Close
 


Signs sa Mukha na Mataas ang Cholesterol. - By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Signs sa Mukha na Mataas ang Cholesterol. Paano Malunasan Ito. By Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Alamin ang Paliwanag https://youtu.be/m1Cd8sWwgqo #cholesterol #highbloodpressure #stroke
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 15:33
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Marami sa atin natatakot dito sa mataas na kolesterol.
00:03.9
Tuturuan ko pa kayo ano mga senyales na makikita natin sa katawan, sa mukha,
00:09.7
na possibly mataas ang kolesterol.
00:12.0
Yan po yung kolesterol.
00:13.9
Ito yung normal na tao, pagbata pa, kita mo, yung mga artery niya malinis.
00:19.5
Diba? Ang ganda ng daloy ng dugo.
00:22.1
Pero pag tumatanda, maraming kinakain matataba,
00:26.3
baka may lahi kayo high cholesterol o baka naninigarilog.
00:30.7
Yung ganito, okay pa, dumadaloy pa yung dugo.
00:33.2
Dito, medyo barado na.
00:35.3
Diba? Malaki na barado.
00:36.4
Dito, heart attack na yan.
00:38.0
Bigla na nagbara.
00:39.7
So, very high cholesterol na yan.
00:43.0
Titignan natin yung mga senyales makikita sa mukha at sa katawan.
00:47.8
Basically kasi, ako po bilang internist at cardiologist,
00:51.4
syempre gusto natin ibabay yung kolesterol.
00:54.0
Although, mas gusto ko sana,
00:56.3
kung pwede mababa lang ang dosis ng gamot
00:59.8
or iwas sa pag-inom ng gamot,
01:02.8
kung makukuha na natin dito sa mga lifestyle change.
01:06.8
Diba?
01:07.7
So, level of cholesterol muna, pinakamaganda,
01:10.5
total cholesterol, 200 or below.
01:14.9
Yung ibang doktor, lumampas lang konti ng 200,
01:17.9
202, 204, nagbibigay na agad ng gamot sa cholesterol.
01:21.5
Pero ako, usually, hindi pa ako nagbibigay.
01:24.9
Dapat sa akin,
01:26.3
hindi sa pasyente.
01:27.5
Kung talagang mataba, diabetic, may heart attack,
01:32.1
ay pwede mo bigyan kahit mababa.
01:34.5
Diba?
01:34.9
Pero kung babae naman siya, healthy,
01:37.4
wala naman risk factors,
01:39.4
kahit mga 240, 250,
01:41.4
minsan hindi ko pa binibigyan eh.
01:42.9
Diet lang muna.
01:44.7
So, depende po,
01:46.1
hindi lang sa level ng cholesterol,
01:48.1
kundi sa kondisyon ng pasyente.
01:51.4
LDL ang bad cholesterol.
01:53.1
Gusto natin less than 130.
01:56.3
HDL, ito yung good cholesterol.
02:00.9
Gusto natin mas mataas ito.
02:02.4
Ito may protection.
02:03.6
Ang triglyceride kasi, parang cholesterol din siya eh.
02:06.9
Although iba yung mga factors
02:08.9
na nagpapataas sa kanya at nagpapababa.
02:11.9
Pero yan din binabantayan natin.
02:13.9
Kung masyado mataas yung triglyceride,
02:15.9
lampas 200, lampas 300,
02:17.9
itong mga senyales at lifestyle change makakatulong.
02:22.9
Yan.
02:23.4
Siyempre, later on,
02:26.3
yung iba,
02:27.3
pag hindi nakuha dito sa natural remedy,
02:29.3
binibigyan din ng gamot.
02:31.3
Okay, tignan natin yung mga senyales ha.
02:33.3
Karamihan ng taong mataas ang cholesterol,
02:37.3
walang senyales.
02:38.3
Kung konti lang taas, wala ka naman makikita sa itsura nila eh.
02:42.3
Pero yung super taas,
02:44.3
yung talagang mataas ang cholesterol, 300,
02:48.3
medyo may edad na, matagal nang mataas ang cholesterol,
02:52.3
pwede ka na makakita ng senyales.
02:54.3
Isang factor din,
02:56.3
para mahuli mo kung mataas ang cholesterol ng isang tao,
02:59.3
tatanong mo yung lahi niya.
03:02.3
Meron ba siyang magulang, nanay, tatay, lolo, lola
03:06.3
na mataas ang cholesterol?
03:08.3
Meron bang inataki sa puso sa batang edad?
03:12.3
50 pa lang inataki sa puso.
03:14.3
Ibig sabihin, may lahi ba sila na mataas ang cholesterol?
03:18.3
Minsan, payat lang yung tao.
03:20.3
Actually, wala sa taba, wala sa payat eh.
03:23.3
Merong super taba,
03:25.3
pero normal ang cholesterol.
03:27.3
Meron namang sobrang payat, pero may lahi sila,
03:30.3
napaka-taas ng cholesterol.
03:33.3
So, maraming walang senyales,
03:35.3
pero yung iba, nagkakaroon din.
03:37.3
Like dito, nakikita sa muka.
03:40.3
May tinatawag na santelasma.
03:43.3
Papakita natin yung picture.
03:45.3
Cholesterol, taba yan eh.
03:47.3
Kaya makikita mo, taba, madilaw.
03:49.3
Madilaw-dilaw dito sa balat, sa may mata.
03:53.3
Minsan, sa mata mismo,
03:57.3
makikita natin, may pabilog na fatty deposit.
04:01.3
Meron din.
04:02.3
Meron din iba sa loob mismo ng mata.
04:05.3
Yung iba, lumalabo ang mata.
04:07.3
Nagbabara yung mga vein.
04:09.3
Retinal vein occlusion.
04:11.3
Cholesterol din.
04:12.3
Pwede rin yan.
04:14.3
Tingnan natin.
04:15.3
Ito yung santelasma.
04:17.3
Merong mga madilaw.
04:19.3
Parang mga taba-taba dito.
04:21.3
Usually, sa balat.
04:22.3
Usually, sa mata.
04:24.3
Maliit lang muna, palaki ng palaki yan.
04:26.3
Pag may ganyan, mataas ang cholesterol.
04:29.3
Suspect mo pati yung ugat.
04:32.3
Yung artery.
04:33.3
Meron din bara.
04:35.3
Pakita natin daw, Lisa.
04:37.3
Para makita nila.
04:38.3
Ayan o.
04:39.3
Ganito yung itsura.
04:40.3
Ayan o.
04:41.3
Minsan, tingnan nyo po.
04:43.3
Tingnan nyo sa salamin.
04:44.3
Baka meron kayo nito.
04:45.3
Pacheck nyo ang cholesterol nyo.
04:46.3
Parang bump-bump siya.
04:48.3
Pero ito, marami na ito eh.
04:50.3
Mahirap siya.
04:51.3
Mahirap siya tanggalin.
04:53.3
Dapat ibababaan nyo yung cholesterol nyo.
04:55.3
Iba sa matataba.
04:56.3
Yung iba, make-up na lang.
04:58.3
Kasi hindi mo na pwede operahan eh.
05:00.3
Baka mag-keloid lang yan.
05:02.3
Tawag dito santelasma.
05:04.3
Cholesterol deposit.
05:06.3
Meron din naman sa mata mismo.
05:08.3
Dito.
05:09.3
Arcus sinilis.
05:10.3
Tingnan nyo to.
05:11.3
Merong puti na nakabilog.
05:14.3
Actually, itong puti na nakabilog,
05:16.3
common yan sa edad 60 pa taas.
05:19.3
Okay?
05:20.3
Pag tumatanda tayo,
05:22.3
tingnan nyo yung mata nyo sa salamin,
05:24.3
edad 40, 50,
05:25.3
makita nyo may half-bilog na kayo.
05:27.3
Ako may half-bilog na.
05:29.3
Kung kayo edad 60,
05:31.3
nagkaroon ng bilog,
05:32.3
pwede natin sabihin pagkaedad.
05:34.3
Pero kung bata ka pa,
05:36.3
let's say 40 years old, 30 years old,
05:39.3
yung mata mo may pabilog na nito,
05:41.3
eh check mo cholesterol mo.
05:44.3
Baka high cholesterol sign na yan.
05:47.3
Ito. Ito yung sinasabi ko.
05:48.3
Hindi lang sa muka lumalabas ito.
05:51.3
Minsan sa katawan.
05:52.3
Any part.
05:53.3
Sa dibdib, sa likod, sa tuhod.
05:55.3
Pakita mo, Dok Liza.
05:57.3
Para siyang taba-taba na focus natin.
06:00.3
Para siyang taba-taba na.
06:02.3
Pag nakakita kayo ng ganyan sa katawan ninyo,
06:06.3
iba itsura niya.
06:08.3
Hindi siya pimple.
06:09.3
May dilaw-dilaw siya na makinang-kinang.
06:12.3
Eruptive Xanthomatosis.
06:15.3
High cholesterol.
06:16.3
Ang cholesterol kasi,
06:19.3
malaking tulong yung atay natin eh.
06:21.3
Pag metabolize ng cholesterol,
06:23.3
sa kinakain natin,
06:25.3
pwede rin tumaas ng cholesterol.
06:27.3
Sa lahi natin, pwede rin.
06:29.3
Sa kuko,
06:32.3
pag nagbara lang.
06:33.3
Ito medyo rare eh.
06:34.3
Pag nagbara,
06:36.3
pag nagbara na yung cholesterol sa mga artery,
06:39.3
pwede magkaroon ng itim-itim.
06:41.3
Pero maraming dahilan eh.
06:43.3
Bakit nangingitim?
06:44.3
So isang possibility din yan.
06:46.3
Siyempre,
06:48.3
pag mataas ang cholesterol sa matagal na panahon,
06:51.3
lalo na pag may edad na,
06:53.3
ay may komplikasyon na.
06:54.3
Pwede magbara yung artery sa paa.
06:57.3
Pag naglalakad, masakit ang paa.
07:00.3
Pag malala, sinasabi ko sa inyo,
07:02.3
pwede ma-stroke.
07:04.3
Ma-stroke, magbara yung sa utak.
07:06.3
Stroke.
07:07.3
Pwede rin ma-heart attack.
07:09.3
Magbara sa puso, heart attack yan.
07:12.3
Yung iba, naka-high blood, pwede rin.
07:15.3
Ayan.
07:16.3
Yung iba, prone din magka-diabetes.
07:19.3
Ito, complication na ito.
07:21.3
Yung pala, high cholesterol.
07:23.3
Okay?
07:25.3
So tips natin, ano gagawin?
07:27.3
Ano yung mga natural remedies natin?
07:29.3
Siyempre, iiwas muna sa mga pagkain na nagpapataas.
07:34.3
Ayan, lahat ng mga karne.
07:37.3
Favorite natin, cake, biskwit, maraming masyadong mamantika, butter.
07:42.3
Ang problema kasi, ito po.
07:44.3
Maraming tatamaan.
07:46.3
Pag yung mantika natin, tumitigas yung sebo sa room temperature.
07:53.3
Dito.
07:54.3
Diba, pag nagluto ka ng adobo, yung mantika, nilalagay nyo pa sa kanin.
07:59.3
O nilagang baka, nilagang baboy, may mantika yan.
08:04.3
Pero pag nalamigan, nalamigan yung adobo mo, titigas na yun.
08:10.3
Pag tumitigas yung mantika, otot.
08:13.3
Masama po yun.
08:16.3
Tawag dyan, saturated fat.
08:19.3
So, yung mantika na tumitigas, nagsesebo sa room temperature, masama po yun.
08:26.3
Yun ang nagbabara sa puso.
08:28.3
Parang butter, matigas din siya.
08:33.3
Pagkain iiwasan natin para hindi tumasang kolesterol, ito trans fat naman, margarine.
08:39.3
Popcorn, microwave, may butter yan. Butter.
08:43.3
Maraming keso, full cream milk.
08:46.3
Full cream milk.
08:47.3
Mga fast food, diba?
08:49.3
Maraming trans fat.
08:50.3
Siyempre, french fries, puro mantika.
08:53.3
Cream cheese, ice cream, egg yolk.
08:55.3
Pwede naman kumain na itlog.
08:57.3
Mga one egg in a day.
08:59.3
Pero yung pula, medyo bawas-bawasan.
09:02.3
Huwag naman yung 6 na itlog.
09:04.3
Siguro isa lang in a day pwede.
09:06.3
Medyo mataas kolesterol kasi 200 mg.
09:09.3
Siyempre, red meat, diba?
09:11.3
Yung mga taba, konting bawas.
09:12.3
Tapyas.
09:15.3
Ano naman yung mga pagkain na nakakababa ng kolesterol?
09:19.3
Natural remedy natin.
09:22.3
Turmeric, luyang dilaw.
09:24.3
Nakakababa ng bad cholesterol.
09:26.3
Garlic, bawang.
09:28.3
Diba? Maganda ang bawang.
09:30.3
O pampataas ng good cholesterol, nabababa yung bad cholesterol.
09:34.3
Green tea, may antioxidant, pwede rin.
09:38.3
May catechins, nakakababa rin ng bad cholesterol.
09:42.3
Itong mga gulay, especially oatmeal.
09:46.3
Isa-isahin natin.
09:48.3
More soluble fiber, maganda.
09:51.3
Eggplant, okra, oatmeal.
09:54.3
Dalawang fiber. May soluble at insoluble.
09:57.3
Ang soluble fiber, tulad ng nasa oatmeal, brown rice, mga mongo, mga beans, sa gulay na iba.
10:06.3
Maganda sa kanya, nag-aabsorb siya ng tubig.
10:10.3
Kaya pag kumain kayo maraming fiber, as usual,
10:13.3
8 to 12 glasses of water.
10:16.3
Kailangan maraming maraming tubig iinumin mo.
10:19.3
8 to 12 glasses para magsama sa fiber.
10:23.3
Para malabas sa katawan, bumaba ang cholesterol.
10:27.3
Isang trick din para bumaba ang cholesterol, damihan ng tubig.
10:31.3
Kasi pag maraming tubig, may katulong yung fiber na lumabas.
10:36.3
Isa pa, pag maraming tubig iinumin,
10:39.3
maganda sa atay.
10:41.3
Ang atay natin, atay nyo, kailangan ng maraming tubig para gumana.
10:47.3
Para mag-metabolize, para ma-breakdown ng liver yung cholesterol,
10:54.3
kailangan gumagana siya, kailangan niya maraming tubig.
10:58.3
So, pag maraming soluble fiber,
11:03.3
parang magiging paste-like gel siya, bababa yung LDL mo.
11:09.3
Mas madudumi mo siya.
11:11.3
Garlic, sinabi ko maganda rin.
11:14.3
Sari-sari yung gulay.
11:17.3
Fiber.
11:19.3
Avocado, pwede yung avocado kasi ang avocado may oleic acid.
11:26.3
Good fats siya, hindi siya bad fats.
11:29.3
Good fats, nakakababa ng LDL cholesterol.
11:33.3
Sa prutas, peras, mansanas, strawberry,
11:39.3
may pectin yung apple.
11:41.3
Fiber yan, nakakababa din ng LDL cholesterol.
11:45.3
Sa oil, mas gusto nila olive oil.
11:47.3
Pero kung ano man oil natin,
11:49.3
konti lang gamitin.
11:51.3
Ganun na lang.
11:52.3
Less prito, less mantika.
11:56.3
Kasi mahal naman yung olive oil.
11:58.3
Yan ang problema.
12:00.3
Isda, malaking bagay pagkain ng isda.
12:04.3
Isda kasi may omega 3 fatty acids.
12:07.3
Omega 3 fatty acids, nakakababa ng triglyceride.
12:10.3
May tulong din.
12:11.3
Yung mga tips ko, hindi lang pang cholesterol, pati triglyceride, mabababa din.
12:15.3
Tsaka yung isda na may omega 3, nakakabawas ng bara sa puso.
12:20.3
Tulad ng sinabi ko, mga soy beans, soya, tofu, soy milk.
12:27.3
Soy products, nakakababa ng LDL, bad cholesterol, tsaka nakakababa ng triglyceride.
12:35.3
Okay?
12:37.3
Iwas tayo sa mga sugar.
12:41.3
Di ba?
12:42.3
Other tips, siyempre.
12:44.3
Tulad ng sinabi ko, maraming tubig.
12:46.3
Napaka mahalaga.
12:48.3
Tigil si garilyo.
12:50.3
Stop smoking.
12:52.3
Stop smoking.
12:54.3
Ang paninigarilyo, pinapababa niya ang good cholesterol natin.
12:59.3
Bababa HDL mo.
13:01.3
Ang paninigarilyo, pinapalala niya yung bad cholesterol.
13:06.3
Yung LDL mo daw, pag naninigarilyo ka pa, magiging mas sticky.
13:12.3
Mas madikit yung LDL.
13:14.3
Mas didikit sa mga artery.
13:16.3
Mas mamamaga.
13:18.3
Mas swollen and inflamed yung artery.
13:22.3
Kaya mas magbabara.
13:24.3
Mas mga heart attack.
13:25.3
Kaya smoking na, high cholesterol pa, tuloy-tuloy na yung problema natin.
13:31.3
Dapat sapat na tulog.
13:34.3
Nakalagay ba dito?
13:35.3
Dapat na tulog, 7 to 8 hours.
13:37.3
May konting pag-aaral.
13:39.3
Kulang sa tulog, tumataas ang cholesterol.
13:41.3
Pwedeng kulang sa tulog, kain ng kain.
13:44.3
Mas maraming kinakain, nagugutom.
13:46.3
Exercise, pinakamaganda.
13:49.3
Pampababa ng triglyceride.
13:52.3
Pag triglyceride yung mataas, exercise.
13:54.3
Cholesterol, bababa din.
13:56.3
May pag-aaral.
13:57.3
With exercise, lower bad cholesterol.
14:01.3
Higher HDL, good cholesterol.
14:03.3
Bababa blood pressure.
14:05.3
With exercise, bababa blood sugar.
14:07.3
So, panalo ka sa lahat.
14:09.3
Alcohol, siyempre bawas.
14:11.3
Exercise, at iba pa.
14:13.3
Ito, inuulit ko lang yung mga healthy.
14:15.3
Beans, oatmeal.
14:17.3
Oatmeal, 1 cup a day.
14:19.3
Bababa ng mga 20 points ang cholesterol mo.
14:22.3
10%.
14:24.3
Avoid red meat.
14:25.3
Say no to junk food.
14:27.3
At iba pa.
14:28.3
Exercise, more fiber, and quit smoking.
14:31.3
Sana po nakatulong itong video natin.
14:33.3
Pero siyempre,
14:35.3
kung mataas talaga cholesterol,
14:38.3
sinabi ko sa inyo, ito ulitin natin.
14:40.3
Mataas ang cholesterol, may sakit na sa puso,
14:43.3
lalaki, diabetic, mataba, matigas ang ulo,
14:47.3
pacheck tayo sa doktor.
14:49.3
Kasi itong mga high risk na tao,
14:51.3
malamang hindi susunod sa payong ito,
14:54.3
or kahit sumunod, mataas pa rin yung cholesterol,
14:57.3
sila yung kailangan uminom na ng gamot.
14:59.3
Sila na kailangan uminom na ng gamot.
15:01.3
Sila na kailangan uminom na ng atorvastatin, simvastatin.
15:03.3
Okay lang naman po.
15:05.3
Sabayan nyo ng gamot, sundin nyo ito,
15:07.3
para at least...
15:09.3
Hindi pwede kasi gamot lang.
15:11.3
Hindi pwede iinom ka lang ng atorvastatin, simvastatin,
15:14.3
tapos lahat ng bisyo gusto mo,
15:16.3
lahat ng lechon kakainin mo.
15:18.3
Hindi ganoon.
15:19.3
Dapat may tulong yung gamot,
15:21.3
lalo na kung high risk yung pasyente,
15:23.3
may tulong din itong lifestyle change.
15:25.3
Sana po, may tulong ito.
15:27.3
And pacheck kayo sa inyong internist at cardiologist.
15:30.3
God bless po.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.