Close
 


News ExplainED: 'Gentleman’s agreement' | Frontline Tonight
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#NewsExplainED | Mayroon na ring kaunting linaw sa tinaguriang “gentleman’s agreement” nina dating pangulong #RodrigoDuterte at Chinese Pres. #XiJinping noong 2017. #FrontlineTonight #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:26
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa wakas, meron na rin kaunting linaw sa tinaguriang Gentleman's Agreement
00:03.9
ni dating Pangulong Rudy Duterte at ni Chinese President Xi Jinping noong pang 2017.
00:10.0
Sa kanyang press conference sa Dabao City kagabi,
00:13.3
ito po ang mga lumitaw sa mga pahayag ng dating Pangulo.
00:17.2
Unang-una, meron nga silang napag-usapan ni Xi Jinping noong pang 2017,
00:23.1
pero hindi raw ito secret agreement.
00:26.1
Totoo naman po yan, Agosto 2017, sinabi ni Defense Secretary Delphine Lorenzana
00:31.3
sa isang congressional hearing na merong status quo agreement with China.
00:36.7
Pero ang binanggit lamang ng opisyal,
00:38.9
pumayag ang China na hindi magtatayo ng mga bagong istruktura sa West Philippine Sea.
00:44.9
Pero mukhang hindi lang po yun ang napagkasunduan ni President Xi Jinping at ni dating Pangulong Duterte.
00:50.9
Dahil sa pahayag ni Duterte kagabi,
00:53.9
pasok sa mga pinagbabawal ng kasunduan,
00:56.1
ang mga repair ng mga istruktura sa lugar.
01:00.0
Ayon sa dating Pangulo, kasama sa status quo agreement,
01:04.2
ang konsepto ng as-is-where-is.
01:07.6
Ibig daw sabihin ito,
01:08.9
pati ang pagsasayos o pagkukumpunin ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal
01:13.2
ay hindi dapat papayagan.
01:15.7
Kahit ang pagdala ng mga construction and repair materials
01:18.4
ay hindi rin papayagan.
01:21.4
Para klaro, tinunong si Duterte ng isang reporter,
01:23.9
kung bawal nga magdala ng construction,
01:26.1
construction materials sa BRP Sierra Madre.
01:29.9
At ganun nga daw, ayon sa dating Pangulo.
01:33.3
Dahil kung papayagan lamang daw yan,
01:35.7
eh dati na sanang inayos at pinauwi ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre.
01:42.4
Ngayon po, may tatlong issue naka-question sa mga pahayag na ito.
01:46.4
Una, sinadsad kasi ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong 1999
01:52.2
para po magsilbing instant outpost ng Pilipinas sa lugar.
01:55.6
Pangontra sa island building na ginagawa ng China sa ating Exclusive Economic Zone.
02:00.9
Sa madaling salta, hindi naman talaga pauuwiin ang Sierra Madre
02:05.3
hanggat may banta na agawin ng China ang Ayungin Shoal.
02:09.2
Pangalawa, kung papayag ang Pilipinas na hindi i-repair ang nabubulok na Sierra Madre
02:14.4
ilang taon na lamang ay magigiba na po ito.
02:17.3
Ang anumang barko ay kailangan ng constant maintenance and repair
02:21.7
dahil sa marahas na epekto ng araw at ng tubig alat.
02:25.6
At ayon sa mga eksperto, yan talaga ang iniintay ng China
02:29.6
na pagbawalan ang repair ng Sierra Madre para kusa po itong gumuho at lumubog.
02:34.8
At pangatlo, ang lugar ay nasa loob ng ating Exclusive Economic Zone.
02:40.2
Kung nakapagtayo ang China ng mga artificial islands at mga military bases sa EEZ ng Pilipinas,
02:45.9
maaari bang pagbawalan ng China na ayusin naman lang natin ang sarili nating mga outposts na pasok naman sa ating EEZ?
02:55.6
...
03:05.6
Mga kapatid, Edling Gaw po.
03:09.4
Maging maalam at may pakialam sa mga napaparahong balita sa ating bansa.
03:13.6
Para sa mas malalimang pagtalakay at paghimay sa mga issue at headlines,
03:17.6
tumutok lamang at pag-subscribe sa social media pages ng News 5.