Close
 


8-anyos na lalaking na-stroke sa Rizal, may birthday wish | Frontline Weekend
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineWeekend | Sasailalim sa mga pagsusuri ang walong taong gulang na lalaking na-stroke sa Angono, Rizal. Ang bata, may simpleng hiling para sa nalalapit niyang kaarawan. #News5 | via JC Cosico Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:52
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa sa ilalim pa sa mga pagsusuri, ang walong taong gulang na batang na stroke sa ango no Rizal.
00:05.6
Ang bata may simpleng hiling sa nalalapit niyang kaarawan.
00:10.1
Nasa front line ng balitang yan si JC Cosico.
00:15.6
Nakaalalay si Ria sa paglalakad ng walong taong gulang niyang anak na si Krian.
00:20.1
Paralisado ang kalibang bahagi ng katawan ng bata matapos ma-stroke noong isang taon.
00:24.9
Kuwento ni Ria, November 2023 na magising si Krian at dumaing ng sobrang sakit ng ulo.
00:41.6
Nang dalhin si Krian sa ospital sa ango no Rizal, inirekomendang dalhin ng bata sa neurologist.
00:48.0
At dito nakitang may pumutok na ugat sa kanyang ulo at napagalamang na stroke ito.
00:54.9
Kaya rin yun sa kanya. Biglaan po talaga na kung ano na mapaparalyze or may stroke siya.
01:02.3
Kasi napakabata pa po niya eh.
01:05.3
Dahil sa kanyang kondisyon, hindi pa rin makapasok sa paaralan si Krian.
01:09.5
Ikasiyam na kaarawanan ni Krian sa Mayo, ang birthday wish niya.
01:13.7
Gumaling na po ako at makapasok na sa school para po makita na po ako ng mga classmate ko.
01:22.2
Ano ba ang gusto mong maging paglapit?
01:25.8
Basketball.
01:27.1
Maging?
01:28.2
Basketball.
01:29.0
Gusto mong maging basketball player?
01:31.9
Sa ngayon, wala pang iniinom na gamot si Krian dahil kailangan pa niyang sumailalim sa ibang pagsusuri.
01:38.5
Ang nangyari kay Krian, patunay na walang pinipiling edad ang stroke.
01:43.0
Paliwanag ng isang child neurologist, nangyayari ang stroke kapag hindi makadalay ang dugo o kaya may pumutok na ugat sa utak.
01:50.4
Posible raw mas tamaan ito yung mga batang may ibang karamdaman gaya ng sakit sa puso.
01:54.9
Ang malakot ang dugo nila, pwede rin po itong maging sanhinang pagbagal ng daloy na dugo at nagkakaroon po tuloy ito ng mga butil-butil na pwedeng dumikit po sa blood vessel at at a certain point.
02:13.8
Pati nga raw yung mga kapapanganak pa lang na sanggol at pwede rin ma-stroke.
02:17.4
Minsan wala tayong nakikita na manifestasyon hanggang sila ay dumaki na.
02:24.9
Ibig sabihin ko kung kunyan ay nagsimula na sila maglakad, doon nakikita meron palang mahinang side yung katawan.
02:32.5
Biglanda lang din daw itong umaatake. Pwede rin gawin ang stroke test na fast para malaman kung na-stroke ang isang tao.
02:39.7
Makikita ang mga palatandaan sa face, arms, speech at time.
02:43.8
Biglang nanginiwi mo ka, biglang nangihina yung isang braso at paa, pwede rin po mabago yung pananalita, nagiging garalgal.
02:54.9
O hindi maintindihan. At saka yung biglaan po ito.
03:00.0
Kapag nakita ang mga sintomas na ito sa bata, oras ang kalaban kaya agad dapat silang dalhin sa ospital.
03:06.8
Kasi kung masyadong malala po yung stroke, pwede po ito makamatay.
03:13.2
Actually, crucial yung timing ng pagdala. Kasi kung maagap natin na dala, baka may magawa pa tayong kagad na ma-reverse.
03:21.9
Dapat din daw magkaroon na regular check-up sa mga bata.
03:26.4
At importanteng malaman ang family history dahil may mga sakit na namamanan na pwede magdulot ng stroke sa mga anak.
03:34.1
Nagbabalita mula sa Frontline, JC Cosico, News 5.