Close
 


Ilang Manila Water customers, mawawalan ng tubig simula sa gabi ng April 18 | Frontline Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Mainit na nga, mawawalan pa ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila simula sa gabi ng April 18. Ang mga apektadong residente, kanya-kanya nang ipon ng tubig. #News5 | via Briane Basa Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:16
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.6
Mainit na nga, abay mawawalan pa ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila simula po mamayang gabi.
00:07.7
Ang mga apektadong residente, kanya-kanya nang ipon ng tubig.
00:12.3
At live mula sa San Juan, nasa front line ang balitang yan, si Brian Baza.
00:16.5
Brian, nakaipon na ba ang mga residente?
00:22.7
Oo Sheryl, at namusta kami sa ilang mga residente at empleyado ng mga establisimiento sa Barangay Edition Hills
00:29.7
at kwento sa amin ang may-ari ng water station na kinatatayuan ko.
00:34.1
Kung dati, limang galong tubig ang ino-order ng isang pamilya kada linggo,
00:38.7
ngayon, anim o pitong ganito na ang binibili dahil higit na kailangan ng tubig ngayong mainit.
00:43.4
Kaya ilang oras bago mawala ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila,
00:47.4
nangangamba ang ilang residente na baka maglapot sila o mauhaw.
00:55.3
Inaabangan ni Joy na mapuno ang washing machine na ito sa laundry shop.
00:59.7
Na binabantayan niya sa Edition Hills sa San Juan,
01:02.9
isa ang naturang barangay sa mga mawawalan ng tubig mamayang gabi.
01:07.1
Pero ngayong hapon pa lang, mahina na ang tulo sa gripo.
01:23.9
Importante raw ang tubig, hindi lang sa negosyo, kundi lalo ngayong mainit ang panahon.
01:29.7
Sobrang init po.
01:32.4
Kailangan nakabukas yung aming ventilador para hindi kami mainitan.
01:38.4
Inom lang kami ng inom ng tubig.
01:40.7
Sa kabilang kalya naman, nag-iimbak din ang tubig si Josephine.
01:45.1
Bukod sa gagamitin ito sa kanyang karinderiya, plano rin niyang ipanligo ito ngayong gabi.
01:51.0
Hindi po ako makatulog nang hindi mapaliguan yung katawan kasi malagkit sa sobrang init na maghapon.
01:56.2
Parang hindi na kami mabuhay nun.
01:58.1
Nang mawawalan ng tubig ng matagal.
02:01.5
Bukod sa barangay Addition Hills, mawawalan din ang tubig simula ngayong alas 10 ng gabi
02:06.9
ang barangay Maybunga sa Pasig at barangay New Lower Bicutan sa Taguig.
02:12.1
Hanggang alas 4 ng madaling araw yan bukas.
02:15.0
Mawawalan din ang tubig ang tatlong barangay sa Makati,
02:18.3
kabilang ang Guadalupe Nuevo, Pinagkaisahan at Pitogo
02:22.1
sa lunes alas 9 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw kinabukasan.
02:26.9
Magkakaroon din ang water interruption sa barangay Santo Niño sa Marikina sa susunod na linggo.
02:33.2
Paliwanag ng Manila Water, ang kanilang service interruption ay para bigyang daan ang ilang maintenance activities.
02:41.1
Wala tayong nakikitang water tanker ng Manila Water na umiikot sa San Juan ngayong gabi
02:46.0
pero tinitiyak ng barangay Addition Hills na naaabisuhan ang mga residente nila na mag-imbak ng tubig
02:52.1
lalo na ngayong may water interruption.
02:54.8
Balik sa inyo.
02:55.4
Maraming salamat Brian Baza.