Close
 


China binanatan ang 'Balikatan' ng PH, US | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Kasunod ng isyu sa umano'y gentleman's agreement, idinadawit naman ngayon ng China ang Armed Forces of the Philippines at si dating Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na umano'y pumasok sa mga kasunduan sa Chinese Embassy. Nagbabala rin ang China sa umano'y pagtatawag ng Pilipinas ng mga kakampi sa nalalapit na Balikatan exercises kasama ang Amerika. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:54
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.8
Should there be such a secret agreement, I am now rescinding it.
00:04.4
Walang pirmadong kasulatan, kaya ibinasura na ni Pangulong Marcos ang Umanoy Gentleman's Agreement
00:11.1
sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at China, kaugnay sa West Philippine Sea.
00:16.9
Ayon pa kay Marcos, maraming dapat ipaliwanag si Duterte, pero nakahanap ng kakampi ang dating Pangulo.
00:24.4
Sa isang pahayag, sinabi ng Chinese Embassy na hindi sikreto ang kasunduan sa Ayungin Shoal
00:31.0
dahil ipinapatupad ito ng China at Pilipinas hanggang sa unang pitong buwan ng Marcos administration.
00:38.4
Paulit-ulit din umanong ipinaliwanag ng China sa kasalukuyang administrasyon ang mga detalye ng kasunduan.
00:45.9
At bukod sa isang pagpupulong noong Enero, inimbitahan din umanong ng Beijing,
00:50.6
ang Special Envoy ng Pangulo sa China,
00:53.3
na si UK Ambassador at dating Foreign Affairs Secretary, Teddy Boy Locsin,
00:58.8
at nagkaroon umano ng internal understanding.
01:03.0
Pero itinanggi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na may pinasok na kasunduan ang DFA.
01:23.3
May napagkasunduan din umanong bagong paraan ng pagtugon sa issue sa Ayungin Shoal
01:35.9
matapos ang maraming pag-uusap sa pagitan ng China at Armed Forces of the Philippines.
01:41.8
Pero isa lang umano sa mga rotation at resupply mission ng Pilipinas,
01:45.9
ang sumunod sa mga napagkasunduan.
01:49.2
Tinanong ng media kung ano ang detalye ng mga kasunduan
01:51.9
at kung sino sa mga opisyal ng AFP ang pumasok dito.
01:57.2
Pero wala pa rin tugon ang Embahada ng China.
02:00.8
Nauna na rin itinanggi ng National Security Council na may pinasok silang kasunduan
02:05.9
lalo na sa Ayungin Shoal na pasok sa Exclusive Economic Zone ng bansa.
02:11.9
Binanatan din ang Chinese Ministry of Foreign Affairs
02:14.5
ang nalalapit na balikatan exercises ng US at Pilipinas.
02:19.0
Ayon sa kanilang tagapagsalita,
02:21.9
malala ang tensyon kapag umano'y nagpapakampi at nagpapaggamit sa ibang bansa ang Pilipinas.
02:29.5
Giit naman ng AFP,
02:31.0
ang balikatan ay hindi laban sa isang bansa
02:33.8
at matagal na itong ginagawa ng Pilipinas at Amerika.
02:38.4
Maraming mambabatas naman ang nagpahayag ng pagkabahala
02:41.3
sa umano'y pagdagsa ng mga estudyanteng Chinese sa Kagayan.
02:45.6
Isa ang Kagayan sa mga lokasyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement
02:50.1
ng Pilipinas at Amerika.
02:52.4
Nilinaw ng Commission on Higher Education na base sa record
02:56.4
ay walang estudyanteng Chinese na naka-enroll sa mga kolehyo at unibersidad sa Kagayan.
03:02.0
Marami umanong Chinese students sa isang unibersidad sa Tuguegarao City
03:05.4
na ginawara ng CHED ng autonomous status
03:08.3
at otorizadong tumanggap ng mga dayuhang mag-aaral.
03:13.6
Zen Hernandez, ABS-CBN News.
03:16.9
Tuloy-tuloy po ang ating pagpapatrol sa bayan
03:20.3
mula lunes hanggang biyernes sa TV Patrol.
03:24.0
Alas 6.30 ng gabi hanggang Sabado at Linggo sa TV Patrol Weekend.
03:29.5
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
03:36.6
TULOY-TULOY!
03:50.2
TULOY-TULOY!
03:50.2
TULOY-TULOY!
03:50.2
TULOY-TULOY!
03:50.2
TULOY-TULOY!
03:50.3
TULOY-TULOY!