Close
 


SSS 'e-wheels' inilunsad sa Taytay | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Inilunsad ngayong Huwebes sa isang tiyangge sa Taytay, Rizal ang Social Security System "e-wheels" para mabigyang serbisyo ang mga nagtitinda at namimili roon. Target din ng ahensya na madagdagan ang mga miyembro mula sa informal sector. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2023 For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #LatestNews #TVPatrol #ABSCBNNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:11
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.1
Dahil abala sa pagtitinda ng sampagita si Tatay Danilo, wala siyang panahon para sa Jaina Oficina ng Social Security System o SSS at i-update ang kanyang membership.
00:11.6
Kaya nang malamang may SSSE wheels sa Changuien ngayong araw sa Taytay Rizal, agad siyang pumunta rito.
00:18.1
Kasi busy na ako sa pagtitinda ng sampagita dito sa Taytay eh, sa araw-araw.
00:22.9
Matagal lang hindi ko nabiripay eh. Kaya gusto ko nga malaman kung ilan ang ano ko dito sa hulog.
00:31.7
Inilunsad ng SSS ang e-wheels para mailapit ang kanilang serbisyo sa mga manggagawang kabilang sa informal sector.
00:39.4
Kabilang dito ang mga nagtitinda na mamasukan sa mga kapamilya, nagtatrabaho sa public transport, domestic workers at iba pa.
00:47.2
Sila ang mga target ng SSS na mabigyan ng social protection at makinabang sa mga binitutupo.
00:52.9
Tulad ng disability, maternity, death, sickness, retirement at unemployment benefits.
01:00.4
Ayon sa SSS, wala pang kalahati ng 43 million members nito ang kabilang sa informal sector.
01:06.9
Gayong 80% ng manggagawa sa bansa ang informal workers.
01:11.8
This is an informal sector na kailangan bigyan ng pansin.
01:16.8
Kasi yung mga employed sector, like for example yung mga nasa kumpanya,
01:22.9
ofisina, it's already given na before they are being hired, kailangan may SSS na sila at kailangan maayos ang hulog.
01:31.3
So ito yung sektor na dapat tuunan natin ng pansin kasi ito yung pinaka-importante sa lahat, ang informal sector.
01:38.3
Ilan sa mga serbisyong pwedeng gawin sa mobile program ang pag-apply ng SSS membership,
01:44.1
pagbibigay ng social security number at payment reference number at pag-update ng membership data.
01:49.8
Nagbibigay rin sila ng assistance para sa mga miyembrong magfa-file ng application sa benefit claims.
01:56.6
Nasa 2,500 na informal workers ang target ng SSS na maabutan ng serbisyo sa paumagitan ng programa sa Taytay.
02:05.3
Pero pwede rin itong samantalahin ng publiko pati ng mga residente sa karatig bayan.
02:10.4
Tulad ni Asraf na nag-update ng SSS membership na requirements sa pag-a-apply niya sa unang trabaho.
02:16.6
Pumunta lang po ako dito, nakita ko po nung umaga ito.
02:19.8
Kaya hinihintay ko lang.
02:21.9
May kaparehong kasunduan din ng SSS sa iba pang LGU para mas makarating ang serbisyo sa mas maraming informal workers sa bansa.
02:30.5
Lady Vicencio, ABS-CBN News.
02:34.6
Tuloy-tuloy po ang ating pagpapatrol sa bayan mula lunes hanggang biyernes sa TV Patrol.
02:41.2
Alas 6.30 ng gabi hanggang Sabado at Linggo sa TV Patrol Weekend.
02:46.8
Sa bago nitong oras, alas 5.30 ng hapon.
02:49.8
Thank you for watching!