Close
 


4,600 CHINESE STUDENTS SA BANSA IMBESTIGAHAN | MISSILE SYSTEM NG AMERIKA NAKAPWESTO NA SA LUZON
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode

JOHN REPS
  Mute  
Run time: 08:40
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa unang pagkakataon ay idineploy na ng Amerika sa bansa ang isang ground-based launcher o mas kilala sa tawag na Typhoon Messiles na gagamitin sa Balikatan Exercise 2024 na posibleng lalahukan ng mga sundalong Japon.
00:17.4
Ano naman kaya ang reaksyon ng China dito? Alamin ang buong detalye mamaya. At isang resolusyon inihain sa kamera upang imbestigahan ang biglang pagdami ng mga estudyanting Chinese sa bansa na ikinababahala ng ilang kongresista. Kaya't para malaman ang buong detalye ay tumutok at makinig na mabuti.
00:45.3
Dumating sa bansa
00:46.5
Dumating sa bansa
00:46.6
Ang ground-based launcher na isang mid-range missile system ng US Army. Makasaysayan ang pagdating ng missile system na ito dahil ito ang unang beses na nai-deploy sa Pilipinas para gamitin sa pinakamalaking military exercise sa bansa, ang Balikatan Exercise 2024.
01:09.7
Ang ground-based launcher na ito ay kilala rin bilang Typhoon Weapon System na idinesenyo ng Lockheed Martin.
01:16.6
Para sa mga land-based na operasyon. Ang launcher na ito ay bumubuo ng isang pangunahing bahagi ng bagong multi-domain task forces ng US Army na nilikha upang tugunan ang malawakang hanay ng mga banta. Kaya nitong masapulang nasa isanlibong kilometrong layo. Kaya hindi malayong magreklamo na naman ang China, lalo pat kaya nitong maabot ang mga pinag-aagawang teritoryo, pati na rin ang ilang bahagi ng kalupaan ng China gamit ang mga upgraded na SMC.
01:46.4
Sa susunod na linggo, formal nang bubuksan ang Balikatan Exercise na sasalihan ng 16,000 mga sundalong Amerikano at Pilipino kung saan sisentro ang mga pagsasanay sa pagdepensa ng teritoryo ng Pilipinas.
02:03.5
Ayon kay Colonel Mike Lojico, bukod sa 16,000 sundalo ng Amerika at Pilipinas, ang puwersa ng Australia at France ay sasali naman sa multilateral maritime exercise sa West Philippine Sea.
Show More Subtitles »