Close
 


Marcos Jr. ibinida ang istratehiya vs ilegal na droga | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang istratehiya ng kanyang administrasyon kontra sa ilegal na droga. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest Entertainment News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjT9hEOBQXAoI1gxbcvG87r For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmh2QdQIUTg8drWJzhiGn29W Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #TrendingNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:54
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang itinuturing na pinakamalaking huli ng droga sa kasaysayan sa bayan ng Alitagtag sa Batangas ngayong araw.
00:14.1
Aabot sa 13.3 billion pesos ang tinatayang halaga ng halos dalawang toneladang shabu na nahuli sa checkpoint ng mga polis habang ibinabiyahe sa loob ng isang closed van nitong lunes ng umaga.
00:26.4
Very high quality itong nandito, very high potency. Ibig sabihin yung mga pinanggalingan, kung saan pa yung mga, kung saan ang galing, kung saan sinakay, anong origin, ngayon inimbestigahan pa lang.
00:42.1
Kaya the operation is ongoing at pabayaan muna natin ang ating mga kapulisan together with the attached agencies ng PDEA and the dangerous drugs board lahat.
00:56.1
We're working together para mabuo ang kaso rito, malaman talaga natin kung saan dinaan itong shipment ng shabu na ito.
01:06.1
Ayon sa Pangulo, pinapakita lamang ng huling ito na tama ang estrategiya ng kanyang drug war, kung saan wala ng kailangan mamatay o masaktan.
01:15.0
I would like also to point out that this is the biggest shipment of shabu na nahuli natin, but not one person died.
01:26.1
Walang namatay, walang nagputukan, walang nasaktan. Basta't inoperate natin na dahan-dahan, yun naman dapat ang approach.
01:36.1
Para sa akin, yun dapat ang approach sa drug war. Ang pinakaimportante is matigil natin ang pag-ship ng mga drugs dito sa pagpasok sa Pilipinas.
01:50.1
Bago upo pa lamang siya sa pwesto, inilatag na ng Pangulo ng Patuloy.
01:56.1
Ang Pangulo ay naisusulong ang kampanya kontra-droga, pero nakatoon sa prevention at rehabilitation.
02:02.2
Importante rin anya ang pakikipagtulungan sa gobyerno ng iba-ibang bansa para mapigilan ang pagpasok ng supply ng droga sa Pilipinas.
02:10.9
Kailangan talaga kayod. We have to operate, we have to gather intelligence, we have to coordinate.
02:18.5
The only way to get that is to continue to prosecute the drug war.
02:23.7
But well within the law, well within, so that the cases can be filed and the syndicates can be identified.
02:33.9
The guilty parties can be arrested and eventually imprisoned.
02:42.8
Pinuri naman ang Pangulong Alay Tagtag PNP sa pangunguna ni Police Captain Luis De Luna Jr. sa pagsabat sa droga.
02:49.9
Nauna nang ginawaran si De Luna ng spot promotion ng DILG.
02:53.7
At isang daang libong pisong pabuya ng Batangas Provincial Government.
02:59.1
Ayon sa Malacanang, sa halos 37,000 na drug operations na isinagawa mula July 2022 hanggang December 2023,
03:06.9
limampung libong drug suspects na ang naaresto, kung saan higit tatlong libo dito ang itinuturing na high value targets.
03:14.9
Pia Gutierrez, ABS-CBN News.
03:17.8
Tuloy-tuloy po ang ating pagpapatrol sa bayan mula lunes hanggang biyernesa.
03:22.7
TV Patrol, alas 6.30 ng gabi hanggang Sabado at Linggo sa TV Patrol Weekend.
03:30.4
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
03:52.7
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.