Close
 


Epektibong Paraan Para Ma-Kontrol ang Diabetes. - By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Epektibong Paraan Para Ma-Kontrol ang Diabetes. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) #HealthTips #Symptoms #BloodSugar #diettips Alamin ang Paliwanag https://youtu.be/vRtPczFMkho
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 14:08
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.4
efektibo at mabisang paraan para makontrol ang diabetes ninyo at para makaiwas sa diabetes.
00:08.5
Tuturo natin mula pagkain hanggang exercise pati gamot din sa diabetes.
00:15.0
So, dapat talaga yung pagkain natin inaayos.
00:19.9
Meron kayong mga bagay na hindi pa alam.
00:23.8
Alam nyo ba na hindi lahat ng prutas at gulay ay pwede sa diabetes?
00:30.0
Kala natin basta gulay pwede, basta prutas pwede, hindi po.
00:35.6
Merong mga starchy vegetables na dapat iingatan ng may diabetes tulad ng patatas.
00:45.9
Gulay siya, nagpapatas ng blood sugar.
00:49.2
Squash, kalabasa, healthy pero huwag lang marami.
00:53.8
Green peas, parang carbohydrates din yan.
00:57.5
At saka mais.
00:58.7
So, patatas, mais, squash, green peas.
01:03.8
Lalo na yung mga buttered vegetables, yung gulay na maraming butter, hindi rin maganda sa diabetes.
01:10.0
Pero yung ibang gulay, maganda yung mga ampalaya, okra, at iba pa.
01:15.7
Pagdating naman sa prutas, hindi lahat ng prutas okay din sa diabetes.
01:22.2
Ang mga magaganda lang sa diabetes, konti lang.
01:26.1
Mansanas, apple.
01:28.7
Mababa glycemic index.
01:30.4
Basta below 50 maganda.
01:32.0
Konti lang ang pwede.
01:33.0
Apple, pears, suha, hanggang dun lang.
01:38.5
Orange, medyo mataas na to.
01:40.8
Grapes, mataas na.
01:42.3
Strawberry, pwede rin.
01:43.8
Huwag lang lagyan ng maraming matatamis.
01:46.9
So, konti lang ang pwede nyo kainin at hindi rin pwede sobra dami.
01:52.7
So, nakita nyo ito yung glycemic index.
01:54.8
Basta gulay, mababa.
01:56.7
Pero mga kanin.
01:58.7
Patatas, mga corn, ayun ang taas din ang glycemic index.
02:03.3
Ito pwede to, kiwi.
02:05.3
Kiwi, maganda ang kiwi.
02:08.2
Okay, pears, pwede rin ang peras.
02:11.8
Ang pag-iingatan sa diabetes na prutas, syempre mangga.
02:17.4
May likay sa mangga, matamis masyado.
02:21.0
Pakwan, grapes, yan mga matatamis.
02:24.0
Mga dried fruits, mga raisins.
02:28.7
Yung mga dried mango natin, marami ng sugar yun eh, matatamis na.
02:34.0
So, yun ang mga babawasan natin.
02:37.5
So, para sa diabetes,
02:39.8
pag tumataas ang blood sugar, either yung kain mo, babawasan mo,
02:44.1
or dadamihan mo yung galaw.
02:46.9
More exercise, diba?
02:49.2
Pag mas gumagal ako, let's say, na-check mo, mataas blood sugar mo,
02:53.2
more exercise, bababa ang blood sugar.
02:56.5
Bawas kain, bawas timbang.
02:58.7
Sigarilyo din.
03:00.7
Tigil sigarilyo, maganda sa diabetes.
03:03.7
Alak din. Alak, nakakataas din ang blood sugar.
03:07.3
Kasi may calories din yan eh, matamis din siya.
03:10.3
Okay?
03:12.3
So, tulad na sinabi ko, maganda ang low glycemic index.
03:17.3
Ibig sabihin, kahit kainin nyo ito, hindi gaano tataas blood sugar.
03:21.3
Mani, huwag lang yung prito, mansanas, mushroom, gulay.
03:26.3
Okay, ito skim milk yan.
03:28.7
Ang medyo iiwasan talaga, ang bawal talaga ito,
03:32.7
only rice, only bread, pandesal, patatas, rice cake.
03:37.7
Lahat ng gusto ng kababayan natin, ano ba ito?
03:41.7
Bibingka, sapin-sapin.
03:44.7
Lahat ng niluluto natin, suman na matamis, diba?
03:50.7
So, ito yung mga fast foods, iiwasan.
03:54.7
More yung gulay.
03:56.7
Okay.
03:57.7
Ano ang warning signs?
03:59.7
Okay, maraming warning signs ang diabetes.
04:02.7
Pero ang ituturo ko, yung medyo early.
04:06.7
Early warning signs.
04:08.7
Yung bago pa lang yung diabetes, nag-uumpisa pa lang, meron na.
04:13.7
Hindi lahat ito early warning signs eh.
04:15.7
Early warning signs, gutom at pagod.
04:19.7
Kasi kahit kumakain sila, may diabetes, hindi na-absorb yung blood sugar eh.
04:26.7
Usually, labas na labas ang ihi.
04:28.7
Nadi-dehydrate yung mga pasyente yung may diabetes na hindi controlled.
04:32.7
So, gutom, dry mouth, laging uhaw.
04:37.7
Ihi ng ihi, number three, nagdadry din yung skin, dehydrated.
04:43.7
Pwede lumalabo yung mata, yung lens, medyo namamaga sa mata.
04:48.7
Mga babae, madalas magka-UTI and infection.
04:53.7
Kasi mataas blood sugar, mahina immune system.
04:55.7
Yung mga sugat, matagal maghilom.
04:59.7
Yung paa, namamanhid.
05:02.7
Yung ihi, nilalanggam.
05:05.7
At ito, namamanhid ang kamay at paa.
05:08.7
Yan ang mga early signs ng diabetes.
05:11.7
Papacheck tayo sa endocrinologist.
05:13.7
Weight loss, slow healing, hinay-ihi, tama ito lahat.
05:18.7
Ito ang mga later complication na.
05:23.7
Yung matagal ng diabetes na, delikado na.
05:27.7
Tulad ng heart attack na, iba na yan.
05:31.7
Stroke na, iba na.
05:33.7
Kidney failure na, iba na.
05:35.7
Fatty liver na, nabulag na, diabetic retinopathy.
05:39.7
Ito na yung mga late complications.
05:43.7
Sabi ko sa inyo, kahit anong mga gulay, magaganda lahat yan.
05:47.7
Makakatulong.
05:49.7
Sintomas.
05:51.7
Okay.
05:53.7
Ang blood sugar natin, ang normal is 99 and below.
05:57.7
Wala pang 100.
05:59.7
Pag umabot na kayo ng 100 to 125, pre-diabetes na yan.
06:08.7
Ibig sabihin, mild diabetes, papunta na sa diabetes.
06:12.7
Pag lumampas ka na ng 126, may diabetes na.
06:15.7
Ito yung fasting blood sugar.
06:17.7
So, ito yung tinitignan natin talaga.
06:21.7
Pagdating sa gamotan, bago ko ituro yung gamotan, dapat ibang tips pa.
06:28.7
Unang-una, sabi ko na yung mga kakanin.
06:32.7
Pagdating sa inumin.
06:34.7
Meron tayong mga sampung gawain na nagpapataas ng blood sugar na hindi natin alam.
06:40.7
Dito muna tayo sa natural remedy, home remedy bago tayo sa gamot.
06:45.7
So, number 1 out of 10 ang maling gawain, yung pahilig sa matatamis talaga.
06:50.7
Inumin, juice, soft drinks, iced tea.
06:53.7
Kahit mga fruit juice, tubig lang talaga pwede.
06:56.7
Gusto mo buko, konti lang tubig pa rin talaga maganda.
07:01.7
Pakwan, masarap pero mataas sa sugar.
07:06.7
Pati artificial sweetener.
07:09.7
Pwede naman pa konti-konti pero lately yung pag-aaral sa yung mga diet, soft drinks, artificial sweetener hindi rin maganda.
07:20.7
Kasi parang hinahanap ng utak at katawan mo yung matamis eh.
07:25.7
So, kahit hindi ka nga nakapasok yung calories pero isip ng utak mo meron ka kinain matamis, hahanap-hanapin pa rin.
07:33.7
So, maghahanap ka pa rin ng kapalit na matamis.
07:36.7
Number 2 out of 10 na bawal gawin, siyempre yung mga fast foods, high fat foods, mga prito, french fries, fried chicken.
07:45.7
Siyempre, konting bawas.
07:47.7
Number 3.
07:48.7
Huwag mag-skip ng breakfast.
07:52.7
Yung iba nagtitiis, hindi mag-aalmusal, napaparami lang yung kain sa ibang araw.
07:58.7
Sa tanghali, sa gabi, doon lang kakain.
08:01.7
So, hindi rin maganda.
08:02.7
Dapat regular meals ka pero pa konti-konti para hindi ka gugutumin.
08:08.7
Number 4.
08:10.7
Pag nireregla, nag may menopause, usually nagluloko din ang blood sugar.
08:16.7
Okay.
08:17.7
So, yung mga babae, dapat stable din yung hormonal changes nila.
08:24.7
Okay.
08:25.7
Huwag din magpapataba.
08:26.7
Baka magkaroon ng picos.
08:28.7
Number 5.
08:29.7
Tulad na sinabi ko, dapat regular exercise.
08:33.7
Dapat gumagalaw araw-araw, nagtatrabaho sa bahay, naglalakad 5,000, 7,000 steps or more para at least hindi yung pataba ng pataba.
08:45.7
Okay.
08:46.7
Kasi pag kulang ka sa exercise, pareho nga kinain mo, nagkulang ka sa exercise, pwede tumaas yung blood sugar mo.
08:52.7
Tsaka more exercise, mas maganda daloy ng dugo, mas maganda sa puso, sa utak, mas hindi ka ma-stroke.
09:00.7
Number 6 na nagpapataas ng blood sugar, stress.
09:04.7
Pag sobrang stress ang saan tao, tumataas yung cortisol.
09:08.7
Pag tumaas yung cortisol, nagluloko din yung blood sugar.
09:13.7
Mas tumataas.
09:14.7
Okay.
09:15.7
Kaya mas relaxed, mas kalmado, mas maganda rin.
09:19.7
Number 7.
09:20.7
Iwas sa pagkakasakit.
09:22.7
Diba?
09:23.7
Dapat ingat tayo, matutulog ng sapat.
09:26.7
Kasi oras na magkasakit, rangkaso o pulmonya o sipon, nagluloko din ang blood sugar.
09:35.7
Number 8.
09:36.7
Bantayan yung mga ibang gamot na iniinom nyo.
09:39.7
Baka meron kayong steroids, meron kayong mga supplement.
09:42.7
O meron kayong iniinom na ininom.
09:44.7
Ibang bagay na pwede magpataas din ng blood sugar.
09:49.7
Number 9.
09:50.7
Dapat sapat na tulog.
09:52.7
Okay?
09:53.7
Tulog.
09:54.7
Kasi pag kulang ka sa tulog, tataas ang stress level, tataas din ang blood sugar.
10:00.7
And number 10.
10:01.7
Dapat okay ang ipin, dental health.
10:04.7
May pag-aaral sila.
10:05.7
Mas sira ang ipin, mas maraming gum at pamamagas sa gums, mas tumataas yung blood sugar.
10:12.7
Okay.
10:13.7
So ito yung mga babantayan natin.
10:14.7
Pagdating sa gamotan, basically ang style talaga.
10:19.7
Huwag kayong maniwala sa mga fake news na sinasabi hindi maganda metformin.
10:23.7
Metformin, super ganda.
10:25.7
Maganda ang metformin.
10:27.7
Marami lang talagang mga fake news ngayon.
10:31.7
Yung mga AI, mga computer, maraming pagluloko.
10:35.7
Sisiraan yung metformin.
10:37.7
Bebenta yung gamot nila.
10:38.7
Pero metformin, yan talaga binibigay ko.
10:41.7
Yan binibigay ng doktor, ng endocrinologist.
10:44.7
Maganda siya, first line siya.
10:47.7
Siya yung unang binibigay sa may diabetes.
10:49.7
Bakit?
10:50.7
Tatlo effect niya.
10:52.7
Pinapadami niya yung uptake ng glucose sa muscle.
10:56.7
So maganda yan.
10:57.7
Bababa blood sugar mo.
10:59.7
Yung pag-absorb ng glucose sa bituka, nababawasan.
11:03.7
So maganda.
11:04.7
Bababa din blood sugar mo.
11:06.7
Yung paggawa ng sugar ng liver, mababawasan.
11:09.7
Bababa din blood sugar mo.
11:10.7
Sa tatlong effect siya para bumaba yung blood sugar.
11:14.7
Merong malaking pag-aaral na.
11:16.7
Nasa metformin, 32%, less complication.
11:21.7
42%, less namamatay.
11:24.7
Gusto humaba ng buhay, metformin.
11:27.7
Less heart attack, 39%.
11:29.7
41%, less stroke.
11:31.7
Less barabara sa ugat, 29%.
11:34.7
So proven ang metformin.
11:36.7
Sino lang ang hindi pinapainom?
11:40.7
Meron ding side effect, konti.
11:43.7
Pero karamihan ng tao pwede.
11:45.7
Yung mga may sirang-sira na ang kidneys, bawal na.
11:49.7
Pag kidney disease, medyo late stage, bawal na.
11:52.7
Minsan sumasakit yung tiyan.
11:54.7
Makabag yung tiyan.
11:56.7
So sa umpisa pwede may diarrhea, nausea.
11:59.7
So dahan-dahan lang yung pag-inom or low dose lang.
12:03.7
So kung may naramdaman, papakita nyo sa doktor nyo.
12:06.7
Usually 500 mg once a day, twice a day.
12:10.7
Three times a day.
12:11.7
Mga ganun lang eh.
12:12.7
Sa Pilipino, hanggang mga 500 mg three times a day pwede na.
12:16.7
Pero sa mga kano, sa mga foreigner,
12:19.7
minsan mas mataas pa dosis nila.
12:22.7
First line siya.
12:24.7
Nakakabawas ng gana kumain.
12:28.7
At nakakababa ng blood sugar.
12:30.7
Although yung pagbaba niya ng blood sugar, hindi ganun kalakas.
12:34.7
Medyo mild lang.
12:36.7
Pag hindi nakuha dito sa metformin,
12:38.7
dadagdagan ng doktor ng sulfonylurea.
12:41.7
Usually ito ginagawa.
12:43.7
Ito yung mga glipiside, gliklacide, mga diamicron.
12:47.7
Yan ang mga binibigay ng mga gamot.
12:49.7
Minidiab, yan.
12:50.7
Yan ang mga na-discover na gamot.
12:53.7
Ayan ang mga glipiside, gliklacide, glimepiride.
12:57.7
Yan ang mga binibigay.
12:59.7
Iba-iba yung mga.
13:00.7
Ito puro generic lang sinasabi ko.
13:01.7
Ito rin bibigay ng endocrinologist nyo.
13:04.7
Tulad ng sinasabi ko, pag mataas blood sugar,
13:06.7
binibigay ko sa inyo.
13:07.7
Ibigay ko sa inyo lahat ng home remedies na magagawa.
13:10.7
Pag hindi makontrol, iinom tayo ng gamot.
13:13.7
Pero at least, pag ginagawa nyo yung home remedies ko,
13:16.7
mababawasan natin yung dosis ng gamot.
13:20.7
Siyempre, bawal isabay sa alak ang gamot.
13:24.7
Steroids din, nakakataas din ang blood sugar at iba pa.
13:29.7
Finally, ito yung mga home remedies natin.
13:33.7
Bukod sa mga tinuturo ko sa inyo sa exercise,
13:36.7
sa pagkain, maganda may support system,
13:40.7
maganda masaya.
13:42.7
Rereward mo rin sarili mo.
13:45.7
Healthy mindset.
13:46.7
Dahan-dahan sa pagkain.
13:48.7
Stress and anxiety.
13:50.7
Sapat na tulog.
13:51.7
Iche-check ang blood sugar.
13:53.7
And regular check-up sa inyong doktor.
13:55.7
Siyempre, yung endocrinologist nyo pa rin ang final say.
13:58.7
Yung akin lang yung na-explain ko para mas makontrol nyo
14:02.7
at maalis itong problema natin sa blood sugar.
14:06.7
Salamat.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.