Close
 


BIR hindi na magbibigay ng extension sa ITR filing | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Hindi na magbibigay ng extension ang BIR sa filing ng ITR kaya hinimok ng ahensiya na online na mag-file. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #ABSCBNNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:32
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.2
Maagang pumila si Tatay Orly sa opisina ng Bureau of Internal Revenue para mag-file ng annual income tax return ng negosyo niya.
00:08.1
Isinabay rin niya ang ITR ng anak sa manual filing, lalo't hindi pa niya kabisado kung paano ito gawin online.
00:15.5
Parang matapos kaagad man, baka maaga tayo pumunta eh.
00:18.9
Dapat po maaga tayo, parang hindi masyadong mainit.
00:21.7
Hinihikayat ng BIR ang taxpayers na hanggat maaari, online na lang i-file ang income tax return para sa taxable year 2023
00:30.9
para maiwasan na ang mahabang pila sa kanilang mga tanggapan.
00:35.4
Imbes na manual filing, pwedeng i-fill up ang forms sa EBIR forms na mada-download sa BIR website.
00:41.9
Hindi na rin kailangang i-print dahil isisen na sa email ng taxpayer ang kumpirmasyon na na-file na ang inyong ITR.
00:49.6
Kaya hindi required pumunta sa mga opisina.
00:51.7
Kaya hindi required pumunta sa mga opisina ng BIR, lalo't sa mga authorized agent banks at authorized payment platforms naman ang pagbabayad.
00:58.4
Mas maganda yung hindi po sila nagpupunta dahil ibig sabihin kung pumupunta po sila sa mga authorized agent banks para magbayad
01:05.2
or kaya sa naman sa online at doon nagbabayad through our payment channels.
01:10.3
Napakainit po ng panahon eh, kaya daman na masinisigurado po natin na itong online facilities natin ay gumagana po.
01:18.3
Kung kailangan ng tulong sa online filing, may ilaw.
01:21.7
Sa mga opisina ng BIR para mag-assist sa mga magpa-file gamit ang online facilities.
01:27.4
Tulad ni Kenny na dalawa ang pinagkakakitaan at nalilito pa kung paano ang tamang pag-file ng kanyang buwis online.
01:35.2
May iba doon na mga form na hindi ko po kabisado kung ano yung mga i-fill up since first time ko po mag-file.
01:44.4
Kaya din po naisipan ko po kagabi na sa Jain na lang po today na pumunta po.
01:50.4
Ayon kay Lumagi,
01:51.7
higit siyam napung porsyento na ng mga nagpa-file ng ITR ang gumagamit ng online facilities ng BIR.
01:58.0
Kaya siniguro rin ng ahensya na gumagana ito 24x7 at hindi papalya dahil sa dami ng mga magpa-file habang papalapit ang deadline.
02:08.2
Binabantayan po natin yan at doon sa mga magdagbigay ng extra na mga security para naman masigurado na talagang gagana yan at hindi magda-down ang ating system.
02:19.8
Sa filing, alam naman natin.
02:21.7
Na magdadagsa po ngayong mga panahon na ito ang gagamit po ng online facilities.
02:27.0
At patuloy din po ang aming information systems group dito po sa BIR na tutukan at bantayan ang any form of hacking.
02:36.7
Sa lunes, April 15, ang deadline ng filing ng AITR at sinabi ng BIR na wala ng extension na ibibigay.
02:44.9
May tax collection target ang BIR na P406B ngayong April 2024.
02:51.7
Lady Vicencio, ABS-CBN News.
02:55.8
Tuloy-tuloy po ang ating pagpapatrol sa bayan mula lunes hanggang biyernes sa TV Patrol.
03:02.7
Alas 6.30 ng gabi hanggang Sabado at Linggo sa TV Patrol Weekend.
03:08.2
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
03:21.7
Thank you for watching!