Close
 


AIRFORCE NAGSANAY SA PAKIKIPAGLABAN SA HIMPAPAWID | SEN. ROBIN MASYADONG NATATAPANGAN KAY PBBM
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode

JOHN REPS
  Mute  
Run time: 10:42
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dahil sa epektibo ang mga fighter aircraft pagdating sa mga digmaan, tuloy-tuloy ang pagsasanay ng US Air Force at Philippine Air Force pagdating sa mga fighting maneuvers gamit ang mga magkaibang fighter aircraft alamin ang buong detail limamaya.
00:18.2
At Sen. Padilla masyado umanong natatapangan sa mga hakbang ni Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa pagresulba ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea at mali din anya ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa Amerika, Australia at Japan.
00:35.2
Kaya't para malaman ang buong detalye ay tumutok at makinig na mabuti.
00:45.3
Epektibo ang mga fighter aircraft sa larangan ng mga digmaan.
00:48.2
Tulad ng nangyayaring gyera ngayon sa Middle East kung saan gumagamit ang Israel ng F-15, F-16 at F-35 fighter aircraft upang pulbusin ang mga kalaban nitong Hamas, Hezbollah, Islamic Jihad at Iran Revolutionary Guard Corps.
01:07.9
Kaya't heto at aakalain mong isang eksena sa isang pelikula sa sunod-sunod ng paglipad ng mga fighter aircraft ng Pilipinas at Amerika.
01:18.2
Sa bawat takeoff ay dumadagundong ang tunog mula sa mga makina nito na tila nagpapahiwatig agad sa lakas at liksi na kanilang taglay.
01:27.9
Ibinida ng Philippine Air Force ang kanilang pambato na F-150 Light Fighter Aircraft habang ang sa US Air Force naman ay ang F-16 Fighting Falcons.
01:37.7
Ang pagpapakitang yan ng dalawang magkaalyadong pwersa ay ang unang bahagi ng Cope Thunder Exercise sa pagitan ng Philippine Air Force at US Air Force.
Show More Subtitles »