Close
 


Luzon grid, isinailalim sa red alert dahil sa kakulangan ng supply sa kuryente | Frontline Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Isinailalim sa red alert ang Luzon grid dahil sa kakulangan ng supply sa kuryente. Nag-anunsyo ng rotational brownout ang Meralco sa Metro Manila at ilang probinsya. #News5 | via Briane Basa Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:42
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.4
Kasalukuyang nasa Red Alert ang Luzon Grid dahil sa kakulangan ng supply sa kuryente.
00:06.3
Dahil dito, nag-anunsyo ang Meralco ng rotational ground-out sa Metro Manila at ilang probinsya.
00:13.3
Nasa front line ang balitang yan, si Brian Bassa.
00:18.3
Tag-init, kaya mataas ang demand sa kuryente.
00:21.9
Ito ang nag-udyok sa National Grid Corporation na isa-ilalim sa Red Alert ang Luzon Grid.
00:27.8
Sa anunsyo ngayong araw, nasa Red Alert ang malaking bahagi ng Luzon kaninang alas 2 ng hapon hanggang alas 4 ng hapon.
00:36.2
Susundan yan ngayong alas 6 ng gabi hanggang alas 9 ng gabi.
00:41.1
Ipinatutupad ang Red Alert kapag hindi sapat ang supply ng kuryente sa demand ng mga consumer, kaya posible ang ground-out.
00:49.5
Inilalagay rin sa Yellow Alert ang Luzon Grid sa ilang piling oras.
00:53.8
Mauulit yan mamayang alas 9 hanggang alas 11 ng gabi.
00:57.8
Ibig sabihin naman yan, manipis ang reserbang kuryente.
01:01.9
Pero di naman yan mau-uwi sa ground-out.
01:05.4
Inilagay rin sa Yellow Alert kaninang hapon at ngayong gabi ang Visayas Grid.
01:10.5
Itinaas ng NGCP ang alert status matapos ang maintenance shutdown sa mahigit 30 power plant sa Luzon at Visayas.
01:19.6
Karamihan daw sa mga yan, hindi planado ang maintenance shutdown.
01:23.5
Pero kinailangan dahil sa tindi ng init ng panahon.
01:27.8
Bukod sa marami tayong mga hydro facilities na mababa ang ginagawa niyang kuryente dahil kulang ang tubig,
01:37.6
yung kainit ng panahon, ibig sabihin yan, mas maraming gumagamit ng electric fan, air conditioner,
01:46.5
and the air conditioner, mas malakas ang konsumo niyan kasi mas hirap siya tumakbo.
01:54.2
Maaari naman daw magbago ang supply ng kuryente.
01:57.8
Susunod na araw, depende sa demand ng mga consumer.
02:02.0
Kasunod ng Red Alert sa Luzon, nag-anunsyo ng posibleng rotational ground-out ang Meralco kanina.
02:07.9
Alas 2 ng hapon hanggang alas 4 ng hapon daw posibleng magpatupad ng rotational ground-out sa ilang bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Laguna, Quezon Province, Batangas, Cavite, at Rizal.
02:21.8
Pero hindi yan natuloy.
02:23.7
Paliwanag ng Meralco, may mga malalaking customer na nag-deload.
02:27.8
O gumamit ng sariling energy source.
02:30.4
Dahil nga sa pangambang mawala ng kuryente sa mga susunod na araw,
02:34.6
naghahanda na ang ilang residente, gaya ni Aling Cecil na tagapasig.
02:39.9
Nagcha-charge na kami.
02:42.4
Lahat ng mga dapat gawin, inaanon na rin namin.
02:45.3
Inaayos na rin.
02:46.3
Kahit may electric fan ka, kahit may ano ka sa loob ng bahay,
02:49.8
mas maganda, lumalabas kami para dito sa labas, libre hangin.
02:55.3
Inatasa na rin ng Energy Department,
02:57.8
Meralco at ang mga kooperatiba na ipatupad ang mga programa nitong magpapabawas sa konsumo ng kuryente.
03:04.6
Nananawagan din ang NGCP sa publiko na huwag pabayaang naka-standby mode ang TV at ibang appliances
03:11.4
dahil kumukonsumo pa rin ito ng kuryente.
03:14.4
Tanggalin din daw ang mga ito sa saksakan kung hindi ginagamit.
03:17.9
Menos sa konsumo, menos din sa gastos.
03:21.2
Nagbabalita mula sa Frontline, Brian Bassa, News 5.
03:27.8
At maging una sa lahat sa balitaan.
03:30.5
Para sa tuloy-tuloy na talakayang sa Frontline, mag-follow at mag-subscribe sa social media pages ng News 5.