Close
 


PINUNA ANG PAGKILING NI PBBM SA JAPAN AT AMERIKA | PILIPINAS NAGTATAPANG TAPANGAN LANG DAW SA CHINA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode

JOHN REPS
  Mute  
Run time: 08:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Bagamat hindi tutol sa pakikipag-alyansa ng Pilipinas sa Estados Unidos,
00:05.3
ay ikinababahala ni Sen. Amy Marcos ang pagpabor ng kasalukuyang administrasyon sa U.S. kontra sa China.
00:13.3
Sakali kasing sumiklab ang gyera sa pagitan ng dalawang malaking bansa,
00:17.8
ay siguradong Pilipinas ang maiipit dito.
00:21.5
Samantala pinunan ni Sen. Amy Marcos ang tila pagtatapang-tapangan ng gobyerno sa isyo po ng West Philippine Sea.
00:28.1
Sa ambit niya, hindi nga rin masiguro ng pamahalaan ang kakayahan ng mga armas ng bansa
00:33.9
kayong tila nagpapakaagresibo tayo kontra China.
00:43.0
Bakit nga ba kailangan kumiling o dumikit ng Pilipinas sa bansang Amerika?
00:48.0
Ayon mismo kay Sen. Amy Marcos, hindi ito makabubuti para sa ating bansa.
00:52.6
Muli niyang pinuna ang ginawa na namang pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa Estados Unidos
00:57.7
para sa U.S.-Japan-Philippines Trilateral Summit.
01:01.3
Si isang eksklusibong panayams ay naghayag ng pagkabahala ang nakatatandang kapatid ng Pangulo
01:06.0
dahil sa maiipit ang Pilipinas sa geopolitical war sa pagitan ng U.S. at China.
01:12.4
Bago pa ang pagtitipon, isang senior U.S. official ang nagpaliwanag sa mga mamamahayag
01:17.3
na ang pulong ay direktang tugon sa panghihimasok ng China sa South China Sea
01:21.9
at layunin itong iparating ang malinaw na mensahe ng pagkakaisa.
01:27.7
Ang pagkiling sa isang superpower, ika nga, laban sa isa pang superpower ay hindi makakabuti para sa Pilipinas.
01:37.4
Maiipit tayo sa dalawang dambuhalang bansa, na maliit lang tayong bansa,
01:42.1
hindi tayo dapat sumasama dito sa mga geopolitical games.
01:46.7
Itong mga tensyon nila, hindi naman tayo kasangkat dyan, hindi naman tayo nakikiaway.
01:51.3
Bakit tayong inuobligal na pumili?
01:53.8
Pati nga ang pagiging malapit ni Pangulong Marcos sa mga Amerikano,
01:57.7
ay ipinagtataka rin ng Senadora.
01:59.9
Matatandaan na bago pa man napili bilang Pangulo ng Bansa noong halalang 2022,
02:04.7
ay lantarang binabatikos ni Marcos Jr.
02:07.4
ang anyay madalas na pangingialam ng Estados Unidos sa ibang bansa.
02:11.8
Pero nang maupo na itong Pangulo,
02:13.8
ay makailang beses na itong nagpabalik-balik sa Amerika
02:16.6
para pagtibayin ang alyansa nito sa Pilipinas.
02:20.5
Higit pa riyan, ay bukambibig na rin ng kasalukuyang administrasyon
02:23.7
ang tila paghanda para sa isang digmaan kontra China.
02:27.7
Amiling ko, nagtataka ako kasi hindi rin yan ang stand ng tatay ko.
02:31.7
At ang aking ama, pareho ni Presidente Duterte,
02:35.7
talagang itinataguyod yung independent foreign policy.
02:39.7
At eto nga, parang masyado tayong kumikiling sa Amerikano.
02:44.7
Huwag tayong magpapagamit, huwag tayong kakampe,
02:48.7
huwag tayong pipili, wala naman tayong kaaway.
02:50.7
Bakit tayo makikipag-away sa China?
02:53.7
Para kay Senadora Aimee, hindi dapat kinakalaban ang China.
02:56.7
Huwag tayong makikipag-away sa China.
02:57.7
Lalo na't ito ang pinakamalaking trade-in partner ng Pilipinas.
03:01.7
Maliban pa sa kapitbahay lang natin ito.
03:04.7
Paano tayo kakain, maghanap buhay at tuloy-tuloy na mabubuhay,
03:11.7
na mapayapa kapag hindi tayo nakakapag-import at export sa China.
03:15.7
Napakalaki ng kanilang bahagi sa ating ekonomiya.
03:19.7
Sa isang mensahe para sa Araw ng Kagitingan ay tila binatikos
03:23.7
ni Senadora Aimee Marcos ang gobyerno kaugnay sa issue
03:26.7
sa West Philippine Sea o WPS.
03:29.7
Ayon kay Aimee, hindi dapat susugod sa gyera ang Pilipinas na walang dalang sandata
03:33.7
sa kabila ng ginagawang pagpapanggap at pagngangak-ngak.
03:36.7
Kasabay nito ay pinuna ng Senadora ang kakulangan
03:39.7
sa pangunahing produksyon ng mga armas at bala ng Government Arsenal o GA.
03:43.7
Noong nakarang taon, kahit na tumaas anya ang gastusin ng 420%.
03:48.7
Batay sa ulat ng Komisyon ng Audit o COA, hindi nakapagproduce ng sapat ang GA.
03:53.7
Isang ahensya sa ilalim ng Department of National Defense,
03:55.7
ng mga maliliit na armas at bala kahit na naglaan ng halos 455 milyong piso
04:01.7
mula sa kanilang budget para sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE
04:06.7
ng taong 2023, kumpara sa tanging 87.4 milyong piso lamang noong 2022.
04:12.7
Ikinalulungkot ng Senadora ang naturang balita ng COA kaugnay sa nasasayang na pera.
04:17.7
Kaugnay nito ay tinanong niya kung ang buhay ng mga men in uniform ay masasayang na rin
04:22.7
sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Pilipinas.
04:25.7
at China sa West Philippine Sea.
04:27.7
Gayun pa ang iginigit ni Marcos na tanging isang makabuluhang diyalogo sa pagitan ng Pilipinas at China
04:32.7
ang magsasalbang sa sitwasyon na nagsisimula pa lamang lumala.
04:36.7
At siya ay naniniwala na ang susi ay nasa kanyang kapatid ni si Pangulong Bongbong Marcos.
04:41.7
Binigyang din ng Senadora na siyang nanguna ng Committee on Foreign Relations sa Senado
04:45.7
ang pangangailangan na taasa ng antas mula sa karaniwang pagpasa ng note verbal
04:50.7
tuwing may insidente sa di pagkakaunawaan sa pinag-agawang teritoryo sa WA.
04:55.7
Habang itinutulak ang multilateral na pag-usap sa lahat ng mga umaangkin sa teritoryo
05:00.7
kabilang ang Pilipinas, China, Brunei, Vietnam, Malaysia, Indonesia at Taiwan.
05:05.7
Muling sinabi ng Senadora na kailangan dalhin sa ASEAN at sa United Nations
05:09.7
sabay diin na hindi tayo maaaring gumawa ng pare-parehong bagay ng paulit-ulit
05:14.7
at asahan ang magkaibang resulta sa bawat pagkakataon.
05:18.7
Gagamitin ang Mutual Defense Treaty ng Amerika kapag nagkaroon ng pag-atake
05:22.7
sa mga sasakyang panghimpapawid o pandagat ng Pilipinas.
05:25.7
Ito ang inihayag ni United States President Joe Biden sa Trilateral Summit
05:30.7
sa pagitan ng Pilipinas, Amerika at Japan sa Washington DC nitong biyernes.
05:35.7
Muling tiniyak ni Biden ang pangakong solidong depensa sa Japan at Pilipinas
05:39.7
at anumang pag-atake sa mga ito ay gagamitan ng Mutual Defense Treaty.
05:43.7
Binigyang din ni Biden na sinapangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida
05:48.7
ay kaibigan at partners na may nagkakaisang pananaw para sa isang mapayapa, matatag at masaganang Indonesia.
05:55.7
Ang Mutual Defense Treaty na isang security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Amerika
06:00.7
ay nilagdaan noong 1951 at mas pinaigting pa sa pamamagitan ng 1998 Visiting Forces Agreement
06:07.7
at ang 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement.
06:10.7
Bukod sa defense at maritime cooperation, nangako ang Amerika at Japan na tutulong sa Pilipinas
06:16.7
para matugunan ang mga hamon sa climate change at upang lalo pang mapalakas ang ekonomiya para sa mga bagong industriya
06:23.7
at mas maraming trabaho para sa mga Pilipinas.
06:26.7
Nag-sorry na si Sen. Cheese Escudero matapos mag-viral ang video ng isang sasakyang humarurot
06:32.7
habang sinisita ng traffic enforcer sa bus lane ng EDSA. Ang plate number kasi ay nakapangalan sa kanya.
06:39.7
Isang luxury sport utility vehicle o SUV na may numerong 7 protocol plate ang tiniketan araw ng webes dahil sa iligal na paggamit ng exclusive busway.
06:50.7
Pero sa isang statement na inilabas sa media,
06:53.7
ay nilinaw ni Escudero na hindi siya ang gumamit ng sasakyan nang mangyari ang insidente.
06:58.7
Pero inamin niya na miyembro ito ng kanyang pamilya.
07:02.7
Inatasa naman ang senador ang nagmamaneho ng sasakyan na humarap sa LTO bilang pagsunod sa show-cause order na inisyo habang nahaharap siya sa isang kaso at parusa.
07:12.7
Batay sa regulasyon, posibleng umabot sa 30,000 pesos ang multa para sa mga sasakyang lumalabag sa patakaran sa EDSA bus lane.
07:21.7
Bukod sa mga buso,
07:22.7
tanging pinahintulutan lamang na gumamit ng EDSA bus lane ay ang mga ambulansya,
07:27.7
bumbero,
07:28.7
pulis,
07:29.7
at mga konvoy ng presidente,
07:31.7
vicepresidente,
07:32.7
senate president,
07:33.7
house speaker,
07:34.7
at chief justice.
07:35.7
Kasunod ng insidente ay nagbolontaryo na rin ang senador na isurrender ang protocol license plate sa LTO.
07:41.7
Pinuri rin niya ang mga otoridad sa ginawang pagsita at naghayag ng suporta sa hakbang ng gobyerno na nasusunod ang traffic rules and regulations sa Metro Manila,
07:51.7
sa kabila ng ranggo titulo oposisyon.
07:54.7
Humingi na rin siya ng paumanhin sa kanyang mga kapwa senador dahil sa kanyang nagawa na pagkakamali.
08:00.7
Ang mga plakang may numerong 7 ay nakalaan lamang para sa mga senador.
08:04.7
Ini-issue naman ang mga protocol plate para sa kaginhawaan at kaligtasan ng matataas na opisyal ng gobyerno.
08:10.7
Pero ang LTO ay aminado naman na inaabuso ito ng ilan kung saan inililipat sa mga kamag-anak ng government officials na isang paglabag sa batas.