Close
 


MAGKAKAAWAY NA ANGKAN SA CAPIZ (Part 2 of 2) | Aswang True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
MAGKAKAAWAY NA ANGKAN SA CAPIZ (Part 2 of 2) | Aswang True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #ThelmoHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 51:34
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
MGA KUWENTO NI ZERO
00:30.0
Dama ko pa rin ang init. Sumakay kami noon sa jeep at tungo naman ng bukid. Akala ko pa noon ay kapag nakarating kami ay yun na ang lugar. Pero hindi pa pala.
00:44.9
Sobrang pagod na ako noon. Pero kinakailangan pa naming maglakad. Ang sabi ni Lorena, mga isa't kalahating oras daw bago namin marating ang lugar.
00:56.6
Natatandaan ko pa noon na nasa matarik na bundok kami. May maliit na daanan ng tao at binabagtas namin yun. Panakanaka ang mga kahoy. Ang makikita sa kabuan ng bundok na yun ay ang mabababang damo.
01:17.2
Hanggang sa bumaba kami roon tapos tumawid pa ng ilog. Naiisip kong hindi biro yun dahil malakas ang agos ng ilog.
01:26.6
Ang sabi ni Lorena, tiyak na tatangayin kami ng agos sa oras na magkamali kami ng hakbang.
01:33.6
Paano ba naman kasi? Madudulas ang batong tinatapakan namin.
01:40.3
Sa kabutihang palad ay naging maayos naman. Nagmakatawid na kami sa kabila. Ang sabi ni Lorena, sakop na daw yun ng teritoryo ng mga aswang.
01:54.2
May nakikita ako mga bahay.
01:57.4
Lokal na lokal ang mga yun.
02:00.3
Pawid lang yun at parabang hindi pa sibilisado ang mga nakatira.
02:05.7
Tanong ko pa, ang nakikita ba namin mga bahay, ang mga nakatira ba doon mga aswang?
02:14.7
Pero ang sabi ni Lorena, hindi umano.
02:19.0
May kilala pa nga daw siya doon. Naging kababata niya ito.
02:25.1
Nagulat ako sa sinabi niya.
02:26.6
Paano nagkaroon ng kababata doon si Lorena, samantalang doon naman ito lumaki sa lugar namin?
02:36.8
Totoo, kababata ako. Katunayan dito talaga ako lumaki.
02:42.8
Nung mamatay ang mga magulang ko, sinundo ako ng lola ko dito at dinala sa inyo banda.
02:49.5
Wika ni Lorena, sabay tanggal ng tali sa buhok at yugyog sa ulo.
02:55.5
Wika ni Lorena, sabay tanggal ng tali sa buhok at yugyog sa ulo.
02:55.5
Wika ni Lorena, sabay tanggal ng tali sa buhok at yugyog sa ulo.
02:55.6
Mas maganda pala si Lorena kapag nakalugay lamang ang mga buhok.
03:01.1
Amoy na amoy ko pa ang aromang mabango, kahit na walang bigo yun.
03:07.9
Puro na lamang ako hanga noon.
03:11.0
Maganda si Lorena, maliit ang labi, matangos ang ilong.
03:16.6
Basta, kahit siguro kayo, mabibighani sa kanya.
03:23.7
Ilang saglit lang.
03:25.6
Nagmungkahi si Lorena na puntahan daw namin ang lugar kung saan siya laging naglalaro noon.
03:32.0
Doon din ito sa bahay ng nasabi niyang kaibigan.
03:36.3
Nagtanong naman ako sa kanya kung doon ba talaga siya nakatira.
03:40.8
Pero ang sabi niya, hindi daw.
03:44.8
Naaalala niya noon na iniwan lamang siya ng kanyang nanay sa lugar.
03:50.1
Basta kapag umaalis ang mga magulang niya, ay doon namamalagi si Lorena.
03:55.6
Ang edad pa daw niya noon ay 7 taong gulang.
04:00.2
Kung makikita siguro niyang kababata, maging ang mga magulang nito ay magtatakayon at hindi siya makikilala.
04:09.1
Hindi na lamang ako nagsalita pa noon.
04:12.6
Naglakad na kami patungo sa kung saan yung bahay.
04:16.4
Napakasukal na.
04:18.4
Napakaliit ng daan at nagpapangabot ang bawat damo sa magkabilang panig.
04:24.5
Pero hindi naman ito.
04:25.6
May inet, kung kaya't hindi na ako iritado.
04:30.0
Akala ko pa ay malapit lang.
04:32.8
Para lang din kaming naglakad mula sa pagbaba ng jeep hanggang sa ilog noon.
04:38.2
Doon pa niya sinabi na dumating na kami.
04:42.8
Nakakita ako ng maliit na puoktoon na hindi mo aakalaing umiiral pala.
04:48.9
May mga nakikita pa nga akong mga tao, pero parang mga katutubo ito.
04:53.4
Pasimple kaming dumaan sa lugar.
04:58.3
Nagpalinga-linga ako at idinitalya sa isip ko ang bawat bahay.
05:03.6
Mga apat na tahanan yun.
05:06.1
Kami lang ang tinititigan ng mga tao doon.
05:10.3
Yamaya pa, may tinurong direksyon si Lorena.
05:15.2
Malaking bahay ito.
05:17.3
Pero katulad ng iba, gawa lang sa pawid.
05:22.4
Sabi ni Lorena,
05:23.4
yun na daw ang bahay ng kababata niya.
05:27.7
Ako naman noon ay sinipat ko kaagalang paligid pero
05:30.8
wala namang tao maliban na lamang sa iba ron.
05:36.9
Akala ko pa ay papunta kami sa bahay.
05:40.0
Lumihis kami ng daan at nagtungo sa kakahuyan.
05:44.3
May malaking puno doon na ang mga dahon nito.
05:47.5
Humahalik na sa lupa.
05:50.5
Akasya yun.
05:52.5
Sabi nila,
05:53.4
Lorena, pansamantala ay doon muna o muna kami magpapahinga.
05:58.8
Teka, bakit hindi na lang doon sa kakilala mo?
06:02.9
Tanong ko.
06:04.5
Pero hindi naman siya nagsasalita noon.
06:07.8
Nagpatuloy lamang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa lugar.
06:14.1
Nagulat ako nang may bahay pala doon sa ilalim ng puno na yun.
06:18.6
Para bang kamalig lamang ito pero sobrang luma na.
06:21.3
Yung bubong, kawayang nakatao ba tihaya?
06:27.6
Tapos ganun din ang dingding.
06:30.0
Matibay ang pagkakagawa.
06:32.8
Pero nabalot nga lang yun ng mga damo at alikabok.
06:37.2
Ayon kay Lorena,
06:39.1
iiwan niya daw muna ako.
06:41.4
May pupuntahan siya.
06:43.9
Magtatanong pa sana ako kaso umalis na kagad yun.
06:48.9
Sinundan ko siya ng tingin,
06:50.4
patungo sa bahay na kinikilalang kababata.
06:55.4
Ako naman noon ay tinagpas ko ng damit ko ang sahig.
06:59.4
Tapos doon ay humiga ako at ipinahinga ang katawan.
07:04.4
Ilang gabi na rin akong puyat pero hindi ako nakaidlip kahit konti.
07:09.4
Laman ang isip ko si Tiyo at Tatay.
07:12.4
Napapatanong pa nga ako sa sarili
07:15.4
kung bakit kinakailangan pa naming pumuslit sa isang lugar.
07:20.4
Ilang saglit lang ay bumalik si Lorena.
07:23.4
Kasama nito ang dalaga din.
07:26.4
May itsura din yun.
07:28.4
Pero may pagka-Morena lang.
07:31.4
Palingkinitan kasi ang katawan noon.
07:33.4
Kulot ang buhok at magkasingtangkad lamang sila ni Lorena.
07:39.4
Ah, ito ba yung sinasabi mo?
07:42.4
Teka, antay natin si Nanay.
07:45.4
Kala ko kung sino yung dumating.
07:47.4
Kala ko mga dayo lang.
07:48.4
Ang kababata ko pala.
07:51.4
Sambit ng babae.
07:54.4
Kailangan namin ng tulong niyo.
07:57.4
Sana paunlakan ako ng nanay mo.
07:59.4
Huwi ka naman ni Lorena noon.
08:02.4
Mabilis akong bumangon noon at nagtanong kung bakit kailangang humingi ng tulong sa kanila.
08:08.4
Ayon naman kay Lorena.
08:10.4
Basta daw hihingi lamang siya ng tulong.
08:13.4
Nagkakotob ka agad ako noon.
08:15.4
Kung hindi ako nagkakamali.
08:19.4
Aswang ang mga ito at kinukubli lang sakin ni Lorena.
08:24.4
Ilang saglit lang ay umalis na yung babae.
08:28.4
Ang sabi ni Lorena, yun daw ang kababata niya.
08:33.4
At ang pangalan nito ay Dina.
08:36.4
Lorena, magsabi ka nga sakin ang totoo.
08:40.4
Aswang sila, no?
08:43.4
Tanong ko.
08:46.4
Umamin si Lorena.
08:48.4
Sinadya niya daw ikubli para hindi ako matakot.
08:52.4
Pero ang pagpasok uman namin sa lugar.
08:55.4
Buwis buhay na umano.
08:59.4
Baka kasi nahimok ng kanyang lola ang mga nakatira dito.
09:03.4
Pero hindi naman pala.
09:05.4
Dahil kapag nangyari yun, sa bungad pa lamang ay may nangyari na sa amin.
09:10.4
Mantakin niya, Sir Seth.
09:13.4
Aswang pala talagang nasa paligid.
09:16.4
Nakalimutan kong angkan pala sila ng aswang.
09:19.4
Ang nasabi niya kanina na dumating na kami sa pugad nila.
09:22.4
Kasali na pala sa mga aswang ang mga tao roon.
09:25.4
Hindi na ako napanatag dahil doon.
09:28.4
Sabihin na natin hindi pa nahihimok ang mga residente roon pero
09:32.4
hindi na ako napanatag dahil doon.
09:35.4
Sabihin na natin hindi pa nahihimok ang mga residente roon pero
09:37.4
Sabihin na natin hindi pa nahihimok ang mga residente roon pero
09:41.4
kultura pa rin ang mga ito ang pagiging aswang.
09:45.4
Kung kaya alam ko sa sarili ko na nalalagay pa rin kami sa alanganin.
09:51.4
Pero parang wala lang yun kay Lorena.
09:55.4
Naisip ko tuloy na baka nagkukunwari lamang ito.
09:59.4
Nasa loob na ako ng puok na yun.
10:02.4
Kapag may ginawa sila sa akin, wala akong takas.
10:07.4
Oo, hindi niya sinalo ang pagiging aswang.
10:12.4
Pero naiisip kong pakanalang niya ito para ipakain ako roon.
10:17.4
Posible diba?
10:20.4
Minatsyagan ko ang mga kinikilos ni Lorena.
10:23.4
Hanggang sa tumabito sa akin at sumandal pa sa balikat ko.
10:27.4
Na parabang wala lang.
10:30.4
Kinakalikot pa ang mga daliri ko sabay tingin sa aking mga mata.
10:35.4
At niingiti nun.
10:37.4
Inilalapit pa nito yung kanyang lapi.
10:40.4
Papikit-pikit pa ang kanyang mga mata.
10:44.4
Iniiwas ko ang mukha ko nun.
10:47.4
Sumimangot naman ang itsura niya.
10:50.4
Ang sabi, hindi ko daw ba siya hahalikan?
10:54.4
Alam ko na talaga na nililinlang lamang ako ni Lorena.
10:59.4
Hinigpitan niya ang pagkakakabit sa akin.
11:02.4
Tapos inilapit niya ang mukha niya kahit panay naman ako nang iwas nun.
11:07.4
Aray!
11:08.4
Aray ko!
11:09.4
Ba't mo naman ako sinampal?
11:12.4
Ang sakit nun ha, Lorena?
11:15.4
Ano bang problema mo, Tarot?
11:17.4
Gusto mo ako o hindi?
11:19.4
Baka nagsasayang lang ako ng oras ha.
11:22.4
Napili ko yung maling tao.
11:25.4
Teka, teka.
11:27.4
Naguguluhan ako sa sitwasyon kasi, Lorena.
11:30.4
Hindi kaya ipapakain mo ako dito?
11:33.4
Magsabi ka nga sa akin ng totoo.
11:35.4
Inaakit mo ako para malin lang ako, no?
11:40.4
Muli na naman akong nakatikim ng sampal sa kanya.
11:44.4
Wala bang mano akong tiwala?
11:46.4
Siyempre ako naman noon.
11:48.4
Sinabi ko kaagad ang kutob ko.
11:51.4
Weirdo kasi ang nangyari.
11:54.4
Mantakin niyo.
11:56.4
Nasa loob ako ng lugar na yon.
12:00.4
Dito ako iniiwan ng mga magulang ko.
12:02.4
Dahil ang mga aswang dito.
12:05.4
Taliwas sa iba.
12:07.4
Namumuhay ng normal.
12:10.4
Hindi kumakain ng tao.
12:13.4
Ba't ka nakatulala?
12:15.4
Kulang pa ba yon?
12:17.4
Baka gusto mo isa-isain natin yung bahay dito.
12:20.4
Dadalin ba kita dito kung hindi tayo ligtas?
12:23.4
Nakita mo naman siguro yung reaksyon ni Dina kanina, diba?
12:27.4
Kung may masama pa sa kanya,
12:29.4
dapat galit yon.
12:30.4
Duwag ka lang kasi.
12:33.4
Wika ni Lorena.
12:35.4
Ano daw?
12:37.4
Dadalin niya daw ako sa lugar kung hindi ako ligtas.
12:40.4
Eh kakasabi pa lamang niya kanina na buwis buhay yung pagpasok namin doon eh.
12:46.4
Sa mga sandaling yon pala.
12:49.4
Naroon sa gilid si Dina.
12:51.4
Bumalik na ito kaya naman nahiya ako.
12:54.4
Hindi ako makatitig sa kanya.
12:57.4
Hanggang sa nagsalita si Dina.
13:00.4
Ang sabi nito,
13:02.4
pumapayag daw ang kanyang nanay na tulungan kami.
13:06.4
Ang nanay pala ni Dina ang may ranggo sa lugar.
13:10.4
Kumbaga, pinuno.
13:12.4
Dagdag pa nito,
13:14.4
naiintindihan niya umano ako.
13:17.4
Pero wag daw akong mag-alala dahil hindi sila masasamang aswang.
13:21.4
Maliban na lamang sa nakatira sa kabilang nayon.
13:25.4
Na kung saan ito yung mga aswang na gumagala kung saan.
13:30.4
Makapamiktima lang ng mga tao.
13:33.4
Sila umano ay nagtatsyagalang sa mga galanghayok.
13:37.4
Kung minsan ba, ang kinakain nila ay katulad din ang kinakain ng normal na tao.
13:43.4
Hindi sila naaasiwa sa mga pangontra.
13:47.4
Isang indikasyon na hindi talaga umano sila masama.
13:52.4
May magkakaibang lahi ang aswang tarot.
13:55.4
Iba kami kumpara sa pamilya ni Lorena.
13:57.4
Ibang dugo din ang pagiging aswang ang nananaligtay sa dugo namin.
14:02.4
Kami yung mga aswang na kayang makisalamuha sa mga tao na hindi naiiilang.
14:07.4
Lorena,
14:09.4
si nanay may pinuntahan.
14:11.4
Baka kasi mahimok yun ang lola mo kaya siniguro ng nanay.
14:15.4
Mga kadugo mo yun,
14:17.4
babalik yun mamaya.
14:19.4
Sambit ni Dina.
14:21.4
Para akong sinampal ng doble-doble noon.
14:23.4
Maliban sa palad ni Lorena, naroroon din ang kahiyan noon na halos hindi na ako makakibo.
14:37.4
Hinabot kami ng gabi.
14:39.4
Ang sabi ni Lorena,
14:41.4
kaya doon kami sa kamalig na yun para hindi mapansin na mga mapapabisitang ibang aswang.
14:48.4
Sinadya niya talaga para makaiwas.
14:51.4
Humingi naman ako ng pasensya sa kanya.
14:55.4
Ngumiti lamang ito sa akin.
14:58.4
Kung hindi ko pala inadyokan yung hahalik siya sa akin siguro,
15:02.4
nangyari na yung lapaan ng lion at tigre.
15:06.4
Napapangiti na lamang ako sa tuwing naaalala ko ang mga sandaling yun.
15:11.4
Ilang saglit lang,
15:14.4
may dumating na isang matandang babae.
15:17.4
Kasama nito si Dina
15:19.4
at isa pang lalaki na husto na sa edad.
15:23.4
Malaking tao yun.
15:25.4
Maitim na wariba,
15:27.4
bilad lagi sa araw.
15:30.4
Nakita kong niyakap si Lorena nung matandang babae.
15:34.4
Nagiyakan pa ang dalawa.
15:37.4
Tapos ang sabi ni Lorena,
15:39.4
ito na daw ang nanay ni Dina,
15:42.4
si Nanay Paz.
15:44.4
Nagmano ako bilang respeto,
15:46.4
kaso naiiilang ako noon dahil alam kong aswang nga yun.
15:51.4
Sabi pa nito,
15:53.4
magkasintahan daw ba kami ni Lorena,
15:56.4
pero hindi ako kumibunon.
15:59.4
Samantala,
16:01.4
bigla namang tumitig sa akin si Lorena na wariba may gustong sabihin pero,
16:06.4
nagdadalawang isip lamang ito.
16:10.4
Hanggang sa nabaling ang paksa sa iba,
16:13.4
ang sabi noong lalaki,
16:16.4
may dalawang tao o mano na gumagala sa lugar.
16:20.4
Kilala ko daw ba yun?
16:22.4
Kagad ko namang naisip si Tatay Simon at Tiyo Abing.
16:26.4
Kaya yun,
16:28.4
kahit hindi ako sigurado,
16:30.4
tumangu ako.
16:32.4
Yung isa ay Tiyo ko habang ang isa naman ang Tatay ko.
16:36.4
Dagdag ko pa,
16:38.4
sinusunda nila ang lola ni Lorena na si Manang Carmen.
16:43.4
Nagpakilala ang lalaking yun sa pangalang Ervin.
16:47.4
Sabi niya,
16:49.4
nalalagay o mano ang mga kaanak ko sa panganib.
16:52.4
Hindi daw dapat magkumpiyansa dahil maraming kalamay sa lugar si Manang Carmen.
16:58.4
Hmm,
17:00.4
etong lola mo talaga namumuro na Lorena.
17:03.4
May mga bagay kang hindi alam.
17:06.4
Ang lola mo ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo.
17:10.4
Hindi naman talaga sila nanalasa ng tao.
17:13.4
Taliwas sila sa lola mo.
17:17.4
Katulad namin sila na namumuhay ng tahimik.
17:20.4
Ipinapatay ng lola mo ang mga magulang mo.
17:24.4
Doon ito nangyari sa Negros.
17:27.4
Bago kanya iwan sakin,
17:30.4
may sinabi sakin ang nanay mo.
17:33.4
May lupaindo kayo sa Negros na kailangang mapuntahan.
17:37.4
Plano ng nanay mo ang lumikas nun.
17:40.4
Wika ni Nanay Paz
17:43.4
Natulala si Lorena.
17:46.4
Maging ako noon ay parabang binuhusan ng tubig.
17:50.4
Nagpatuloy sa pagsasalaysay si Nanay Paz nun.
17:54.4
Ayon pa dito,
17:57.4
magtungo daw sa Negros sa mga magulang ni Lorena.
18:01.4
Pinosanda nito ng apat na banggiitang aswang na taga rito.
18:06.4
Mga kaanak dinumanon ni Lorena yon.
18:09.4
Pinalabas lang na pinatay ng mga albulara.
18:12.4
Pero hindi naman yon totoo.
18:15.4
Nalaman niya ang detalya matapos mamatay.
18:18.4
Dahil nagpulong umano ang mga aswang sa kuta kasama ng lola ni Lorena.
18:25.4
Ito na rin ay base sa namatay na asawa ni Nanay Paz.
18:29.4
Dahil nagmama si dito roon.
18:32.4
At doon ay narinig ng asawa ni Nanay Paz na pinatay na umano nila ang mga magulang ng dilag.
18:38.4
Patay na umano ang mga hadlang.
18:40.4
At balakid sa kanilang buhay.
18:44.4
Dagdag pa ng matanda.
18:47.4
Yun din ang dahilan kung bakit pinatay ang asawa ni Nanay Paz.
18:51.4
Para manatiling tahimik ang pangyayari.
18:55.4
Natiktikan kasi itong nagmamasid.
18:58.4
At ilang araw ay pinatay.
19:01.4
Pagkatapos daw noon,
19:04.4
itong mga sandaling kinuha na si Lorena ng kanyang lola sa puder nila Nanay Paz.
19:08.4
Napahagulgol ng iyak itong si Lorena.
19:12.4
Samantalang ako naman, nabasag ang paniniwala kung lahat sila ay masama.
19:18.4
Nabasag din ang paniniwala ko patungkol sa mga magulang ni Lorena.
19:23.4
Mababait pala mga ito.
19:27.4
Ang masama ay ang kanyang lola.
19:30.4
Damangdama ko noon ang sakit na nararamdaman ni Lorena.
19:34.4
Sino ba namang hindi mawibindang sa rebelasyong iyon?
19:38.4
Malamang sa malamang,
19:41.4
pinaniwala itong si Lorena sa maling katotohanan.
19:45.4
Nagsisisigaw si Lorena.
19:48.4
Naglaka dito patungo sa puno ng akasya.
19:52.4
Dinuduro ang lugar kung saan naroon ang kuta ng kanyang angkan.
19:57.4
Ang sabi pa nito,
20:00.4
sana ay mamatay umano ang lahat ng sangkot sa pagkapaslang sa kanyang mga magulang.
20:06.4
Kagad akong lumapit sa dilag.
20:09.4
Yumakap ito sa akin.
20:12.4
Pinakalma ko siya at sinabi ang maghunos dili.
20:15.4
Mahahanapan din ang hustisya ang pagkamatay ng kanyang tatay at nanay.
20:20.4
Lumapit naman sa amin si Erto.
20:24.4
Kumikilos na daw ngayon ang mga kauri ni Nanay Paz.
20:28.4
Nasagipin umano ang tatay at tiyo ko.
20:32.4
Yan ay kumbuhay pa mga iyon.
20:35.4
Bagamat nasa punto na ako noon ang pagpapalakas ng noob ni Lorena.
20:40.4
Pero nag-aalala naman ako sa kalagayan ng sarili kong pamilya.
20:44.4
Gulong-gulo ang isip ko noon.
20:47.4
Wala naman ako magagawa.
20:50.4
Sino ba ako para gumawa ng akbang para lutasin ang problema?
20:54.4
Ilang saglit pa.
20:57.4
Umalis na si Erto.
20:59.4
Pero babalik din ito kaagad para ipaalam ang sitwasyon.
21:02.4
Tumangu lamang ako noon.
21:05.4
Inalalayan ko si Lorena doon sa may kamalig.
21:09.4
Pagkarating namin,
21:12.4
natuwa ako dahil may mga pagkain.
21:15.4
Manok na inihaw,
21:17.4
tsaka kamote.
21:19.4
Ang problema nga lang ay walang lasa yung manok na iyon.
21:23.4
Para bang nerekta lamang sa paglagay sa nagbabagang apoy,
21:27.4
matapos tanggalan ng balahibo at laman loob.
21:29.4
Sa bagay, aswang nga naman sila.
21:35.4
Pero kahit papano, nalagyan ng laman ang tiyan ko.
21:41.4
Malalim na ang gabi noon, hindi pa rin natutulog si Lorena.
21:47.4
Nasa gilid ko lamang siya, pero magkahawak kamay kami.
21:52.4
Para na rin gusto kong sanayin ang sarili ko.
21:56.4
Si Lorena,
21:59.4
galit at paghihinagpis.
22:02.4
Pero ang nararamdaman ko noon,
22:04.4
parang may halong pagiging aligaga at saya.
22:08.4
Napakalandi ko noon.
22:11.4
Hanggang sa nagsidatingan sila Erto at Dina.
22:15.4
Ang sabi ng mga ito,
22:17.4
kailangan daw naming lumikas.
22:20.4
Ang kaanak ko Mano ay nasalba
22:23.4
at kasalukuyang noong inilalayon sa lugar.
22:25.4
Pero sinusundan ng napakaraming kaanak ni Lorena.
22:31.4
At tiyak may mangyayaring malaking gulo.
22:35.4
Dahil alam ng kanilang panig na ang tumulong ay walang iba kung hindi ang mga sakop ni Nanay Paz.
22:42.4
Mabilis kaming bumalikwas noon.
22:45.4
Si Lorena bagamat medyo natataranta pero hindi maalis sa muka yung galit.
22:51.4
Nagmungkay si Erto na sumunod kami sa kanya.
22:56.4
Samantalang si Dina noon ay nagpaiwan.
22:59.4
Pero mabilis itong nagtungo sa may kakahuyan.
23:02.4
Wari ba'y sa ibang direksyon ito dadaan?
23:06.4
Hanggang sa makausad kami doon sa lugar.
23:10.4
Nakita ko ang ilang taong naroroon na at nakaantabay.
23:16.4
Medyo kinabahan pa ako noon gawa ng akala ko kalaban na eh.
23:21.4
Kaso nakita ko si Nanay Paz.
23:25.4
Damit lang ang nakikilala ko dito gawa ng madilim na.
23:29.4
Pero halata sa kanyang buhok na wari ba'y gumagalaw yun.
23:33.4
Nakakakilabot.
23:38.4
Dumerecho kami noon sa kung saan kami dumaan ni Lorena.
23:42.4
Basta takbo lang ng takbo.
23:45.4
Sa bawat gilid namin ay nakikita ko ang maliliksing mga tao.
23:49.4
Na para bang ihahatid kami ng mga ito sa labas ng teritoryo.
23:56.4
Hanggang sa ilang saglit lang.
23:59.4
Nakailingan ko na lang noon ang kalabugan na may kasama ng ungol.
24:04.4
Napahinto ako noon.
24:07.4
Maging si Lorena.
24:09.4
Si Erto naman ay huminto din pero bumalik yun.
24:13.4
Hindi na masyadong detalyado pero nakikita kong may nagbubuno sa may kakahuyan.
24:19.4
Nakakakilabot ang mga tinig na para bang mga dambuhalang asong nag-aaway.
24:26.4
Hinila ko si Lorena.
24:29.4
Kumabig kami noon sa gilid ng isang puno.
24:33.4
Hanggang sa narinig ko ang boses ni Tio.
24:37.4
Kagad kong pinakiramdaman kung saan nang galing sa likod namin yun.
24:43.4
Bukod pa dyan ay may boses din ng ibang tao.
24:46.4
Parang pabalik din sila at gustong tumulong.
24:51.4
Hindi nga ako nagkamali noon.
24:54.4
Nakita ko ang Tio na napadaan.
24:58.4
Ilang distansya lamang ito sakin.
25:01.4
Si Tatay naman na huli na para bang hapong hapon na ito dahil lakad na lang ang ginagawa niya.
25:09.4
Ako noon ay hindi na nakapagpigil pa.
25:13.4
Binunot ko ang bagakay na nakasuksok sa likuran ko.
25:16.4
Sinabihan ko si Lorena na huwag aalis dahil tutulong ako noon.
25:21.4
Huwag. Dito ka lang.
25:24.4
Sabi ni Lorena.
25:26.4
Pero hindi ako nakinig sa kanya.
25:29.4
Disidido na ako noong makipagpatayan lalot naroon-roon si na Tio at Tatay Simon.
25:35.4
Ano ba namang nakain itong si Lorena eh? Bumuntot talaga sakin si Arseth.
25:41.4
Nagdadalawang isip tuloy ako noon.
25:43.4
Hanggang sa hindi ko na malayan na may nakaabang pala.
25:48.4
Nasa damuan ito na bigla na lamang lumundag sa harapan ko.
25:53.4
Sa bilis ng pangyayari noon, hindi ako nakapaghanda.
25:59.4
Natumba ako sa lupa at nagpagulong-gulong.
26:03.4
Inuundayan ko ng pagsaksak ng bagakay yung sumunggab sakin noon.
26:08.4
Bigla na lamang itong umatungal na parabang asong sinipa.
26:14.4
Tapos umalis.
26:16.4
Kagad ko namang hinagilap si Lorena.
26:19.4
Nagsisisigaw ito sa dilim at hindi ko na siya makita noon.
26:24.4
Kung hindi ako nagkakamali noon ay may dumukot sa kanya.
26:28.4
Sinundan ko ito at buong tapang nasinoong masukal na lugar.
26:33.4
Yung kalabugan, parami ng parami.
26:36.4
Kasama na doon ang tinig nila tiyo at tatay.
26:42.4
Hindi ko na alam ang gagawin ko noon pero inuna ko si Lorena.
26:47.4
Hanggang sa ilang saglit lang, nakita ko siyang nasa ibabaw ng malaking bato.
26:54.4
May dalawang kasama ito.
26:57.4
Nakadapa yung isa habang yung isa naman.
27:01.4
Ipit-ipit ang dalaga.
27:03.4
Dali-dali akong pumanhig.
27:07.4
Akala ko'y madali lang.
27:10.4
Kaso napakadulas pala doon.
27:13.4
Nagkanda ungas-ungas na ang mukha ko sa bato at bumagsak pa ako pababa.
27:18.4
Hindi ito yung tipo ng kwento na superhero, Sir Seth.
27:22.4
Yun bang walang lampa?
27:25.4
Hirap naman itago eh.
27:27.4
Gawa nang yun naman talagang nangyari.
27:30.4
Pagkabagsak ko sa lupa.
27:33.4
Linundagan naman ako ng isa noon.
27:36.4
Sugatan ito.
27:38.4
At aminado ako sa sarili ko na ito na yung sumunggab sakin kanina.
27:43.4
Pero sa kabila ng lahat ay matibay pa rin yun.
27:47.4
Nakasimangot ang mukha at halatang may masakit sa katawan niya.
27:52.4
Ang postura ng pagiging aswang nito,
27:55.4
naging malinaw sakin.
27:58.4
Magkakaparehan ng figura kay Manang Carmen.
28:01.4
Pero makisig ito.
28:04.4
Hinuman ko naman kaagad ang baga kay noon.
28:07.4
Tapos inaambahan ko ito ng pagsaksak.
28:10.4
Kasabay ng pangyayaring yun ay panaysipat ko kay Lorena.
28:15.4
Hindi na ito makasigaw.
28:18.4
Gawa nang nakatakip ang kamay ng nilalang na umiipit sa kanya.
28:23.4
Ilang saglit pa ay may lumapit sakin ng isa pang nilalang.
28:27.4
Umatras ako at humahanap ng tsyempo noon.
28:31.4
Alam kong malakas sila at nakatsyamba lamang ako kanina.
28:36.4
Hanggang sa bigla na lamang itong sumugod.
28:40.4
Kagad kong sinalubong ng pagsaksak gamit ang baga kay.
28:45.4
Pero dumulas lamang ito, dahilan para mabangganya ako.
28:50.4
Pero naikabig ko kaagad ang paako hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakatawan.
28:55.4
Tinarak ko ang baga kay na yun sa batok niya.
29:00.4
Doon ito bumahon.
29:03.4
Napuruhan ko ito at kaagad bumitaw.
29:06.4
Akala ko pa ay papalag ulit.
29:09.4
Kaso sumirit na ito ng takbo.
29:12.4
Daladala pa niya ang baga kay na nakabaon sa batok niya.
29:17.4
Matapos noon ay pumanhik ako ng bato.
29:21.4
Pero sa likuran na ako dumaan.
29:23.4
Nang marating ko,
29:24.4
ang itaas ay naging malinaw sa akin ng isang aswang na yun.
29:29.4
At kung hindi ako nagkakamali.
29:32.4
Ito si Manang Carmen.
29:35.4
Umatras pa yun ng bahagya habang hila-hila si Lorena.
29:41.4
Bitawan mo siya, Manang.
29:43.4
Pakiusap.
29:44.4
Pakawalan mo yung abo mo.
29:46.4
Huwag mo siyang gawin katulad mo.
29:49.4
Bungad ko sa kanya.
29:50.4
Hindi nagsalita si Manang Carmen.
29:54.4
Gumisi lamang ito at bigla na lamang hinila pa ba ba ng batong yon si Lorena.
30:00.4
Kitang-kita ko kung papano gumulong ang dalaga.
30:05.4
Dumaing pa ito gawa ng nasaktan.
30:08.4
Kinaladkad ng matanda ang dalagita.
30:12.4
Ako naman noon ay walang nagawa.
30:15.4
Hindi ako makapanglaban.
30:17.4
Wala na akong sandata.
30:21.4
Kung kaya naman sinundan ko na lamang nang sinundan sila.
30:25.4
Pero habang nangyayari yon.
30:28.4
Sigaw ako ng sigaw ng tulong.
30:31.4
Kung hindi ako nagkakamali.
30:34.4
Nakarating na kami noon malapit sa ilog.
30:37.4
Ito yung ilog na tinawid namin ni Lorena.
30:40.4
Pero nasa itaas banda.
30:43.4
Na kung saan sobrang sukal doon.
30:45.4
Atuloy pa rin ako sa pagsisisigaw.
30:49.4
Ilang saglit lang ay dumating si Dina.
30:52.4
Sus Maria.
30:55.4
Napakapangit ng mukha niya.
30:57.4
Madilim man doon pero naaaninag ko kahit papano.
31:01.4
Kung tutuusin ay magkapareha lamang ang mga aswang kong umasta.
31:07.4
Ang diferensya ay ang kanilang itsura.
31:12.4
Si Manang Carmen.
31:15.4
Bagsak ang buhok pero ang uri ni Dina.
31:18.4
Lumulutang ito sa ere na wari ba may sariling buhay.
31:23.4
Dumating din si Erto.
31:26.4
Nasa taong pustura lamang ito pero parang gustong kumain ng tao kung makatitignan.
31:32.4
Pinalibutan nila si Manang Carmen at si Lorena.
31:37.4
Ako noon kumilos na rin.
31:40.4
Basta nagbali ako ng kahoy para gawing pamalo.
31:45.4
Dito na nagsalita si Manang Carmen.
31:48.4
Ang sabi, walang sino mang makakalapit dahil kung hindi ay papatayin niya umano si Lorena.
31:56.4
Si Lorena noon ay parang hinimatay na.
32:00.4
Nakayuku na lamang kasi.
32:03.4
Sabalikat nakahawak sa kanya si Manang Carmen noon.
32:06.4
Habang kinakalagkad ng dahan-dahan.
32:10.4
Hanggang sa bigla na lang sumunggap itong si Dina.
32:13.4
Dahilan namang nabitawan ng matanda ang dilag.
32:17.4
Doon na lumusob si Erto.
32:20.4
Parang mga asong pinagtutulungan nila si Manang Carmen.
32:24.4
Hanggang sa nakarating pa sila sa ilog dahil sa pagbubu noon.
32:29.4
Hindi ko na sila nakikita pero rinig ko ang nakakakilabot na mga tinig.
32:35.4
Kagad kong nilapitan si Lorena.
32:39.4
Sinubukan kong buhatin pero...
32:41.4
Napakabigat pala niya.
32:44.4
Malaking babae kasi ito.
32:47.4
Baling kinitan pero matangkad pa sakin.
32:50.4
Ang ginawa ko ay kinarg ako na lamang siya sa mailikuran.
32:54.4
Humawak naman siya nawari ba may malay pero...
32:58.4
Hindi masyado malakas.
33:00.4
Lupay pa si Lorena sa madaling salita.
33:04.4
Para akong lasing na nagpasuray-suray sa kakatakpo habang buhat-buhat siya.
33:09.4
Nagkabangga-bangga pa nga ako sa hindi ko matukoy na puno noon.
33:15.4
Walang pinatutunguhan ng direksyon.
33:19.4
Hindi ko alam kung saan ako lulusot.
33:22.4
Basta ang alam ko lang.
33:24.4
Takbo lang ng takbo at nilalayo ko si Lorena.
33:28.4
Parang ginabayan kami ng ama.
33:31.4
Nakarating kami doon sa lugar kung saan kami nagtago ni Lorena.
33:35.4
Natatanong ko ng ilang mga tao sa unahan.
33:38.4
Nakatayo lang at wala na yung kalabugan at ungol.
33:42.4
Nang masipatan ko ang tatay.
33:45.4
Gumaan ang loob ko.
33:48.4
Para bang doon pa lang ako nakaramdam ng matinding pagod.
33:52.4
Bumagsak ako sa lupa habang akay-akay si Lorena noon.
33:57.4
May umalalay sa akin.
34:00.4
Pero wala na.
34:02.4
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
34:05.4
Nawalan ako ng malay.
34:09.4
Nagising na lamang ako noon nasa isang bahay ang na hindi pamilyar sakin.
34:15.4
Malaking bahay yun pero gawa lang sa normal na kasangkapan.
34:19.4
Kahoy at may bubong na pawid.
34:22.4
Nasa gilid ako at nakikita ko sa bintana ang matatayog na kahoy.
34:27.4
Bumangon ako noon.
34:30.4
Gubat ang bubungad sakin.
34:33.4
Akala ko ay nasa lugar ako ni Nadina.
34:35.4
Kaya minabuti kong igala ang paningin.
34:39.4
Pero ang nakikita ko sa kapaligiran ng iba.
34:43.4
Hindi ito yung lugar ni Nadina.
34:47.4
Lumabas ako ng bahay.
34:50.4
Nakita ko ang tiyo na nasa bukana ng bakuran.
34:54.4
Nagtataba ako ito.
34:57.4
Kausap si Erto.
34:59.4
Nagpalinga-linga pa ako at tinahanap ko noon si Lorena.
35:03.4
Pero wala.
35:05.4
Hanggang sa makita ako ng tiyo.
35:08.4
Lumapit ito sakin at sinabing umuwi daw ang tatay.
35:12.4
Tumangon naman ako at sinabing,
35:15.4
Mabuti kung ganon.
35:18.4
Si Lorena.
35:20.4
Tiyo, nasan po siya?
35:24.4
Wala si Lorena dito.
35:26.4
Nasa lugar nila.
35:28.4
Kinakausap niya yung mga kamag-anak niya doon.
35:31.4
Para itigil ng alitan at bangayan ni La Paz at sa panig ng lahing nila.
35:35.4
Si Lorena.
35:37.4
Wika ni Tiyo.
35:39.4
Dagdag pa nito.
35:41.4
Nilibing na umano si Manang Carmen.
35:45.4
Napatay daw ito nila Dina at Erto.
35:48.4
Dumating din kasi si Nanay pa sa tatlo na silang nagtulong-tulong para patayin ng matanda.
35:54.4
Yung mga banggiitang aswang na pumatay sa mga magulang ni Lorena.
35:59.4
Dalawa dito ay patay na umano.
36:02.4
Pero ang isa,
36:03.4
nakatakas nun.
36:06.4
Nagtanong ako noon kung nasa ang lugar ba kami.
36:10.4
Pero ang sumagot nito ay si Erto.
36:14.4
Narito ka sa bahay namin.
36:17.4
Nasa baba lang ng lugar ang nai ni La Paz.
36:20.4
Hindi na kita ginising.
36:22.4
Pagod na pagod ka.
36:24.4
Pero humahanga ako sa iyo bilang tao ah.
36:28.4
Gusto mo pong puntahan si Lorena?
36:31.4
Tara.
36:32.4
Teka, kumain ka muna.
36:35.4
Mungkahi ni Erto.
36:38.4
Si Tiyo noon ay mitina para bang maibig sabihin.
36:42.4
Tapos ay kinindatan nito si Erto at sinabing,
36:46.4
Ipapakasal natin si Tarot at Lorena.
36:49.4
Naglampungan yung dalawa sa bahay.
36:52.4
Panagutan mo yung babae, Tarot, ha?
36:55.4
Ano? Anong panagutan? Wala namang nangyari sa amin eh.
36:59.4
Tumabi lang, may ibig sabihin na ba doon? Wala naman eh.
37:05.4
Anong ginagawa niyo sa loob ng kumot?
37:08.4
Nagdarasal?
37:10.4
Hoy, lalaki ako.
37:13.4
Huwag mo kong ilagay dyan sa bulsan mo ah.
37:15.4
Sige kumain ka na.
37:17.4
Eh, umamin din pala sa amin si Lorena ah. May nangyari daw.
37:24.4
Napangangan na lamang ako noon.
37:26.4
Ano to? Pikot?
37:29.4
Sabi ko kay Tiyo.
37:31.4
Tumawa naman siya na waribay tuwang tuwa.
37:34.4
Patuloy ako sa pagpapaliwanag na walang nangyari.
37:38.4
Nakasinungalingan lamang ang lahat noon.
37:42.4
Bakit? Eh hindi mo ba gusto si Lorena, Tarot?
37:46.4
Ikaw bahala. Uwi na lang kami, Erto.
37:51.4
Mamaya pagbaba ng araw para hindi gaano mainit.
37:56.4
Habang wala kang malay pala, Tarot, para kay mag-asawang ni Lorena.
38:01.4
Tinan mo yung damit mo. Siya yung nagpasuot sa'yo yan.
38:05.4
Kita ko pa nga yung maliit mong alaga eh.
38:08.4
Tumabi siya sa'yo sa pagdulog.
38:11.4
Sinuri ko kaagad ang damit ko.
38:14.4
Hindi ko na nga kasuotan yun.
38:17.4
Tapos nakapantalon na ako ng kulduroy.
38:20.4
Ambil pa yun.
38:22.4
Nakakaya.
38:23.4
Nakita ni Lorena lahat sa akin noon.
38:27.4
Dagdag pa ng tiyo.
38:30.4
Si Lorena umano ang nagpunas sa katawan ko.
38:34.4
Maging sa maselang bahagi umano ng katawan ko noon.
38:39.4
Para akong binagsakan ng malupit na kidlat.
38:43.4
Para akong nakuryente.
38:45.4
Nailalarawan ko sa isip ang nangyayari.
38:49.4
Sobrang nakakarimari maatigit pa sa sampal sa muka
38:52.4
ang kahihiyang nararamdaman ko.
38:55.4
Para akong batang paslit noon.
38:59.4
Kumakabog ng malakas ang dibdib ko.
39:03.4
Hanggang sa nagtungo na lamang ako sa kusina at kumain doon.
39:07.4
May nakain namang pagkain.
39:10.4
Hinihaw din yun pero hindi ko alam kung anong karne.
39:14.4
Habang kumakain, nakatulala ako noon.
39:19.4
Ilang saglit lang.
39:22.4
Narinig ko ang boses ni Lorena.
39:25.4
Naguusap sila sa labas.
39:28.4
Sinabi ng tiyo na gising na daw ako.
39:31.4
Natuwa naman ang dalagitan noon.
39:34.4
Napalunok naman ako ng laway.
39:37.4
Gusto kong magtago ah.
39:40.4
Alam kong papasok yun at sisipatin ako.
39:43.4
At yun nga ang nangyari.
39:45.4
Pumasok ito at tumabi sakin.
39:48.4
Nagmistula akong kandilang nakatirik na hindi man lamang magawang makasal.
39:52.4
Nakabalingon sa kanya.
39:55.4
Aminado ako noong nakatitig ito sakin pero
39:58.4
nakabaling ang atensyon ko sa malayo.
40:01.4
Sobrang lakas ng kaba ng dibdib ko noon.
40:05.4
Hinaplos ni Lorena ang noo ko.
40:08.4
Ang sabi nito,
40:10.4
pinagpapawisan daw ako ng malamig.
40:13.4
Nagtanong pa kung may masama ba sa katawan ko.
40:17.4
Ah...
40:19.4
Ah...
40:20.4
Ah...
40:22.4
Masama yung pakiramdam ko.
40:24.4
Paparang lalagnatin ako.
40:27.4
Pagkukunwari ko,
40:29.4
na sana ay hindi ko na dapat sinabi yun.
40:33.4
Niyakap niya ako bigla.
40:36.4
Kumuha ito ng tubig at tinabot sakin.
40:39.4
Doon ko na inangat ang paningin ko at nakikita ko ang mapupungay niyang mga mata pero,
40:45.4
maganda pa rin.
40:47.4
Hindi ko na alam ang gagawin ko noon.
40:50.4
Dumaan ako sa panliligaw.
40:53.4
Oo.
40:54.4
At aminado ako doon na hindi pa ako sinasagot ni Lorena.
40:59.4
Pero parang dumerecho ata sa pagiging asawa.
41:03.4
Sinong babae yung magbibihis sayo, diba?
41:07.4
Uugasan yung katawan mo nang hindi man lang naiilang.
41:10.4
Kinikilabutan ako dahil alam kong nagalaw niya rin yung ano eh.
41:16.4
Alam niya na yan.
41:17.4
Partida.
41:19.4
Hindi ko pa siya nahahalikan.
41:21.4
Pero parang na rin may nangyari sa amin.
41:26.4
Itong tiyo ko ay hindi ako tinatantanan.
41:30.4
Nasa likod ko pala at sinabing painumin daw ng gamot ang asawan ni Lorena.
41:35.4
Bababa ako ng nayon. May tindahan naman doon. Baka may gamot.
41:40.4
Sabat ni Lorena.
41:42.4
Hindi man lamang naasiwa sa sinabi ng tiyo ko si Lorena.
41:48.4
Mag-asawa daw kami. Pero wala siyang reklamo.
41:52.4
Parang gusto ko na rin tanggapin ang katotohanan pero...
41:56.4
Hindi talaga maganda sa isang babae yung ganun eh.
42:00.4
Malaking impluensya sa kanya ang pagkabilanggo sa kamay ng kanyang lola.
42:05.4
Kaya't inosenteng inosente si Lorena sa ganitong usapin.
42:08.4
Umalis nga si Lorena.
42:13.4
Ako noon ay hindi talaga ako nagsalita.
42:17.4
Nakatitig ako ng masama kay tiyo.
42:20.4
Itong si tiyo abing naman. May pagkamaloko din.
42:25.4
Parang sila lang din ang tatay ko pero...
42:28.4
Nang magkaroon ng asawa, tumi nuna.
42:31.4
Magseryoso ka, Tarot!
42:34.4
Kawawa yung babae oh. Huwag mong lulokohin.
42:38.4
Langiya ka kapag ako nabanas sayo, ayahari ka sakin.
42:42.4
O bakit iyo?
42:44.4
Seryoso naman ako ah.
42:46.4
Kung magsalita kayo parang pinipikot nyo naman ako eh.
42:49.4
Walang ang nangyari sa amin.
42:52.4
Nanligaw ako sa kanya pero pinag-iisipan niya pa.
42:55.4
Eh, hindi pa siya handa diba?
42:58.4
Tapos ngayon ako pa yung lumalabas na umiiwas.
43:01.4
Eh, kausapin mo kasi eh.
43:04.4
Langiya ka naman oh. Harap-harapan eh.
43:07.4
Ako nalang yung nahihiya para sayo.
43:10.4
Mamayang gabi uuwi tayo.
43:13.4
Alam kong wala kang sakit.
43:15.4
Masigla naman yung mukha mo.
43:17.4
Sisiba tayo dito.
43:19.4
Tapusin mo yung pagkain mo.
43:21.4
Nilalangaw na.
43:24.4
Hapon na na makabalik si Lorena.
43:27.4
Parang wala lang.
43:29.4
Yung tipong walang pinagdaan ng pagsubok.
43:32.4
Pero halata sa kanya na maga ang mga mata.
43:34.4
Dahil siguro yun sa nangyari noong nakaraang gabi.
43:39.4
Naawa ako nun.
43:41.4
May galos ito sa paa at maging sa kanyang siko.
43:45.4
Dulot ito ng pagkalagkad sa kanya ni Manang Carmen.
43:49.4
Pero napakatibay niya.
43:52.4
Kinamusta ako kung may masama pa ba sa pakiramdam ko.
43:56.4
Sabi ko naman wala na.
43:59.4
Pero uminom pa rin ako ng gamot.
44:01.4
Ako lang siguro ang walang sakit na uminom ng gamot nun.
44:06.4
Siyempre ang hirap namang tangihan.
44:09.4
Pinaghirapan niya yun eh.
44:11.4
Ang pagsisinungaling ko noon ay tinutuok ko na lamang.
44:16.4
Nasa gilid lamang ako ng bahay nila Erto.
44:19.4
Si Tiyo naman ay naroon sa likod at nagpapahinga.
44:23.4
Si Lorena ay nasa loob ng bahay at abala ito sa paglilinis na waribay bahay din nila.
44:29.4
Umalis si Erto.
44:31.4
Hindi ko alam kung saan nagtungo.
44:34.4
Napakatahimik na Lorena.
44:37.4
Pero sumisimple siya nang tingin sa akin na para bang may gustong sabihin.
44:42.4
Pogi ko nun eh.
44:44.4
Ako naman kahit tiyang hiya ay pinilit kong magkungari na parang wala din.
44:49.4
Kinikindatan ko pa siya.
44:52.4
Ilang saglit lang ay dumating na si Dina.
44:55.4
Nakita ko ang mukha na waribay natataranta nun.
44:58.4
Humahangos pa ito at ang sabi.
45:02.4
Lorena! Lorena! Umalis na kayo ngayon din.
45:07.4
Yung mga kaanak mo, hindi lahat sumasangayon sa pakiusap mo.
45:12.4
Dumating ang ilan at yun ang mga kasamahan ng mga banggiitan kagabi.
45:17.4
Umalis na kayo hanggat hindi pa sumasapit ang gabi.
45:21.4
Sabi ko naman sa iyo, hindi sila mapagkakatiwalaan eh.
45:24.4
Pagkat talikod mo sa kapanaglitawan.
45:28.4
Kagad akong tumayo nun, si Tiyo naman ay lumapit sa amin.
45:34.4
Habang si Lorena nakatingin sa akin.
45:38.4
Yung tingin na parang aligaga.
45:41.4
Kayo na lang tarot ang umalis.
45:44.4
Tiyo, abing, alam niyo naman yung daan, di ba?
45:48.4
Magpapaiwan ako dito.
45:50.4
Sambit ni Lorena.
45:52.4
Teka, huwag ka.
45:54.4
Huwag ka magpaiwan.
45:56.4
Sumama ka sa kanila.
45:58.4
Sambit naman ni Dina nun.
46:00.4
Hindi, wala na akong babalikan doon.
46:03.4
Dito na lang ako.
46:05.4
Sige na Tiyo.
46:07.4
Tsaka ikaw tarot, umalis ka na.
46:09.4
Huwag na kayong babalik pa dito.
46:11.4
Pakiusap.
46:14.4
Nagkatitigan kami noon ng Tiyo.
46:17.4
Nakasimangot ang mukha niya.
46:19.4
Parabang galit na galit.
46:21.4
Tumango ang Tiyo at nagmungkay itong aalis na kami.
46:26.4
Tumalikod na siya at naglakad pero habang papalayo.
46:30.4
Walang hiya ka, tarot.
46:32.4
Ikaw yung dahilan eh.
46:34.4
Tara na.
46:36.4
Alam ko ang punto ng Tiyo.
46:39.4
Ramdam ko din ang pagsasalita ni Lorena na parabang may malalim na hugot yun.
46:45.4
Siguro ay napansin ko nito na naasiwa nga ako sa kanya.
46:49.4
Wala na.
46:52.4
Doon ko na sinabi na,
46:55.4
Lorena, kapag hindi ka sumama sa amin, hindi din ako uuwi.
47:02.4
Dito lang ako.
47:04.4
Hindi kita iiwan.
47:06.4
Pagkatapos kong magsalita noon, lumingon ng Tiyo na parabang naggulat ito.
47:14.4
Para saan naman yung sinabi mo?
47:17.4
Kung napipilitan ka lang huwag na.
47:19.4
Sige na, umalis na kayo.
47:22.4
Sambit ni Lorena.
47:25.4
Gusto kita.
47:26.4
Paano kita iiwan dito?
47:29.4
Tsaka, basta.
47:34.4
Ngumiti ang babae.
47:36.4
Sabi pa nito ay yun na lamang daw ang inaantay niya na matagal ko na daw binitawan.
47:42.4
Nagpaalam siya sa kababata na sasama siya sa amin noon.
47:45.4
Ako naman noon ay parang hihimatayin dahil buong loob ko na yun na pinasabog ko.
47:51.4
Matapos makapagpaalam, sumibat ka agad kami sa lugar.
47:57.4
Si Tiyo ay parang baliw. Tumakbo ng mabilis na iniwan kaming dalawa.
48:04.4
Wala kaming kibuan ni Lorena noon pero sa mga sandaling yun, hindi ako kinakabahan.
48:11.4
Sa likod ng mga kaganapang nakakapangilabot.
48:15.4
Kasama na roon ang kilig.
48:18.4
Nakauwi kami sa bahay.
48:21.4
Si Lorena ay hindi ko na pinadiretso sa kanila.
48:25.4
Bagkos ay doon na sa amin.
48:28.4
Si Tatay naman noon ay parang sumasangayon pa ito.
48:32.4
Si Nanay gulat na gulat.
48:35.4
Mabuti na lamang at naipaliwanag niyang lahat bago pa kami nakarating.
48:38.4
Kaya ang pagkagulat na yun, hindi na patungkol sa aswang kung hindi patungkol na sa amin ni Lorena.
48:49.4
Siyempre, dahil nasa bahay na namin si Lorena, ang hirap namang sabihin na walang nangyari.
48:57.4
Given na yun diba, nag-live-in kami ni Lorena.
49:02.4
Baga matumantong sa ganoon na parang happy ending pero,
49:06.4
hindi pa natatapos noon ang piligro.
49:10.4
Kontra sa mga kaanak ni Lorena.
49:14.4
Hindi ko na maididetali yun.
49:17.4
Dahil si Natiyo na ang umarap dito.
49:20.4
Apat lang yun.
49:22.4
Hanggang sa masid lamang sa bahay.
49:25.4
Si Erto ay tumulong na rin at doon ko nalaman na si Erto pala at si Dina ay mag-asawa.
49:32.4
Napapailing na lamang ako noon.
49:34.4
Ilang buwan pa lamang pala silang magkasama nang makabisita kami ni Lorena.
49:40.4
Yung mga banta, habang tumatagal ay unti-unting nawawala.
49:46.4
Ito na rin ay dahil sa tulong sa kauri ni Nanay Paz.
49:51.4
Basta sila Erto yun at may ilan pang mga kasama.
49:55.4
Hanggang sa na ikasal kami ni Lorena.
49:59.4
Yung simpleng pagsuyo ko sa dalaga,
50:02.4
na hindi ko akala yung angka ng aswang.
50:06.4
Ka-forever ko na pala.
50:09.4
Kahit ngayon nga, hindi ko lubos mapagtanto ang lahat.
50:14.4
Ang daming kabataan ngayon nakakasibol pa lamang.
50:18.4
Sobrang layo ng karanasan ko kumpara sa kanila.
50:22.4
Basta ito lang ang masasabi ko.
50:25.4
Una, huwag maghusga ka agad.
50:29.4
Huwag mag-isip ng tapos.
50:31.4
Siya sa atin maigi ang bawat pangyayari bago pa magbigay ng hukom.
50:37.4
Napakalaki ng twist dito sa kwento na ito.
50:41.4
Siguro naman ay naiintindihan ninyo ang mga pinupukol kong aral.
50:46.4
Ikalawa,
50:48.4
bigyan ng respeto ang babae kahit wala itong respeto sa kanilang sarili.
50:53.4
Hindi naman sa nila lahat ah.
50:56.4
May mga babae kasing sadyang malambot ang ilong.
50:58.4
Lalo na sa panahon ngayon.
51:01.4
At ang ikatlo,
51:04.4
sa maniwala man kayo o sa hindi,
51:07.4
totoo ang mga aswang.
51:10.4
Napakahirap nilang kilatisin.
51:13.4
Para lang din silang...
51:16.4
mga tao.
51:28.4
Pagkatapos,
51:30.4
mayroon tayong mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga