Close
 


Legal Ba ‘To?: Pagpapadagdag ng sustento | Gud Morning Kapatid
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#GuMKLegalBaTo | Magkano nga ba ang kailangang isustento sa mga anak? Ang mga batas kaugnay niyan, idinetalye ni Atty. Buko dela Cruz! #GudMorningKapatid #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:01
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Mga kapatid, usaping sustento ang inilapit sa atin ni Chona Porquez na bibigyan natin ng payong legal.
00:10.7
Narito ang kanyang sumbong.
00:30.0
Ang hinain ko lang po attorney kasi hindi sapat po every month binibigyan niya 7K.
00:37.2
Ang ginagawa, 1530-3535, hindi na namin po siya nakokontakt.
00:42.3
Parang nagmamakawa pa kaming kontaktin, deretso pa sa kapatid niya.
00:46.9
Attorney, kung sakali bang magpadagdag ako ng sustento, legal ba ito?
00:51.6
Legal po ang paghingin ng sustento sa tatay ng bata.
00:55.8
Subalit, ang tamang halaga ng sustento ay nakabatay.
01:00.0
Sa pangangailangan ng bata at sa kakayahan ng magulang.
01:04.6
Kung hindi papayag ang tatay ng bata na magbigay ng karagdagang sustento,
01:09.8
maaaring kasuhan ito at ang korte ang magdedesisyon ng tamang halaga na dapat niyang ibigay bilang sustento.
01:17.7
Pero paalala lamang po na ang sustento ay obligasyon ng mag-asawa para sa kanilang anak.
01:23.5
Hindi lang po ito obligasyon ng tatay.
01:25.8
Kaya sa pagtakda ng tamang halaga ng sustento,
01:30.0
dapat ay alamin ang pangangailangan ng bata at hahatiin ito sa dalawa.
01:35.2
50% ng gastos ng bata ay sagot ng tatay, 50% din ang sagot ng nanay.
01:41.5
Karaniwan, ang sustento ay para lamang sa anak o bata na hindi lumalagpas ng 18 taong gulang.
01:48.9
Pero sa kaso mo, Chona, kung ang inyong mga anak ay may kapansanan,
01:52.5
ang paghingin ng sustento ay hindi natatapos sa pag-idad ng 18.
01:57.6
Mahaari pa rin pong humingi ng sustento.
02:00.0
Sa tatay ng bata.
02:01.9
Kung hindi ito papayag, sa korte pa rin po ang ating punta upang ipaglaban ng karapatan ng bata sa suporta ng kanyang bata.
02:09.6
At payo din sa iyo, Chona.
02:11.8
Kailangan muna magpadala tayo ng demand letter dun sa tatay po ng bata
02:16.0
upang maalaman niya na humihingi ka ng karagdagang sustento at bakit.
02:21.5
Pag hindi siya sumagot o hindi tumugon sa iyong sulat,
02:25.0
po pwede mo na siyang kasuhan para sa sustento na iyong inilalaban sa iyong anak.
02:30.2
Kung kayo po ay may nais ikonsulta sa inyong lingkod,
02:33.3
ifollow lang ang Facebook page ng Good Morning, kapatid.
02:36.8
Mangyaring i-private message po ninyo sa akin ang inyong mga katanungan.
02:41.1
Maraming salamat.
02:43.0
Mga kapatid, Dimples Romana po.
02:45.6
Kompletuhin ang inyong umaga ng mga kwentong puno ng inspirasyon.
02:49.8
Salubungin po ang bawat araw ng maingiti at pag-asa.
02:52.9
Kaya't mag-subscribe na po at mag-follow na sa aming social media pages ng News 5.
03:00.0
Thank you for watching!