Close
 


Mga transport group handa na para sa kanilang tigil pasada
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Wala na raw makakapigil pa sa kanilang dalawang araw na tigil pasada sa darating na Lunes at Martes, ayon kay Manibela chairperson Mar Valbuena. Aniya, nakahanda na raw ang kanilang grupo sa kabila ng umano'y pananakot daw ng mga pulis sa kanilang mga kasamahan.
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 06:33
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.3
Good evening po ma'am Joy. Good evening po sa lahat po ng sumusubaybay ngayon.
00:06.2
Kamusta po ang grupo Manibela ngayon sir sa inyong paghahanda for the transport strike bukas?
00:12.5
Okay naman po ma'am. Yung mga strike centers po namin, mga iba-ibang lugar na nakaredy na para doon sa kanya-kanyang protesta sa kanilang lugar.
00:21.2
Ganun pa man, nakakuha tayo ng mga reports na maraming polis ang pumapasyal sa ating mga kasamahan, sa mga terminal.
00:32.1
Sana huwag naman nilang iharas at huwag takutin. Katulad nga nung narinig natin na magpapadeploy ng napakaraming polis para lang tayo ay gipitin.
00:42.1
Okay. So presensya pa lang sir, yung nakikita, umaaligid parang ganun sa ating mga centers?
00:49.1
Kinakausap po sila kung sasama po.
00:51.2
Sa tigil pasada at marami po ang tinatanong sa kanila. Siyempre itong mga kasamahan po nating drivers at operators, hindi naman po sanay sa mga ganitong pagkakataon na pinapasyalan sila at ang pakiramdam nila ay tinatakot sila.
01:09.9
Dahil po ba dyan, sir may mga nagpapahayag na magbabackout, hindi sasama o hindi naman?
01:16.6
Lalo pong nagagalit at umiinit ang panawagan ng mga kasama.
01:21.2
Imbis na marinig yung ating hinahing, panggigipit ang mararanasan natin bukas.
01:30.0
Sir, ano oras po ang ating simula ng ating tigil pasada bukas?
01:35.5
Simula po mamaya, may mga magsitigil na ating gabi pagka gumarahi. At magtusuloy-tuloy na po ito, depende po sa mga lugar, Ma'am Joy.
01:45.1
Okay. So whole day, Monday and Tuesday po ito, walang window hour para po mamasada sila?
01:51.2
Wala pong gano'n. Wala pong gano'n. Ma'am Joy, siguro may mga mga ilan-ilan lang, alam naman natin na hindi naman natin maitatanggi, mahirap din magsinungaling, na may mga pamilya din talaga na kailangan talagang sa umaga, kumita pa rin.
02:05.5
Opo. Ilan, sir, ang expected natin na mga sasali po, na mga drivers and operators?
02:11.2
Hindi po bababa ito dito sa NCR ng 25,000, Ma'am Joy, na magtitigil pasada.
02:17.8
At doon sa mga strike centers, kanya-kanya po ang...
02:21.2
Kanya-kanya po ang diskarte sila ng panawagan o pag-iingay doon sa kanilang mga terminal.
02:27.9
Opo. May mga iba pong mga government agencies and offices po nagsasabi na hindi naman ito bago,
02:34.8
lagi naman ito ginagawa ng mga grupong Piston and Manibela at dinadownplay po nila yung impact na inyong tigil pasada. Ano pong mensahin ninyo sa ganon?
02:44.9
Yung mga nagdadownplay nito, Mama Joyce, ito yung mga nakaupo sa gobyerno, yung matataasang katungkulan,
02:51.2
na hindi naman po nagko-commute, may sarili nga mga SUVs, may mga haggad pa, may mga bodyguards. Hindi po talaga nila ito mararamdaman.
03:03.4
Opo. But for the commuters, sir?
03:06.5
Sa ating mga commuters, para din po sa kanila ito. Yun nga ang mahirap, Ma'am Joyce. Niminsan hindi kami natanong paano kami.
03:19.3
Opo. Sige po.
03:21.2
Kinig po natin ang mga commuters na nababahala. Baka pwede nyo ipaliwanag ulit. Ano ba ang dahilan at hindi natin binibitawan ng ating panawagan na ito sa gobyerno?
03:29.5
At ano ba ang pakinabang ito para sa mga commuters, sir?
03:33.4
Opo. Sa ating mga mahal na mananakay, alam ko na paulit-ulit ito. Nakita nyo naman ang pahayag ng ating Pangulo.
03:41.7
Talagang panggigipit, pananakot at talagang handa na silang i-face out ang aming kabuhayan, ang aming mga giftings.
03:48.5
At itong nakadipas na mga araw ay ang taas na ng hinihingi na omento sa pamasahin itong mga nagmodernize dahil hindi na nga kaya ang pagkakalugi o yung pagkalubog nila sa utang.
04:05.4
Kaya po naghahabol sila ng itambabayad dito at ito po ay kukunin sa ating mga mahal na mananakay, sa taong bayan. Kaya po kami lumalaban, hindi lang po sa amin.
04:15.6
At tatakot din kami na pagdating ng araw at kami ay magmodernize ng napakamahal na unit at magtataas kami ng pamasahin. Baka wala na rin pong tumakay sa amin.
04:25.5
Sir, nitong panahon na in-extend nga po yung deadline ng consolidation, nagkaroon ba ng progress sa konsultasyon, sa pag-uusap, sa LTFRB for example? Ang grupo po ninyo?
04:37.1
Kami po nang kasama namin, Piston at Manivela. Sumubok po kami na after po ng meeting kay Speaker Martin Romualdez, ang sabi ng speaker na after ng meeting mag-usap kami, mag-meeting kami, upuan namin.
04:58.8
Kami po nag-reach out sa LTFRB kay chairman pero wala pong tugon sa amin hanggang ngayon.
05:03.8
Ano po ang balak natin following this transport strike sir? For example, natapos ang buwan ng Abril, wala pong ginawang policy change ang ating gobyerno. Ano na pong balak ng dalawang grupo?
05:18.8
Tingin ko sa susunod na mga pag-strike po namin at wala na masakyan ng taong bayan, makakasama na po namin sila.
05:27.1
Ano po ibig nyo sabihin dun sir?
05:28.8
Sigur ho, magtutuloy-tuloy pa rin po ang mga kilas protesta, Ma'am Joy.
05:33.8
Hindi po matitigil bukas, sa makalawa, sa mga susunod na linggo o sa mga susunod na buwan.
05:41.0
Meron ho ba kayong panawagan sir sa mga ibang kasamahan po ninyo na nagdadalawang isip na pumanig po sa inyo?
05:50.2
Sa ating mga kasamahan, malinaw po ang sabi ng ating Pangulo na kailangan ng palitan ang lahat ng jeepney dito sa ating bansa.
05:58.3
Naka-consolidate ka o hindi naka-consolidate, kailangan na po natin itong palitan ng mga...
06:03.8
Kaya nakakalungkot man na tayo po ay binubuli, ito pa rin po ang tinatangkilik ng ating gobyerno.
06:12.3
Opo, alright.
06:13.8
Kaya sana, lumaban at magkaisa po tayo.
06:17.4
Alright, sige po. Maraming maraming salamat po. Yan po si Sir Marval Buena, ang chairperson ng Manibela.
06:23.0
Sir, makikibalita po kami bukas and sa Tuesday, kamusta po ang ating magiging tigilpasada?
06:28.3
Maraming salamat po at mabuhay po kayo. Ingat po.
06:30.8
Thank you, thank you po.