Close
 


PNP, pinag-aaralan kung maituturing na sedisyon ang panawagan ni Rep. Alvarez sa militar
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineSaUmaga I Maituturing umanong sedisyon ang panawagan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa militar na talikuran si Pres. Bongbong Marcos. Pati ang ibang mambabatas, gusto ring kasuhan si Alvarez. #GudMorningKapatid #News5 I via Mon Gualvez Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:12
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Maituturing raw na sedisyon ang panawagan ni Davao del Norte Congressman Pantaleon Alvarez sa militar na talikuran si Pangulong Bongbong Marcos.
00:09.4
Pati ang ibang mambabatas gusto rin kasuhan si Alvarez. Nasa frontline ng balitang yan, Simon Gualvez.
00:16.3
Pinag-aaralan na ng Philippine National Police kung pwedeng kasuhan si dating House Speaker at Davao del Norte First District Representative Pantaleon Alvarez
00:24.0
kasunod ng panawagan niya sa militar na talikuran na si Pangulong Bongbong Marcos dahil posibleng mauwi sa gera ang pambubuyo nito sa China.
00:32.4
Sa mapayapang paraan, please withdraw your support to the Chief Executive.
00:41.6
Ayon sa tagapagsalita ng PNP na si Colonel Gene Fajardo, pinag-aaralan na nila kung pwedeng sampaan ng kasong sedisyon ng kongresista.
00:49.0
Umapela rin siya sa publiko na huwag sanang idamay ang hanay nila sa mga ganyang panawagan.
00:54.2
Dahil nananatili raw tapat ang kanilang organisasyon sa Pangulo at sa 1987 Constitution.
00:59.3
Sa Kamara, hindi rin ikinatuwa ng ilang mambabatas ang pahayag ni Alvarez.
01:03.8
Para sa dating niyang kaalyado na si Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel, may tuturing talagang sedisyon o rebeliyon ang ginawa ng mambabatas.
01:11.2
Kaya si kamigin Representative Jurdin Romualdo umapela rin sa Justice Department na sampahan ng kasong kriminal si Alvarez.
01:18.7
Dahil malinaw na pasok daw sa sedisyon ang mga sinabi nito sa prayer rally.
01:22.3
Bukod sa kasong kriminal, binalaan din ng mga kongresista si Alvarez na magingat sa kanyang pananalita para hindi masampahan ng reklamo sa Ethics Committee ng Kamara.
01:31.9
Ang mismong Armed Forces of the Philippines naman na direktang hinimok ni Alvarez, hindi rin siya pinakinggan sa panawagan niya.
01:37.8
The AFP remains to be a professional organization. Very clear po yung mandate namin. We will protect the Constitution and we will follow the duly constituted authority.
01:50.7
Susundan namin.
01:52.3
Yung mga utos ng ating Commander-in-Chief who is also our President.
01:58.3
Nagbabalita mula sa Frontline, Mon Gualvez, News 5.
02:03.5
Kaugnay ng balitang yan, sinagot na ni Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez ang mga panawagan na dapat siyang kasuhan ng sedisyon.
02:11.9
Giit ng mambabatas, hindi maituturing na sedisyon ang mga sinabi niya dahil sa mapayapang paraan siya umapela sa militar na talikuran na lang si Pangulong Marcos.
02:22.3
Bati niya raw na may mga hindi kontentong sundalo sa Pangulo. Kaya nilunok pangaraw niya ang pride niya nang hilingin niya sa mga sundalo na huwag nang mag-aklas at gumamit ng dahas.
02:33.7
Sa mata ng batas, hindi raw maituturing na iligal ang panawagan niya sa mga sundalo na talikuran si PBBM kung magre-resign lang naman sila sa pwesto.
02:43.1
Humingi naman kalauna ng paumanhin si Alvarez tungkol sa mga nasabi niya.
02:47.0
Bugsulang daw yun ng damdamin.
02:52.3
Ginagawa ng Malacanang.