Close
 


Aso, halos isang buwang na-trap sa pader | Frontline Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Halos isang buwang na-trap sa loob ng pader ang isang aso sa Dasmarinas, Cavite. Para ma-rescue, kinailangan pang tibagin ang pader. #News5 | via Jenny Dongon Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:48
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Alos isang buwan na trapped sa loob ng pader ang isang aso sa Dasmariñas, Cavite.
00:04.9
Para ma-rescue, kailangan pang tibagin ang pader.
00:08.3
Nasa frontline na balitang yan si Jenny Doma.
00:12.3
Sa pagitan ng masikip at makitid na kongkreto mga pader na ito sa Dasmariñas, Cavite,
00:18.9
maririnig ang tahol ng isang aso.
00:23.4
Ang mga tahol na yan ikinabahala ng mga nag-aalalang residente.
00:27.5
Kaya itinimbri nila ito sa People for the Ethical Treatment of Animals o PETA
00:32.3
sa pangambang may natrapped na aso sa mga pader.
00:35.3
Katuwang, ang mga tauhan ng barangay, maingat na tinibag na mga rescuer ang pader.
00:41.9
Makalipas ang mahigit isang oras, dumungaw mula sa isang maliit na butas ang isang puting aso.
00:47.9
Baka sa kanyang muka ang pangihina. Punuli ng sugat ang kanyang uso.
00:57.5
Tumagal ng mahigit isang oras ang pagtibag sa pader bago tuluyang nakalabas ang aso.
01:02.6
Dito na tumambad ang halos butot balat niyang pangatawan.
01:06.9
Kwento ng mga residente, halos isang buwan nilang naririnig ang mga tahol mula sa pader.
01:12.1
Tingin ng PETA, tubig kanal ang tumulong sa aso para mabuhay.
01:16.0
Base sa investigasyon, ang dating nangungupahan ang nagpatayo ng mga pader kung saan natrap ang aso.
01:21.9
Hindi natin masabi kung sinadya o aksidente yung pagkakatrap ng aso na yun.
01:27.5
Pero siyempre, kung sakaling mapatunayan na sinadya yun, pwede siyang makasuhan dyan.
01:36.0
Pwede makasuhan yung pamilya na nag-iwan kay Wally doon.
01:40.4
Inaalam na ng PETA kung may dati bang amo ang aso at kung sinadya ang pag-ipit sa kanya sa simento.
01:46.4
Kung mapatunayang sinadya siyang itrap at iwan doon, maituturing itong paglabag sa Animal Welfare Act na isang criminal offense.
01:53.7
Ang sino mang lalabag dito, may kaparosahang aabot.
01:57.5
We are trying to trace them.
02:04.9
Kaya lang ang mahihirapan tayo dito ay walang witness, walang nag-come forward sa PETA para sabihin na ganun nga yung nangyari.
02:16.4
Pero umaasa kami na maging warning ito sa lahat na alagaan natin mabuti yung mga alaga natin,
02:23.2
siguraduhin natin na nabibigay natin yung tamang pag-aalaga sa kanila,
02:27.5
at huwag nating gawing option ang pag-abandon na sa kanila.
02:32.8
Makalipas naman ng halos tatlong buwan, heto na ngayon ang natrap na aso.
02:37.1
Pinangalanan siyang Wally ng PETA.
02:40.1
Malakas at maligsi na siya ngayon, kumpara nung una siyang nakita.
02:44.3
Now, Wally has gained several kilos.
02:47.8
He's very happy, very healthy.
02:49.6
He has a very, very strong appetite and he loves socializing with anyone he meets on the street, dogs or humans.
02:57.5
Much more settled in.
02:58.6
He's still working on getting over some trauma about loud noises.
03:02.1
Here, smile buddy.
03:06.2
Good boy.
03:08.2
Sa kabila ng trauma ang dinanas, malambing at hindi raw mahirap alagaan si Wally.
03:13.8
Sa ngayon, handa na si Wally sa bagong pamilyang gustong kumupup sa kanya.
03:18.6
Libre lang ang pag-adapt kay Wally.
03:20.2
Bisitahin lamang ang Ampon Alaga Facebook page para sa proseso.
03:25.3
Nagbabalita mula sa Frontline.
03:27.5
Jenny Dongon, News 5.
03:29.9
Mga kapatid, Jiggy Manikad po, iba na ang may alam at may pakialam sa panahon ngayon.
03:34.9
Para sa kongkreto, kumpleto at komprehensibong balitaan sa Frontline,
03:39.3
mag-follow at mag-subscribe sa social media pages ng News 5.