Close
 


WHITE LADY SA DANSOL STREET | BAMBIE | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 30:48
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, ikaw ay hindi nag-iisa 🎵
00:11.0
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, may nagmamahal sa'yo 🎵
00:24.0
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, papagdudud stories 🎵
00:34.0
Sa lahat po na mga nakatutong ngayon, huwag pong kalimutan mag-like, mag-share at mag-subscribe.
00:40.1
Maraming salamat po sa inyong lahat.
00:41.7
🎵 Dito sa Papagdudud Stories, may nagmamahal sa'yo 🎵
00:54.0
Mag-iisa po sa inyong lahat mga ka-online, ako po ang inyong si Papagdudud sa ating episode ngayong gabi.
01:01.5
Dear Papagdudud, isang magandang gabi sa inyong lahat lalo na sa mga nakikinig at suki na ng inyong napakagandang YouTube channel.
01:13.1
Madalas akong makinig ng inyong programa sa radyo, samantala'y nalaman ko naman ang tungkol sa inyong YouTube channel sa pamamagitan ng mga anakong millennials at gen Z.
01:24.0
At nag-subscribe ako nang mapakinggan ko ang mga horror stories na tinatampok mo.
01:30.9
Naisip ko na pwede ko rin palang i-share sa inyo ang naging karanasan ko halos tatlong dekada na po ang nakakaraan.
01:39.2
Siya nga pala, Papagdudud ako po si Bambi, 60 years old.
01:44.2
Tubong sorsogon pero nakatira ako ngayon dito sa Project 7 Quezon City.
01:49.4
Kamamatay lang ng asawa ko noong March 29.
01:54.0
2024 sa sakit na aneurysm at nagluluksa pa rin ako hanggang sa ngayon.
02:00.9
Pero hindi yun ang ikakwento ko sa inyo dahil ang nilalaman ng aking liham ay tungkol sa aking naranasang kababalaghan
02:07.5
noong taong 1999 nung lumawas ako ng sorsogon papunta ng Quezon City kasama ng aking pamilya.
02:17.4
Papadudutsima noon ang aking asawa pero noong mga panahon yun ay wala pa kaming napupundar na bahay.
02:24.0
Nagpa siya namang kaming lumipat ng Quezon City dahil
02:28.0
ng mga panahon yun ay nagpa siya kumag-aral ng abogasyah sa UP.
02:34.7
Kasama namin sa bahay ang nooy buhay pang biyanang kong sinana Kalista na siyang nag-aalaga noon sa tatlong anak kong lalaki.
02:45.1
Papadudut na padpad kami sa barangay sangang daan Project 8 Quezon City
02:49.5
at nangupahan kami doon sa isang paupahan sa Paranagaya.
02:54.0
Pero makalipas lamang, nang isang buwan ay nagkaroon kami ng problema sa bahay na inuupahan namin.
03:03.1
Dahil palaging walang tubig noon at bukang pera ang may-ari ng bahay.
03:09.7
Kaya agad kaming naghanap ng paupahang bahay na pwedeng terhan ng aming pamilya.
03:17.2
Kasama ko noon ang aking biyanan.
03:19.6
Napadpad kami noon sa isang paupahan sa Dalsol Street.
03:24.0
PSIS Village sa tapat lang mismo ng Villagers Montessori College.
03:30.3
Ang buong compound ay consists ng main house at apat na two-story apartments na magkakadikit.
03:39.0
Tapos ay meron ding dalawang bungalo at isang bakanting simentadong lote na pinaglalagakan ng mga panabong na manok.
03:49.2
Malaki din ang pahabang garahin nito at sa unit ng paupahan.
03:54.0
At sa unit ng paupahan namin ay mayroong nakaparadang sirang kotseng kuba na green kung saan ay maraming pusa ang tumatambay.
04:04.1
Samantala ng time na yon ay isang apartment unit lamang ang available.
04:09.2
Yung nasa gitna at katapat nga noong nakaparadang kotseng kuba.
04:14.1
Pagpasok pa lamang namin ni Nana Calista sa bahay ay agad kaming nagandahan.
04:19.8
Kasi naman ay malawak ang unit.
04:22.6
Meron din po itong likod.
04:24.0
Likod bahay kung saan ay pwede kang maglaba at magsampay ng damit.
04:29.4
Sa taas naman ay ang dalawang bedroom na malawak din.
04:34.1
Kaya agad namin po itong kinuha at nag-agree kami sa monthly rent na 6,500 pesos.
04:41.6
One month deposit at two months advance.
04:46.0
Kaya naman makalipas ang isang linggo ay lumipat na rin kami sa bago naming titirhang bahay.
04:51.3
At noong araw din yon ay nag-celebrate.
04:54.0
Nag-celebrate kaming buong pamilya kasama ang malalapit na kamag-anak ng asawa ko.
05:00.2
Pero papadudot.
05:02.4
Pagsapit pa lamang ng gabi ay nakaramdam na ako ng kakaiba sa buong bahay.
05:07.5
Noong una ay maayos naman kasi ang paligid.
05:11.2
Pero pagsapit ng alas 6 ng gabi ay parang nag-iiba ang ora ng bahay.
05:16.2
Para bang sumisikip ang aking pakiramdam.
05:19.9
Tapos habang nagkakasiyahan sa kusina ang aking asawa,
05:24.0
at mga kapatid niyang lalaki.
05:26.3
Nasa likod bahay naman kami ni Nana Calista.
05:29.5
Nag-iihaw ng barbecue, tunapanga, at mga isaw na manok.
05:35.0
Ewan ko ba pero hindi ako mapakali sa likod bahay namin.
05:39.5
Maski si Nana Calista ay nauobserbahan ko rin.
05:43.3
Na para bang hindi siya komportable.
05:46.7
Pakiramdam kasi namin ay merong kaming kasamang iba.
05:50.9
Kahit na dalawa lamang kami ang nabalik.
05:54.0
Bambi?
05:57.0
Kung ako sa iyo ay pabibindisyonan niyo ni Mike ang bahay na ito?
06:02.1
Sugestyon ni Nana Calista.
06:04.6
Para alam mo na mawala na yung mga dapat na mawala dagdag pa niya.
06:10.6
Bakit nararamdaman niyo rin po ba?
06:13.1
Usisa ko sa kanya.
06:15.3
Halatang nagulat naman ang biyanang ko sa mga sinabi ko sa kanya.
06:20.0
Akala ko eh ako lang ang nakakaramdam.
06:22.7
Pabulong na sabi niya sakin.
06:24.0
Pakiramdam ko eh meron tayong katabing alam niyo na may pananakot na wika ko.
06:31.6
Hay nako.
06:33.4
Papasok na nga ako sa loob.
06:35.2
Kinakabahang wika ni Nana Calista.
06:38.2
Napailing na lamang ako sa reaksyon ng biyanang ko.
06:41.8
Matatakotin kasi ito at nagpapaniwala sa mga supernatural o paranormal fenomena.
06:49.0
Samantala ay naiwan naman ako sa likod bahay dahil kinakailangan kong bantayan.
06:52.8
Ang mga iniihaw ko.
06:54.8
Mamayang kaunti ay bigla akong may narinig na sitsit.
06:57.8
Hindi lang isa kundi tatlong sitsit.
07:00.8
Agad akong napalingon.
07:02.8
Matataas naman ang pader ng likod bahay namin bagamat may lumalagpas na nga na sanga ng puno sa itaas na bahagi ng pader.
07:11.8
Napatingala at napatingin ako doon ngunit wala naman akong napansing kakaiba papadudut.
07:17.8
Pero nang ibaba ko ang aking paningin ay naging balako sa akin.
07:21.8
Isang babaeng nakaputi at may mahabang buhok na tumatakip sa kanyang buong mukha.
07:30.8
Dahil dito ay napatras ako at napasigaw pa.
07:33.8
Agad namang sumaklolo noon ang biyanang ko at ang bayaw kong lalaki.
07:38.8
Pero pagbalik ko ng tingin sa white lady ay wala na ito papadudut.
07:43.8
Bakit ka ba sumisigaw? Anong problema Bambi?
07:46.8
Tanong sa akin ni Nana Calista.
07:49.8
Nakita ko namang lumabas din ang asawa kong si Mike para makialam kung ano nga ba ang nangyari sa akin bakit ako napasigaw.
07:58.8
Gusto ko sanang sabihin na nakakita ako ng white lady sa likod ng bahay.
08:03.8
Pero hindi ko matansya kung totoo ba talagang nakita ko o namamalik mata lamang ako dahil mausok ang paligid at saka pagod na rin ako sa kakaihaw ng mga pulutan.
08:14.8
Sige na ako na magpapatuloy ng ginagawa mo.
08:18.8
Ang look ni Mike sa akin.
08:20.8
Lumabas din ang mga kapatid niya para doon ipagpatuloy sa likod bahay ang kanilang kwentuhan at inuman.
08:26.8
Habang kami naman ni Nana Calista ay pumasok na sa loob ng bahay at doon muna nagpahinga sa aming sala.
08:33.8
Samantala ay pinaakyat na ng biyanang ko ang tatlong anak kong lalaki para magpahinga.
08:39.8
At agad namang sumunod ang mga bata.
08:43.8
Kanina ka pang nag-iihaw at naghahanda ng mga pulutan ni Nana Calista.
08:47.8
Kaya siguradong pagod ka lang.
08:49.8
Sige na at magpahinga ka na rin at ako nang bahalang maglinis dito sa ibaba.
08:54.8
Ang sabi pa ni Nana Calista sa akin.
08:57.8
Sinunod ko naman ang biyanang ko.
09:00.8
Pagkatapos kong maligo ay agad akong umakyat sa master's bedroom.
09:04.8
Pero bago ako tuluyang pumasok ay iniisip ko pa rin at sinilip ko muna ang mga anak ko sa kanilang kwarto.
09:12.8
Naabutan ko silang naglalaro ng Tamagotchi at Brickman.
09:16.8
Kaya sinatakon na sila para matulog na.
09:20.8
Sumunod na rin ang mga anak ko sa aking utos.
09:23.8
Samantala papadudot dahil sa matinding pagod na nararamdaman ko ay nakatulog agad ako.
09:30.8
Pagkahiga ko sa kama.
09:32.8
Hindi ko na namalayan kung anong oras natapos ang selebrasyon nila sa ibaba.
09:38.8
Nagising na lamang ako nang bigla akong nakarinig ng malakas na sigaw ng isang babae sa laban.
09:45.8
Papadudot agad akong bumangon at napansin kong madilim ang kwarto.
09:52.8
Pero bago ako lumabas ng kwarto ay muling narinig ko ang sigaw ng babaeng iyon.
09:59.8
Para ba nanggagaling siya sa mataas na lugar tapos yung screams niya ay parang nahuhulog.
10:06.8
Tapos ay biglang mawawala.
10:09.8
Dali-dali akong bumalik sa kwarto at sumilip sa may bintana.
10:13.8
Tahimik ang gabi sa labas.
10:15.8
Pero may kutob ako na iyong sigaw ng babae ay nagagaling sa tapat ng compound namin.
10:22.8
Naalerto ako at napatakbo palabas ng kwarto ko.
10:27.8
At dali-daling bumaba kasi may nangangailangan ng tulong sa labas.
10:33.8
Iyon ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon.
10:37.8
Pagbaba ako sa hagdanan ay natanaw ko na natutulog si Mike
10:42.8
Natutulog si Mike at mga bayaw ko sa sala, abang si Nana kanisa naman ay natutulog sa kanyang folding bed sa ilalim ng hagnanan.
10:52.2
Agad kong nilapitan si Mike at ginising.
10:55.8
Bakit Bambi? Nalimpungat ang wika ni Mike sa akin.
11:00.8
Hindi nyo ba narinig yung sigaw ng babae sa labas ng compound natin?
11:04.6
Nagtataka kong tanong.
11:07.0
Pero mas nagtaka sa akin ang asawa ko.
11:10.9
Sigaw?
11:12.8
Wala kong naririnig at saka kung meron man, edi sana inagising kaming lahat dito sa iba ba?
11:18.2
Sagot ni Mike na nooy, nagihikab pa.
11:21.7
Samahan mo nga ako sa labas, sisilipin ko lang yung buong kabahayan ng Dalsol Street, ang sabi ko sa kanya.
11:29.5
Nakuwag na, paano kung may mga adik sa labas, mapahamak lang tayo.
11:34.6
Pagtutol ni Mike sa akin.
11:37.5
Baka may nangangailangan ng tulong sa labas.
11:40.1
Sige na Mike, lumabas na tayo para matulog.
11:42.8
Pag-aralungan natin kung sino yung sumisigaw sa may labas, ang sabi ko naman.
11:48.6
Sa huli, pumayag na rin ang asawa ko at kumuha muna siya ng flashlight bago kami lumabas ng bahay.
11:56.1
Habang naglalakad sa compound ay muli naming narinig ang sigaw ng babae.
12:01.2
Sa butong yon ay nawala ang antok ni Mike.
12:04.4
Yun yung narinig ko kanina, ang sabi ko kay Mike.
12:08.6
Parang nanggagaling yung sigaw dun sa Montessori.
12:11.2
Ang wika ni Mike sa akin.
12:14.5
Pagkatapos noon, papadudot, ay lumabas na kami kaagad ng gate at nilingalingan namin ang paligid.
12:22.8
Tanahon na tanahon namin mag-asawa ang kahabaan ng Dalsol Street.
12:27.2
Pero walang tao sa paligid.
12:30.3
Ni Asong Gala ay wala tapos ay pataysindi pa ang mga streetlights.
12:35.3
Ang creepy tuloy ng paligid, lalo na sa fasad ng Villagers Montessori College,
12:41.2
na noong 1998 ay Villagers Montessori School pa ang tawag.
12:48.3
Nakakatakot naman ang paligid.
12:50.7
Halika na Bambi, pumasok na tayo sa loob.
12:53.6
Pag-aaya sa akin ni Mike habang tinututok ang hawag niyang flashlight sa fasad ng katapat naming eskwelahan.
13:01.7
Pero hindi ko pa sinunod ang sabi ng asawa ko.
13:05.0
At sa halip ay bagya pa akong naglakad palapit sa fasad ng katapat naming eskwelahan.
13:09.2
Pero papadudot ng naroon na ako sa fasad ay nakarnig ako ng tatlong beses na sitsit.
13:19.2
Agad na tumayo ang mga balahibo ko sa buong katawan at nangigala ko ang aking paningin.
13:25.2
May naaaninag akong anino at figura ng isang babaeng nakatayo sa madilim na parte ng fasad ng eskwelahan.
13:32.2
Dahil dito ay nagtatakbo ako pabalik sa asawa ko at hinila ko siya papasok ng compound.
13:39.2
Tinayakong sarado ang gate bago kami bumalik sa bahay ng sabay.
13:44.2
Pagpasok naman sa loob ng bahay ay nalimpungata naman si Nana Calista at tinanong niya sa amin kung ano ang ginagawa namin sa labas.
13:54.2
E kinuwento namin sa kanya na nakarinig kami ng pagsigaw ng babae sa labas ng compound.
14:00.2
Sana hindi na kayo lumabas. Paano kung napahama kayong dalawa? Malay ba natin baka may adik pala dyan sa labas?
14:07.2
Sita sa amin ang biyanan ko.
14:10.2
Eto kasing si Bambi eh, pinipilit ako eh. Gusto pang alamin kung saan nanggagaling yung pagsigaw na narinig niya.
14:19.2
Mukhang nanggagaling pa yata dun sa tapat ng eskwelahan.
14:23.2
Paglalaglag sakin ni Mike.
14:26.2
Eh teka Bambi, bakit namumutla ka? Concern na wika ni Nana Calista nang mapansin niya ang kinakabahan pa rin ako.
14:35.2
Bumalik din na sa akin.
14:37.2
Ang asawa ko.
14:38.2
Bakit ka nga pala tumatakbo at nagmamadali kang pumasok sa loob? Ano bang nakita mo?
14:44.2
Usisa ni Mike sa akin.
14:47.2
Para kasing may nakita kong white lady na nakatayo sa madilim na parte sa labas ng eskwelahan.
14:52.2
Pag-amin ko.
14:54.2
Malakas ang kutob ko na yung nakita ko eh siya rin yung narinig nating sumisigaw. Dagdag ko pa.
15:01.2
Naku mukhang hunted pa yata tong lugar na nilipatan natin. Pananakot pa ni Mike sa akin.
15:07.2
Huwag kayong mag-isip ng ganyan. Walang multo. Hindi totoo yan.
15:12.2
Ang sabi ni Nana Calista. Alatang pinapalakas lamang niya ang loob niya.
15:18.2
Natawa naman si Mike sa sinabi ng ina. Talaga ma? Eh kayo nga po ang numero unong matatakot din sa pamilya natin. Aniya.
15:28.2
Bukas pupunta ako sa simbahan ng Immaculate Conception. Mag-i-inquire ako tungkol sa house blessing. Biglang sabi ko sa kanila.
15:37.2
Sumangayo naman ang biyanan ko.
15:40.2
Tama Bambi. Pablisan nyo itong bahay para merong kang masamang...
15:48.2
Sumangayo naman ang biyanan ko.
15:51.2
Tama Bambi. Pablisan nga nyo itong bahay para kung merong mang masamang espiritu dyan sa labas. Hindi papasok dito sa loob kasi may blessing ng ating Panginoon. Ang sabi pa niya.
16:04.2
Kaya kinabukasan ay agad ako nagpunta sa simbahan ng Immaculate Conception para ayusin ang house blessing. Hindi nagtagal nang sumunod na araw ay muli kaming nag-celebrate at kasabay ng matagumpay na pagbibindisyon ng pare sa buong apartment na tinitirhan namin ang buong akala ko Papa Dudut once na nablisan na nga ang bahay ay hindi na kami makakaramdam ng kababalaghan.
16:31.2
Pero Papa Dudut.
16:32.2
Mukhang nagkamali yata ako dahil lumipas ang araw.
16:39.2
Bigla akong nagigising sa eksaktong alas tres pa ng madaling araw dahil sa sigaw ng isang babaeng tila ba nahuhulog sa mataas na gusali.
16:51.2
Tapos kapag nasa kwarto kaming mag-asawa ay tulog na halos lahat ng miyembro ng pamilya maliban sa akin.
16:59.2
Nakakarinig ako ng yabag na umaakyat paraugin.
17:02.2
Dahil sa inaakala kong mga anak ko yun, kaya bumabangon ako at lumalabas ng aking kwarto.
17:10.2
Pero nagugulat na lamang ako.
17:13.2
Nang madatnang kong madilim at tahimik naman ang hagdanan.
17:18.2
Tulog na tulog ang mga anak ko sa kanilang kwarto at maski si Nana Calista ay palaging mahimbing ang tulog sa kanyang pwesto sa ilalim ng hagdanan.
17:27.2
Samantala gabi na ako nakakauwi sa bahay namin galing sa trabaho.
17:32.2
O sa pinapasukan kong law school.
17:35.2
Sumampana ulit ng barko si Mike noon at tanging si Nana Calista na lamang ang nag-aalaga sa mga apo niya.
17:43.2
Pag liko ko pa lamang sa Dalsol Street ay nakakaramdam na ako ng pagtaas ng balahibo sa buong katawang ko.
17:53.2
At noong 1998 kapag umuuwi ka ng alas 10 o alas 11 ng gabi wala ka na talagang makikitang tao sa paligid.
18:00.2
Sarado na rin ang dalawang sari-sari store sa kalyeng yon.
18:06.2
At sa tuwing naglalakad ako ay hindi akong mapalagay kasi pakaramdam ko talaga ay mayroong mga matang nagmamasid sa akin at parabang may kasunod akong kung anong elemento na siyang nagpapakilabot sa akin.
18:20.2
Kaya madalas ay binibilisan ko na lamang ang paglalakad papunta sa compound namin.
18:27.2
Naging ganon ang sitwasyon ko papadudod sa loob ng ilang buwan ko sa pagtira sa lugar na yon.
18:34.2
Noong una ay sinusubukan ko pang baliwalain ang mga nararamdaman ko.
18:40.2
Pero sa pagdaan ng panahon ay parang lumalala ang sitwasyon papadudod.
18:45.2
Kung dati ay nararamdaman ko lang na parang may nagmamasid sa akin.
18:50.2
Ngayon ay narinig ko na ang mga yabag na tila ba sumusunod sa akin.
18:54.2
Kaya sa sobrang takot ko noon ay nagpapasyan na akong sumakay ng taksi pa uwi.
19:02.2
Sa kabilang banda ay dumating ang pagsusulit namin sa law school. Ilang araw at gabi ako nag review noon sa sala ng bahay.
19:10.2
Umaabot ako noon hanggang madaling araw tapos ay hindi ko na namamalaya na nakakatulog na pala ako.
19:18.2
Pero isang gabi.
19:19.2
Kakatapos ko lang mag review noon nang bigla akong magising sa mga nakakatakot na hiyaw na mga pusa mula sa labas.
19:29.2
Yung hiyaw nila na parang umiiyak. Basta nakakatakot at saka malakas ang ingay nila kaya nagigising ako noon.
19:37.2
Sinubukan kong sumilip sa bintana sa sala pero wala akong makita dahil madilim ang labas.
19:44.2
Patay ang lahat ng mga ilaw. Siyempre binaliwala ko na lamang yon.
19:47.2
At sinubukan kong sumilip sa bintana sa sala pero wala akong makita dahil madilim ang labas.
19:49.2
At sinubukan kong sumilip sa bintana sa sala pero wala akong makita dahil madilim ang labas.
19:51.2
At sinubukan kong sumilip sa bintana sa sala pero wala akong makita dahil madilim ang labas.
19:53.2
Pero papadudot.
19:55.2
Bago ko buksan yon ay bigla akong nakarinig na mga yabag sa labas at pabalik-balik ito sa tapat ng bahay namin.
20:04.2
Siyempre nagtaka ako at nagplano akong silipin yon sa bintana.
20:09.2
Pero bago ko pa yon, magawa ay biglang huminto sa tapat ng bahay namin ang mga yabag.
20:14.2
Sinubukan ko paring silipin dahil sa curiosity ko.
20:19.2
Nagsungalang papadudot ay nagkamali ako dahil pagsilip ko ng bintana.
20:24.2
Kitang kita ng dalawang mata ko na may nakatayong babaeng nakaputi sa tapat ng bintana kung saan ako sumisilip.
20:31.2
Kitang kita ko ang muka at ang mga mata niya papadudot.
20:35.7
Pero nawalan ako ng balansi kaya nadapa ako sa may sahig.
20:40.4
Nagising naman ang biyanang ko dahil sa nilikha kong inga ay papadudot.
20:44.5
Ano nangyayari Bambi? Tanong sa akin ni Nana Calista.
20:49.2
May white lady sa labas, sa bintana nakatayo siya, sa tapat ng bintana.
20:55.0
Halos hysterical kong wika.
20:57.5
Pagkatapos noon ay umiyak na ako sa labis na takot.
21:01.3
Agad naman ako niyakap niyang biyanang ko at sinubukan niya akong pakalmahin.
21:05.6
Hindi nga naglaon ay kumalma naman ako nang biglang mag-ring ang telepono namin.
21:11.5
Pagsagot ko ay si Mike pala, naglo-long distance call.
21:15.5
Dumaong daw kasi ang barko nila sa Finland kaya nagkaroon daw siya ng pagkakataon.
21:19.2
At doon nga ay ikinawento ko rin sa asawa ko ang mga naranasan ko.
21:25.8
Samantala sa eksaktong tatlong buwan namin sa inuupahan naming apartment ay narinig ko ang usap-usapan ng mga kapitbahay naming si Karen at Marita tungkol sa naging karanasan nila.
21:37.2
Ayon sa kanila ay naririnig din daw nila yung sigaw ng baba ito yung alas 3 ng madaling araw.
21:43.8
Tapos etong si Karen ay nagkukwento na minsan ay napapasilip din siya sa kanilang bintana.
21:49.2
Nang makita niya ang may naglalakad daw na white lady sa loob ng aming compound.
21:57.4
Dahil naman sa kwento niya ay ikinawento ko rin sa kanya yung naranasan ko sa white lady.
22:03.4
Sa kabilang banda papadudot ay naman kay Marita.
22:07.1
Hindi lang sa compound namin nagpapakita ang white lady maski rin daw sa mga katabing bahay namin.
22:13.6
Sa katunayan ay madalas daw na magpakita ang white lady sa kahabaan ng Dalsol Street.
22:19.2
Ayon pa kay Marita ay meron siyang nasagap na kwento tungkol sa isang babaeng nakatira sa katabing bahay ng Montessori School.
22:28.9
Nabaliw daw ito dahil iniwan daw siya ng lalaking mahal niya.
22:34.0
At dahil hindi niya makayanan ang nangyari ay nagbiktiraw ito sa labas ng puno mangga na nakatayo noon sa tapat ng compound namin.
22:43.8
Simula noon ay nagsimula na raw magparamdam ang babae pagkamatay nito.
22:49.2
Kaya yung landlady naming doktora ay nagdesisyong ipaputol na ang puno ng mangga sa tapat ng compound sa pagasang hindi na magpaparamdam ang multo.
23:00.9
Pero nagkamali ito dahil hindi na naalis ang white lady sa Dalsol Street at patuloy daw ito sa pagpaparamdam sa mga kapitbahay.
23:10.9
Pero Marita, yung narinig kong sigaw ng babae para siyang tumalon sa mataas na building.
23:16.0
Kung nagbiktika mo sa puno ng mangga, hindi ganun ang maririnig kong sigaw.
23:23.3
Puna ko naman.
23:25.2
Ewan ko bambi ha?
23:27.0
Yun lang kasi ang narinig ko mula sa iba nating mga kapitbahay.
23:31.0
Uy ka naman ni Marita sa akin.
23:33.9
Pagkatapos ng kwentuhang yon ay pumasok na ako noon sa klase ko sa law school at gabi na akong nakauwi.
23:41.9
Kaso papadudot dahil sa wala akong masakyang taksi,
23:46.0
kita na lamang akong magbus at jeep pa uwi tapos ay maglalakad ako paliko sa Dalsol Street.
23:53.3
Habang naglalakad akong mag-isa sa Dalsol Street ay natanaw ko at nagulat ako
23:57.8
nang biglang may tumalon at lumagapak sa kalye na babaeng nakakulay puti.
24:05.5
Nanginig ang buong katawan ko at halos mapasigaw na sa sobrang takot.
24:09.4
Akala ko talaga ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali ng eskwelahang katapat ng compound namin.
24:16.0
Pupuntahan ko na sana yon para matulungan pero nanginig ako at napasigaw
24:20.4
nang parang zombie itong bumangon sa harapan ko.
24:24.7
Siya yung white lady na narakita ko sa tapat ng bintana ko isang gabi.
24:30.8
Halos mapaos na nga ako sa kakasigaw, lalo na nang lumapit na ito sa akin
24:36.2
pero dahil sa pagkataranta ko ay nada pa ako at sumemplang pa sa kalsada.
24:43.8
Mamayang kaunti ay may nakita pa akong isa.
24:46.0
Ang isang figura ng babaeng nakasuot ng puting bistida na nakatayo sa tapat ng compound namin.
24:51.8
Huli ko nang mapagtanto na isa rin pala itong white lady.
24:56.0
Bale, dalawang white ladies ang lumapit sa akin.
25:01.1
Dahil naman sa sobrang takot ay nagtakip na lamang ako ng mukha at nag-iiyak.
25:06.8
Sanghalan ng Panginoon, lumayo kayo sa akin!
25:11.3
Utos ko sa dalawang white ladies ng Dalsol Street.
25:14.2
Mamayang kaunti ay muli kong inalis ang kamay ko sa aking mukha.
25:20.0
Wala na roon ang dalawang white ladies.
25:23.5
Tiyempo namang lumabas si Nana Calista sa gate ng compound namin at nagmamadaling lumakad
25:28.7
papunta sa lugar na kinabagsakan ko.
25:31.2
Ang sabi niya sa akin ay narinig daw niya ang sigaw ko kaya lumabas daw siya para sakluluhan ako.
25:36.9
Agad naman akong yumakab sa biyanang ko at umiyak na ikinumento sa kanya ang aking mga naranasan ng gabing yun.
25:44.2
Pagkatapos noon papadudot ay muli akong nakarinig ng kwento nang tumambay ako sa sari-sari store nakatabi lamang ng Montessori.
25:53.5
Doon ay napagalaman ko na bukod sa babaeng nagbigti sa puno ng mangga,
25:58.2
ay meron din daw isang babaeng tumalon sa mataas na building ng eskwelahan.
26:02.7
Same din ang dahilan ng pagpapakamatay ng babae, kabiguan sa pag-ibig.
26:09.2
Simula noon ay dalawang white ladies na raw ang nagpapakita sa kahabaan ng Dalsol Street.
26:14.2
Minsan ay pumapasok pa raw ang mga ito sa mga katabing bahay at nagpaparamdam.
26:20.2
Dahil sa mga narinig ko ay nagpasya na akong lumipat ng ibang matitirhan.
26:25.2
Katulad ng dati kasama ko si Nana Calista sa pagkahanap ng bahay na maupahan.
26:31.2
Tiyempo namang may paupahang apartment noon sa Park Lane Street nakatabi lamang ng Barangay Hall
26:38.2
ng sangang daan at katapat nito ang Immaculate Conception Parish Church.
26:43.2
Medyo may kamahala ng upa nasa 7,000 pesos na noon.
26:47.2
Pero kinagat ko na ang offer ang importante lang naman sakin ay makaalis kami doon sa Dalsol Street
26:54.2
at naging maayos naman ang paninirahan namin doon.
26:58.2
Wala nang multo o kababalaghan siguro ay dahil sa tabi kami ng simbahan nakatira.
27:04.2
Tumagal kami doon ng limang taon sa Park Lane Street at lumipat na lamang kami pagkaraan kung makapasa sa bar exam.
27:11.2
Noong 2003.
27:14.2
Sa ngayon Papa Dudut ay isa na akong lawyer at nagwo-work sa isang telecommunication company.
27:20.2
Sa pagsasumikap namin ni Mike ay nakapundar din kami ng bahay dito sa Alibangbang, Project 7, Quezon City.
27:28.2
Malalaki na rin ang mga anak ko at lahat sila ay nakatapos na ng pag-aaral at may sarili ng pamilya.
27:36.2
Samantala neto lang pong March 29 ay sumakamilang buhay si Mike.
27:40.2
Dahil sa aneurysm.
27:43.2
Nagluluksa pa rin ako sa pagkamatay ng asawa ko at buti na lamang at kasama ko pa rin ang binangkong sinanak kalista na 88 years old na pero malakas pa rin.
27:54.2
Nakatira din sa akin ngayon ang dalawang pamangking kong babae na pinag-aaral ko ngayon sa STI Muñoz.
28:01.2
Dumadalaw pa rin ang tatlong anak ko kasama ang kanilang pamilya para samahan ako sa aking pagluluksa.
28:08.2
Papa Dudut, eto lamang ang pag-aaral.
28:09.2
Papa Dudut, eto lamang ang kwentong may babahagi ko sa ngayon.
28:13.2
Sana'y mabasa mo ito at umaasa ako na mapipili mo itong itampok sa iyong YouTube channel.
28:18.2
Muli maraming salamat and God bless sa inyong lahat.
28:22.2
Lubos na Gumagalang Atty. Bambi
28:27.2
Again, huwag pong kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe.
28:32.2
Maraming salamat po sa inyong lahat at magandang gabi.
28:39.2
Ang buhay ay mahihwaga.
28:56.2
Laging may lungkot at saya.
29:02.2
Sa Papa Dudut Stories.
29:07.2
Laging may karamay ka.
29:16.2
Mga problemang kaibigan.
29:22.2
Dito ay pakikinggan ka.
29:28.2
Sa Papa Dudut Stories.
29:33.2
Kami ay iyong kasama.
29:35.2
Dito sa Papa Dudut Stories.
29:44.2
Ikaw ay hindi nag-iisa.
29:51.2
Dito sa Papa Dudut Stories.
29:57.2
May nagmamahal sa'yo.
30:05.2
Papa Dudut Stories.
30:12.2
Papa Dudut Stories.
30:18.2
Papa Dudut Stories.
30:35.2
Pindutin ang notification bell para mas maraming video ang mapanood din nyo.
30:39.2
Maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala.
30:44.2
Maraming salamat po.