Close
 


Bakit Sinasamba Nila Bilang Diyos Ang Batang Babaeng Ito?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa Nepal, isang batang babae ang sinasamba bilang diyosa. Siya ay tinatawag na Kumari o "Living Goddess". Bawal siyang tumapak sa lupa at binabantayan ang kaniyang bawat kilos. Maging ang Presidente at Prime Minister ng Nepal ay humahalik sa kaniyang paa. Bakit nga ba ganun na lang nila pinahahalagahan ang isang Kumari? Totoo bang mayroon siyang tinatagong kapangyarihan? Alamin sa vidyong ito! Follow us on our Facebook Page: https://www.facebook.com/awerepublic/ Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is mad
Awe Republic
  Mute  
Run time: 05:34
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa Nepal, isang batang babae ang hindi tumatapak sa lupa. Sa murang edad ay binabantayan ang kanyang bawat kilos, bawal siyang lumabas at limitado lamang ang kanyang pagsasalita.
00:11.1
Tila ba siya ay nakakulong? Pero alam mo ba, ang batang babaeng ito ay sinasamba bilang isang diyosa. Siya ay tinatawag na Kumari o Living Goddess.
00:20.2
Maging ang presidente at prime minister ng Nepal ay humahalik sa kanyang paa, bakit nga ba ganun na lang nila pinapahalagahan ang isang Kumari?
00:28.9
At ano ba ang klase ng buhay ng batang itinuturing na diyosa? Totoo bang meron siyang tinatagong kapangyarihan? Yan ang ating pag-uusapan ngayon.
00:40.8
Ang Living Goddess ng Nepal
00:43.0
Sa Nepal ay isang sagradong tradisyon ang pagkakaroon ng Kumari o Living Goddess.
00:50.0
Ang Kumari ay isang batang babae na sinasamba ng mga Hindu at Buddhists sa Nepal. Dahil sa paniniwalang sila ay reinkarnasyon ng sinasamba nilang diyosa na si Taledju Bawani.
01:01.2
Naniniwala rin silang ang mga Kumari ay nagtataglay ng kapangyarihan ni Taledju. Ayon sa paniniwala, bigla na lamang naglaho ang makapangyarihang diyosa na ito.
01:10.8
Ngunit nagbitaw siya ng huling salita na siya ay sasanib sa isang batang babae sa tribo ng Niwari.
01:16.9
Taong 1757 AD
01:18.9
Nang nagsimula ang tradisyon ng pagkahanap sa Kumari Goddess. Mayroong labing dalawang Kumari Goddess sa Nepal. Ngunit bukod tangi ang tinatawag na Royal Kumari mula sa Kathmandu.
01:30.1
Siya ang pinakasagrado at pinakaimportante sa lahat ng mga Kumari. Sa ngayon, ang tinaguriang Royal Kumari ay si Trishna Shakya.
01:38.4
Three years old lamang si Trishna nung mapili siya bilang Royal Kumari taong 2017.
01:44.3
Ayon sa mga deboto, ang isang Kumari ay mayroong kapangyarihan na magbigay ng kumari.
01:48.2
Ayon sa mga deboto, ang isang Kumari ay mayroong kapangyarihan na magbigay ng kumari.
01:48.2
Na magbigay ng swerte, magpagaling ng may sakit at manghula ng kapalara ng isang tao.
01:53.5
Naniniwala sila na isang sulyap lamang ng Kumari ay pagpapalain na sila.
01:58.6
Ngunit naniniwala rin sila na kapag umiyak o tumawa ng malakas ang isang Kumari, nagbabadya ito ng matinding karamdaman.
02:06.3
Kapag ang Kumari naman ay nanginig, nangangahulugan daw ito na makukulong ang taong nasa harapan niya.
02:12.5
Sa kabilang banda, kapag humawak naman ito sa kanyang mata, nangangahulugan ito ng kamatayan.
02:18.4
Lumalabas lamang ang Kumari sa publiko tuwing may festival at napakaraming deboto ang pumupunta para lamang masulyapan o mabigyan ng pagpapala ng Kumari.
02:28.2
Sa katunayan, pati ang presidente at prime minister ng Nepal ay humihingi rin ang blessing at humahalik sa paa ng Kumari.
02:35.7
Pinaniwalaan kasing ang blessing ng Kumari ay nakapagbibigay ng kapayapaan at kasaganahan sa bansa.
02:41.4
At alam nyo ba, bawal tumapak sa lupa ang mga Kumari, kaya naman kahit saan sila magpunta,
02:47.6
ay buhat-buhat sila ng kanilang mga magulang o di kaya ay ang mga tagapangalaga.
02:52.8
Bawal kasing masugatan ang mga Kumari, dahil kapag nangyari ito, ay mawawala sa kanya ang pagiging diyosa, kaya naman doble ingat at alaga ang ibinibigay sa kanya.
03:02.2
Ngunit, alam nyo bang hindi pang habang buhay ang pagiging Kumari?
03:06.1
Kapag ang isang Kumari ay tumuntong sa puberty o kapag sila ay mayroon ng buwanang dalaw, ay ito rin ang hudyat sa pagtatapos ng kanilang pagiging Kumari.
03:15.0
Matapos ang kanyang paninilbihan bilang isang Kumari, babalik na siya sa kanyang pamilya upang mamuhay ng payak bilang isang pangkaraniwang bata.
03:23.4
Ibig sabihin nito, maghahanap na naman sila ng bagong batang babae na siyang sasambahin nila.
03:29.1
Sa kabila ng responsibilidad ng pagiging Kumari goddess, para sa mga tao sa Nepal ay isa itong malaking karangalan.
03:35.8
Kaya naman, tuwing darating na ang panahon upang mamili ng bagong Kumari, maraming batang babae ang iniaalay ng kanilang mga magulang.
03:43.5
At alam nyo ba, hindi basta-basta ang pinagdaraanan ng mga bata bago mapili.
03:48.5
Bago tayo magpatuloy, nagustuhan nyo ba ang content natin ngayon? Kung oo, ay mag-comment po kayo ng yes.
03:58.0
Mahigpit ang pagpili sa susunod na Kumari goddess.
04:00.9
Ayon sa tradisyon, mga piling batang babae mula sa tribo ng Niwari lamang ang maaaring maging Kumari.
04:06.8
Mga batang babae na may edad dalawa hanggang apat ang siyang pinagpipilian ng mga pari.
04:12.3
At kailangan ay pumasa muna sila sa istriktong pagsusuri o mas kilala sa tawag na batis laksyanas.
04:19.0
Kailangan ay makapasa ang batang babae nang naaayon sa 32 perfections ng isang diyosa.
04:25.3
Kabilang nga dito ay ang pagkakaroon ng itim na buhok at mata, makinis na kutis, maliliit na kamay at paa, walang sugat at marami pang iba.
04:33.9
Matapos ito, mayroon din silang pagdadaan ng pagsubok sa templo.
04:37.7
Kabilang sa mga pagsubok na ito, iiwanan sila sa templo na napapaligiran ng mga patay na hayop.
04:43.4
Ayon sa paniniwala, ang batang babae na hindi nagpakita ng takot ang karapat dapat na maging Kumari.
04:49.4
Matapos mapili, ilalayo na sa kanyang pamilya ang Kumari goddess.
04:53.4
Sa loob ng ilang taon, ang mga caretaker ng templo ang magsisilbing pamilya niya.
04:58.5
Araw-gabi din siyang pagsisilbihan ng kanyang mga Kumarini.
05:01.4
Sila ang magpapakain, magpapaligo at maniniguradong maayos na magampanan ng Kumari ang kanyang mga Kumarini.
05:07.7
Sa ngayon, maraming organisasyon ang nagpoprotesta laban sa tradisyon na ito sa Nepal.
05:14.4
Ayon sa kanila, ang mga batang babaeng na pipili bilang Kumari ay nawawala ng normal na buhay bilang isang bata.
05:21.4
Sa inyong opinion mga ka-awesome, dapat lang bang ipagpatuloy ang tradisyon na ito?
05:25.8
Pakilagay ang inyong mga opinion sa comment section.
05:28.4
This is Sir Kuya Dawel from Our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!