Close
 


Pinakamataas na temperatura ngayong 2024, pumalo sa 40 degrees Celsius | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ngayong Abril ay nalagpasan na ng aktwal na temperatura ang pinakamataas na forecast ng PAGASA. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest Entertainment News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjT9hEOBQXAoI1gxbcvG87r For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmh2QdQIUTg8drWJzhiGn29W Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #TrendingNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:26
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Araw-araw, ilang dram ng tubig ang iniigib ni Reyna sa ilalim ng matinding sikat ng araw.
00:07.4
Ang labis na init, idinadaan na lang niya sa biro.
00:10.8
Empyerno talaga, lalo na kapag sobrang babad mo na.
00:14.1
Parang magkagalit nga kami ng araw.
00:16.2
Masakit sa balat talaga usually.
00:20.3
Minsan kapag sobrang babad mo na talaga sa araw, katulad na ito,
00:25.0
parang sobrang init na yung bunduna mo sa hulo.
00:30.0
Ngayong Abril, nasa 39.7 degrees Celsius ang pinakamataas na tinatayang temperatura ng pag-asa sa Northern Luzon.
00:38.3
Pero kalagitnaan pa lang ng buwan, nalampasan na agad ito.
00:42.4
Kahapon kasi, umabot sa 40 degrees Celsius ang temperatura sa Echague, Isabela na siyang pinakamataas na para sa taong ito.
00:50.4
Kaya paliwanag ng pag-asa, nananatiling posible na ang 40 degrees maximum temperature forecast para sa Mayo, malampasan din.
00:59.1
Possible pa po na higher than 40 degrees ang possible po in terms of maximum daytime temperature.
01:07.4
And kasama pa po niyan, kung halimbawa medyo mainit din yung ating nighttime temperature.
01:13.5
So ibig sabihin po, kung pinag-combine ito, kinabukasan, medyo mas mainit pa rin.
01:19.1
Dito sa Metro Manila, 38 degrees Celsius ang pinakamataas na forecast para sa Abril.
01:24.1
Kunti na lang at mapapantayan na ito ng 36.9 degrees na naitalakas.
01:29.1
Kahapon, dapat maintindihan na iba ang temperatura sa heat index o damang init.
01:35.4
Isinasa alang-alang ng heat index ang halumigmig o moisture sa hangin.
01:40.1
Mas mahalumigmig, mas mataas din ang heat index na posibleng maging delikado sa kalusugan ng tao.
01:46.8
Pinapayuhan din ang publiko sa Metro Manila na bantayan ang tinatawag na urban heat island effect
01:53.0
o yung mas matinding init sa syudad dahil sa dami ng simento, bakal at salamin.
01:59.1
Nag-iipon ng init.
02:00.7
May paraan din para malaman kung magiging mainit sa araw maging sa pagsapit ng gabi.
02:06.8
Kapag araw at kulay blue ang sky, cloudless siya, asahin nyo napaka-init.
02:11.9
Ngayong pagdating ng hapon, kung napaka-ulap naman sa gabi,
02:16.0
ibig sabihin asahan din natin na mainit din yung night time temperature.
02:19.7
So ibig sabihin, kinabukasan, malamang na mataas ang ating discomfort.
02:25.9
Sa ibang lugar, naitala na ang ilang kaso ng heat.
02:29.1
Heat exhaustion at heat stroke.
02:31.5
Kung hindi ito maaagapan, maaari itong humantong sa pagkamatay.
02:36.1
Kaya wala nang mas makabubuti pa, kundi ang maging maalam at maingat
02:40.5
sa panahong napakataas ng temperatura at banta sa kalusugan.
02:46.1
Rafael Bosano, ABS-CBN News.
02:49.7
Tuloy-tuloy po ang ating pagpapatrol sa bayan mula lunes hanggang biyernes sa TVE Patrol.
02:56.4
Alas 6.30 ng gabi hanggang Sabado.
02:59.1
Bingo sa TV Patrol Weekend.
03:01.9
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
03:05.0
Thank you for watching!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.