Close
 


Motoristang nagpakilalang AFP member, sinita matapos dumaan sa EDSA Busway | Frontline Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Viral ang isang babaeng motorista na nagpakilalang miyembro ng Armed Forces of the Philippines #AFP matapos siyang sitahin dahil sa pagdaan sa #EDSABusway. Nakipagtalo pa ang driver sa enforcer at tumangging magpatiket. #News5 | via Elaine Fulgencio Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 05:02
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Viral ang isang babaeng motorista na nagpakilalang membro ng Armed Forces of the Philippines
00:04.8
matapos siyang sitahin dahil din sa pagdaan sa EDSA busway.
00:08.9
Nakipagtalo pa ang babaeng driver sa enforcer at tumangging magpatiket.
00:13.5
Nasa front line ng balitang yan si Elaine Fulensio.
00:24.5
Tila nagbanta ang babaeng driver na ito
00:27.2
matapos hulihin sa southbound lane ng EDSA Guadalupe kagabi
00:30.3
matapos dumaan sa EDSA busway.
00:32.9
Nagpakilala siyang miembro ng Armed Forces of the Philippines.
00:41.9
Hindi naman umubra ang palusok na yan sa sumitang enforcer
00:45.6
ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation.
00:52.0
Nakipagmatigasan pa rin ang babaeng motorista.
00:54.7
Nagpakilala siyang Phil Amat kasama sa balikas.
00:57.2
Ilang beses nang hiningi ng enforcer ang kanyang lisensya.
01:02.1
Pero paulit-ulit siyang tumangging ibigay ito.
01:10.7
Nang kuhanin ng enforcer ang plaka ng sasakyan, agad umalis ang babae.
01:15.6
Sagot naman ng AFP, hindi miyembro ng sandatahan ng babaeng driver.
01:27.2
Kung Major General Reyes is not within our ranks, he is not from the AFP.
01:33.6
As an initial checking, we do not also have that personality
01:39.1
within yung sinabi niyang office na minensyon niya dun sa video that was posted.
01:46.0
Ayon sa Department of Transportation,
01:48.2
hindi ito ang unang beses na may pasaway na dumaan sa busway
01:51.9
at nagpakilalang mataas na opisyal.
01:54.5
Maganda ang naging reaction.
01:57.2
Nang enforcer, kalmado siya.
01:59.3
So kahit na ano yung pagka-privilege noong motorista,
02:05.9
ay hindi pinatulan ng ano, so hindi in-escalate ang sitwasyon.
02:10.3
Pero still, what we want to emphasize is hindi nababago yung rules.
02:16.6
So hindi siya kasama sa mga allowed or exempted na gumamit ng busway.
02:22.9
Maraming mga private car,
02:26.0
pero naglabas ng ID ng pulis.
02:29.6
Ang daming klaseng mga gustong ipakitang hindi kami sakop niyang batas nyo.
02:35.2
Kiling nila sa Land Transportation Office, maglabas ng show-cause order dahil sa nangyari.
02:40.6
Sa ngayon, inaalam pa ang pagkahakilanlan ng babaeng driver.
02:44.8
Sa bahagi naman ng EDSA busway sa Pasay,
02:47.3
isang SUV na may plakang number 8 ang tumakas sa mga otoridad matapos siyang sitahin.
02:52.2
Puntik pa raw masagasaan ng enforcer na sumita sa pasaway ng motorista,
02:56.0
hindi na ito nahabol ng mga otoridad.
02:58.0
Ang plakang number 8 ay ibinibigay sa mga kongresista.
03:03.0
Hanggang kaninang umaga, tuloy ang paninita ng SAICT sa mga pasaway na dumaraan sa EDSA busway.
03:09.0
Ang rider na ito, nagipagsagutan pa sa mga enforcer.
03:13.0
Propriety ko yan ah. Huwag mong yukon eh.
03:16.0
Kung katagpuan mo kami, hindi ko tatakpuan.
03:19.0
Ibanin mo yan sa ORC ah.
03:21.0
Akin na ako na sir.
03:23.0
Akin na ako na.
03:24.0
Hindi lang mo maya sir eh.
03:25.0
ORC ah. Tsaka lisensya.
03:26.0
Hindi lang naman eh.
03:28.0
Tuti lang niya sir.
03:30.0
Palusot ng rider.
03:31.0
Sinubukan niyang iwasan ng isang sasakyan kaya siya napunta sa busway.
03:35.0
Iniiwasan ko lang yung bus lane ko.
03:38.0
Pero hindi ako totally pumasok sa yung deri-deretso hanggang doon sa ano.
03:43.0
Eh kasi sir ang nakita ko kasi nila eh pumasok kayo sa bus lane.
03:47.0
So hindi naman po magsisinungaling ang mga kasama ko sir eh.
03:51.0
Hindi naman ito umubra sa mga enforcer.
03:53.0
Dahil malayo pa lang ay nakita na nilang rider.
03:55.0
Nakita na nilang rider na dumaraan sa EDSA busway.
03:58.0
Umabot ng mahigit kalahating oras ang pakikipagtalo ng rider sa mga otoridad.
04:03.0
Sa huli, binigay niya rin ang kanyang lisensya.
04:06.0
Ibigay ko talaga yung lisensya ko eh. Umiiwas lang naman talaga ako. Nakita niyo eh.
04:10.0
Walang official receipt or certificate of registration ng rider.
04:13.0
Kaya dalawang violation ticket ang inisyo sa kanya.
04:16.0
Karamihan din sa nahuli kanina ay mga ambulansya ng LGU.
04:20.0
Giit ng mga driver nito, hindi nila alam na bawal silang dumaan sa busway
04:24.0
kung hindi emergency.
04:25.0
Dati po sir eh, dito na po kami talaga naadaan ay pag po kami papunta po dyan sa hospital.
04:30.0
May multang aabot ng 30,000 pesos sa mga hindi otorizadong dumaan sa EDSA busway.
04:35.0
Posible rin ma-revoke ang lisensya ng driver.
04:39.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Elaine Fulgencio, News 5.
04:43.0
Mga kapatid, Jiggy Manicad po, iba na ang may alam at may pakialam sa panahon ngayon.
04:48.0
Para sa kongkreto, kumpleto at komprehensibong balitaan sa Frontline,
04:52.0
mag-follow at mag-subscribe sa social media pages ng News 5.