2
May nakamba namang taas presyo
08:39.6
sa mga produktong petrolyo
08:41.0
sa susunod na linggo.
08:42.3
Posibleng tumaas
08:43.2
ng hanggang piso
08:44.5
ang kada litro ng diesel at kerosene.
08:46.9
Habang 20 centavos naman
08:48.6
ang posibleng madagdag
08:49.7
sa kada litro ng gasolina.
08:51.9
Ayon sa Department of Energy,
08:53.1
isa sa mga dahilan,
08:54.4
ang posibleng price hike
08:55.7
ay ang tumitinding sigalot
08:57.3
sa Gaza Strip.
09:00.6
Marami pang aabang ang balita
09:02.5
sa pagbabalik ng
09:03.5
Frontline Express.
09:15.6
Pumingin ng paumanhin
09:17.0
si Sen. Chase Escudero
09:18.3
matapos amining sa kanya
09:20.0
naka-issue
09:20.8
ang plakang 7
09:21.9
ng sasakyang na huling dumaan
09:23.9
sa EDSA Bus Lane kahapon.
09:25.9
Hindi ang niya otorizado
09:27.3
ang pagkakagamit dito
09:28.4
at driver o mano
09:29.6
ng kamag-anak niya
09:30.8
ang nagmamaneho.
09:32.1
Pinapupunta din ni Escudero
09:33.8
sa Land Transportation Office
09:35.2
o LTO
09:35.9
ang driver ng naturang SUV
09:37.7
para harapin
09:38.7
ang ginawang paglabag
09:39.9
sa batas-trapiko.
09:41.1
Dagdag ng Sen.
09:42.4
ibabalik na raw niya sa LTO
09:43.9
ang number 7 na plaka
09:45.5
na nasangkot sa insidente.
09:49.5
Para sa mga nagbabalak mamasyal dyan
09:51.7
sa Batangas ngayong dahatina weekend,
09:53.7
hanggat maaari po
09:54.6
ay magsuot ng face mask.
09:56.6
Muli na naman kasing nagbuga ng usok
09:58.6
ang Bulcang Taal
10:00.2
pasado ala 5 kaninang umaga.
10:02.2
Ayon sa PHIVOX,
10:03.2
umabot sa 2,400 meters
10:05.4
ang taas ng usok.
10:06.8
Nangyari ang phreatic eruption
10:08.7
kapag umiinit ang tubig
10:10.4
sa ilalim ng lupa
10:11.9
na nadikit o lumapit sa magma.
10:14.4
Babala ng PHIVOX,
10:15.4
posibleng masundan pa ito
10:17.0
ng mga phreatic activity
10:18.4
pero malabo pa itong magbuga ng magma.
10:21.8
Sa ngayon, nananatili
10:22.9
sa alert level 1,
10:23.7
ang Taal Volcano ibig sabihin
10:25.7
bawal pa rin lumapit sa Taal Volcano Island
10:28.7
at sa permanent danger zone ng bulkan.
10:32.7
Sinampahan na ng kasong kriminal
10:34.7
ng Department of Environment and Natural Resources
10:36.7
o DENR,
10:37.7
ang dalawang vlogger na nandakma
10:40.7
ng mga Tarsier sa South Cotabato.
10:42.7
Kasong paglabag sa RA 9147
10:45.7
o Wildlife Act of the Philippines
10:47.7
ang haharapin ng dalawa.
10:48.7
May parusa itong isa hanggang
10:50.7
6 na buwang pagkakakulong
10:51.7
at bultang aabot.
10:53.7
Sa 50,000 piso.
10:55.7
Sa vlog ng tinawag na Farm Boy,
10:57.7
nakita ang dinakma nila
10:59.7
at ng kanyang kasama ang dalawang Tarsier
11:01.7
at pinit pang pinanginiti sa kamera.
11:04.7
Sabi raw ng dalawa sa DENR,
11:06.7
hindi nila sinasadya ang kanilang ginawa
11:08.7
sa mga Tarsier.
11:10.7
Nauna nang nagbabala ang mga eksperto
11:12.7
na masama ang epekto ng panghahablot
11:14.7
sa mga Tarsier dahil posibleng silang
11:16.7
ma-stress ng sobra
11:18.7
at baka ikamatay pa ito.
11:20.7
Update naman sa naiulat na
11:23.7
nagnakaaw ng isang kasirola ng adobo
11:27.7
sa Nueva Vizcaya.
11:29.7
Arestado na ang apat na lalaking
11:31.7
suspect dito.
11:32.7
Nasa Pulse CCTV ang magkasunod na
11:34.7
pagdating ng apat.
11:36.7
Sakay ng dalawang motorsiklo
11:38.7
sa tapat ng isang karinderiya
11:40.7
sa bayan ng Bagabag noong Merkoles.
11:42.7
Bumaba ng motor ang isa sa kanila
11:44.7
at mabilis na kinuha ang isang kasirola
11:46.7
na may lamang adobo.
11:48.7
Agad itong sumakay sa motor
11:50.7
at tumakas na pag alam ang
11:52.7
isa sa mga suspect ay minor na edad
11:54.7
kaya tatlo lang ang sasabhan ng kasong
11:56.7
theft. Pero hindi na rin
11:58.7
yan umusad matapos pakiusapan
12:00.7
ang mga suspect ang may-ari
12:02.7
ng karinderiya. No comment naman
12:04.7
ng apat na suspect kung bakit nila
12:06.7
nagawa ang pagnanakaw
12:08.7
ng ulang.
12:10.7
Sa ibang balita, pumaanaw na ang
12:12.7
kontrobersyal na dating football star
12:14.7
at border suspect na si OJ Simpson.
12:16.7
Namatay si Simpson sa
12:18.7
prostate cancer sa edad na 76.
12:20.7
Naging matunog ang kanyang
12:22.7
pangalan noong 90s nang maging pangunahing
12:24.7
suspect siya sa pagpatay sa kanyang
12:26.7
ex-wife na si Nicole Brown
12:28.7
at kaibigan nitong si Ron Goldman.
12:30.7
Hanggang sasubalang si OJ sa tinaguriang
12:32.7
Trial of the Century.
12:34.7
Napawalang sala siya noong 1995.
12:36.7
Pero nakulog naman siya
12:38.7
ng siyem na taon mula 2008
12:40.7
matapos madawit sa kasong
12:42.7
pagnanakaw ng sports memorabilia
12:44.7
at kidnapping.
12:46.7
Narito naman ang mga balitang
12:48.7
dapat niyong abangan sa
12:50.7
Frontline Pilipinas.
12:58.7
Babaeng nagpakilalang
13:00.7
taga-bilitar na galit
13:02.7
ng sitahin sa pagdaan sa EDSA busway.
13:06.7
News 5 Exclusive.
13:08.7
Dalawang kotse nagkabanggaan sa antipolo.
13:10.7
Isa sa mga sasakyan na
13:12.7
kikipagkarera umano.
13:14.7
At sa Frontline News of Rome,
13:16.7
Rod, SUV at motosiklo
13:18.7
tumilapon ng maaksidente
13:20.7
sa highway sa India.
13:24.7
Yan ang mabilis na pasada
13:26.7
ng mga balitang dapat niyong malaman.
13:28.7
Ako po si Liz Cabal. Magandang hapon
13:30.7
at happy weekend.
13:46.7
Thank you for watching!