Close
 


DUTERTE MAY HAMON KAY PBBM | CHINA ITINANGGING MAY ESPIYA SA PILIPINAS | SPEED BOAT NA MULA CHINA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#westphilippinesea #southchinasea #china #resupplymission #scarboroughshoal #america #philippinesea #edca #indopacificregion #aircraftcarrier #balikatan #salaknib
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 09:55
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.3
Bumuelta ang Chinese Embassy sa akusasyon kaugnay sa meron umanong espiyang Chino sa Pilipinas kasunod yan ng pag-aresto sa apat na sindikatong Chino at pag-abandona sa isang speedboat na nagmula pa umano sa China, alamin ang buong detalye mamaya.
00:16.6
At dating Pangulong Duterte nagsalita na kaugnay sa nasabing kasunduan nila ni Xi Jinping at hinamon din ito si Pangulong Bongbong Marcos na magtayo ng mga estruktura sa West Philippine Sea at gamitin ng mga barkong pangdigma, kaya't para malaman ang buong detalye ay tumutok at makinig na mabuti.
00:41.8
Bumuelta ang Chinese Embassy sa akusasyon na meron umanong espiyang Chino sa Pilipinas.
00:46.6
Kasunod yan ang panawagan ni Sen. Nancy Binay na higpitan ang pagbibigay ng mga Special Residential Retirees Visa o SRRV sa mga Chinese.
00:57.7
Ang SRRV ay isang Special Non-Immigration Visa sa mga dayuhan upang maging pangalawang tahanan nila ang Pilipinas o lugar na pwede silang mag-invest. Kamakailan lang apat na Chinese ang sangkot sa sindikato ang naaresto sa Palawan na mayroong SRRV ID.
01:16.6
Pinapayagan daw kasi nabigyan ng SRRV ang isang Chinese kahit na 35 taong gulang pa lamang, kaya ayon kay Sen. Binay ay posibleng makakaapekto ito sa national security ng bansa.
01:29.7
Pero depensa naman ang Chinese Embassy sa Maynila, malisyoso at walang basihan ang mga akusasyon na gusto lang daw siraan ang China. Hinala pa ng Imbahada ng China na may nagpapakalat daw para palakihin ang alitan ng Pilipinas at China.
01:46.6
Sa gitna yan ang tensyon sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
01:50.9
Ayon naman sa Philippine Retirement Authority o PRA, sa ngayon ay naimbestigahan pa nila kung lihitin mo ang SRRV ID ng apat na Chinese na naaresto sa Palawan at hindi rin daw sila nagbibigay ng SRRV sa mga foreign retirees na mas bata sa 50 anyos at mahigpit din daw ang kanilang panuntunan bago magbigay ng SRRV.
Show More Subtitles »