Luzon at Visayas grid, isinailalim sa yellow at red alerts, April 16 I Frontline Sa Umaga
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Numipis na naman ang supply ng kuryente ngayong nasa yellow alert ulit ang Luzon at Visayas Grid.
00:06.5
Ayon kasi sa NGCP, nasa labing walong planta pa rin ang nasa forced outage o hindi pa mapakinabangan.
00:13.6
Nasa front line ang balitang yan, si Maricel Halilig.
00:18.3
Ngayong tag-init, mataas ang demand sa kuryente.
00:22.1
Para kasi maibsa ng mainit na panahon, kanya-kanyang gamit ng electric fan at aircon ng mga Pinoy.
00:28.2
Pero kahapon, biglang pumalya ang mga planta sa Luzon at Visayas.
00:34.1
Kaya ang kanilang electric grid isinailalim sa yellow at red alert.
00:38.3
Karamihan daw, hindi planado ang shutdown.
00:41.5
Pero kinailangan dahil sa tindi ng init ng panahon.
00:45.1
Ipinatutupad ang red alert kapag hindi sapat ang supply ng kuryente sa demand ng mga consumer.
00:50.7
Kaya posible ang brownout.
00:52.5
Ibig sabihin naman ng yellow alert, manipis ang reserba ng supply ng kuryente.
00:58.2
At hindi na nang madaling araw ng alisin ang yellow alert sa Luzon at Visayas grid.
01:02.6
Hindi naman po siya matatawag natin na system ang naging problema.
01:07.1
Mga planta po mismo yung nagka-problema sa atin.
01:09.9
Kung kaya nakahanda naman po yung ating mga mitigating measures.
01:14.6
Dahil dyan, nagpatupad ng rotational brownout ang Meralco.
01:18.7
Kasama sa naapektuhan ng ilang bayan sa Bulacan, Cavite, Metro Manila, Rizal, Batangas, Laguna at Quezon.
01:26.5
Kailangan nang magpatupad ng manual dropping schedule o rotating interruption
01:32.4
para mapag-gasha yung supply at available ala supply dun sa tumataas na demand.
01:39.1
So yun po yung ginawa natin.
01:41.5
Ayon sa Meralco, kailangan nang bumalik sa operasyon ng mga power plant
01:45.5
para hindi na magpatupad ng rotational brownout.
01:48.7
Kailangan natin talaga para masiguro na mas marami tayong supply
01:53.0
ay magkaroon ng karagdagang capacity sa system.
01:56.5
Kasabay ng yellow at red alert status kahapon,
01:59.5
inatasan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang Department of Energy
02:02.7
na tutukan ang power supply ng bansa.
02:05.3
At para makatulong sa pagtitipid,
02:07.2
inatasan din niya ang mga opisina ng gobyerno na magtipid sa kuryente.
02:11.4
Para naman sa ating mga kapatid,
02:13.3
may ilang pwedeng gawin para makatulong sa pagtitipid ng kuryente.
02:17.6
Una rito, huwag hayaang nakasaksak ang mga appliance na hindi naman gagamitin.
02:22.7
Huwag din pabaya ang nakastandby mode ang TV at ibang apliyans.
02:26.5
Dahil kumukonsumo pa rin ito ng kuryente.
02:30.8
Kung mag-e-aircon, siguruhin akma ang laki ng aircon sa sukat ng kwarto.
02:35.9
Tiyaking selyado ang pintana at pinto para manatili ang lamig.
02:40.2
Iset lang sa 25 degrees Celsius ang aircon dahil mas malamig, mas malaki ang konsumo.
02:47.2
Buwanan ding linisin ang aircon filters.
02:50.2
Nagbabalita mula sa Frontline, Maricel Halili, News 5.
02:56.5
I, Cruz Valdespo, maging maalam at may pakialam sa mga napapanahong balita sa pansa.
03:04.1
Tumutok at mag-subscribe sa News 5 social media pages.