Close
 


Mga planta ng kuryente nagpaliwanag sa biglaang pagbagsak | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Buong araw pa ring manipis ang reserbang kuryente sa Luzon at Visayas kahit bumalik na ang dalawa sa higit 20 plantang bagsak noong Martes. Iniimbestigahan na ng Department of Energy kung bakit sangkaterbang planta na naman ang pumalya. Iniutos naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng gobyerno na magtipid sa paggamit ng kuryente. Nagpa-Patrol, Alvin Elchico. TV Patrol, Miyerkoles, 17 Abril 2024 For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest Entertainment News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjT9hEOBQXAoI1gxbcvG87r For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmh2QdQIUTg8drWJzhiGn29W Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: http
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:54
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.8
Laking pasalamat ni Nashira Joy na hindi natuloy ang brownout kahapon kung nagkataon kasi titigil ang kanilang negosyong water filling station.
00:10.8
Sa ngayon, kailangan niya water eh. Maraming tao na kailangan kasi mainit eh.
00:15.3
Minsan nga, yung tubig parang kinakapos kami minsan kasi maraming orders na ngayon eh.
00:21.0
Bukod sa tubig, kuryente rin ang kailangan sa laundry shop ni Najina kaya hiling niya huwag namang mag-brownout ngayong kasagsagan ng init.
00:29.1
Kasi kawawa talaga, apektado ang mga ganitong negosyo.
00:33.2
Kasi hindi naman ako pwedeng magtrabaho ng walang kuryente eh. Kasi lahat yan kuryente po eh.
00:39.6
Buti na lang at gumana na ulit ang dalawa sa 21 pumalyang power plants kahapon.
00:45.9
Kaya yellow alert na lang o manipisang reserve ang power sa Luzon at Visayas mula alauna ng hapon hanggang alas 11 ngayong gabi.
00:53.9
Nalinaw naman ang gobyerno na hindi sabay-sabay na bumagsak ang mga planta
00:58.3
kung hindi dati nang naka-shutdown ang karamihan na pinalala lang ng pagpalyan ng pagbilao power plant.
01:06.4
Meron pong karampatang penalties po yan at ang ating energy regulatory commission ang nag-iimpose itong mga penalties na yan.
01:13.8
Meron pong pangangailangan na baguhin yung mga penalties po.
01:17.5
Pwede po natin pag-aralan yan at imukay sa energy regulatory commission na baguhin o taasan pa o higpitan pa.
01:25.9
Nagpaliwanag na ang mga planta kaugnay sa bigla ang pagbagsak at nangakong susundin nila ang utos ni Pangulong Marcos na makipag-ugnayan sa Department of Energy.
01:35.7
Iniutos na rin ng Pangulo sa mga tanggapan ng gobyerno na manguna sa pagtitipid ng kuryente.
01:41.5
Ang NGCP muling umapila ng tulong sa mga consumer.
01:45.8
Yung mga gawaing bahay na pwede natin ipagpaliban sa weekend na mas mababa ang konsumo kasi yung mga opisina,
01:54.2
saka ibang lugar ng trabaho ay nakasarado. Doon natin ipagpaliban.
01:59.2
Laking pasalamat naman ng Meralco sa tinatawag na Interruptible Load Program o ILP.
02:05.9
Ano nga ba yung ILP?
02:07.5
Ito yung paggamit ng mga malalaking negosyo kagaya ng mga shopping malls at pabrika
02:12.2
ng sarili nilang generator at pansamantalang kumalas sa Meralco para maiwasan ang brownout.
02:20.0
Mahigit 300 megawatts ang natipid ng Meralco
02:23.7
dahil gumamit ng sariling generators ang mga malalaking negosyo gaya ng SM, Robinsons at Ayala.
02:30.5
Kung hindi pumasok yung mga partners natin na mga customers na industrial at commercial at hindi sila nag-deload,
02:41.4
malamang sa hindi-ALBI nagkaroon tayo ng rotating brownout sa alas-dos pa lang ng hapon.
02:47.1
Ang tanong, gaano kalaking dagdagzingil naman ang sasaluhin ng mga consumer?
02:52.9
Historically,
02:53.7
dahil ang laki din naman ng nagsishare sa compensation na yun, maliit lang naman yung nagiging effect.
03:00.9
Wala pang 1 centavo yung effect historically na.
03:04.4
Kung sakali, hindi naman agad-agad maipapasa sa susunod na bill sa kuryente ang dagdagzingil dahil sa ILP.
03:13.0
Alvin L. Chico, ABS-CBN News.
03:17.2
Tuloy-tuloy po ang ating pagpapatrol sa bayan mula lunes hanggang biyernes sa
03:22.6
TVE Patrol!
03:23.7
Alas 6.30 ng gabi hanggang Sabado at Linggo sa TV Patrol Weekend.
03:29.6
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
03:32.6
Thank you for watching!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.