Close
 


Preventive suspension kay Davao del Norte Gov. Jubahib, hindi 'penalty' | #TedFailonandDJChaCha
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Pagbibigay-daan lang sa imbestigasyon ang ginawang suspensyon kay Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib. Iyan ang paliwanag ni Atty. Liza Logan, Depute Executive Secretary for Legal Affairs ng Office of the President matapos sabihin ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na parusa na ang ginawang suspension kay Jubahib. Dagdag ni Logan, na may iba pang mga reklamo kay Jubahib bukod sa iligal na paggamit ng service vehicle na naging mitsa ng pagsuspinde sa kaniya. #TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM --- Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 16:05
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Attorney, magandang umaga po.
00:01.9
Magandang umaga din po sa inyo at sa inyo pong mga tagapakinig.
00:06.2
Opo, salamat sa panahon at sa panig po ng tanggapan ng Executive Secretary.
00:10.6
Ito ho muna, ano po ang pinagbasihan ng suspension order ni Gov. Edwin Hubahib
00:16.9
at ito ho bang 60 days na ito, ano pong ating inaasahan na mangyayari?
00:22.3
Una po doon sa pinagbasihan.
00:24.3
Napanood ko po yung interview po kay Mr. Alvarez po.
00:31.6
Sinasabi po nila wala pong due process.
00:35.0
Pero po under the rules po, after po makapag-file ng answer po yung respondent,
00:41.3
pwede na pong maglabas ng order for preventive suspension.
00:45.6
So for the record po, sinasabi ko po nakapag-file po si Gov. Hubahib
00:53.8
ng kanyang...
00:54.3
sa kanyang answer, tos nag-base po kami doon sa complaint.
00:57.7
And doon sa answer niya, nag-recommend po kami kay Executive Secretary ng preventive suspension.
01:04.8
Sa pangalawa po, sa preventive suspension po, I understand in-implement na po ng DILG
01:12.4
at meron na pong nag-oast na acting governor po.
01:17.5
So hindi ko lang po alam kung anong actually pong nangyayari doon sa lugar.
01:24.3
Kung sino po yung nage-exercise ng powers considering na meron pong reports na ayaw bumaba.
01:31.0
Yan po, hindi ko po alam.
01:33.0
Apo, apo. Sige po.
01:34.5
Attorney, kasi nga po ang claim ng kampo po ni Gov. Hubahib ay hindi dumaan sa due process.
01:42.5
Para bagang sa akin, sa mga nababasa ko, wala pong report na he was first asked to answer the complaint.
01:50.4
So nung nubang nagreklamo ito pong si board member...
01:54.3
Yes po, yes po.
02:03.2
In fact po, sa kanyang pong answer, inamin din po niya na natanggap niya po yung notice na binigay sa kanya po ng Office of the President requiring him to answer.
02:17.4
Tapos nga po, dalawang beses nga po siya nag-file ng motion for extension of time to file his answer.
02:24.3
And then eventually po, final po niya yung answer niya.
02:27.6
Verified po yun. Sinumpaan naman po niya yun. Meron po sa record.
02:33.0
Okay. Ang kwento po ba dito ma'am, kumamarapatin po lamang ninyo ha, na tungkol po sa service vehicle na pag-aari po ng provincial government na i-assign kay board member Amit para niya gamitin pero ni-recall ni Gov. Hubahib at ipinagamit daw sa engineering office ng probinsya
02:52.5
at kinalaunan daw.
02:54.3
Pinalik po naman kay Amit. Totoo po ba yun?
02:56.7
Ayan po yung allegations ni Gov. na naisoli naman po niya noong December 2022.
03:04.3
Sabi po niya po yun. Pero hindi naman po pa nakakapag-comment on the answer yung complainant po kung totoo pong nangyari yun.
03:14.6
Pero anyway, at least that is not the, now is not the time po para sagutin yun kasi sa investigation by the investigating authority.
03:24.3
So hindi po nila pwedeng i-fully stretch out yung matters po.
03:27.2
Okay. Meron pong claim ang kampo po nila Gov. Kunyo rin po napakinggan ang mga panayam po sa kanilang kampo, hindi ho ba, na umano'y may pakiusap daw si special assistant nga ng Presidente si Anton Lagdameo kay Gov. Hubahib na huwag pahintulutan yung maisug-rally sa kanilang lalawigan.
03:50.2
At hindi daw ho nakiharap itong si Gov. kay Gov. Hubahib.
03:54.3
At hindi daw nakiharap itong si Gov. kay Gov. Hubahib na huwag pahintulutan yung maisug-rally sa kanilang lalawigan.
04:24.3
So nakipag-ugnayan kay Gov. Lagdameo to find out, totoo ba yun o hindi po?
04:30.1
Ay hindi po. Hindi po. Kasi late in the afternoon na po napadala sa akin yun and I don't even have the number of Mr. Lagdameo po to verify yun po.
04:43.6
Sige po. And I hope you don't mind us asking para nga po natin makuha ang kabuang panig ng mga tao na binabanggit po sa ating panayam.
04:54.3
Apo. Suspended for a period of 60 days. Ano po ang mangyayari sa 60 days na ito?
05:03.0
Ano po ang mangyayari? What do you mean po?
05:05.1
Meron ho bang kaukulan na mga pagdinig o anumang pong proseso?
05:13.2
And then ano po ang administrative proceedings na mangyayari po dito?
05:20.3
Apo po. Basit po sa local government code po.
05:24.3
At saka sa administrative order 23, implementing the provisions of the local government code tungkol po dito sa mga admin cases against local government officials.
05:34.8
Ang next po na gagawin ng Office of the President po is to refer this case to the DILG po for preliminary investigation po.
05:45.9
Tapos yung mga next steps po, yung DILG na po ang gagawa po nun.
05:53.0
So ang...
05:54.3
Yung DILG po, magkakondak po siya ng preliminary investigation to determine kung merong prima facie case for this matter to become a formal proceeding.
06:07.5
Itutuloy po ba na may kaso yung si governor.
06:13.2
Kung meron naman pong kaso, ipoproceed po nila sa formal investigation.
06:17.5
Para pong ano, para pong sa court proceedings din, meron pong opportunity to present evidence.
06:24.3
And then, after that po, si DILG po magsasubmit po ng recommendation sa Office of the President.
06:35.2
Sa ilalim po na binangget sa official statement po ng tanggapan na Executive Secretary na Republic Act 7160, ito yung local government code.
06:45.6
Apo.
06:45.9
Apo.
06:47.4
Theoretically ma'am, ano ho, hanggang saan ang pipwedeng penalty sa isang umano'y nagkamaligay?
06:54.3
Mali nga po na lokal na opisyal sa pagpapatupad po ng kanyang tungkulin?
06:59.7
Depende po sa gravity.
07:01.7
Pero nakalagay po sa batas, either suspension ng penalty po ang pinag-uusapan, suspension po, or dismissal from service.
07:13.0
Depende po sa gravity.
07:15.3
Apo.
07:15.7
At saka application ng mga aggravating and mitigating circumstances.
07:18.9
Pero pwede humantong sa pagkakaalis sa pwesto.
07:23.5
At ang mag-aaral...
07:24.3
Pagkakaalis sa kanya, mismong Presidente ng Pilipinas?
07:27.8
Opo.
07:28.3
Si Presidente po ang disciplining authority po.
07:31.4
Pero ang magre-recommend po ng action po, kung itutuloy nga po ito na formal investigation,
07:39.6
or kung ano po yung penalty na i-impose, yung DILG po ang magre-recommend.
07:46.5
Opo.
07:46.8
Opo.
07:47.2
Yun hung suspension na ipinataw ngayon, ang claim po naman ng kabilang kampo, ito po'y maituturing na na-penalize,
07:54.3
na ito po'y maituturing na na-penalize.
07:55.3
Ano po ang yung tugundang?
07:56.5
Opo. Go ahead ma'am.
07:57.4
Hindi po yan penalty even by Supreme Court jurisprudence na po yan. Marami.
08:02.5
Ano lang po yan?
08:05.4
Hindi po penalty. Ano lang po yan?
08:07.8
Parang mabigyan lang ng opportunity yung disciplining authority sa investigating authority
08:14.6
to conduct yung investigation without yung possible interference ng person complained of.
08:23.2
Okay. Opo.
08:24.3
Doon po sa sinasabi naman po ng iba na kung pag-uusapan lang po ay gantong uri po ng mga abuso sa kapangyarihan,
08:35.2
marami daw pong gantong mga lokal na ofisyal. Ano po ang tugundo ng inyong tanggapan para po sa mga may reklamo din
08:42.3
sa ilang pong mga local officials kung gugustuhin nila na idaan din po sa gantong proseso?
08:49.3
Sa katunayan po marami pong pending na mga ganyang klase din po dito.
08:54.3
Sa office na namin po. So tama po yun. May mga similar matters po na ganyan po.
09:02.9
Opo. Pero mukha po kasing, well, sa nagdaan po kasi wala ho kaming nabalitaan so far.
09:10.5
Baka lang po hindi ho nabalita nga na aksyon ng tanggapan ng presidente sa mga reklamo against government officials based on the local government code.
09:19.5
Ito po ang kauna-unahan sa kasalukuyang administrasyon. Meron pa ho bang susunod?
09:24.3
Hindi po meron po kami mga nilalabas. Pero yung mga iba po, yung meron pong mga na preventive suspension ng mga governor na nag-appeal dito.
09:37.0
Meron pong mga nilalabas din po yung office of the president ng stay order. Parang sa administrasyon po na ito, so far po under me po, during the time na nandito po, meron na pong mga lumabas ng mga stay orders.
09:54.3
Against preventive suspensions imposed by local government officials and their fellow local government officials.
10:01.3
Pero meron ho bang reklamo din lalabas sa mga kasalukuyang incumbent governors?
10:08.9
Maaari po. Pero hindi ko po, wala pong sa akin ng records po nasa kabilang office po. Meron din naman po. Marami po. Marami po silang reklamo sa isa't isa po.
10:21.2
Opo.
10:22.2
Opo.
10:22.8
Sinong mga nagreklamo?
10:24.3
sila-sila sa local government?
10:27.5
Opo.
10:28.6
Pero kailan po yan, ma'am?
10:30.8
Ito lang po, para nga rin po natin
10:32.4
mabalansin na
10:33.8
wala hong, kumbaga, walang sinisino,
10:36.5
patasan lahat dito.
10:37.9
Meron din pong ilalabas
10:39.9
ang tanggapan ng Executive Secretary
10:42.1
na suspension order
10:43.9
o dismissal ng mga kasong
10:46.2
isinampap to make it public
10:48.1
para malaman po na hindi lang po ito
10:50.0
nag-iisa na tanging kaso
10:52.1
po na inaksyonan po ng tanggapan
10:53.6
ni Secretary Bersamin?
10:55.3
Marami naman po kaming nilalabas.
10:57.8
Siguro po, hindi lang sila
11:00.0
as vocal
11:01.3
o nababalita.
11:04.1
Opo.
11:05.2
Baka po sa lugar nila po,
11:07.0
locally, napag-uusapan, pero
11:09.3
national level like this.
11:11.6
Opo.
11:12.5
Pero wala pa hong suspension order sa isang gobernador, ano?
11:15.8
Wala pa. Ito ang first time
11:17.6
sa panunungkulan po ni Pangulong Marcos Jr.?
11:21.1
Parang po, parang po.
11:22.9
Okay.
11:23.3
Okay, sige po.
11:24.3
Parang lang po, pero I can get back to you
11:27.2
on that po.
11:27.9
Opo, yes ma'am, attorney.
11:29.2
So sa ngayon po ma'am, meron ho bang
11:30.7
takdam panahon
11:32.8
ang DILG
11:34.4
para po sa kanilang gagawing
11:37.0
investigasyon at
11:38.6
kaukulang rekomendasyon?
11:40.7
Opo, meron po
11:41.6
i-refer po ng Office of the President
11:45.3
sa kanila yun. Pagkatanggap po nila yun,
11:48.0
meron pong time frame
11:49.0
under the rules
11:51.3
po for them to conduct
11:53.3
yung necessary
11:54.8
preliminary investigation,
11:57.1
necessary formal investigation,
11:59.0
kung necessary po, and for them
12:01.2
to make a recommendation to the Office of the President.
12:03.8
Okay. So, meron ho bang
12:05.7
timetable yan?
12:06.9
Like 30 days?
12:07.9
Opo, may timetable po yan.
12:10.5
So, yung
12:11.5
preliminary investigation,
12:14.9
dapat po may
12:15.9
20 days po si DILG
12:19.2
to determine kung may prima facie case
12:21.6
and to make a recommendation
12:23.1
to the Office of the President
12:24.9
kung i-dismiss yung kaso
12:26.3
or i-proceed sa preliminary
12:28.1
conference. Ngayon naman po,
12:30.5
kung ang recommendation po
12:32.1
is mag-proceed sa preliminary
12:33.4
conference,
12:35.0
pupulungin po yung mga parties,
12:38.1
tatanungin po sila kung gusto po nilang
12:40.0
mag-formal investigation o walang
12:41.7
formal investigation.
12:43.3
Kung gusto po nilang may formal investigation,
12:46.9
90 days po yung
12:48.1
period ng formal investigation
12:50.2
from start and then after po ng
12:52.5
formal investigation,
12:53.1
maaari po silang pagbigyan ng DILG
12:56.1
na mag-submit ng memoranda.
12:58.3
Pagkatapos po nilang masubmit yung memoranda
13:00.3
or after expiration of the period
13:01.9
provided for them to do so,
13:04.2
at tapos wala po silang sinubmit,
13:06.2
si DILG po, mag-ano po,
13:08.0
maggagawa na po ng recommendation
13:09.8
na i-elevate po dito sa Office of the President
13:12.2
together with all the records
13:14.1
of the case po.
13:15.0
Okay. Sige po.
13:16.6
Ma'am, I hope you
13:19.0
mamarapatin lang po ninyo.
13:21.2
Kasi sa statement po ng tanggapan,
13:23.1
na Executive Secretary Versamil,
13:25.6
ang sinasabi po dito,
13:26.8
sufficiently alleged grave abuse of authority
13:29.2
and oppression
13:30.9
right on the part of Governor
13:33.3
Hubahib in connection with the recall
13:35.3
of BM Amit service
13:37.0
vehicle without legal
13:39.4
basis. Pero dito po sa
13:41.1
statement naman ng DILG,
13:44.0
may binabanggit po dito,
13:45.3
complaint against him by
13:46.8
various parties which raises concern
13:49.3
regarding alleged misuse
13:51.3
of authority, potential
13:53.1
of oppression, and
13:55.1
utilization of government funds to
13:57.1
advance the interest of a private
13:59.1
company. Parang wala
14:01.1
ito doon sa statement ni
14:03.1
E.S. Versamil. Meron ho bang
14:05.1
ganong issue?
14:07.1
Paggamit ng government funds
14:09.1
to advance the interest of a
14:11.1
private company?
14:13.1
Kanina pong statement po ulit ito.
14:15.1
Statement po ng DILG.
14:17.1
Opo. Galing kay Atty. Benhamin Benhur
14:19.1
Abalos Jr.
14:21.1
Opo. Baka po kasi,
14:22.7
hindi ko lang po alam kung
14:26.7
meron po kasing
14:28.7
rules po,
14:30.7
doon sa rules po yung
14:32.7
hindi pwedeng
14:36.7
mag-disclose ng mga...
14:38.7
Baka na-confuse lang po si
14:40.7
DILG Secretary po natin.
14:42.7
Kasi possible po
14:44.7
na ang isang
14:46.7
public office or local government official,
14:48.7
marami pong reklamo sa kanya.
14:50.7
Baka na-confuse
14:52.7
na doon sa others pa.
14:54.7
Pero officially po
14:56.7
sa tanggapan mismo ng
14:58.7
Presidente, ang tanging reklamo lang
15:00.7
ay doon sa service vehicle?
15:02.7
Hindi po totoo yan. Meron pa pong
15:04.7
iba.
15:06.7
Meron pang iba. Pero ito ho lamang
15:08.7
ang nabanggit sa official statement
15:10.7
ng E.S. Versamil.
15:12.7
Opo. Kasi diyan po kami
15:14.7
nakapaglabas ng suspension order
15:16.7
yung tungkol po sa sasakyan.
15:18.7
Opo. Opo. Pero meron pa pong
15:20.7
mga iba. Okay. Mabuti nga po
15:22.7
na iklaro po namin ito.
15:24.7
Opo. Opo. Opo. Sige po.
15:26.7
So, ma'am, salamat po sa inyong
15:28.7
panahon na binigay po sa aming programa.
15:30.7
Mainam nga po ito na nakuha po namin
15:32.7
ng inyong panig kasi nga kahapon pa po kami
15:34.7
tumatawag para po sa kaukulan
15:36.7
pong pagsiguro
15:38.7
lang na mapakinggan pong tanggapan
15:40.7
ng Presidente dito po sa isyong ito, ma'am.
15:42.7
Opo. Salamat din po.
15:44.7
Opo. Thank you, Atty. Si
15:46.7
Atty. Anna-Liza Logan.
15:48.7
Ang Deputy Executive Secretary
15:50.7
for Legal Affairs ng Office
15:52.7
of the President.